Professional Documents
Culture Documents
LAS Pagbasa Q3W7 8
LAS Pagbasa Q3W7 8
11
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
FILIPINO
IKATLONG KWARTER
IKAPITO AT IKAWALONG LINGGO
IKATLONG KWARTER
IKAPITO AT IKAWALONG LINGGO
Paano Sumulat?
Ito ang kauna-unahang tanong na madalas lumutang kapag kailangan na nating simulan
ang pagsusulat. Ang pagsusulat para sa karamihan ay isang malaking hamon. Natatakot tayo
sa mga blangkong papel na nakatambak sa ating harapan. Nakakatakot isipin ang posibilidad
ng pagkakamali, bukod pa sa katotohanang ang pinakamahirap na gawain sa pagsusulat ay ang
pagsisimula.
A. Paksa
Ang pagsusulat ay isang proseso ng imbensyon. Unang kailangang gawin ng
manunulat ang umisisp at bumuo ng mga bagay na maaring gawing paksa. Kailangang
nauunawan niya at mayroon siyang ganap na kaalaman sa lahat ng mahalagang
impormasyon tungkol sa napiling paksa upang magig epektibo ang pagsulat.
B. Mga Layunin
Natatalakay na sa mga nakaraang modyul ang layunin batay sa uri ng tekstong
isinusulat. Ngunit sa pangkahalatan ay napapasailalim lang ang mga ito sa mas
malawak na layunin ng isang sanaysay o sulatin na may ibat-ibang konteksto kung
bakit, para kanino, at para saan ang isinusulat. Narito ang ilang uri ng ganoong layunin:
C. Mambabasa
Dapat isaisip ng isang manunulat na may nagaganap na interaskyon sa pagsusulat.
Kung minsan ang manunulat ay may interaskyon sa kaniyang sarili kapag nagsusulat
siya ng taalarawan, halimbawa o isang liham na nangungumusta. Kailangang linangin
ng isang manunlat ang kakayahang makipag-ugnayan sa ibang tao. Dapat na alamin
niya kung sino ang susulatan, ano ang gusto niyang isulat, ano ang lawak ng kaniyang
pang-unawa, at iba pa (Badayos, 2000).
D. Wika
Mahalaga sa pagsusulat ang kakayahang gumamit ng wika. Ang paggamit ng
balarila, baybayan, at bantas ay kailangang tumugon sa mga alituntunin at
kumbensiyon. Kabilang sa paggamit ng wia ang kasanayan sa pagpili ng mga salita,
pagbuo ng mga pangungusap, at pagtatagni-tagni ng mga ito. Inaasahang may
kabuluhan ang mabubuong mga pangungusap. Kailangang maipakita ang kaisahan at
kaayusan ng akda, lalo na ang malinaw na pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipan upang
makabuo ng makabuluhang nilalaman.
Proseso ng Pagsulat
Ayon kina Stephen McDonald at William Salomone, mga may akda ng isang serye ng
batayang aklat sa pagsulat at pagbasa, may tatlong pangunahing bahagi ang proseso ng
pagsulat:
PAGLALAPAT
B. Bumuo ng sanaysay sa mga binibigay na paksa sa ibaba at i-apply ang mga elemento sa
pagsulat. Pumili lang ng isa sa mga paksa na ibinibigay.