Bayani Han

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sanggunian: https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fstorya-pilipinas.blogspot.

com%2F2014%2F11%2Fbayanihan-filipino-spirit-of-
cooperation.html&psig=AOvVaw1WT9yalDu7xOe1RQ80qJGU&ust=1637395267696000&source=images&cd=vfe&ved=0CAkQjRxqFwoTCLCCvID7o_QCFQAAAAAdAA
AAABAE

Noon pa man ay bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang bayanihan na nanggaling sa salitang “bayan”
at ang kaugaliang ito ay maaari nating ipagmalaki sa buong mundo. Ito ay isang uri ng pagtulong sa
kapwa lalo't higit sa panahon ng pangangailangan. Ito ay isa sa mga mahahalagang kaugalian na
mayroon ang mga Pilipino noon at ngayon sapagkat ang bawat isa ay nangangailangan ng tulong. Kung
ihahalintulad ang bayanihan sa kasalukuyan ay mayroon tayong bigayan ng mga relief goods ng mga
kilalang artista o tao sa mga naapektuhan ng sakuna gaya ng baha, sunog o lindol. Bagamat laganap sa
lipunan ang mga taong pansariling interes lamang ang prayoridad ay may ilan rin naman na
nagbabayanihan sa araw araw na pamumuhay gaya ng mga mangingisda o magsasaka. Ang kaugaliang
ito ay dapat nating mas pahalagahan at ipalaganap sa susunod na henerasyon ng mga Pilipino.

You might also like