Filipino 9 Q3 Week 6

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

1

6y
Aralin Filipino 9-Q3-W6
Paghahambing ng Kulturang Asyano
6 sa Makabagong Panahon Batay sa Epiko

Mga Inaasahan

Natitiyak kong marami na ang bansang iyong nalibot sa Asya sa mga


nagdaang aralin, dadagdagan pa natin ang pagpapalawak ng kaalamang ito
dahil ang bansang India naman ang ating lalakbayin. Sa araling ito, dadako
naman tayo sa isang akdang pampanitikan na tinatawag na Epiko. Tatalakayin
dito ang mga katangian ng isang epiko na wala sa ibang uri ng akda. Kasabay
rin nito, ay masasalamin mo ang kulturang Asyano.

Sa pagsisimula ng ating aralin inaasahan na ang sumusunod na


kasanayan ang iyong matatamo para sa isang komprehensibong pag-unawa:

A. Nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa epiko.


(F9PB-IIIg-h-54)
B. Natutukoy ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang epiko.
(F9PB-IIIg-h-54)

Alam kong nais mo nang magsimula sa ating aralin, pero subukin mo munang
basahin at sagutan ang paunang pagsubok. Isusulat mo ang sagot sa mga pagsasanay
sa nakalaang sagutang papel.

Paunang Pagsubok

Piliin ang letra na naglalaman ng tamang paglalarawan sa ibinigay na


salita.
1. Mahatma Gandhi
A. Kilalang bayani ng mga taga-India
B. Kasamang nagpoprotekta sa kalikasan
C. Katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan
D. Kaagapay ng mga taong nagnanais ng hustisya

2. Mother Theresa ng Calcutta


A. Nanguna sa kilusang nangangalaga sa kababaihang biktima ng krimen.
B. Nagtaguyod ng samahan na kumukupkop sa mga batang biktima ng trafficking.
C. Nagtayo ng organisasyong Missionaries of Charity Home of Joy for the Sick
Children.
D. Nagtatag ng grupong House of Hope and Happiness for the Abandoned Children
and the Elderly.

Modyul sa Filipino 9
Ikatlong Markahan: Ikaanim na Linggo
2

3. Epiko
A. Kuwentong binubuo ng mga kabanata
B. Tulang binubuo ng mga saknong at taludtod.
C. Akdang kakikitaan ng paglalakbay at kabayanihan ng pangunahing tauhan.
D. Panitikang tumatalakay sa mga isyu ng lipunan at pagbibigay ng opinyon ng
sumulat tungkol dito.

4. Namaste/Namaskar
A. Paglalagay ng mga kolorete.
B. Pagbibigay ng galang o pagbati.
C. Pagdadasal upang itaboy ang mga masasamang ispiritu
D. Paglalakbay sa isang pinaniniwalaang sagradong lugar o templo.

5. Taj Mahal
A. Gusaling sumisimbolo sa pagmamahalan nina Sha Johan at Mumtaz Mahal
B. Simbahang tirahan ng espiritu ng mag-asawang Shin Azwa at Kirju Azaban
C. Templong puntahan ng taong nais matupad ang kanilang mga kahilingan
D. Palasyong pinagdarausan ng mga malalaking patimpalak o pagtitipon.

Bago tayo magpatuloy, sulyapan nating muli ang nakaraang aralin tungkol sa
isang alamat. Susundan naman ito ng isang panibagong kuwento na sumasalamin sa
kultura at paniniwala ng mga taga-India, sana ay basahin mo ito nang mabuti.

Balik-tanaw

Bilugan ang icon na kung ang ibinigay na pahayag ay nagbibigay ng


TAMANG pangyayari patungkol sa akdang “Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t
Dalawang Trono” at naman kung MALI.

1. Sinabi ng batang Raja na kailangan pumasok sa isang mahabang


lagusan at makalabas ng buhay upang malaman kung sino ang
totoong asawa ni Mela.
2. Sa lugar na kung tawagin ay Bharat ay may naninirahan na
isang binata kasama ang kanyang ina, sila’y nasa hanay ng
Brahman na salat sa salapi.
3. Matapos magkuwento ng tatlumpu’t dalawang anghel, napagtanto
ng batang Raja na hindi nga siya karapat-dapat sa trono dahil
ang katungkulan ay tungkol sa kabutihan, lubos na katapatan at
pagiging makatarungan.
4. Sinabihan ang binata na maaari siyang pumunta sa isang sikat
na mangingisda sa kanilang bayan upang matulungan siya sa
kanyang problema tungkol sa impostor na dati niyang kaibigan.

5. Narinig ng isang espiritu ang balak ng binata na pag-alis kaya


nagplano ito na magbalat-kayo bilang lalaki upang maagaw ang
asawa at pamilya nito.

Modyul sa Filipino 9
Ikatlong Markahan: Ikaanim na Linggo
3

Pagpapakilala ng Aralin

Pamilyar ba sa iyo ang mga pangalang Mahatma Gandhi at Mother Theresa ng


Calcutta? Tama, pawang mga sikat silang personalidad dahil sa kanilang natatanging
kabayanihan. Kung si Gandhi ay nakilala dahil sa kaniyang mapayapang paraan ng
pakikipaglaban para sa pantay na karapatan ng kaniyang mga kalahi, si Mother
Theresa naman ay nakilala dahil sa kaniyang pag-aalay ng sarili upang pagsilbihan
ang mga inabandona at nangangailangan.
Sa Pilipinas ay nakapagpatayo pa ng isang organisasyon si Mother Theresa, ito
ay pinangalanang Missionaries of Charity of Hope for Sick Children sa Tayuman,
Manila.
Mayaman sa natatanging kultura at paniniwala ang bansang India na kanilang
kinalakihang bansa, binibigyan pagpapahalaga ang kabutihan, kagandahan at
katotohanan bilang mga elemento ng marangal na pamumuhay. Katumbas din nito na
ang tapat na pagmamahal ay hindi matutumbasan ng anomang yaman o posisyon.

Ngayong mayroon ka nang paunang kaalaman tungkol sa Epiko, maaari mo


nang basahin ang halimbawa nito mula sa bansang India.

RAMA AT SITA (Isang Kabanata)


Epiko ng India
Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva

Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa
kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila alam,
nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si Surpanaka, ang kapatid ni Ravana, na
hari ng mga higante at demonyo. “Gusto kitang maging asawa,” sabi nito kay Rama.
“Hindi maaari,” sabi ni Rama. “May asawa na ako.” Narinig ni Sita ang dalawa kaya
lumabas siya. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka. Nagselos nang husto si
Surpanaka. Sa galit ay bigla siyang naging higante. Nilundag niya si Sita para patayin.
Pero mabilis na nayakap ni Rama ang asawa at agad silang nakalayo kay Surpanaka,
siya namang pagdating ni Lakshamanan. “Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama.
Binunot ni Lakshamanan ang kaniyang espada at nahagip niya ang tenga at ilong ng
higante. “Sino ang may gawa nito?” sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid.
Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama. Sinabi niyang
nakakita siya ng pinakamagandang babae sa gubat at inalok niya itong maging asawa
ni Ravana ngunit tumanggi ang babae. Nang pilitin daw niya, tinagpas ng isang
prinsipe ang kaniyang ilong at tenga. “Tulungan mo ako, Ravana,” sabi pa nito.
Bihagin mo si Sita para maging asawa mo. “Naniwala naman si Ravana sa kuwento ng
kapatid, pumayag siyang ipaghiganti ito.
Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang sarili sa
kahit anong anyo o hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at Lakshamanan
ang makakalaban, tumanggi itong tumulong. “kakampi nila ang mga diyos,” sabi ni
Maritsa, “Kailangang umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita nang
hindi masasaktan si Rama. “Nakumbinsi naman si Ravana kaya nag-isip sila ng
patibong para maagaw nila si Sita.
Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang gintong
usa. Tinawag agad niya sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa na puno ng
mamahaling bato ang sungay. “Baka higante rin iyan,” paalaala ni Lakshamanan.
Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang kaniyang pana at busog.

Modyul sa Filipino 9
Ikatlong Markahan: Ikaanim na Linggo
4

“Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid. Parang
narinig ng usa ang sinabi ni Rama. Agad itong tumakbo kaya napasigaw si Sita, “bilis!
habulin mo ang gintong usa!” Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin
dumarating si Rama. Pinilit ni Sita si Lakshamanan na sumunod sa gubat. “Hindi,
kailangan kitang bantayan,” sabi nito. Ilang oras pa silang naghintay nang bigla silang
nakarinig ng isang malakas na sigaw. Napaiyak si Sita sa takot pero ayaw pa ring
umalis si Lakshamanan kaya nagalit si Sita. “Siguro gusto mong mamatay si Rama
para ikaw ang maging hari,” sabi nito kay Lakshamanan. Nasaktan si Lakshamanan
sa bintang ni Sita. Para patunayang mahal niya ang kapatid, agad siyang sumunod sa
gubat. Wala silang kamalay-malay na sa labas ay naghihintay si Ravana.
Sa gubat, napatay ni Ravana ang usa at bigla itong naging si Maritsa. Nagpanggap
naman si Ravana na isang matandang paring Brahmin. Nagsuot ng isang kulay kahel
na roba at humingi siya ng tubig kay Sita. Hindi nakapagpigil si Ravana. “Bibigyan
kita ng limang libong alipin at gagawin kitang reyna ng Lanka!”, sabi ni Ravana.
Natakot si Sita at nabitiwan ang hawak na banga!
Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana. Hinablot ni
Ravana ang mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karuwaheng hila ng mga
kabayong may malapad na pakpak. Nagsisigaw at nanlaban si Sita pero wala siyang
magawa. Lihim na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina Rama at Lakshamanan. Itinapon
niya ang mga bulaklak sa kaniyang buhok. Nagdasal siya na sana ay makita iyon ni
Rama para masundan siya at maligtas. Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng
isang agila ang sigaw ni Sita. Hinabol ng ibon ang karuwahe ni Ravana. Pinagtataga ni
Ravana ang agila at duguan itong bumagsak sa lupa. Pabalik na sina Rama at
Lakshamanan nang makita nila ang naghihingalong agila. “Dinala ni Ravana ang
asawa mo sa Lanka,” sabi nito bago mamatay. Sinunog ng magkapatid ang bangkay
ng agila. Pagkatapos ay naghanda sila upang sundan ang hari ng mga higante sa
Lanka. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo.
“Mahalin mo lamang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan.” Sabi ni
Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita. Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga
unggoy para salakayin ang Lanka. Sa labanang naganap, maraming kawal na unggoy
ang napatay pero mas maraming higante ang bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni
Rama si Ravana at silang dalawa ang naglaban.
Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang
hari ng mga higante. Tumakas ang iba pang mga higante nang makita nilang patay
ang kanilang pinuno. Umiiyak na tumakbo si Sita sa asawa. Nagyakap sila nang
mahigpit at muling nagsama nang maligaya.

Talakayin natin ngayon ang tungkol sa sanhi at bunga.


A. SANHI at BUNGA
Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na maaaring humantong sa isang bunga.
Halimbawa:
A. Nagalit si Ravana kay Rama dahil sa pag-aakalang tinapyas niya ang
tenga ng kapatid.
B. Sinabi ni Sita na walang pagmamahal si Lakshamanan kay Rama dahil ayaw
niyang sundan ang kapatid.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay laging nauuna ang bunga kaysa sa sanhi.
C. Naniwala si Sita na ang kanyang nakita ay isang gintong usa kaya siya nabihag
ni Ravana
Tandaan ito: Anong ideya o pangyayari ang naunang naganap (SANHI)? Ano ang
nangyari (BUNGA)?

Ngayon ay bibigyan kita ng mga gawain upang matiyak kong naunawaan


mo ang ating tinalakay.

Modyul sa Filipino 9
Ikatlong Markahan: Ikaanim na Linggo
5

Mga Gawain

Gawain 1 Pagpapalawak ng Talasalitaan


Ilagay ang sumusunod na mga salita sa ibabang tsart ayon sa hinihingi
nitong kategorya.

nag-aagaw- buhay nahagip nagbabakasakali papunta

bitag matapat ayaw maniwala hindi alam ang nangyayari itinayo

A. Piliin sa mga salita sa kahon at isulat ang kasingkahulugan ng mga salita sa ibaba.
SALITA KASINGKAHULUGAN
1. patibong
2. naghihingalo
3.walang kamalay -malay

B. Piliin sa mga salita sa kahon at isulat ang kasalungat ng mga salita sa ibaba.
SALITA KABALIKTARAN
1. pabalik
2. itinulak
3. nagsinungaling

Gawain 2: Mga Gabay na Tanong


1. Paano pinatunayan ni Rama na siya ay tapat na umiibig kay Sita?

2. Magbigay ng pangyayari sa epikong Rama at Sita na di- kapani-paniwala.

3. Sa kabila ng kapangyarihang taglay ng magkapatid na Surpanaka at Ravana, ano


pa kaya ang kulang sa kanila? Ipaliwanag.

4. Magbigay ng isang katangian ni Rama na taglay ng isang bayani.

5. Magbigay ng kinahinatnan o naging bunga ng mga sumusunod na pangyayari batay


sa akdang binasa.
A. Nagsinungaling si Surpanaka sa kaniyang kapatid tungkol sa tunay na dahilan
ng pagkakatagpas ng kanyang tenga at ilong.
________________________________________________
B. Pagdududa ni Sita sa katapatan ni Lakshamanan sa kapatid
_____________________________________________________________
C. Ang pagnanais ni Sita na mahuli ang nakitang gintong usa
____________________________________________________________
D. Ang paghingi ng tulong ni Rama sa hari ng mga unggoy
____________________________________________________________
E. Ang pag-alok ni Ravana na ibibigay nito ang lahat kay Sita pumayag lamang na
magpakasal sa kanya
____________________________________________________________

Modyul sa Filipino 9
Ikatlong Markahan: Ikaanim na Linggo
6

Rubrik sa Pagwawasto Bibigyan ka ng sumusunod na


Mga Katangian ng sagot: puntos:

➢ Nakapagbigay ng sagot sa 10 – taglay ang 3 pamantayan


lahat ng tanong 7 – dalawang pamantayan
➢ Mahusay ang pagkakabuo ng 4 – isang pamantayan
pangungusap
➢ Malinaw ang nais iparating na
sagot

Magaling! Natapos mo ang mga gawaing ibinigay. Patuloy mo pang dagdagan


ang iyong kaalaman.

Tandaan

Ang Epiko ay kuwento ng kabayanihan ng pangunahing tauhan kung saan


taglay nito ang di pangkaraniwang lakas o kapangyarihan sa pakikipaglaban. Ang
isang Epiko din ay puno ng mga di pangkaraniwang pangyayari na kapapalooban ng
mga tagpong puno ng kababalaghan. Nakapokus ang pagtalakay nito sa mga
pangyayaring maalamat o historikal na may kabuluhang Pambansa o Unibersal.
Mayroon ding pagpapakilala ng puwersang supernatural na humuhubog sa aksyon,
tunggalian sa anyo ng mga labanan o ng iba pang uri ng pagtatagisang pisikal ng mga
tauhan.

Nagmula sa bansang India ang epikong Rama at Sita.

Isa sa kilalang gusali sa India ang Taj Mahal, pinaniniwalaang pinatayo ito ng
isang nagngangalang Sha Jahan bilang simbolo ng pagmamahal niya sa asawang si
Mumtaz Majal.

Namaste o Namaskar ang tawag sa paraan ng mga taga-India upang ipakita


ang kanilang pagbati o paggalang sa iba.

Isagawa mo pa ang sumunod na gawain upang mailapat mo ang


iyong mga natutuhan.

Pag-alam sa Natutuhan

ISIPIN MO: Mag-isip ng kasalukuyang pangyayari sa ating bansa o sariling hatol


na maaaring iugnay ayon sa ibinigay na pahayag.

A. Kung itinuring na bayani sa Epikong Maituturing na bayani si/ang mga


Rama at Sita si Rama sa kasalukuyang __________________________________ dahil
panahon, sino sa kasalukuyang panahon ________________________________________
ang maituturing mong bayani at bakit?

Modyul sa Filipino 9
Ikatlong Markahan: Ikaanim na Linggo
7

B. Kung si Surpanaka ay nagpakita ng Dapat kong iwasan ang/mga


kasinungalingan, pagiging makasarili at
inggit kung kaya napahamak ang _______________________________ dahil
kaniyang kapatid na si Ravana, ano pa
ang ibang bagay na maaaring magpa-
hamak sa isang kabataan na dapat
iwasan?
C.Natalo ni Rama si Ravana dahil na rin Kung ako ay bibigyan ng kapangyarihan, ito
sa taglay nitong di maipaliwanag na ay ang ________________________________
lakas, kung bibigyan ka ng isang
katangi-tanging kapangyarihan
(super powers), ano at paano mo ito
gagamitin?
D.Sa akdang Rama at Sita ay makikita Sa akdang Rama at Sita, ay nakita ko ang kultura
mo ang maganda at napakayamang at paniniwalang Asyano na
kultura ng mga taga-India. Maaari ka _______________________________________
bang magbigay ng isang kultura
o paniniwala na iyong nakita sa akda
na makikita mo rin dito sa Pilipinas?

Rubrik sa Pagwawasto Bibigyan ka ng sumusunod na


Mga Katangian ng sagot: puntos:

➢ Nakapagbigay ng sagot sa lahat 5 – taglay ang 3 pamantayan


ng tanong 3 –dalawang pamantayan
➢ Mahusay ang pagkakabuo ng 1 – isang pamantayan
pangungusap
➢ Nasunod ang panuto sa
pagbibigay ng sagot

Pangwakas na Pagsusulit

Si Rustam at Si Sohrab (Iran)


ANG BUOD
Nasa sinapupunan pa lamang si Rustam ay hinulaan nang magiging magiting na
bayani siya sa kaniyang paglaki. Siya raw ay magiging paksa ng mga alamat. Hindi
naging madali ang pagsilang kay Rustam sapagkat ang kaniyang inang si Rudabeh ay
dumanas ng matinding sakit. Nailabas lang siya sa tulong ng mapaghimalang ibong
kumupkop sa kaniyang ama na si Zal. Bago lumisan ang ibon, sinabi niya kay Zal na
ang batang isinisilang ay kasinlaki ng isang sanggol na leon. Kagaya ng sabi ng ibon,
isinilang nga si Rustam na kasinlaki ng sanggol ng Leon.
Nang tumuntong si Rustam sa edad na pwede na siyang magsanay bilang isang
mandirigmang ihahanda upang ipagtanggol ang kanilang bansang Iran, napagtanto ng
kaniyang ama na kailangan niya ng espesyal na kabayo. Nakuha niya ang kabayong si
Raksh. Isang beses habang nangangaso si Rustam, nawala ang kaniyang kabayo. Sa
pagsunod niya sa mga bakas ng nawalang kabayo, siya ay pumapasok sa kaharian ng
Samangan kung saan siya ay buong pusong tinanggap ng hari.

Modyul sa Filipino 9
Ikatlong Markahan: Ikaanim na Linggo
8

Dito nakilala ni Rustam si Prinsesa Tahmina, ang kaisa-isang anak na babae ng


hari ng Samangan. Nahulog ang loob nila sa isa’t isa, at nang gabing iyon ay
napatunayan nilang sila’y nagmamahalan.
Kinabukasan ay natagpuan na ang kabayo ni Rustam at kinailangan na niyang
lisanin ang lugar. Naghiwalay silang dalawa ni Prinsesa Tahmina. Lumipas ang ilang
buwan na hindi nagkikita ang dalawa at hindi naglao’y nagsilang si Prinsesa Tahmina
ng isang batang lalaki na nagngangalang Sohrab. Lumaki si Sohrab kagaya ng
kaniyang amang si Rustam.
Isang araw ay nagkaharap sa isang digmaan ang mag-ama at sa umpisa ay hindi
nila nakilala ang isa’t isa. Nagtuos ang dalawa at nasaksak ni Rustam si Sohrab
hanggang sa siya’y namatay. Napatingin si Rustam sa pulseras na nakapulupot sa
braso ng nag-aagaw buhay na si Sohrab. Naalala niya na ito ang pulseras na kaniyang
binigay kay Prinsesa Tahmina at nalaman niya ang katotohanan na anak niya si
Sohrab.
Nayanig ang buong pagkatao ni Rustam. Parang pinagsakluban siya ng langit at
lupa. Hindi niya ito ninais na mangyari, ngunit malupit ang tadhana.

Source:https://epikongpersiyanoblog.wordpress.com/si-rustam-at-si-sohrab/

Sagutin ang tanong ayon sa binasang akda. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ang batang kasinlaki raw ng leon nang ipinanganak?


A. Zal C. Tahmina
B. Rustam D. Sohrab
2. Ang pagkawala at pagkaligaw sa kaharian ng Samangan ng kabayong si Raksh ay
naging dahilan upang ________________.
A. makilala ni Rustam si Prinsesa Tahmina
B. maalala ni Rustam na siya ay mabait sa hayop
C. matukoy ang lugar kung saan nagkukuta ang mga kalaban
D. malaman ni Rustam na siya ay isang mahusay na mandirigma
3. Ano ang posibleng mangyari kung nakita agad ni Rustam ang pulseras na
nakapulupot sa braso ni Sohrab bago pa man sila maglaban na dalawa?
A. Matatalo ni Sohrab ang sariling ama.
B. Maguguluhan si Sohrab sa tunay niyang pagkatao.
C. Malalaman ni Rustam na si Sohrab ang kanyang anak.
D. Mapapatay pa rin ni Rustam si Sohrab dahil isa siyang mandirigma.
4. Alin ang kabayanihang ipinakita sa akdang binasa?
A. Pagiging matapang ni Rustam na hanapin ang kaniyang nawawalang kabayo.
B. Pagsasakripisyo ni Rustam ng kaniyang pamilya upang makidigma para sa
kaniyang bansa.
C. Pagharap sa mga kalaban na handa at mayroong masusing mga pagsasanay
para sa lahat.
D. Pagpaslang sa sariling anak upang makilala ang ginawa sa buong nasasakupan
niyang lupain.
5. Anong kultura o paniniwalang Asyano na masasalamin sa akda?
A. Pagmamahal ng magulang sa anak kaysa sa anumang posisyon o
kapangyarihan.
B. Pagpapakitang gilas ng galing at husay ng mga batang mandirigma sa panahon
na iyon.
C. Pagsasanay na dapat gawin ng mga pinuno ng bawat bansa upang manalo sa
mga digmaan.
D. Pagkalinga at gabay ng isang magulang ang kailangan upang hindi lumaking
marahas ang anak.

Modyul sa Filipino 9
Ikatlong Markahan: Ikaanim na Linggo
9

Bilang pangwakas, ipagpatuloy mo ang gawain sa pagninilay at tiyak ko


gagabayan ka nito upang maitama ang ilang mga pagkakamaling nagawa mo
sa iyong buhay bilang isang kabataan at mag-aaral.

Pagninilay

Bumuo ng lima (5) o higit pang pangungusap tungkol sa maling desisyong


nagawa mo sa iyong buhay at paano mo ito pinagsisihan. Magbigay ng iba pang
solusyon upang makabawi sa pagkakamaling ito.

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng puntos ayon sa


nakasaad sa ibaba.
Mga katangian ng sagot:
✓ Nakabuo ng mga pangungusap sa
pagsagot sa tanong 10 - taglay ang tatlong pamantayan
✓ Masining na naipahayag ang nais 6 - taglay ang dalawang pamantayan
na ipahiwatig na sagot sa hinihingi 4 - taglay ang isang pamantayan
ng tanong o pahayag 2 - may naging tugon ngunit hindi
✓ Naiugnay ang sariling karanasan sa nakasunod sa pamantayan
nabuong kuwento

Binabati kita at natapos mo ang mga pagsasanay na ibinigay. Nawa’y maging


gabay mo ang munting kaisipan sa araling ito sa ibang mga desisyong gagawin mo sa
iyong buhay.

Modyul sa Filipino 9
Ikatlong Markahan: Ikaanim na Linggo
10

FILIPINO 9
SAGUTANG PAPEL
IKATLONG MARKAHAN- IKAANIM NA LINGGO
Pangalan: _________________________________ Guro: ______________
Baitang at Seksyon: _______________________ Iskor: _____________
Paunang Pagsubok BALIK-TANAW
1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

Gawain 1.1 Pangwakas na Pagsusulit


A. 1. PAG-ALAM SA NATUTUHAN
1. 2.
A.
2. 3.
3. 4.
B. 5.
1.
2. B.
3.

Gawain 1.2

Ilagay sa bukod na papel C.

PAGNINILAY D.

Modyul sa Filipino 9
Ikatlong Markahan: Ikaanim na Linggo

You might also like