Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 8

I. Panimulang Konsepto

MISYON: Ano nga ba ito? Ang Misyon ay ang mga hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo
sa isang ganap na indibidwal. Para sa iba, ito ay ang pagtupad sa isang trabaho o tungkulin nang buong husay, na may
kasamang kasipagan at pagpupunyagi (www.slideshare.net/misyon).
Ang mga magulang ay binigyan ng napakahalagang misyon na buong puso at husay nilang ginagampanan para sa
kanilang mga anak. Ilan sa mga ito ay ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa paggawa ng mabuting pagpapasiya, at
paghubog sa pananampalataya.

II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

2.1 (EsP8PBIc-2.1) Nakikilala ang mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagbibigay ng edukasyon,
paggabay sa pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya.

III. Pagpapalalim

Sa mga nagdaang aralin ay pinag-aralan mo ang pitong dahilan kung bakit likas na institusyon ang pamilya. Naalala
mo pa ba? Ano ang ikapito rito? Tama, ito ay ang pagkakaroon ng misyon ng pamilya sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay
sa mabuting pagpapasya at paghubog ng pananampalataya. Isa ito sa pinakamahalagang dahilan kung bakit tinatawag na likas
na institusyon ang pamilya kaya sa pagkakataong ito ay ilalaan mo ang iyong panahon sa paksang ito.
Sa araling ito, mas palalalimin ang pagtalakay sa mahalagang misyon na ito. Mas magiging malawak ang iyong pag-
unawa sa dahilan kung bakit labis-labis ang pagnanais ng mga magulang na maitanim sa isipan ng mga kabataan ang
mahahalagang aral na madalas ay nagiging dahilan ng inyong hindi pagkakaunawan. Game ka na ba?
Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito ay bunga ng
kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal. At mula sa pagiging mag-asawa, sila ay makabubuo ng isang pamilya.
Isang pamilya na tungkulin nilang alagaan at arugain. Ito ay isang tungkulin na hindi maaaring talikuran o ipasa sa iba.
Ang pagiging responsableng mga magulang ay nangangahulugan ng malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin
kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang pagganap at hindi pagganap sa mga ito. Mahalagang may
kakayahan silang harapin ang anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral. Mahalagang
isapuso nila ang pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsiyensiya at sa lahat ng taong ibinigay sa kanila ng
Diyos upang paglingkuran at alagaan.
Kaakibat ng kagustuhan ng Diyos na igalang ng mga anak ang kanilang mga magulang ay ang pagnanais niya na ang
katulad na paggalang at pagkilala ay ibigay din ng mga magulang sa kanilang mga anak. Nararapat lamang ito para sa kanila
dahil sila ay biniyayaan ng Diyos ng buhay bilang isang tao.
Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanilang sarili para sa paglilingkod, pagtanggap at pag-aalaga sa
kanilang mga anak. Ang tungkulin ng mga magulang sa kanila ay hindi nagtatapos sa pagbibigay sa kanila ng makakain,
maiinom, maisusuot, at matitirahan o sa paghahanda sa kanila para magkaroon ng magandang trabaho sa hinaharap. Kasama
rito ang paghahanda sa kanila sa buhay at paggabay upang makamit ang kanilang tunay na tunguhin- ang kanilang
kaligayahan at ang pagiging ganap na tao.

lV. Sanggunian

Larawan ng “The Incredibles” http://images.app.goo.gl/XbKMprDLUiuNV9Q4A

EsP – 8 – Learning Module
Quarter 1
Modyul 2: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya at
Paghubog sa Pananampalataya, pahina 29 – 52. https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-8-eduksayon-
sapagpapakatao-learner-module
DLP – EsP – 8 Quarter 1
Modyul 2: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya at
Paghubog sa Pananampalataya, pahina 22 - 38.
https://bit.ly/2VJIAgm

Inihanda ni : MA. TERESITA M. MAHILUM, JRA.

Rondina – Atendido NHS

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO- 8
SUMMATIVE TEST # 4

Pangalan : ______________________________________ Petsa: _________________________

Baitang at Pangkat: ____________________________
Mga Gawain

Gawain 1: Ano ang misyon ng iyong pamilya?

Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

http://images.app.goo.gl/XbKMprDLUiuNV9Q4A
Pagsusuri:
1. Ano ang misyong ginagampanan ng pamilyang ito?
_____________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________.
2. May mga misyon din bang ginagampanan ang pamilya mo? Bakit mahalaga na ginagampanan ng pamilya ang kanilang
misyon? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

Gawain 2: Pagtukoy ng Mahalagang Gampanin ng Pamilya

Panuto: Isulat sa bawat kahon sa HANAY A ang tatlo (3) sa mga pinakamahahalagang gampanin o misyon ng iyong
pamilya para sa iyo. Isulat naman sa bawat kahon sa HANAY B ang mga dahilan kung bakit nararapat na gampanan ng
iyong pamilya ang mga misyong ito.
Halimbawa:
HANAY A HANAY B

Maisilang at Magkaroon ng simple at upang maibahagi sa mga anak ang

maayos na buhay ang mga anak. pagmamahal na nararapat para sa
kanila.
1.___________________________________ ________________________________________
_____________________________________ ________________________________________
2.___________________________________
_____________________________________ ________________________________________
________________________________________
_____________________________________ ________________________________________
________________________________________
_____________________________________
____________________________________. _______________________________________.
________________________________________
_____________________________________ ________________________________________
____________________________________. _______________________________________.

3.___________________________________ ________________________________________
_____________________________________ ________________________________________
_____________________________________ ________________________________________
_____________________________________ ________________________________________
____________________________________. ____________________________________.

Pagsusuri:
1. Ano-ano sa iyong palagay ang tatlong pinakamahahalagang gampanin ng pamilya para sa lahat ng kasapi nito?
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
2. Ano ang mangyayari kung hindi gagampanan ng iyong mga magulang ang mahahalagang gampananin nito sa
pagtaguyod ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya, at paghubog ng pananampalataya?
____________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________.
Gawain 3: Balik-Tanaw: Sagutin ang sumusunod na katanungan:

1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili matapos mong matukoy ang mga pinakamahahalagang misyon ng iyong
pamilya para sa iyo na kanilang ginagampanan nang mahusay?
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.
2. Paano maipapakita ng mga magulang ang pagiging responsable nila sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin?
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.

Rubrik sa Pagpupuntos
Mga Katanungan
Deskripsyon Iskor/Puntos
Naipaliwanag nang malinaw ang idea at saloobin patungkol sa
5 puntos
mga katanungan.
Hindi masyadong binigyan ng diin ang idea at saloobin
3 puntos
patungkol sa mga katanungan.
Kulang sa pagpapaliwanag, hindi nasaklaw ang hinihinging idea. 2 puntos

You might also like