Week 8 Esp 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kalayaan

Panimula

Sa naunang modyul, natutuhan mo na nalalaman agad ng tao ang mabuti at


masama sa kongkretong sitwasiyon batay sa sinasabi ng konsiyensiya. Ito ang Likas na
Batas Moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao. Mahalaga ang pagkatuto mong
ito, sa iyong pag- aaral sa kasalukuyang modyul kung saan makikilala mo na ang
paggamit ng kaloob sa iyo na kalayaan ay may kakambal na pananagutan. Malaki ang
gagampanang papel ng iyong konsiyensiya upang maisabuhay mo ang pananagutang
ito. Gagabayan ka ng kasalukuyang modyul upang magiging malinaw sa iyo ang
paggamit ng kalayaan sa mga kaganapan sa pang-araw- araw mong pamumuhay.

Talakayan

May mga kabataang nag-aakala na ang kalayaan ay kapangyarihan na gawin


ang anomang naisin ng tao. Kung susuriin ayon kay de Torre, ang tao ay walang
kakayahang gawin palagi ang anumang kanyang naisin. Maraming bagay ang nais
niyang mangyari at gawin subalit hindi niya magawa ang mga ito. Nais ng taong hindi
magkasakit, hindi tumanda, manatiling buhay, malaman ang lahat ng bagay – ngunit
wala siyang kalayaan upang magawa ang mga ito.

Kung ganoon, ano nga ba ang tinutukoy na kalayaan ng tao? Sa kabila ng


limitasyong ito ng kalayaan ng tao, ang tao ay tunay na malaya sa kanyang pagpili o
pagpapasya. Binigyang-kahulugan ni Santo Tomas de Aquino ang kalayaan bilang
“katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang maaaring
hantungan at ang paraan upang makamit ito”. Nangangahulugan ito na malaya ang
taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o kilos. Ang
tao ay nagtatakda ng kanyang kilos para sa kanyang sarili. Walang anumang puwersa
sa labas ng tao ang maaaring magtakda nito para sa kanya. Maaari siyang mahikayat,
maganyak o maakit subalit hindi maaaring puwersahin o pilitin. Subalit ang kalayaang
ito ay hindi tumutukoy sa kalayaan upang piliin ng tao ang kahihinatnan ng kanyang
pagpili. Hindi sakop ng kanyang kalayaan ang likhain ang kahihinatnan ng kanyang
piniling kilos. Halimbawa, malaya ang isang mag-aaral na piliing magbarkada kaysa
mag-aral ng leksiyon, subalit hindi siya malaya sa maaaring kahihinatnan nito. Hindi
maaaring mataas pa rin ang kanyang marka sa kabila ng kanyang piniling gawin. Hindi
Malaya ang tao na piliin ang kahihinatnan ng kilos na kanyang pinili. Samakatuwid, ang
kalayaan ay hindi lubos, at ito ay may limitasyon. Ang limitasyong ito ay itinakda ng
Likas na Batas-Moral. Ipinaliwanag ni Sr. Felicidad C. Lipio ang kaugnayan ng kalayaan
sa batas na ito katulad ng kaugnayan ng dalampasigan sa baybay-dagat. Ang
dalampasigan ang nagbibigay hugis sa tubig at ang siyang nagbibigay hangganan dito.
Gayundin, ang Likas na Batas-Moral ang nagbibigay-hugis sa paggamit ng tunay na

19 | E d u k a s y o n s a P a g p a p a k a t a o 7
kalayaan at nagtatakda ng hangganan nito. Ang batas-moral kung gayon ay alituntuning
kailangang sundin na nagbibigay-hugis at direksiyon sa kalayaan.

URI NG KALAYAAN

May dalawang uri ng kalayaan:

1. Panloob na Kalayaan. Ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino,


nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kanyang kalayaan. Tinutukoy ng Panloob na
Kalayaan ng kilos-loob ang:

a) kalayaang gumusto (freedom of exercise) – ito ang kalayaang magnais o hindi


magnais

b) kalayaang tumukoy (freedom of specification) – ito naman ang kalayaan


upang tukuyin kung alin ang nanaisin

Sa babalang ito halimbawa, “Bawal ang Maligo Rito”. Ang iyong kilos- loob ay
malayang magnais o hindi magnais na sundin o kaya bale-walain ang babala. Sakaling
nagpasya ang kilos-loob na sundin ang sinasabi ng babala, malaya nitong tukuyin kung
ano ang nanaising gawin bilang kapalit sa planong paliligo. Nanaisin niya marahil ang
magpiknik na lamang sa dalampasigan, lumipat ng ibang lugar o umuwi na lang.

Walang maaaring magtanggal ng panloob na kalayaan ng tao. Hindi ito


maipagkakait, makukuha o maaalis sa kanya.

2. Panlabas na Kalayaan. Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang Gawain na


ninais ng kilos-loob. Naiimpluwensiyahan ng mga panlabas na salik ang kalayaang ito.
Maaaring mabawasan o maalis ang kalayaang ito sa pamamagitan ng puwersa sa
labas ng tao. Kapag ang tao ay ikinulong, mawawala ang kanyang panlabas na
kalayaan.

Halimbawa ng panlabas na kalayaan ay ang politikal, propesyonal at


akademikong kalayaan. Nakapaloob sa politikal na kalayaan ang kalayaang pumili ng
sasalihang samahang politikal, bumoto o pumili ng taong mamumuno. Ang
akademikong kalayaan halimbawa ay ang kalayaang pumili ng paaralang papasukan at
kursong kukunin sa kolehiyo. May kalayaan ang mga propesyonal na gampanan ang
kanilang tungkulin ayon sa sariling pamamaraan subalit hindi taliwas sa mga
panuntunan.

Ayon kay Esther Esteban (1990), ang konsepto ng kalayaan ay


nangangahulugan na nagagawa o nakakayang gawin ng tao ang nararapat upang
makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin ng kanyang pagkatao. Malaya
ang taong linangin ang kanyang sarili at paunlarin ito. Ang kalayaan ng tao ay

20 | E d u k a s y o n s a P a g p a p a k a t a o 7
nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas-Moral. Ang tunay na kalayaan ay
masusumpungan sa pagsunod sa batas na ito. Sa bawat batas na nauunawaan at
sinusunod ng tao, mas nadaragdagan ang kanyang kalayaan. Bakit nga ba pinayagan
ng Diyos na maging malaya ang tao na tanggapin o suwayin ang Kanyang batas? Bakit
hinahayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at magpasya
para sa kanyang sarili? Ito ay sa dahilang umaasa ang Diyos o maging ang magulang
ng pagsunod mula sa pag-unawa at pagmamahal hindi dahil sa pinilit at pagsunod na
may takot.

Dahil dito, ang kalayaan ng tao ay palaging may kakambal na pananagutan. Ang
tao ay kailangang maging mapanagutan sa anumang kilos at pagpapasyang gagawin.
Paano mo malalaman kung nagging mapanagutan ka sa paggamit ng kalayaan? Narito
ang ilang palatandaan ayon kay Esteban (1990):

1. Kung naisaalang-alang mo ang kabutihang pansarili (personal good) at ang


kabutihang panlahat (common good). Halimbawa, ginagamit mo ang kalayaan upang
malampasan ang mga balakid sa pag-unlad ng ating pagkatao. Ang maging malaya sa
kamangmangan, kahirapan, katamaran, kasamaan ay ilan sa mga ito. Itinatalaga rin
ang kalayaan para sa ikabubuti ng kapwa katulad ng pakikilahok sa mga proyektong
pampamayanan o maging sa pagtatanggol sa mabubuting adhikain.

2. Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng iyong pagpapasya.


Ang bawat kilos o pagpapasya ay may katumbas na epekto, mabuti man o masama.
Hindi lamang sapat na harapin ang kahihinatnan ng pasiya o kilos kundi ang gamitin
ang kalayaan upang itama ang anumang pagkakamali.

3. Kung ang iyong pagkilos ay hindi sumasalungat sa Likas na Batas- Moral. Ang
Likas na Batas-moral ay ibinigay sa tao noong siya’y likhain. Nakasaad sa mga batas
na ito ang dapat gawin at di dapat gawin ng tao. Ang mga batas na ito ang siyang
batayan sa pagsasaalang-alang sa pagkilala ng kabutihang pansarili at kabutihang
panlahat. Bagamat may kalayaang pumili ang tao dahil sa kanyang kilos-loob, ang tao
ay may kamalayan, kaya siya ay may kakayahang magsuri at pumili ng nararapat. Siya
ay may moral na tungkulin na piliin ang ayon sa moral na batayan. Ang kalayaan ng
kilos-loob ay bahagi ng ating ispiritwal na aspekto ng ating pagkatao. Bigay ito ng Diyos
sa tao upang malaya niyang mahubog ang kanyang pagkatao. Ang tunay na kalayaan
ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa
kabutihan. Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.

21 | E d u k a s y o n s a P a g p a p a k a t a o 7

You might also like