Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Pagadian Diocesan Schools

IMMACULATE HEART ACADEMY OF DUMALINAO, INC.


Pag-asa, Dumalinao Zamboanga del Sur

SELF-PACED LEARNING MODULE IN FILIPINO 8

Code # Grade & Section:


Name : Name of Teacher:

Student’s Contact #: Teacher’s Contact #:

QTR 4 – MODYUL 3 : Florante at Laura

Modyul Overview:

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang kaalaman sa aralin. Ang akdang
ito ay hindi lang naglarawan sa mahahalagang tagpo o tagpuan kung hindi sa mga tauhan din, sa kanilang
hinaing, saloobin at pananaw. Dagdag ng bisa sa akda ang paggamit ng mga matalinghagang pahayag sa
pagpapadama sa saloobin ng karakter. Ang akdang tatalakayin o pag-aaralan mo ang mga pinagdaanan ng
Prinsipe ng Makatang Tagalog na si Francisco de la Cruz Balagtas Baltazar at ang nag-udyok sa kanya upang
maisulat ang kanyang obrang Florante at Laura.
Matutunghayan mo rin ang kalagayan ng lipunan sa panahong naisulat ang akda at ang layunin ng pagsulat nito.

Mga Kasanayang Pampagkatuto:


1. Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin tungkol sa: - pagkapoot - pagkatakot - iba pang
damdamin F8PU-IVc-d-36
2. Nailalarawan ang tagpuan ng akda batay sa napakinggan F8PN-IVf-g-36
3. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin F8PB-IVf-g-36
Mga Kagamitan sa Pagkatuto:
Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma
Mga Awtor: Ailene Baisa- Julian
Nestor S. Lontoc
Mary Grace G. Del Rosario

Pagpapahalaga: Ang buhay ng isang taong dakila ay dapat maging huwaran. Pulutin ang mga kanais-nais na
katangian at ito’y ating tularan.

Panimulang Pagtataya: ( Pre- Assessment) (FA)


Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa nakalaang linya ang iyong sagot.

___1. Sa pagsulat ng monologo, kaninong damdamin ang ipinakikita nito?


A. sa babasa C. sa may-akda B. sa tauhan D. sa manonood
___2. Anong uri ng pahayag ang “dalawang bungang nalagas”?
A. simbolo C. eupemistikong pahayag B. talasalitaan D. matalinghagang ekspresyon
___3. Ano ang kahulugan ng tayutay na “katulad ng isang bulak, malambot”?
A. mabait na tao C. pagtutulad sa bulak B. kawangis ng bula D. mapagkumbabang nilalang
___4. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pahayag na “Parang ilaw na bagong sindi ang
kaniyang mga mata nang marinig ang balita tungkol sa pag-angat niya sa posisyon?”
A. kagalingan C. maalalahanin B. maaasahan D. pag-asa
___5. Anong damdamin ang mayroon sa bahaging ito ng monologo? “Paano na ‘ko? Paano ako mabubuhay sa
magulo at masalimuot na mundong ‘to?”
A. malungkot C. nangungulila B. masaya D. takot
___6. Ano ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng monologo?
A. emosyon C. tauhan B. iskrip D. salita
___7. Ano ang hinaing ng morong gerero nang mapadpad siya sa loob ng kagubatan?
A. Inagaw ang kaniyang kasintahan. B. Malabong maging sila ng kaniyang kasintahan. C. Naayos ang buhay
niya dahil sa kaniyang natamo. D. Paaalisin ang mga taong nagbigay sa kaniya ng pasakit.
___8. Anong damdamin ang lutang na lutang sa pahayag sa ibaba?
“Mahiganting langit, bangis mo’y nasaan, ngayo’y naniniig sa pagkagulaylay, bago’y ang bandila ng lalong
kasam’an, sa Reynong Albanya’y iniwawagayway.”
A. galit C. pagmamahal B. paghihiganti D. takot
___9. Ano ang kahulugan ng pahayag na may salungguhit?
Bagun-taong basal ang anyo at tindig, kahit nakatali kamay paa’t leeg, kung si Narciso’y tunay na Adonis,
mukha’y sumilang sa gitna ng sakit.
A. binata C. matikas B. makisig D. matipuno
___10. Ano ang kahulugan ng salitang “kamay” sa saknong sa ibaba?
“Wala na, Laura ikaw na nga lamang ang makalunas niring kahirapan; damhin ng kamay mo ang aking katawan
at bangkay man ako’y muling mabubuhay!”
A. kagalingan C. pananamantala B. pagkalinga D. sakit

INTRODUKSIYON

PAGGANYAK: (FA)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang maikling akdang nakasulat sa ibaba. Sagutin ang mga katanungan
hinggil dito. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat. “Igalang mo
ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong “Ikaw ay giginhawa at hahaba ang
iyong buhay sa lupa.” Mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikagagalit ng inyong mga
anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at katuruan ng Panginoon. Efeso 6:1-4
Sa halip, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti. Magpahiram kayo na hindi
umaasa ng anomang kabayaran. Sa gayon, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo'y magiging
mga anak ng Kataas-taasang Diyos. Sapagkat siya'y mabuti kahit sa masasama at sa mga hindi marunong
tumanaw ng utang na loob. Lucas 6:35

Mga Tanong:
1. Ano ang nilalaman ng dalawang bersikulo mula sa Bibliya?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. Paano mo mapag-uugnay ang dalawang ito?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
3. Saang bahagi o pangyayari sa iyong buhay maiuugnay ito?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
4. Sa kasalukuyang panahon, magagamit mo ba ang aral na iyong natutuhan sa dalawang bersikulo? Sa paanong
paraan?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
INTERAKSIYON

Florante at Laura

33 Ang aking plumahe kung itinatahi


Dito hinimatay sa paghihinagpis, ng parang korales na iyong daliri,
sumuko ang puso sa dahas ng sakit; buntung-hininga mo'y nakikiugali
ulo'y nalungayngay, luha'y bumalisbis, sa kilos ng gintong ipinananahi."
kinagagapusang kahoy ay nadilig. 45
34 "Makailan, Laurang sa aki'y iabot,
Magmula sa yapak hanggang sa ulunan, basa pa ng luha bandang isusuot;
nalimbag ang bangis ng kapighatian; ibinibigay mo ay naghihimutok,
at ang panibugho'y gumamit ng asal takot masugatan sa pakikihamok!"
ng lalong marahas, lilong kamatayan. 46
35 "Baluti't koleto'y 'di mo papayagan
Ang kahima't sinong hindi maramdamin, madampi't malapat sa aking katawan,
kung ito'y makita'y magmamahabagin kundi tingnan muna't baka may kalawang
matipid na luha ay paaagusin, ay nanganganib kang damit ko'y marumham."
ang nagparusa ma'y pilit hahapisin. 47
36 "Sinisiyasat mo ang tibay at kintab
Sukat na ang tingnan ang lugaming anyo na kung sayaran man ng taga'y dumulas;
nitong sa dalita'y hindi makakibo, at kung malayo mang iyong minamalas,
aakayin biglang umiyak ang puso, sa gitna ng hukbo'y makilala agad."
kung wala nang luhang sa mata'y itulo. 48
37 "Pinahihiyasan mo ang aking turbante
Gaano ang awang bubugso sa dibdib ng perlas, topasyo't maningning na rubi;
na may karamdamang maanyong tumitig, bukod ang magalaw na batong d'yamante,
kung ang panambita't daing ay marinig puno ng ngalan mong isang letrang L."
nang mahimasmasan ang tipon ng sakit? 49
38 "Hanggang ako'y wala't nakikipaghamok,
Halos buong gubat ay nasasabugan nag-aapuhap ka ng pang-aliw-loob;
ng dinaing-daing na lubhang malumbay, manalo man ako'y kung bagong nanasok,
na inuulit pa at isinisigaw nakikita mo na'y may dala pang takot."
sagot sa malayo niyong alingawngaw. 50
39 "Buong panganib mo'y baka nakasugat,
"Ay! Laurang Poo'y bakit isinuyo 'di maniniwala kung 'di masiyasat;
sa iba ang sintang sa aki'y pangako; at kung magkagurlis ng munti sa balat,
at pinagliluhan ang tapat na puso hinuhugasan mo ng luhang nanatak."
pinaggugulan mo ng luhang tumulo?" 51
40 "Kung ako'y mayroong kahapisang munti,
"'di sinumpaan mo sa harap ng Langit tatanungin mo na kung ano ang sanhi;
na 'di maglililo sa aking pag-ibig? hanggang 'di malining ay idinarampi
Ipinabigay ko naman yaring dibdib, sa mga mukha ko ang rubi mong labi."
wala sa gunita itong masasapit!"    . 52
41 "Hindi ka tutugot kung 'di natalastas,
"Katiwala ako't ang iyong kariktan, kakapitan mo nang mabigla ang lubas;
kapilas ng langit — anaki'y matibay; dadalhin sa hardi't doon ihahanap
tapat ang puso mo't 'di nagunam-gunam ng ikaaliw sa mga bulaklak."
na ang paglililo'y nasa kagandahan." 53
42 "Iyong pipitasin ang lalong marikit,
"Hindi ko akalaing iyong sasayangin dini sa liig ko'y kusang sasabit;
maraming luha mong ginugol sa akin; tuhog na bulaklak sadyang salit-salit,
taguring madalas na ako ang giliw, pag-uupandin mong lumbay ko'y mapaknit."
mukha ko ang lunas sa madlang hilahil." 54
43 "At kung ang hapis ko'y hindi masawata,
"'di kung ako Poo'y utusang manggubat sa pilikmata mo'y dadaloy ang luha:
ng hari mong ama sa alinmang s'yudad, napasaan ngayon ang gayong aruga,
kung ginagawa mo ang aking sagisag, sa dala kong sakit ay 'di iapula?"
dalawa mong mata'y nanalong perlas?" 55
44 "Halina, Laura ko't aking kailangan
ngayon ang lingap mo nang naunang araw; ang makalulunas niring kahirapan;
ngayon hinihingi ang iyong pagdamay — damhin ng kamay mo ang aking katawan
ang abang sinta mo'y nasa kamatayan." at bangkay man ako'y muling mabubuhay!"
56 61
"At ngayong malaki ang aking dalita "Nguni, sa aba ko! Ay, sa laking hirap!
ay 'di humahanap ng maraming luha; Wala na si Laura'y aking tinatawag!
sukat ang kapatak na makaapula, Napalayu-layo't 'di na lumiliyag
kung sa may pagsintang puso mo'y magmula." ipinagkanulo ang sinta kong tapat."
57 62
"Katawan ko ngayo'y siyasatin, ibig, "Sa ibang kandunga'y ipinagbiyaya
tingni ang sugat kong 'di gawa ng kalis; ang pusong akin na at ako'y dinaya;
hugasan ang dugong nanalong sa gitgit buong pag-ibig ko'y ipinang-anyaya,
ng kamay ko, paa't natataling liig." nilimot ang sinta't sinayang ang luha."
58 63
"Halina, irog ko't ang damit ko'y tingnan, "Alin pa ang hirap na 'di na sa akin?
ang hindi mo ibig dapyuhang kalawang; May kamatayan pang 'di ko daramdamin?
kalagin ang lubid at iyong bihisan, Ulila sa ama't sa inang nag-angkin,
matinding dusa ko'y nang gumaan-gaan." walang kaibiga't nilimot ng giliw."
59 64
"Ang mga mata mo ay iyong ititig "Dusa sa puri kong kusang siniphayo,
dini sa anyo kong saklakan ng sakit, palasong may lasong natirik sa puso;
upanding mapigil ang takbong mabilis habag sa ama ko'y tunod na tumino,
niring abang buhay sa ikakapatid." ako'y sinusunog niring panibugho."
60 65
"Wala na Laura't ikaw na nga lamang "Ito'y siyang una sa lahat ng hirap,
pagdaya ni Laura ang kumakamandag;
dini sa buhay ko'y siyang nagsasadlak
sa libingang laan ng masamang palad."
66 "O, Konde Adolfo, inilapat mo man
sa akin ang hirap ng sansinukuban, ang kabangisan mo'y pinapasalamatan,
ang puso ni Laura'y kung hindi inagaw." 67
Dito naghimutok nang kasindak-sindak at saka tinutop ang noo sa kanan;
na umalingawngaw sa loob ng gubat; anaki'y mayroong gunamgunam —
tinangay ang diwa't karamdamang hawak isang mahalagang nalimutang bagay.
ng buntung-hininga't luhang lumagaslas. 74
68 Malao'y humilig, nagwalang-bahala,
Sa puno ng kahoy ay napayukayok, 'di rin kumakati ang bati ng luha;
ang liig ay supil ng lubid na gapos; sa madlang himutok ay kasalamuha
bangkay na mistula't ang kulay na burok ang wikang: "Flerida'y tapos na ang tuwa!"
ng kaniyang mukha'y naging puting lubos. 75
 69 Sa balang sandali ay sinasabugan
Nagkataong siyang pagdating sa gubat yaong buong gubat ng maraming "Ay! Ay!"
ng isang gererong bayani ang tikas; na nakikitono sa huning mapanglaw
putong na turbante ay kalingas-lingas, ng panggabing ibong doo'y nagtahanan.
pananamit-Moro sa Persiyang S'yudad. 76
70 Mapamaya-maya'y nagbaong nagulat,
Pinigil ang lakad at nagtanaw-tanaw, tinangnan ang pika't sampu ng kalasag;
anaki'y ninita ng pagpapahingahan; nalimbag sa mukha ang bangis ng Furias —
'di kaginsa-ginsa'y ipinagtapunan "'di ko itutulot!" ang ipinahayag.
ang pika't adarga't nagdaop ng kamay. 77
71 "At kung kay Flerida'y iba ang umagaw
Saka tumingala't mata'y itinirik at 'di ang ama kong dapat igalang,
sa bubong na kahoy na takip sa langit; hindi ko masasabi kung ang pikang tangan —
estatuwa manding nakatayo't umid, bubuga ng libo't laksang kamatayan!"
ang buntung-hininga niya'y walang patid. 78
72 "Bababa si Marte mula sa itaas,
Nang magdamdam-ngawit sa pagayong anyo, at sa kailalima'y aahon ang Parkas;
sa puno ng isang kahoy ay umupo; buong galit nila ay ibubulalas,
nagwikang, "O palad!", sabay ang pagtulo yayakagin niring kamay kong marahas!"
sa mata ng luhang anaki'y palaso. 79
73 "Sa kukong lilo'y aking aagawin
Ulo'y ipinatong sa kaliwang kamay ang kabiyak niyaring kaluluwang angkin;
liban kay ama, ang sino ma't alin sa iyo ng Konde Adolfong malupit?
ay 'di igagalang ng tangang patalim." Ikaw ang salamin sa Reyno ng bait,
80 pagbubutunan ka ng malaking galit."
"O pagsintang labis ng kapangyarihan, 89
sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw; "Katawan mo ama'y parang namamalas
'pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, ngayon ng bunso mong lugami sa hirap;
hahamaki'ng lahat masunod ka lamang!" pinipisan-pisan at iwinawalat
81 ng pawa ring lilo't berdugo ng sukab."
"At yuyurakan na ang lalong dakila — 90
bait, katuwira'y ipanganganyaya; "Ang nagkahiwalay na laman mo't buto,
buong katungkula'y wawal-ing-bahala, kamay at katawang nalayo sa ulo,
sampu ng hininga'y ipauubaya." ipinaghagisan niyong mga lilo
82 at walang maawang maglibing ng tao."
"Itong kinaratnan ng palad kong linsil, 91
salaming malinaw na sukat mahalin "Sampu ng lingkod mo't mga kaibigan,
ng makatatap, nang hindi sapitin kung kampi sa lilo'y iyo nang kaaway;
ang kahirapan kong 'di makayang bathin." ang 'di nagsaiyo'y natatakot namang
83 bangkay mo't ibao't maparurusahan."
Sa mawika ito luha'y pinaagos, 92
pika'y isinaksak saka naghimutok; "Hanggang dito ama'y aking naririnig,
nagkataon namang parang isinagot nang ang iyong ulo'y itapat sa kalis;
ang buntung-hininga niyong nagagapos. ang panambitan mo't dalangin sa Langit,
84 na ako'y maligtas sa kukong malupit."
Gerero'y namangha nang ito'y marinig 93
pinagbaling-baling sa gubat ang titig; "Ninanasa mo pang ako'y matabunan,
nang walang makit'ay hinintay umulit, ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan,
'di naman nalao'y nagbagong humibik. nang huwag mahulog sa panirang kamay
85 ng Konde Adolfong higit sa halimaw."
Ang bayaning Moro'y lalo nang namaang, 94"Pananalangin mo'y 'di pa nagaganap,
"Sino'ng nananaghoy sa ganitong ilang?" sa liig mo'y biglang nahulog ang tabak;
lumapit sa dakong pinanggagalingan nasnaw sa bibig mong huling pangungusap
ng buntung-hininga't pinakimatyagan. ang "Adiyos, bunso"'t buhay mo'y lumipas."
86 95"Ay, amang ama ko! Kung magunam-gunam —
Inabutan niya'y ang ganitong hibik: madla mong pag-irog at pagpapalayaw,
"Ay, mapagkandiling amang iniibig! ipinapalaso ng kapighatian —
Bakit ang buhay mo'y naunang napatid, luha niring pusong sa mata'y nunukal."
ako'y inulila sa gitna ng sakit?" 96"Walang ikalawang ama ka sa lupa
87 sa anak ng kandong sa pag-aaruga;
"Kung sa gunita ko'y pagkuru-kuruin ang munting hapis kong sumungaw sa mukha,
ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil, sa habag mo'y agad nanalong ang luha."
parang nakikita ang iyong narating ... 97"Ang lahat ng tuwa'y natapos sa akin,
parusang marahas na kalagim-lagim." sampu niring buhay ay naging hilahil;
88 ama ko'y hindi na malaong hihintin
"At alin ang hirap na 'di ikakapit ako't sa payapang baya'y yayakapin."
98 ng habag kay ama at panghihinayang
Sandaling tumigil itong nananangis para ng panaghoy ng nananambitan?"
binigyang-panahong luha'y tumagistis 100"Sa sintang inagaw ang itinatangis,
niyong naaawang Morong nakikinig ... dahilan ng aking luhang nagbabatis;
sa habag ay halos magputok ang dibdib. yao'y nananaghoy dahil sa pag-ibig
99 sa amang namatay na mapagtangkilik."
Tinutop ang puso at saka nagsaysay, 101"Kung ang walang patid na ibinabaha
"Kailan," aniya, "luha ko'y bubukal
ng mga mata ko'y sa hinayang mula — 103"Ang matatawag kong palayaw sa akin
sa mga palayaw ni ama't aruga — ng ama ko'y itong ako'y pagliluhin,
malaking palad ko't matamis na luha." agawan ng sinta't panasa-nasaing
102 lumubog sa dusa't buhay ko'y makitil."
"Ngunit ang nananahang maralitang tubig ... 104"May para kong anak na napanganyaya,
sa mukha't dibdib ko'y laging dumidilig, ang layaw sa ama'y dusa't pawang luha,
kay ama nga galing dapuwa't sa bangis, hindi nakalasap kahit munting tuwa
hindi sa andukha at pagtatangkilik." sa masintang inang pagdaka'y nawala!"
Ang iyong nabasa ay isang monologong ginamitan ng matatalinghagang ekspresyon, tayutay at simbolong
nagbibigay-ganda sa pagbasa ng tula o anomang babasahin (monologo). Nagbibigay ito ng malalim na
pagpapakahulugan sa isang babasahin.
Ang matatalinghagang ekspresyon, tayutay, at simbolo ay karaniwang ginagamit ng mga makata sa paghabi o
pagkatha ng kanilang mga akda. Ito ay mga salita o grupo ng mga salitang may malalim at hindi tiyak na
kahulugan.
Matatalinghagang ekspresyon – ito ay mga ekspresyong may malalim na kahulugan at naglalarawan nang
makasagisag. Sinasalamin nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng mga Pilipino sa paggamit ng sariling
wika sa pamamaraang pasulat o pasalita.
Halimbawa:
papamilansikin ang kalis ng poot – maghiganti
mabangong insenso ang isinusuob - binibigyang papuri
Tayutay – ito ay salita o pahayag na ginagamit upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya
ng pagpapahayag na gumamit ng talinghaga o ‘di karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyang-
diin ang saloobing ipinahahayag.
Narito ang ilang uri ng tayutay na karaniwang ginagamit sa mga babasahin o sulatin.
1. Pagtutulad (Simile) - Ito ay paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari, atbp.
Gumagamit ang pagtutulad ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng, atbp.

Halimbawa:
a. kapilas ng langit – katulad ng langit
b. parang korales na iyong daliri – mahaba at maputing daliri

2. Pagwawangis (Metaphor) - Ito ay katulad ng pagtutulad, maliban sa hindi ito gumagamit ng mga salitang
tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng, atbp.
Halimbawa:
a. perlas na batok – maputing batok
b. ikaw na bulaklak niring dili-dili – magandang alaala
3. Pagtatao (Personification) - Ito ay pagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa mga bagay. 21
Halimbawa:
a. Ang katauhan ko’y kusang nagtatalik.
b. Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw

Simbolo – ang nagpapasagisag sa isang ordinaryong bagay, pangyayari, tao o hayop na may
nakakabit na natatanging kahulugan. Kadalasang ginagamit ito sa mga tula upang hindi literal na paraan
ang maipabatid na hangarin. Ang intensyon ng manunulat ay dapat malapit o makuha ng mambabasa
ang tunay na ideya ng tula.
Halimbawa:
a. kalis (espada) – galit
b. bulaklak – si Laura
Ang matatalinghagang ekspresyon, tayutay at simbolo ay hindi lamang sa pagsulat ginagamit. Maaari
din itong iugnay sa pagsulat ng isang monologo na lalong nagpapalutang sa kagandahan at kaangkupan sa
sulatin. Ngunit, ano nga ba ang monologo?
Monologo – ay isang uri ng pagsasalita na ang isang tauhan ay sinasabi ang kaniyang isinasaisip sa isa
pang tauhan o kaya sa kapulungan ng nangakikinig. Ito ay ginagamit sa parehong mga dramatikong gawa
(drama, pelikula, atbp) pati na rin sa hindi dramatikong gawain tulad ng tula. Sa monologo, “mono” ibig sabihin
ay isa, isang karakter/tauhan lamang ang gumaganap.
Paraan sa pagbuo ng monologo:
1. Pagbuo ng karakter o isang tauhan – isang boses na akma sa karakter/tauhan, isaalang-alang ang wika
at kilos ng katawan na maaari niyang gamitin kapag nagsasalita.
2. Mga emosyon – dapat alam ng karakter/tauhan ang emosyon na kaniyang gagampanan para sa
maayos na paglikha ng tauhan, maaaring galit, takot, masaya, at atbp.
3. Lugar – itaguyod ang sino, ano, kailan, at saan ng isang partikular na monologo maging ang tiyak na
maaari mong gawin. Halimbawa, huwag lamang sabihin na ang eksena ay nasa eskinita. Sabihing ito ay
nasa maliit, puno ng usok at basurang nalilibutan ng dilim ang eskinita.
4. Gumawa na ng kuwentong may simula, gitna at wakas ng monologo – isipin na ang monologo ay
isang maliit na kuwento, kung saan mayroong isang marka ng pagbabago mula sa simula 22 hanggang
sa wakas, kung saan ang tagapagsalita ay may natuklasang isang bagay o gumawa ng isang pahayag.
Ang monologo ay dapat magsimula at magtapos sa isang malinaw na layunin. Simulan ang monologo sa
nakaaayang mga diyalogo para maakit ang mga tagapakinig na makinig.
5. Basahin ang nalikhang monologo nang malakas, may tono at damdamin. Gawin ito para sa iyong
sarili o para sa isang madla. Makinig nang mabuti upang matukoy kung nakuha mo ang tono o boses ng
tauhan nang tama.
Ang monologo ay maihahalintulad din sa diyalogo dahil binubuo ito ng mga pahayag ngunit malaki ang
pagkakaiba ng dalawang ito: (a) sa monologo isang karakter/tauhan lamang ang gumaganap samantalang sa
diyalogo ay dalawa o higit pang karakter ang gumaganap. (b) ang monologo ay ang pagbibigay ng sarili niyang
ekspresyon o nararamdaman sa mga manonood samantalang ang diyalogo naman ay ang pag-uusap ng
dalawang tauhan o higit pang may kuwento sa pagitan nila.
    

Boud ng Florante at Laura

Mga Gawain

Gawain 1:
Panuto: Ipabasa sa kasama sa bahay o sinomang makatutulong sa iyo upang mapakinggan mo ang mga
saknong. Pagkatapos, ilarawan ang tagpuang ipinahihiwatig dito. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.

Mga saknong sa akdang napakinggan Paglalarawan sa tagpuan


92. “Hanggang dito ama’y aking naririnig, nang ang
iyong ulo’y itapat sa kalis; ang panambitan mo’t dalangin
sa Langit, na ako’y maligtas sa kukong malupit.”
85. Ang bayaning Moro’y lalo nang namaang, “Sinong
nananaghoy sa ganitong ilang?” Lumapit sa dakong
pinanggagalingan ng buntunghininga’t pinakimatyagan.
69 Nagkataong siyang pagdating sa gubat
ng isang gererong bayani ang tikas;
putong na turbante ay kalingas-lingas,
pananamit-Moro sa Persiyang S'yudad.
Gawain 2:
Ilarawan ang tagpuang ipinakikita sa pamamagitan ng dalawa hanggang tatlong pangungusap. Kopyahin ang
pormat sa hiwalay na papel at isulat dito ang iyong kasagutan.
Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon..

Paglalarawan sa Tagpuan
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
Gawain 3

Pamprosesong Tanong:

1. Sino si Francisco Balagtas Baltazar?

2. Ano ang layunin ni Balagtas sa paglikha ng kanyang tula?

3. Ano-anong habilin o tagubilin ang nakapaloob sa mga saknong ng “Sa Babasa Nito?”

4. Bakit nagsisilbing gabay at nagturo sa mga Pilipino ng maraming bagay ang akdang Florante at Laura?

Binabati kita! Natutuhan mo nang buong-puso ang iyong aralin. Ngayon naman, para sa lubos mong pagkatuto,
mayroon akong inihandang gawain para masukat ang iyong kaalaman at maisagawa mo ito sa iyong buhay.
INTEGRASIYON
Closure / Synthesis:

Panuto: Bigyang-kahulugan ang matatalinghagang ekspresyon, tayutay at simbolong nasa loob ng biluhaba
(oblong) at gamitin ito sa pagsulat ng isang monologong gumagamit ng pansariling damdamin tulad ng
pagkapoot, pagkatakot at iba pa. Isulat ito sa hiwalay na papel.

Repleksiyon:
Alam mo ba na mayroong iba-ibang paraan ang mga tao sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay? Para sa iba ito
ay nagsisilbing gabay nila sa pagtamo ng magandang hinaharap. Sa mga mag-aaral na katulad mo, ang
karaniwang pagsubok sa buhay ay kung papaano makahabol sa “deadlines” ng iyong mga proyekto. Kung
minsan ang dahilan ng pagkakaroon ng mga pagsubok ay upang matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral
bilang bahagi sa pagtatamo ng kasanayan. Paano mo hinaharap ang mga pagsubok sa iyong buhay?

____________
Binabati kita! Mahusay mong nagampanan ang mga gawain. Ngayon naman ang iyong pagkakataon
para ibahagi ang iyong sariling refleksiyon tungkol sa ating aralin. Punan mo lamang ang mga patlang ng iyong
mga kasagutan.

INTERBENSIYON

Ebalwasiyon: SA
Panuto: Batay sa napakinggang mga saknong sa akda, ilarawan ang nagustuhan mong tagpuan at magbigay
ng mga pangyayaring naganap dito. Gayahin ang pormat sa hiwalay na papel at isulat dito ang sagot.

Well done!
You are now a STAR.
As A stands for Academically proficient, you are now knowledgeable
enough. Thank you! See you on our next lesson! 😊
SUSI SA PAGWAWASTO
Pre assessment
C 1. D 2. A 3. D 4. A 5. A 6. A 7. B 8. B 9. A

You might also like