Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Si Jose Palma ay isang makata at sundalong Pilipino.

Siya ay naging tanyag sa pagsulat niya ng Filipinas,


na naging titik ng pambansang awit ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Tondo, Maynila noong ika-anim ng
Hunyo, isang libot walong daan pitung put anim.

Siya ay kapatid ni Rafael Palma na naging pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang kanilang mga
magulang ay sina Hermogenes Palma at Hilaria Velasquez. Nakatagpo ni Jose Palma noong nag-aaral siya
sa Ateneo Municipal de Manila, si Gregorio del Pilar na naging pinakabatang heneral ng mga hukbong
manghihimagsik. Kahit bata pa sa Ateneo Municipal, si Jose Palma ay kumatha ng mga lirikong tula at
pinahanga ang marami sa pamamagitan ng pagpapalimbag ng isang aklat ng mga tula noong siya’y
labimpitong taong gulang pa lamang. Ayon sa kanyang kapatid na si Dr. Rafael Palma, si Jose ay tahimik
at mahiyain subalit emosyonal at romantiko.

Ang kanyang pag-aaral ay naantala nang maganap ang Unang Sigaw sa Balintawak noong Agosto, 1896.
Dahil sa pag-ibig sa bayan ay sumama siya sa pangkat ni Koronel Rosendo Limon at nakipaglaban sa
ilalim ni Heneral Servillano Aquino.Ang ginamit niyang sagisag panulat ay “Dapithapon”.

Nakilala siya sa kanyang tulang Filipinas na siyang pinaghanguan ng mga titik na inilapat sa tugtuging
nilikha ni Julian Felipe bilang tugon sa kahilingan ni Heneral Emilio Aguinaldo kay Julian Felipe na
gumawa si Felipe ng isang tugtuging martsa. Ang ambag niya sa panitikang Pilipino, ang mga titik ng
Pambansang Awit ng Pilipinas, sa Kastila. Sinusulat niya ang mga titik na ito habang ang pulutong ng
kawal na kinabibilangan niya ay nakahimpil sa Bautista, Pangasinan. Ang Filipinas na sinulat ni Palma
noong buwan ng Agosto, isang libot walong daan siyam na put siyam, ay nalimbag sa unang
pagkakataon sa pahayagang La Independencia noong Setyembre, isang libot walong daan siyam na put
siyam. Binawian siya ng buhay noong Pebrero labing dalawa, isang libot siyam na daan at tatlo

Ito ang Ilan sa mga akda ni Jose Palma:

Una ay ang Himno Nacional Filipino -ito ang titik ng Pambansang Awit na nag papatunay ng kanyang
masining at manubdob na pag ibig sa Inang Bayan. Ito’y nilapatan ng musika ni Julian Felipe. Kung
inyong makikita dito sa may bandang kaliwa, ito ang inilimbag ni Jose Palma na nakasulat sa salitang
Kastila na siya namang isinalin at nilapatan ng musika ni Julian Felipe na kilala ngayon bilang Lupang
Hinirang o ang pambansang awit ng Pilipinas.
2. Sunod ay ang De Mi Jardin (mula sa aking hardin sa tagalog)- ang tula’y nag sasaad ng pangungulila
sa minamahal, katulad ng bulakalk na naluluoy kung mawala sa mga sanga at dahon

3. Melancholias (Mga panimdim) - ito ang pamagat ng kanyang aklat na Katipunan ng kanyang mga
tula. DITO SINASABI NA ANG KANYANG MGA TULANG MADAMDAMIN NA SA NGAYON AY MAY
MAHALAGANG BAHAGI NG ATING PANITIKAN AY TINIPON AT PINALIMBAG NG KANYANG KAPATID NA SI
RAFAEL PALMA NA ANG PAMAGAT AY MELONCOLIAS

4. Iluciones Marcitas – tumatalakay ito sa kanyang talambuhay, ito’y isang tula na naglalaman din
ng kanyang mga daing at matinding pagdaramdam sa kanyang kaisa-isang minahal na si Florentina
Arellano. Iba pang mga tulang makabayan ni Palma na nasulat ay Rizal en La Capilla, Al Album Muerto,
Filipinas Por Rizal Al Martir at La Ultimo Vision.

You might also like