DM Math 3 Module 13

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

3

Mathematics
Quarter 3 – Module 13:
Finding the Missing Value in
a Number Sentence Numbers
Mathematics – Grade 3
Alternative Delivery Mode
Quarter 3 – Module 13: Finding the Missing Value in a Number Sentence Numbers
First Edition, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabras sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
PangalawangKalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jovina S. Leaban
Editor: Sherley C. Eustaquio, Arnel N. Castillo
Tagasuri: Erna G. Angeles, Nickoye C. Bumanglag, Jecleyn M. De Leon
Tagaguhit: Jovina S. Leaban
Tagalapat: Jovina S. Leaban
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas
Jessie L. Amin
Octavio V. Cabasag
Rizalino G. Caronan
Roderic B. Guinucay
Rogelio H. Pasinos

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region II


Office Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500
Telefax: (078) 304-3855; (078) 396-9728
E-mail Address: region2@deped.gov.ph
3

Mathematics
Quarter 3 – Module 13:
Finding the Missing Value in a
Number Sentence Numbers
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at naisulat sa iyo


upang matulungan kang bumasa at makasulat ng mga
praksyon na katumbas ng isa at higit sa isa.Saklaw ng
modyul na ito ang paggamit sa iba’t ibang sitwasyon ng
pagkatuto. Ginamitan ang modyul na ito ng wika at
talasalitaan na naaangkop sa lebel ng mga mag-aaral.
Inayos para makasunod sa paraang istandard na
pagkakasunod-sunod ang mga aralin sa kursong ito
ngunit maaaring baguhin upang matugunan ang
ginagamit na mga teksbuk sa kasalukuyan.

Tutulungan ka ng modyul na ito sa paghahanap ng


nawawalang halaga ng isang number sentence na
kinasasangkutan ng pagpaparami o paghahati ng
buong numero kabilang ang pera.Ang mga pagsasanay
na ibinigay sa modyul na ito ay makatutulong sa iyo na
mailapat ang konsepto ng pangunahing operasyon sa
pagtukoy ng nawawalang halaga ng isang number
sentence.Magkakaroon ka ng isang kakaiba at puno ng
kasiya-siyang karanasan sa pag-aaral habang
hinahanap mo ang nawawalang halaga sa isang
equation sa matematika.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


- mahanap ang nawawalang halaga sa Number
Sentence.
Masiyahan sa iyong pag-aaral. Good luck!

1
Subukin

Hanapin ang halaga ng nasa number sentence.


1.) 35 ÷ 5 = n
n = ___

2.) 25 ÷ n = 5
n = ____

3.) n x 12 = 60
n = ____

4.) 190 ÷ n = 19
n =_____

5.) 6xn=4x6
n = _____

2
Finds the Missing Value in a
Number Sentence involving
Lesson Multiplication or Division of
Whole Number

Sa pang-araw-araw na buhay, makababasa,


makasusulat at makalulutas ka ng mga number
sentence.Ang mga numero ay pinagsamasama kasama
ang mathematical operations. Sa araw-araw nating
pagbabahagi ng pagkain sa iba, pamimili sa tindahan,
pakikipaglaro o anumang mga pang araw-araw nating
gawain hindi natin namamalayan na nagagamit natin
ang pagpaparami (multiplication) o paghatihati
(division). Sa araling ito, matututuhan mong makumpleto
ang isang pamilang na pangungusap o number
sentence na may kinalaman sa pagpaparami
(multiplication) o paghatihati (division) ng buong mga
numero.

3
Balikan

Gamitin mo ng may katuturan ang konsepto ng


pagpaparami at paghahati na iyong natutunan sa mga
nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
sumusunod na katanungan.
1.) Ano ang product ng 9 at 8?
2.) Paghati-hatiin sa 3 ang 81, ano ang sagot o
quotient?
3.) Ilan ang 7 pangkat ng 5?
4.) Ano ang quotient ng 50 at10?
5.) I-multiply ang 6 sa 8, ano ang product?

Tuklasin

Gawain 1
Unang Bilang Nawawala
Sa araling ito, ipagpalagay mong may mga saging
kang nakahandang ibigay sa iyong mga kaibigan. Kung
mayroon kang 18 na saging at balak mong magbigay ng
tig anim sa iyong mga kaibigan, kailangan mong alamin
kung ilan ang kaibigan mong puwede mong mabigyan
ng saging.

4
Suriin

Sa gawain na naibigay sa iyo sa unahan, kailangan


mong malaman kung ilan ang bilang ng mga kaibigan
mong mabibigyan ng saging. Ang iyong pamilang na
pangngusap o number sentence gamit ang
pagpaparami o multiplication ay ganito: ____x6=18.
Laging tandaan na ang Paghatihati (Division) at
pagpaparami (multiplication) ay puwedeng
pagbaliktarin para makuha ang kanilang sagot. Ang
pagkuha sa sagot sa paghatihati (division) ay katulad ng
pagkuha sa nawawalang factor sa pagpaparami
(multiplication). Samakatuwid,ang pagkilala sa ugnayan
ng mga apat na pangunahing operasyon sa matematika
ay kapaki-pakinabang sa paghahanap sa nawawalang
bilang sa isang equation sa matematika. Kung nawawala
ang unang bilang o factor sa pagpaparami (
multiplication), I-divide ang product sa naibigay na
factor para mabuo ang multiplication number sentence.
Equation: ______ x 6 = 18
Solusyon: 18 ÷ 6 = ________

Maaaring lutasin ang suliranin sa pamamagitan ng


pagguhit / paglalarawan at sa pagpapangkat. Kung
papangkatin mo ang 18 na saging sa 6 na pangkat, ilang

5
pangkat ang nabuo? Ilan ang mga pangkat ng 6 ang
nabuo mula sa 18 na saging?

Gamit ang paglalarawan, may 3 pangkat ng 6 na


saging.Dahil 6+6+6=18, may tatlong anim sa 18. Kaya,
18÷6=3.

Pag aralan ang susunod na suliranin.

Suliranin:

Si Tansi ay gumastos ng Php80 sa kanyang 10


minutong pagtawag.
Magkano ang gastos niya sa bawat minuto?

Tulungan mo si Tansi na alamin kung magkano ang


kanyang nagastos sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga katanungan sa ibaba.

Pag-aralan ang suliranin gamit ang mga sumusunod na


hakbang.

6
1. Intindihin ang suliranin.
2. Magplano.Tukuyin ang prosesong gagamitin sa
paglutas sa suliranin.
3. Solusyon.
4. Tingnan kung tama ang ginawa o balikan ang
suliranin.

Kung balikan natin ang suliranin, tinanong ka kung


magkano ang nagastos ni Tansi sa bawat minuto ng
kanyang pagtawag. Sinabi ng suliranin na si Tansi ay
gumastos ng Php80 sa kanyang 10 minutong tawag.Ang
iyong pangungusap na pamilang o number sentence ay
80 ÷ 10 = n, ang sagot, na siyang nawawala ay
kinakatawan ng n. Ang halaga ng n ay Php8 kaya't,
nagbayad si Tansi ng Php8 para sa bawat minuto ng
kanyang tawag.

7
Pagyamanin

Hanapin ang nawawalang bilang sa mga


sumusunod na pamilang na pangungusap o number
sentence.
1. 15 x n = 120
2. 24 x 12 = n
3. Kapag ang isang bilang ay I-multiply sa 17 ang
product ay 68.Ano ang nawawalang bilang?
4. Anong bilang ang panghati-hati mo sa 168 para
makuha ang quotient na 24?
5. Kung I-divide mo ang 990 sa 22, ano ang quotient?

Isaisip

✓ Ang paghatihati (division) at pagpaparami


(multiplication) ay kabaliktaran na operasyon,ang
paghahanap ng quotient sa division ay katulad ng
paghahanap ng nawawalang factor sa
pagpaparami o multiplication.
✓ Ang pagkilala sa pagkakaugnay ng mga apat na
pangunahing operasyon sa matematika ay kapaki
pakinabang sa paghahanap sa nawawalang bilang
sa equation ng matematika.

8
Isagawa

Sagutan ang mga suliranin na naibigay sa pamamagitan


ng paghahanap sa nawawalang halaga sa pamilang na
pangungusap o number sentence gamit ang
pagpaparami (multiplication) o paghatihati (division).
1. Ano ang bilang na kung saan kapag i-multiply sa 6
ang product ay 84?
2. Ang product ng isang bilang at 11 ay 99, Ano ang
nawawalang bilang?
3. Ano ang isang bilang na kung paghahatihatiin sa 5,
ang makukuha mong quotient ay 9?
4. Kung ang 15 na mansanas ay paghatihatiin sa 5
bata, ilang mansanas ang makukuha ng bawat isa?
5. Kung ang product ng 7 at 6 ay paghatihatiin sa
bilang na ito, ang quotient ay 3?

9
Tayahin

Hanapin ang nawawalang bilang sa mga sumusunod na


pangungusap na pamilang o number sentence.
1. 15 x n = 60 , n = _____
2. 117 ÷ n = 13 , n = _____
3. Kung i-multiply ang N sa 19, ang product ay 95. Ano
ang N? ______
4. Ano ang bilang na kapag paghatihatiin sa 14 ang
quotient na makukuha ay 48?_____
5. Kung ang product ng 16 at 24 ay paghatihatiin sa
bilang na ito, ang maibibigay niyang quotient ay 64.
Ano ang nawawalang bilang?

10
Karagdagang Gawain

Sagutan ang mga suliranin sa pamamagitan ng


paghahanap sa nawawalang bilang gamit ang
pagpaparami (multiplication) o paghatihati (division) ng
buong bilang.
1. Ano ang product ng 13 at 25?

__________

2. Ang product ng isang bilang at 31 ay 558, ano ang


bilang?

__________

3. Anong ang bilang na kapag paghatihatiin ng 16


ang magiging quotient ay 120?

__________

4. Ano ang bilang kung paghatihatiin sa product ng 4


at 2 at ang makuhang quotient ay 96?

__________

5. Kung ang product ng 19 at 35 ay paghatihatiin sa


bilang na ito, ang makukuhang quotient ay 133.

__________

11
12
Subukin Balikan Pagyamanin
1. 7 1. 8
2. 5 1. 72 2. 288
3. 5 2. 27 3. 4
4. 10 3. 35 4. 7
5. 4 4. 5 5. 45
5. 48
Isagawa Tayahin Karagdagang Gawain
1. 14 1. 4 1. 325
2. 9 2. 9 2. 18
3. 45 3. 5 3. 1920
4. 3 4. 672 4. 768
5. 14 5. 6 5. 5
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Mathematics 3 (Teacher’s Guide) page 277

Mathematics (Kagamitan ng Mag-aaral ) Tagalog page


282

https://www.depedresources.com/grade-3-teachers-
guide-k-to-12-
curriculum/

https://www.math-only-math.com/Division-as-The-Inverse-
of-
Multiplication.html

13
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like