FILIPINAS

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: Petsa:

Seksyon: Reaksyong Papel

Ang Pagsasalin ng Pilipinas bilang Filipinas


Ang palabas ay nakatuon sa usaping pagsasalin ng pangalan ng bansang Pilipinas
patungo sa salitang “Filipinas”. Ang pangunahing tagapagsalita ng programa ay si Virgilio
Almario, isang kagalang-galang at batiking guro at tagapagpangalaga nang literaturang Filipino
sa ating bansa. Sa aking palagay, ang usapin tungkol sa pagpapalit ng pangalan ng ating bansa ay
nabibilang sa unit nang mga maliliit o simpleng problema na nakadaragdag lamang sa daan-
daang listahan, ngunit ang usaping ito ay mahalaga bilang parte at simula nan gating
pagsasabansa at pagkakaisa. Sa palabas ay kapansin-pansin na umaayon si Virgilio Almario
pagdating sa pagpapalit ng pangalan ng ating bansa, at kasabay nito, bilang mag-aaral na
naglalayong magkaroon nang mas malalim na pagpapakahulugan sa wikang Filipino ay
sumasang-ayon din sa kanyang opinion tungkol sa usaping ito, dahil nagpresenta ang palabas
nang mga balidong ebidensya upang mas pagtibayin ang kanilang panig sa pagbabago ng
pangalan ng Pilipinas bilang “Filipinas”. Isa sa mga rasong ibinigay sa palabas ay ang tahasang
paggamit nang letrang “F” sa iba’t-ibang linggwaheng ginagamit sa ating bansa, kasabay pa nito
ang usapin sa paghahanay kung saan binanggit ni G. Almario ang salitang “Kung ang
pambansang wika ay Filipino, nararapat na sumunod din ang pangalan ng bansa, kung kaya’t
nararapat na tawagin itong Filipinas”, karagdagan pa ay ang paggamit ng salitang “Filipinas”
noong unang panahon pa, kasabay ng pag-usbong ng kasaysayan nang ating bansa. Ang mga
bayaning sila Andres Bonifacio, at Jose Rizal ay siya ring nabanggit, kasabay ang
makasaysayang Samahan ng La Liga Filipinas, na nagpapakita na ang ating mga ninuno at ang
pinakaunang bayaning Pilipino ay nagsimula na sa pagtawag sa ating bansa bilang “Filipinas”.
Sa pagtatapos, ang palabas ay nagpresenta ng mga balidong rason at dahilan na umaayon
sa pagbabago ng pangalan ng ating bansa mula sa “Pilipinas” patungong “Filipinas” sapagkat
ang pangunahing ispiker ay naniniwala na ang pagkakaroon nang kaisahan ng pambansang Wika
at Pangalan ng bansa ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit mayroong naganap na
rebolusyon noon laban sa mga mananakop, dahil nagbunsad ito ng pagsasabansa at pagkakaisa
ng ating mga ninuno. Sa huli, ang paglabas ng usaping ito ay isa lamang tanda na ang mga
Pilipino, at mga Akademiko ay patuloy na nananaliksik upang mas mapayabong pa ang Wikang
Filipino, sapagkat naniniwala sila na ito ay isa sa mga isinasaalang-alang sa pagbunsad nang
pagkakaisa nan gating bansa.

You might also like