Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KOMISYON NG LALONG MATAAS NA EDUKASYON


SAMAR COLLEGES, INC.
Lungsod ng Catbalogan, Samar
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Tagapagsalita :ARCALES, JENNIFER B.


CAÑADA, NATALLY
CINCO, ALYZZA MAE
TAMONDONG, MARWEEN
Instruktor : KEIRON RAY H. GELIN
Asignatura : Filipino 2
Koda ng Kurso : 20059
Pamagat ng Kurso : PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

Layunin:
a.) Nalalaman ang iba’t ibang kasanayan buhat sa
pagbabasa.
b.) Natutukoy ang iba’t ibang uri ng hulwaran ng
oraganisasyon ng teksto.
c.)Nakakapag bigay interpretasyon sa ibait ibang grapikong
representasyon

I. TALAKAYAN

KABANATA 5
PAGBASA SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Alamin Natin

Tulad ng pakikinig ang pagbasa ay isang receptive na kasanayan din. Ang pagbasa ay ay
karaniwang sumusunod matapos malinang ang kasanayan sa pakikinig at pagsasalita. Nagagamit nang tao ang
mga impormasyong kanyang nababasa bilang batayan ng kanyang pangangatwiran at paninindigan.

PAGBASA
Kahulugan at Kahalagahan
Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng
mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.

Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa


mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.

Ang pagbabasa ay susi sa malawak na karunungan natipon ng daigdig sa mahabang panahon.

Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay,


nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang suliranin sa buhay.

Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin.

Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga salitang
binabasa kundi pangangatwiran at pag-iisip.

Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at
krunungan. Ito’y isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at
nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.
Bumabasa ang tao dahil sa iba’t ibang kadahilanan:
may nagbabasa upang kumuha ng dagdag kaalaman o karunungan
may nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang nangyayari sa paligid, ayaw niyang mapag-
iwanan ng takbo ng panahon
may nagbabasa upang maaliw o malibang, mabawasan ang pagkainip at pagkabagot na
nararamdaman.

Apat na Hakbang sa Pagbasa


Ayon kay William S. Gray, “Ama ng Pagbasa”,
1. Ang pagbasa sa akda.
2. Ang pag-unawa sa binasa.
3. Ang reaksyon sa binasa.
4. Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman sa binasa at ng dating
kaalaman.

Layunin sa Maunlad na Pagbasa


1. Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasa.
2. Maihanda ang mga tiyak na kagamitan sa masaklaw at masidhing pagbasa.
3. Makilala ang mga bpaksang pinag-aaralan upang matamo ang impormaasyon hinggil sa
iba’t ibang larangan tulad ng sining, agham at mga bagay na pangkatauhan o
humanities.
4. Magamit ang pagbasa sa pagpapabuti ng mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita at
pagsulat.
5. Matamo ang pagsasarili sa pag-aaral at magkaroon ng mabisang pag-uugali sa pag-aaral
sa tahanan, paaralan at aklatan.
6. Mapadalisay ang mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng pagtataya at
pagpapahalaga sa mga binabasa.
7. Makamtan ang kasiyahan at katuwaan na dulot ng pagbabasa.

Mga Uri Ng Pagbasa

PAGBASA AYON SA PARAAN


1. Mabilisang pagbasa (Skimming) - ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang
tao. Nagtuturo ito sa mambabasa upang malaman ang pangkalahatang pananaw na
matatagpuan sa mga aklat at iba pang nakalaimbag na babasahin. Tinatatawag din itong
pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na paraan ng pagbasa.

Ginagamit ang paraang ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:


• Pagtingin at pagbasa nang mabilisan sa kabuuang nilalaman ng isang aklat;

• pagtingin at pagbasa ng mahahalagang datos na kailangan sa pananaliksik (key


word);

• pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman.

2. Pahapyaw Na Pagbasa (Scanning) - tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na


impormasyon sa isang pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi hinahangad na makuha
ang kaisipan ng sumulat dahil sa mahalaga rito’y makita ang hinahanap sa madali at
mabilis na paraan. Tulad ng paghahanap ng telepono sa direktoryo, paghahanap ng
trabaho, mga paupahang establisemento (buy & sell), pagtingin sa resulta ng mga
eksamen, numerong nanalo sa swipstiks, lotto atbp.

3. Pagsusuring Pagbasa (Analytical Reading) - nakasalalay sa mga materyales ang


gawaing pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit dito ng matalino at malalim na pag- iisip.
Nahahasa rito ang kahusayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng kanyang mapanuring
pag-iisip.

4. Pamumunang Pagbasa (Critical Reading) - Dapat na matiyak ng mambabasa na


naunawaan ang buong nilalaman ng akda. Sa pamumuna hindi lamang ang nilalaman ng
akda ang binibigyan ng pansin. Kasama rito ang pagpuna mula sa pamagat, simula,
katawan (nilalaman) at wakas ng akda. Binibigyan din ng pansin o puna ang istruktura
ng mga pangungusap, ang mga ginamit na salita o istilo sa pagsulat ng may-akda.
Tinitingnan din ang kalakasan at kahinaan ng paksa at may-akda.

5. Tahimik Na Pagbasa (Silent Reading) - mata lamang ang gumagalaw sa uri ng


pagbasang ito, walang puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog ng salita
ang nalilikha ng bumabasa ng teksto.
6. Pasalitang Pagbasa (Oral Reading) - pagbasa ito sa teksto na inaangkupan ng wastong
pagbigkas sa mga salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat na marinig at maunawaan
ng mga tagapakinig.

7. Masinsinang Pagbasa - hindi ito “undertime pressure” na pagbasa. Binibigyan dito ng


guro ang mga mag-aaral ng sapat na panahon upang maisa-isang basahin at
mapagtuunan ng pansin ang mga salitang bumubuo sa teksto.
Pagpapabasa sa mag-aaral sa bahay ng isang teksto at sa pamamagitan ng
kanyang nabasa ay ipalahad ang buod, aral at pananaw sa kanyang binasang aklat.
Madadagdagan ang kanyang kaalaman sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan.

Pagbasa ayon sa Layunin:


1. Pagbasang Nakapagtuturo – nagbabasa ang isang tao dahil mayroon siyang nais
malaman o marating. Kailangan natin ang layuning ito upang maragdagan ng bago an
gating dating kaalaman. Kasiya-siya ito dahil napapaunlad nito ang bawat larangan na
ating tinatahak.
2. Pagbasang Paglilibang - ang pagbabasa ay mainam gawing libangan dahil
nakapagpapataas ng isip at diwa ng tao. Ito ang pagkain ng ating isipan at may
kaligayahang naidudulot sa ating buhay.

Mahalagang Kasanayan sa Pagbasa


1. Pagkilala sa mga Salita (word perception) - Kakayahang umunawa sa iba’t ibang
kahulugan ng salita, pagpapantig, pagbabaybay at pagbigkas.

2. Pag-unawa (comprehension) - Kakayahan sa pag-unawa mula sa payak hanggang sa


mas mabigat at masalimuot na bahagi ng akda.

3. Pagpapahalagang Literari (literary appreciation) - may kakayahang umunawa at


pagkagiliw sa pagpapahalaga ng mga tradisyunal, makabago at napapanahong isyu.

4. Pananaliksik at Pandiksyunaryong Kasanayan (Research & dictionary skills) - May


kakayahan sa paghahanap o pagsisisyasat sa mga bagay at kaalamang di- makita o
matagpuan

“Ang pagbabasa ay psycholinguistic game dahil angisang mambasa ay binubuong muli ng


kaisipan omensahe hango sa kanyang tekstong binasa.”- Goodman

May limang panukatan o dimension sa pagbasa na makatutulongsa paglinang ng mga


nabanggit na layunin.

I. Pag-unawang Literal
1. Pagkuha ng pangunahin, literal at tuwirang kahulugan ng salita, o pagkuha nito
ayonsa pagkakagamit sa pangungusap.

2. Pagkuha ng mga ideya at impormasyong maliwanag na sinabi ng babasahin

3. Pagsasalin ng kaisipan ng may akda sasariling pagkakaunawa ng bumabasa.

4. Pagkilala (recognizing) - mga impormasyon o ideyang malinaw na isinasaad ng


binasa.
a) Detalye o nilalaman ng kwento (pangalan ng mga tauhan,panahon,pook)

b) Pangunahing Kaisipan ng talata (malaking bahagi ng kwento)

c) Paghahambing (Comparison) pakakapareho o pagkakaiba


(mga tauhan, panahon, pook

a) Sanhi at Bunga (Cause and Effect) dahilan ng: (mga tiyak ng pangyayari, kilos
sa loob ng seleksyon)

b) Mga katangian ng Tauhan (Character Traits) malinaw sa mga pangungusap ang


makakatulong sa paglalarawan sa katauhan ng isang tao.

2. Paggunita (Recalling) - Makagawa ng sariling pangungusap at maipaliwanag nang


mabuti ang mga sinasabi sa loob ng kwento.

3. Pagbubuo ng Kaisipan (Re-organization)

a) Pagbubukud-bukod ayon sakategorya (Classifying)


● tao
● bagay
● pook
● pangyayari

b) Pagbabalangkas (Outlining)
● Pagsasaayos ng akda ayon sa balangkas ng:
● Tuwirang pagpapahayag
● Pagpapakahulugan sa mga pahayag sa loob ng akda

c) Paglalagom (Summarizing)
● Pagbubuod ng akda sa pamamagitan ng tuwirang pagpapahayag o
pagpapakahulugan sa mga pahayag sa loob ng akda.

d) Pagsasama-sama (Synthesizing)
● Pagsasama-sama ng mga impormasyon o ideyang galing sa iba’t
ibang pananaliksik.

II. Interpretasyon (Interpretation)

1. Pagbasa sa pagitan ng mga pangungusap kung kwento at mga taludtod kung tula.

2. Pagkuha ng malalalim na kahulugan, bukod sa mga nakuha ng literal na kahulugan.

3. Pagbibigay ng inaasahang kahulugan ng mga salita na hindi tuwirang sinasabi sa aklat.

4. Paglalahad ng tunay na kaisipan ng may akda kasama pati ang mga implikasyon at
karagdagang kahulugan nito.

5. Pagkilala sa tunay na hangarin at layunin ng may akda.

6. Mabigyan ng kahulugan ang kaisipan ng may akda.

7. Makilala at mabigyan ng kahulugan ang mga pamamaraan sa pagsulat at paggamit ng


mga tayutay.

8. Pagbibigay ng kabuuan ng kwento na hindi malinaw na ipinapahayag ng may akda.


9. Pagsasaayos sa panibagong balangkas ng kaisipan ng may akda, pinalalawak ang
kaisipang ito at isinasama sa mga ideyang nakuha ng bumabasa sa pagbasa.

10. Pagbibigay ng opinyon at pala-palagay ayon sa mga kaisipan at impormasyong malinaw


na isinasaad ng akda.

11. Pag-aanalisa at pagsasama-sama upang magkaroon ng panibagong pananaw o mataas na


pamantayan ng pag-unawa upang hayaan ang bumabasa na makapag- isip sa nais na
ipakahulugan sa mahahalagang kaisipan ng may akda.

12. Paghinuha (Inferring)


a) Pagpapatunay o pagtatanggol sa detalye
b) Pagbibigay ng haka-haka sa karagdagang bagay na maaaring naisama ng may
akda na nakakatulong upang ito’y makapagturo, maging kawili-wili at
makatawag pansin.

13. Pagkakasunud-sunod (Sequence)


a) Pagbibigay ng palagay kung anong mga kilos o pangyayari ang maaaring
maganap sa pagitan ng dalawang malinaw na ipinahayag na mga kilos o mga
pangyayari.

b) Pagbibigay ng haka-haka sa kung anu-ano ang maaaring susunod na mangyari


kung ang akda ay natapos nang hindi inaasahan, ngunit ito’y pinabayaang
mangyari.

14. Paghahambing (Comparison) Mahulaan o mabigyan ng sariling palagay o masabi ang


pagkakaiba ng:
a) mga tauhan
b) panahon
c) mga pook

15. Pagkakaugnay ng sanhi at bunga


a) Paghahaka sa mga motibo ng mga tauhan at kanilang mga kinikilos ayon sa
takbo ng panahon at pook
b) Pagbibigay ng palagay kung bakit isinasama ng may-akda sakanyang panulat
ang:
1. mga kaisipan
2. mga gayong pananalita

Mapanuring Pagbasa (Critical Reading)


5. Pagbibigay halaga sa katumpakan ng pagbabasa.

6. Tiyakin ang kaugnayan nito sa isang partikular sa suliranin

7. Pagbibigay ng sariling pasya tungkol sa:

a) katangian
b) kabuluhan
c) katumpakan
d) pagkanakatotohanan

8. Pagbibigay ng sariling reaksyon tungkol samga kaisipang natutuhan o sa akdang nabasa

a) naibigan o di naibigan sa pananawang akda


b) sang-ayon o di sang-ayon sa sakababasang akda
c) makikita ng mga kaisipangnakagugulo ng damdamin o kaya’y
nakapagpapalubag-loob

9. Paghatol at pagbibigay-pansin sakatangian ng material na ginamit ayon sa:


a) katumpakan
b) pagiging kasiya-siya
c)kung ito’y kinalulugdan
d) kalimitan ng pangyayari
10. Pagpapasaya kung ito’y maaring tunay na pangyayari o pantasya lamang batay sa
karanasan ng bumabasa.

11. Pagpapasya kung ito’y katotohanan o opinyon lamang, analisahin o tantyahin:


a) ang pagsulat ay ibinase ayon sa kaalaman ng paksa ng mga
bumabasa
b) ang intension ng may akda

Mga tanong ng maaaring sundan:


1) Binibigyan bang sapat na pagpapatotoo ang kanyang katapusan?
2) Nagtatangka ba ang mayakda na ibaling anginyong pag-iisip?

12. Pagpasya sa kaangkupan. Binibigyang pasya ang kasapatan nito alinsunod sa iba’t ibang
bahagi ng akda. Sa anong bahagi ng kwento inilalarawang mabuti ang tunay na
katangian ng pangunahing tauhan.

You might also like