Ap9 Week5 Q4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
SAN CRISTOBAL INTEGRATED HIGH SCHOOL
SAN CRISTOBAL, SAN PABLO CITY

AP9-Week 5
Pamantayan sa Pagkatuto: Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong sa sector
ng agrikultura (industriya ng agrikultura, pangingisda at paggugubat) AP9MSP-IVd-8

I. LAYUNIN
1. Natutukoy ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong sa sektor ng agrikultura;
2. Nailalahad ang katuturan ng at kahalagahan ng sektor ng agrilkultura tungo sa pambansang pagsulong at
pag-unlad sa pamamagitan ng pagguhit; at
3. Napahalagahan ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong sa sektor ng agrikultura.
II. PAKSA: Mga Patakaran at Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng Agrikultura

Maraming batas at programa ang pamahalaan na ginawa upang mapalakas ang sector ng agrikultura. Hindi
maitatanggi ang kasalukuyang kalagayan ng agrikultura at ng mga mamamayang dito umaasa. Ang mga suliraning
kinakaharap nito ay bunga na rin sa mapang-abuso sa likas na yaman ng mga bansa ng mga mamamayan.
III. GAWAIN
Pangalan: _____________________________ Modyul: AP9-Week5
Baitang/Seksyon: ________________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
ito sa iyong kwaderno.
1. Aling batas na nagbibigay-proteksiyon laban sa pang-aabuso, pagsasamantala, at pandaraya ng mga may-ari ng lupa
sa mga manggagawa?
A. Land Registration Act ng 1902 C. Batas Republika Bilang 1160
B. Public Land Act ng 1902 D. Batas Republika Blg. 1190 ng 1954
2. Ano ang ibig sabihin ng CARL?
A. Comprehensive Agrarian Reform Law C. Community Agrarian Reform Law
B. Comprehensive Agrarian Reform Land D. Community Agrarian Reform Land
3. Aling batas na nagsasaad sa pamamahagi ng mga lupaing pampubliko sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa?
A. Land Registration Act ng 1902 C. Batas Republika Bilang 1160
B. Public Land Act ng 1902 D. Batas Republika Blg. 1190 ng 1954
4. Aling batas ang nagsasabing ang mga nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay na may-ari nito?
A. Atas ng Pangulo Blg. 27 C. Agricultural Land Reform Code
B. Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972 D. Land Registration Act ng 1902
5. Ano ang ibig sabihin ng CARP?
A. Comprehensive Agrarian Reform Program C. Community Agriculture Reform Program
B. Comprehensive Agriculture Reform Program D. Community Agrarian Reform Program
6. Ang mga sumusunod ay mga patakaran at programa sa pangingisda maliban sa.
A. Pagpapatayo ng mga daungan C. Fishery Research
B. Philippine Fisheries Code of 1998 D. National Integrated Protected Areas System
7. Ang mga sumusunod ay HINDI sakop ng CARP maliban sa.
A. tanggulang Pambansa C. liwasan at parke
B. lupang pansakahan D. simbahan at sementeryo
8. Ang KALAHI agrarian reform zones ay programa para sa ________.
A. Pagtotroso B. Pangingisda C. Pagsasaka/Pagtatanim D. Pagtitinda
9. Ano ang tawag sa pamamaraan upang matakdaan ang permanente at sukat ng kagubatan?
A. Philippine Fisheries Code of 1998 C. Community Livelihood Assistance Program
B. National Integrated Protected Areas System D. Sustainable Forest Management Strategy
10. Ito ay programa na ang pangunahing layunin ay maingatan at protektahan ang kagubatan.
A. Philippine Fisheries Code of 1998 C. Community Livelihood Assistance Program
B. National Integrated Protected Areas System D. Sustainable Forest Management Strategy

lV. SANGGUNIAN

 Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J., Nolasco, L., & Rillo, J. (2012). Ekonomiks:
 Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.

“Ang kahirapan ay hindi hadlang sa magandang kinabukasan, tanging edukasyon lamang ang magdadala
sa atin upang marating ang tagumpay na inaasam”

Inihanda ni: Diane D. Solis


Iwinasto ni: Donny Aris C. Malvar, EdD
Binigyang-pansin ni: Donny Aris C. Malvar, EdD

You might also like