Mga Tauhan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mga Tauhan

Mga Pangunahing Tauhan

Ka Ugong

Siya ay maituturing na tauhang lapad sapagkat simula una hanggang sa huling bahagi ng
dula ay hindi ito kinakitaan ng pagababago ng ugali, kilos at pagkatao.

Ang kaniyang tunay na pangalan ay Hugo. Kabiyak niya si Imelda, madalas silang
magtalo at magkulitan ng asawa ngunit sa huli laging pikon at galit ang babae. Nagtatrabaho siya
sa bukid araw-araw. Ang kaniyang katauhan ay ipinakilala sa pamamagitan ng pagiging isang
responsableng asawa dahil siya ang nagtatranaho sa kanilang dalawa ngunit inaasahan nito na
dapat ang asawa niya ang gumawa ng gawaing bahay at pagsilbihan siya.

Sa kaniyang kagustuhan na ang asawa ang mag hugas ng pinggan ay gumawa siya ng
isang usapan na bawal sila magsalita at kung sino ang unang magsalita pagkatapos niyang
banggitin ang “umpisa” ay siyang mag huhugas ng pinggan araw-araw. Sa huli, siya ang nanalo
sa kanilang kasunduan dahil natis niyang hindi magsalita kahit na maraming tao na sa kanilang
paligid at pinaniniwalaang sila ay nakulam. Naging matatag si Ka Ugong upang pigilan ang sarili
na magsalita makaiwas lamang sa paghuhugas ng pinggan.

Ka Maldang

Siya ay tauhan rin na lapad sapagkat hindi nagkaroon ng pagbabago sa kaniyang karakter
sa dula. Nanatili ang kaniyang pagiging magagalitin, mainitin ang ulo at palasigaw.

Kilala rin sa tawag na Imelda. Mayroon itong katangian na laging galit at isimu’y may
kaaway kung kaya’t lagi silang nagatatalo ng asawa. Mahilig rin ito magtatatawag ng kung ano
anong pangalan sa kaniyang asawa sa tuwing tatawagin niya ito. Sa akda ay binigyang
paglalarawan na mataba itong babae dahil malaki ang braso at malakas ang boses. Sa kanilang
dalawa ng kaniyang asawa, siya ang nananatili sa bahay upang maglinis, magluto, maglaba at
gumawa ng iba pang trabaho bilang isang babaeng asawa. Ang kaniyang tungkulin sa bahay ay
talagang nakakapagod para sakaniya kung kaya’t nagpasiya siya na marapat lamang na si Ka
Ugong ang mag hugas ng pinggan na kanilang pinag kainan,
Sa kanilang pag-uusap ni Ka Ugong agad niyang sinang-ayunan ito dahil nakakatiyak
siyang kahit anong mangyari ay siya ang mananalo dahlia alam niyang kahit kalabaw ay
kinakausap ni Ka Ugong. Malaki ang kumpyansiya at tiwala niya sa kaniyang sarili. Ngunit sa
hindi inaasahang pagkakataon, sa takot na matulog at makulong sa ataul ay hindi na niya
napigilan ang sarili na magsalita na naging dahilan upang siya ay matalo. Pagkatapos ng
pangyayaring iyon ay laking tuwa ni Ka Ugong dahil siya ang nanalo.

Mga Pantulong na Tauhan

Kapitbahay

Tauhang lapad rin ito sapagkat hindi nagbago ang kaniyang katauhan sa dula. Noong
araw na pumunta siya sa bahay ng mag-asawa ay nais lamang nito na manghiram ng plantsa.
Inakala niya na walang tao sa bahay ngunit naroon pa ang hagdan na kadalasan ay tinatanggal ito
sa tuwing walang tao sa bahay ng mag-asawa.

Pumasok siya sa bahay at nadatnan ang dalawa na kakaiba, pilit kinausao at inalog ng
kapitbahay ang dalawa ngunit walang nagsasalita at kumikilos. Binigyang konklusyon ng
kapitbahay na hindi normal ang dalawa at ibinalita sa kanilang lugar. Agad naming tumawag ang
lahat ng albularyo upang ipatingin ang kalagayan ng mag-asawa.

Kasama siya sa buong gabi na paggagamot sa dalawa at nasaksihan nito ang mga ginawa
ng tao at albularyo. Naniwala sila na kinukulam ang dalawa kung kaya’t nakiisa sa paggagamot.

Unang lalaki at Pangalawang lalaki

Ang dawalang lalaking ito ay kasama sa pagtitipon at paggagamot sa mag-asawa.


Pinagsikapan nila na kausapin ang dalawa at makapagsalita ngunit walang nangyari. Paniwalang
paniwala ang una at pangalawang lalaki sa ginagawa ng albularyo kung kaya’t nakiisa ito sa
pagagamot.

Unang, Pangalawa at Pangatlong babae

Kagaya ng naunang dalawang lalaki ay isa rin sila sa tumulong upang gumaling ang mag-
asawa. Sinusunod nila ang sinasabi ng albularyo sa kagustuhang makatulong. Nasaksihan din
nila ang mga pangayayari kung paano pinahirapan at pinilit ng albularyo na palabasin sa katawan
ng mag-asawa ang inaakalang masamng Espiritu na sumapi sa kanila.
Albularyo

Nang kanyang makita ang walang kaimik-imik na mag-asawa siya’y sumigaw na sila’y
kinukulam. Lnilatag niya ang banig na buri at iniutos sa mag-asawang kinukulam na mahiga.
Ayo sa kaniya mayroong espiritung lumulukob sa katawan ni Ka Ugong, ito ay matigas ang ulo
dahil hindi sumusunod sakaniya ito kahit ano pang sabihin niya.

Sinubukan niyang paggalingin ang mag-asawa. Inilabas nniya mula sa isang bulSikot na
lagi niyang dala ang siyam na dahong samat, isang bunga ng areka, at kaunting apog sa isang
maliit na bote. Pinili niya ang mga dahong may pareparehong tubo ng ugat. Ipinanguya sa
kapitbahay at ibinuga pagkatapos ay ipinahid sa noo ni Ka Maldang ngunit walang nanagyari,
ganun din kay ka Ugong.

Sa huli, inakala na niyang patay na ang dalawa at masamang Espiritu nalamang ang
bumubuhay sa dalawa kaya nagpasya ito na ipalagay sa ataul ang dalawa upang maiwasan ang
pagkalat ng Espiritu sa kanilang lugar at agad naman itong ginawa ng mga tao.

Tagapagsalaysay

Siya ang tagapaghatid at tagapagsalaysa ng mga eksena sad ula na hindi kailangan ipakita
at bigyang aksyon ng mga tauhan. Malaki ang naging ganap nito sa dula upang maging maayos
at sunod-sunod ang mga pangyayari.

You might also like