Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Marahil lahat tayo ay nasubukan ng tumanggap ng papuri mula sa ibang tao.

Maaring dahil sa tagumpay


na nakuha natin, sa husay natin sa isang larangan, mga nagagawa natin sa loob ng kongregasyon at
marami pang iba. Ano ang pakiramdam natin kapag nakakatanggap tayo ng papuri. Siguradong napasigla
kayo at tuwang tuwa sa papuring iyon dahil may naka-appreciate ng ginawa natin. Pero Paano kaya
natin mamalasin ang ganitong situation o papuri? Mapapanatili kaya natin ang kapakumbabaan kapag
tayo ay pinapapurihan? May matututuhan tayo kay David may kinalaman jan.

Pagkatapos mapatay ni David ang mandirigmang si Goliat ay kinuha na sya ni Haring Saul para maging
lingkod nya. At ng maglaon ay ginawa syang pinuno ng mga hukbo. Nang hirangin siya bilang pinuno ng
mga lalaking mandirigma, nagtagumpay si David sa pakikipagdigma sa mga Filisteo. Dahil jan tuwang
tuwa at Mahal na mahal siya ng mga tao. Kumatha pa nga sila ng mga awiting nagbibigay-papuri sa
kaniya. Tignan natin iyan sa 1samuel 18: 6 at 7
6Tuwing magbabalik si David at ang mga kasama niya mula sa pagpapabagsak sa mga Filisteo, lumalabas
ang mga babae mula sa lahat ng lunsod ng Israel. Masaya silang umaawit at sumasayaw sa pagsalubong
kay Haring Saul, habang tumutugtog ng mga tamburin at laud.7Ang mga babaeng nagdiriwang ay
umaawit ng ganito: “Si Saul ay nagpabagsak ng libo-libo, At si David ay ng sampu-sampung libo.”

Talaga ngang mas naging tanyag pa si David. Nakilala siya bilang isang magiting at makapangyarihang
lalaki at isang lalaking mandirigma at isang matalinong tagapagsalita at isang lalaking may makisig na
anyo.

Dahil sa mga tagumpay na dulot ni David sa Israel inalok sya ni Haring Saul na mapangasawa ang anak
nya.
Paano kaya tumugon si David sa mga papuri at sa mga regalong natatanggap nya? Ipinagmalaki kaya nya
ito? Basahin natin ang 1 Sam 18:23 Nang sabihin ito kay David ng mga lingkod ni Saul, sinabi ni David:
“Sa tingin ba ninyo, simpleng bagay lang ang maging manugang ng hari? Mahirap lang ako at walang
maipagmamalaki.”

Kaya kita natin na itinuring ni David ang kanyang sarili na isang mababa para tumanggap ng mga reward
na iyon. Kaya kitang kita natin sa sagot nya na mapagpakumbaba si David.

Paano nakapanatiling mapagpakumbaba si David sa lahat ng papuring natatanggap nya? Dahil Alam niya
na ang mga katangian, abilidad, at pribilehiyong taglay niya ay resulta ng ‘pagpapakababa,’ o
pagpapakumbaba, ng Diyos, para magbigay-pansin sa kaniya. Naunawaan ni David na nagtatagumpay
siya sa lahat ng ginagawa niya dahil si Jehova ay sumasakaniya, lahat ng mabuting bagay na mayroon
siya ay tinanggap niya mula kay Jehova.

Paano kaya natin matutularan si David?


Tignan ang larawan.
Makikita natin sa larawan sa bandang kaliwa na naging mahusay ang pagpapahayag ng brother. Naging
attentive ang lahat ng nakikinig sa kanya. Nakita natin sa bandang kanan na naappreciate ng mga
kapatid ang pahayag ng brother. Pero kapansin pansin din na ilan sa kanila ay pinapurihan sya ng sobra,
may mga gusto pang magpapicture... Kaya paano tumugon ang brother sa mga papuri? nakita natin sa
hand gesture niya na ayaw niyang mabaling ang atensyon sa kanya.. at ayaw niyang makuha ang credit
na dapat ay kay Jehova lamang. Kaya nakita natin ang kapakumbabaan ng brother.

Bakit mahalagang manatiling mapagpakumbaba kapag pinagpala tayo ni Jehova?


1. Sa Kawikaan 23:15 : mapapasaya natin ang puso ni Jehova
Sabi ng isang reperensya
Kahit ang pinakamatalinong tao ay maaaring mawalan ng silbi sa Diyos kung siya ay palalo o mayabang.
Sa kabilang panig naman, maaaring maging lubhang kapaki-pakinabang kay Jehova maging ang
pinakamababang tao kung siya ay mapagpakumbaba. . . . Malulugod . . . ang ating Diyos na
gantimpalaan ka sa iyong kapakumbabaan.” * Kaya may mas mahalaga pa ba kaysa sa mapasaya ang
puso ni Jehova?

2. Kagaya ni David magugustuhan tayo ng tao. Bakit? Isipin kung anong uri ng mga tao ang gusto mong
makasama. (Mat. 7:12) Bihira sa atin ang gustong makasama ang mga taong mapaggiit sa sarili at hindi
tumatanggap ng mungkahi. Pero nag-e-enjoy tayo sa mga kapatid na madamayin, mapagmahal,
mahabagin, magiliw, at mapagpakumbaba. (1 Ped. 3:8) Kung gusto natin ang gayong mga tao, malamang
na magustuhan din nila tayo—kung mapagpakumbaba tayo.

3. Kapag nakikita ng mga tao na mapagpakumbaba tayo, maaaring gustuhin din nilang makilala si
Jehova. Kung paanong puwedeng mawagi ang mga asawang lalaki sa pamamagitan ng paggawi ng
kanilang asawang babae, maaari ding maakay sa Diyos ang iba dahil sa kapakumbabaan ng kaniyang mga
lingkod.

Kaya kagaya ni David, magiging sulit kung makapananatili tayong mapagpakumbaba kapag
nagtatagumpay.

You might also like