Filipino 10 SLMs 4th Quarter Module 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

Department of Education

Republic of the Philippines


Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 10
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Ang Kaligirang Kasaysayan
ng El Filibusterismo

Self-Learning Module
Filipino-Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan–Modyul 1: Ang Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan


Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Bernadeth D. Magat
Editor: Dulce M. Esteban
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Kenneth C. Salvador,
Jocelyn M. Mateo
Tagasuri ng Wika: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Everlyn S. Pascual,
Jocelyn S. Pablo
Tagasuri ng Disenyo
at Balangkas: Glehn Mark A. Jarlego
Tagaguhit: Jeiyl Carl G. Perucho
Tagalapat: Bernadeth D. Magat
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD
Alexander F. Angeles, PhD
Rubilita L. San Pedro

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan
Office Address: Don Simeon St. San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telefax: (044)-486-7910
E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda upang magkaroon ka ng kabatiran kung


paano nabuo ang ikalawang nobela ni Dr. Jose Rizal, ang El Filibusterismo.
Matutunghayan mo rin ang mga paghihirap at sakripisyong kaniyang
pinagdaanan upang maisulat, matapos, at maipalimbag ang obra maestrang
sinasabing gumising sa diwang makabayan ng mga Pilipino noong panahon
ng pananakop ng mga Kastila. Inaasahan ding magkakaroon ka ng
inspirasyon mula sa araling ito upang higit mo pang malinang ang iyong
pagmamahal para sa sariling bayan.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang malilinang ang


sumusunod na kasanayan:

1. nasusuri at naisasalaysay ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring


napakinggan tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng El
Filibusterismo
(F10PN-IVa-b-83, F10PS-IVa-b-85);
2. natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan
ng:
- pag-uugnay sa kahulugan ng salita
- pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
- pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuoan o ilang
bahagi ng akda
- pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda
(F10PB-IVa-b-86, F10PT-IVa-b-82);
3. napahahalagahan ang napanood na pagpapaliwanag ng kaligirang
pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El Filibusterismo sa
pamamagitan ng pagsulat ng buod nito gamit ang timeline
(F10PD-IVa-b-81, F10PU-IVa-b-85); at
4. naitatala ang mahahalagang impormasyong nasaliksik mula sa iba’t
ibang pinagkukunang sanggunian/reperensiya/batis ng
impormasyon
(F10WG-IVa-b-78, F10EP-IIf-33).

1
Subukin

Bago ka dumako sa araling inihanda ko para sa modyul na ito, halina’t


subukin ang iyong angking kaalaman tungkol sa araling tatalakayin.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o katanungan.


Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

1. Siya ang tinaguriang “Pambansang Bayani ng Pilipinas” na siyang


may-akda ng nobelang El Filibusterismo.
A. Jose Rizal C. Apolinario Mabini
B. Andres Bonifacio D. Marcelo H. Del Pilar

2. Umiral sa lipunan noon ang isang patakaran ng mga Kastila na kung


saan sapilitang pinagtatrabaho ang kalalakihang Pilipinong edad 16
hanggang 60 na tinatawag na ____________.
A. polo y servicio C. sistemang kasama
B. bandala system D. sentralisadong pamamahala

3. Ito ay isang mabisang paraang maaaring gamitin sa paghahanay ng


mga pangyayaring naganap sa isang kasaysayan.
A. diary o talaarawan C. grapikong pantulong
B. flashback o balik-tanaw D. timeline o talatakdaan

4. Ang sumusunod ay mga batis ng impormasyon o sangguniang


maaaring gamitin upang makapagtala ng mahahalagang
impormasyon tungkol sa kaligirang pangkasaysayan kung ang
kailangan ay mga orihinal na pahayag at obserbasyon maliban sa isa.
A. diary
B. encyclopedia
C. awtobiyograpiya
D. rekord ng tanggapan ng gobyerno

5. Ito ang salin sa wikang Filipino ng El Filibusterismo.


A. Ang Pilibustero
B. Ang Filibusterismo
C. Huwag mo Akong Salingin
D. Ang Paghahari ng Kasakiman

2
6. Ayon sa kasaysayan, ipinagbawal ni Don Francisco na ama ni Jose
Rizal ang paggamit ng salitang filibustero dahil ____________.
A. mapanganib ang salitang ito
B. masama ang kahulugan nito
C. ipinagbawal ito ng mga Kastila
D. makukulong ang magwiwika nito

7. Kailan at saan inilimbag ni Dr. Rizal ang El Filibusterismo?


A. Marso, 1888 sa Madrid, Espanya
B. Disyembre, 1896 sa Bagumbayan
C. Setyembre, 1891 sa Gante, Belgica
D. Oktubre, 1887 sa Calamba, Laguna

8. Sino ang naging inspirasyon ni Dr. Jose Rizal upang tapusin ang
kaniyang nobelang El Filibusterismo?
A. ang inang si Donya Teodora
B. ang kasintahang si Leonor Rivera
C. ang kapatid na si Paciano na nagpaaral sa kaniya
D. ang mga Pilipinong dumanas ng mga kasawian sa kamay ng
mga Espanyol noong panahong iyon

9. Nasaksihan ng batang si Jose Rizal ang kalunos-lunos na pagbitay sa


tatlong paring martir kaya _________________.
A. naisipan niyang ipaghiganti ang sinapit nila
B. sila ang pinag-alayan niya ng nobelang El Filibusterismo
C. binigyan niya ng kopya ng nobela ang kanilang pamilya
D. ibinigay niya ang orihinal na manuskrito ng nobela upang
isama sa libingan ng tatlong pari

10. Ang sumusunod ay mga sakripisyo at kahirapang naranasan ni Dr.


Rizal habang isinusulat niya ang nobela maliban sa isa.
A. Minsa’y makalawa lamang siyang kumain maghapon.
B. Napilitan siyang isanla ang lahat ng kaniyang alahas.
C. Ang mga magulang niya at mga kapatid ay pinag-usig ng
pamahalaang Kastila.
D. Napilitan siyang makipaghiwalay sa kaniyang katipan upang
bigyang-pansin ang pagsusulat.

Pagkatapos mong sagutin ang paunang pagtataya, batid kong may


sariling hinuha ka na tungkol sa araling tatalakayin. Kaya’t ipagpatuloy mo
lamang ang pag-aaral at pagkatuto sa bawat bahagi ng modyul na ito.

3
Aralin Ang Kaligirang
Kasaysayan
1 ng El Filibusterismo
Binibigyang-tuon sa ikaapat na markahan sa Filipino Baitang 10 ang
ikalawang obra maestrang isinulat ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose
Rizal, ang El Filibusterismo. Matutunghayan mo sa bawat aralin ang
nilalaman ng nobelang ito at masusuri mo kung paano ito nakatulong sa mga
Pilipinong makipaglaban sa mga mananakop noong panahon ng mga Kastila.

Tatalakayin sa araling ito ang kaligirang kasaysayan ng nobela upang


mabigyang-kaalaman ka kung paano ito naisulat, binuo, at naipalimbag.
Magkakaroon ka rin ng kabatiran tungkol sa mga sakripisyo at paghihirap na
dinanas ni Dr. Rizal upang maipamalas ang kaniyang marubdob na pag-ibig
sa bayan sa pamamagitan ng nobelang ito.

Balikan

Batid kong marami kang natutuhan sa nakalipas na ikatlong


markahan kaya balikan mo muna ang huling araling iyong pinag-aralan.
Natatandaan mo pa ba kung tungkol saan ang huling paksa? Magaling! Ito
ay tungkol sa nobela mula sa bansang Nigeria na pinamagatang, “Paglisan
(Buod)”. Sikaping alalahanin ang iyong natutuhan sa nobelang ito upang
masagutan mo ang susunod na gawain.

Panuto: Dugtungan ang mga pahayag sa loob ng kalatas (scroll) upang mabuo
ang mahalagang mensaheng tumatak sa iyong isipan mula sa nobelang
“Paglisan (Buod)” at ipaliwanag kung paano mo ito ilalapat sa iyong sariling
buhay. Gawin ito sa hiwalay na papel.

4
Ang mahalagang mensaheng natutuhan ko sa
nobelang “Paglisan (Buod)” ay _________________
_______________________________________________.
Mailalapat ko ito sa aking sariling buhay sa
pamamagitan ng ______________________________
_______________________________________________.

Tuklasin

Bago tuluyang dumako sa aralin, nais ko munang bigyan ka ng ilang


gawain upang magkaroon ka ng paunang kaalaman tungkol dito. Basahin
ang maikling salaysay tungkol sa may-akda ng nobelang El Filibusterismo.
Sikapin mong unawain ang kaniyang mga pinagdaanang karanasan upang
lubos mong maintindihan kung bakit siya nakapagsulat ng obra maestrang
tulad nito. Kaya naman, ipakita mo ang iyong angking kahusayan sa pagbasa
at pag-unawa sa bahaging ito. Simulan mo na!

Si Mang Pepe, Isang Dakilang Pilipino


Ni Bernadeth D. Magat

Sadyang nakababagot na...

Araw-araw na lang wala na akong ginawa kundi gumising nang maaga


at magsagot ng mga modyul sa iba’t ibang asignatura. Gahol ang limang araw
upang matapos ko nang maayos ang pagsagot sa mga gawain. Ni hindi ko na
makuhang maglibang at gawin ang mga bagay na dati kong ginagawa. Mula
nang magkaroon ng pandemya, ganito na ang aking naging sitwasyon;
gigising, haharap sa mga modyul, kakain, magsasagot uli, at paulit-ulit pang
muli. Nakasasawa na talaga. Nasa ikasampung baitang pa lamang ako pero
ang hirap na talaga. Paano kaya kung huminto na lang ako sa pag-aaral?

“Uy, bata! Ano ginagawa mo riyan?”

“Naghahanap po ako ng mga kalakal dito sa basurahan.”

5
“Bakit? Lunes ngayon, hindi ba? Dapat ay nasa eskwelahan ka sa mga
oras na ito at nag-aaral.”

“Huminto na po ako sa pag-aaral, sobrang hirap na po ang nararanasan


ko at suko na po ang aking isipan sa pagsagot sa mga modyul kaya heto po
nangunguha na lang ng mga kalakal para kahit paano ay makatulong po ako
sa aking mga magulang. Pasensiya na po at kinakalkal ko ang inyong
basurahan.”

“Naku bata ka, halika at magkuwentuhan muna tayo sa loob, baka


pagod na pagod ka na sa pangangalakal.”

“Naku, nakakahiya naman po sa inyo, Mang ...”

“Pepe, Mang Pepe na lang ang itawag mo sa akin. Ikaw, ano ang
pangalan mo?”

“Ako po si Andres. Salamat po sa pagpapatuloy sa akin sa bahay ninyo.”

“Halika, maupo ka, Andres


at saluhan mo ako sa iginayak
kong nilagang kamote at mainit
na salabat. Nabanggit mo
kaninang hindi ka na nag-aaral.
Bakit? Sayang naman ang
magandang kinabukasan mo.
Kung makatatapos ka ng pag-
aaral, e ’di sana hindi ka na
mangangalakal.”

“Opo, Mang Pepe. Hirap na


hirap na po kasi ako at
pakiramdam ko po hindi ko na
talaga kaya.”

“Naku, itong batang ito pala. Wala pa sa kalingkingan ng mga


paghihirap at sakripisyo ko noong ako’y nag-aaral ang lahat ng
pinagdaraanan mo. Hindi mo naitatanong ika-19 ng Hunyo, 1861 ako
ipinanganak sa Calamba, Laguna. Ang aking amang si Don Francisco ay
isang mangangalakal at siyang bumuhay sa aming labing-isa niyang anak.
Ang aking inang si Donya Teodora naman ang siyang nag-alaga at nagsilbing
unang gurong nagturo sa amin ng abakada at mga dasal. Naalala ko pa noon,
tanging lampara lamang ang aming ilawan subalit buong-tiyaga akong

6
tinuruan ng aking ina at madalas siyang may kuwento para sa akin upang
maturuan ako ng kabutihang-asal. Tatlong taon pa lamang ako ay kabisado
ko na ang abakada at sa edad na lima, marunong na akong bumasa at
sumulat.”

“Wow! Ang galing naman po ninyo, Mang Pepe.”

“Oo, at ’yun ay dahil sa matiyaga kong ina. Nang ako ay siyam na taong
gulang na, pinag-aral niya ako sa Biñan, Laguna sa ilalim ng maestro kong
si G. Justiniano Aquino Cruz. Kaya lang ilang buwan lamang, pinayuhan niya
ang aking ina na iluwas ako sa Maynila at doon pag-aralin dahil lahat halos
ng itinuturo niya ay alam ko na. Kaya inilipat ako ng aking ina sa Ateneo
Municipal De Manila kung saan ako nakatapos nang may notang
sobresaliente at pinakamataas na karangalan. Sumunod ay nag-aral naman
ako ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas dahil nalaman kong ang
aking ina ay tinubuan ng katarata at nais kong ako mismo ang magpagaling
sa kaniya.”

“Labis po talaga kayong kahanga-hanga, Mang Pepe at mahal na mahal


po ninyo ang inyong ina.”

“Oo, Andres, hindi ko matitiis na wala akong gagawin upang


guminhawa siya. Alam mo bang inilipat ako ng aking kuya na si Paciano sa
Unibersidad Central De Madrid sa Espanya upang doon ipagpatuloy ang
aking pag-aaral ng medisina? Ito ay lingid sa kaalaman ng aking ama at ina
dahil alam naming hindi nila ako papayagan dahil ako ay nag-iisa lamang.
Maraming sakripisyo ang ginawa ko para makatapos ng pag-aaral. Madalas
ay hindi dumarating sa oras ang padalang salapi ng aking kapatid kaya
kinailangan kong magtipid at minsa’y dalawang beses na lamang kumain sa
isang araw. Doon ko natapos ang kursong medisina at nagpakadalubhasa rin
ako sa paggamot sa sakit sa mata sa Pransya.

Nang sapat na ang aking kaalaman, umuwi ako sa Pilipinas at


matagumpay kong inoperahan ang mata ng aking ina. Walang kasinligaya
ang naramdaman ko nang oras na iyon dahil ako mismo ang nakapagdulot
ng kagalingan sa mahal kong ina.”

“Nakatutuwa po kayo, Mang Pepe. Tulad po ninyo, mahal ko rin po ang


aking ina kaya po ako ay nangangalakal para kahit paano’y matulungan ko
siya sa mga gastusin sa bahay.”

“Sa isang banda, tama naman din ang ginagawa mo, Andres, dahil
nakatutulong ka sa kaniya subalit higit pa sa nagagawa mo ngayon ang

7
maaari mong itulong kung ika’y
nakapagtapos ng pag-aaral. Alam mo
bang noong ako’y nasa ganiyang edad,
nagkaroon pa ako ng kagustuhang
dalaga habang nag-aaral, siya si
Segunda. Subalit siya’y may katipan na
at naipagkasundo nang ipakasal.
Sumunod ay nagkaroon ako ng isang
magandang katipan, si Leonor Rivera,
subalit hindi sang-ayon sa aming pag-
iibigan ang kaniyang pamilya dahil kami
raw ay malayong magpinsan.
Ipinagpatuloy namin nang lihim ang
aming ugnayan kahit ako’y nasa Europa
sa pamamagitan ng pagpapalitan namin
ng liham subalit isang araw, natuklasan
ko na lamang na siya pala’y ipinakasal
na sa isang mayamang inhinyero na naging dahilan upang matigil ang
pagpapadala niya ng liham sa akin. Masakit, subalit kailangan kong
tanggaping hindi siya ang itinadhana para sa akin kundi ang aking
napangasawang si Josephine Bracken. Ikinasal kami sa juez sa Dapitan,
Zamboanga. ’Di kalaunan, nagdalang-tao siya subalit sa kasamaang-palad,
siya ay nakunan kaya’t ang aking anak sanang pinangalanan naming
Francisco ay ’di ko nakapiling kailanman.”

“Nakalulungkot naman po ang sinapit ng inyong buhay pag-ibig at ang


nangyari sa inyong anak. Bakit po kayo nanirahan sa Dapitan, malayo po
iyon, ’di ba?”

“Alam mo kasi, Andres, dahil sa labis na pagmamahal ko sa bayan,


nagsulat ako ng dalawang nobela, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo
na sinasabing nagpagising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino kaya
sila natutong makipaglaban sa mga mananakop. Dahil doon, inakusahan
nilang mapanghimagsik ang aking mga nobela kaya ako ay ipinatapon nila
sa Dapitan at kinasuhan ng rebelyon. Nilitis nila ako at nahatulang may-sala
kaya bilang parusa ako ay babarilin sa Bagumbayan sa ika-30 ng Disyembre,
1896. Nalulungkot ako sapagkat ako’y mamamaalam sa daigdig nang hindi
man lamang nasaksihan ang paglaya ng minamahal kong bayan.”

“Andres! Uy, Andres! Gising na! Nakatulugan mo na naman ang


pagsagot sa mga modyul mo. Bukas na iyan ipapasa, tapos ka na ba?”

8
Bigla akong nagulantang sa mga salitang iyon mula sa aking ina.
Nakatulog pala ako habang nagsasagot ng mga gawain sa modyul sa Filipino.
Mula ngayon, mag-aaral na akong mabuti at hindi na magrereklamo sa
pagsagot sa mga modyul. Ang mahalaga, ako ay patuloy na nakapag-aaral
para magkaroon ako ng magandang kinabukasan at nang hindi ako maging
pabigat sa aking bayan.

“Maraming salamat po, Mang Pepe.”

Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin ang bawat katanungan tungkol sa akdang binasa. Isulat ang
iyong sagot sa hiwalay na papel.

1. Kanino maaaring maiugnay ang mga pangyayaring nabanggit sa


akdang iyong binasa?
2. Anong mahalagang papel ang ginampanan niya sa kasaysayan ng
ating bansa at sa buhay ng mga Pilipino noon hanggang ngayon?
3. Ano-ano ang dalawang nobelang isinulat niya?
4. Bakit sinabi niyang ang mga nobelang ito ang naging dahilan ng
pagkakatapon at pagkakahatol ng parusang kamatayan sa kaniya?
5. Anong inspirasyon ang natutuhan mo mula sa maikling kuwentong
iyong nabasa? Bilang kabataan, paano mo maibabahagi sa iba ang
inspirasyong natutuhan mo sa akda?

Ang iyong binasa ay buod ng talambuhay ng ating pambansang


bayaning si Dr. Jose Rizal sa paraang pasalaysay. Batid kong naibigan mo ito
at naging daan ito upang makilala mo nang lubusan ang may-akda ng
nobelang iyong pag-aaralan.

Suriin

Sa bahaging ito ng aralin ay mababasa mo ang mga pahayag at


paliwanag kung paano naisulat ang El Filibusterismo. Inaasahan kong
uunawain mong mabuti ang kasaysayang pinagmulan ng nobela bago ito
maisilang at magbigay-inspirasyon sa mga Pilipino noong panahon ng
pananakop ng mga Kastila.

9
Ipabasa sa isang kasama sa bahay o sa sinomang makatutulong sa iyo
ang kaligirang kasaysayan ng nobela. Pakinggan mo itong mabuti upang
masagutan mo ang mga inihanda kong gawain kaugnay nito.

Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo

Kung ang Noli Me Tangere ay siyang gumising at nagpaalab sa diwa at


damdamin ng mga Pilipino ukol sa kanilang mga karapatang pambansa, ang
El Filibusterismo naman ang nakatulong nang malaki kay Andres Bonifacio
at sa Katipunan upang maiwaksi ang mga balakid na nakasasagabal sa
paghihimagsik noong 1896.

Ang mga simulain sa nobelang ito (El Filibusterismo) ay siyang


nagpasigla at nagpatibay ng loob ng mga Pilipino sa pakikidigma laban sa
Espanya, at siya rin namang nagtaguyod sa
kanila sa mahabang panahong ginugol sa
pagtuklas ng kasarinlan. Ang El
Filibusterismo ang siyang nagturo sa
kapilipinuhan ng pagkabihasa, ng
pagbabagumbuhay, at ng landas tungo sa
kaligtasan―kaligtasang matatamo lamang sa
pamamagitan ng sariling pagsisikap.

Bagama’t binalangkas ni Dr. Rizal ang


pagkatha sa El Filibusterismo noong
ginagawa niya ang Noli Me Tangere, ay may
mga limang taon ang nakalipas o dili kaya’y
noong 1890, bago niya sinimulan ang
nasabing aklat, ang El Filibusterismo.

Ang kalagayan sa pamumuhay ni Dr. Rizal nang isinusulat niya ang El


Filibusterismo ay katulad, kung ’di man lalong mabalakid, nang pasimulan
at matapos niya ang Noli Me Tangere. Suson-susong mga kahirapan ang
kaniyang dinanas―nagtipid siya nang ’di gagaano, at kung minsa’y makalawa
lamang siyang kumain maghapon; napilitang isanla ang lahat ng kaniyang
alahas; ang mga kapanalig niya sa La Solidaridad ay nakipaglayo sa kaniya;
ang mga magulang niya at mga kapatid ay pinag-usig at pinasakitan ng
pamahalaang Kastila; ipinakasal sa iba ang kaniyang binibining katipan ng
mga magulang nito―anupa’t lahat ng pangyayari noon ay tila nagtulong-
tulong upang maigupo ang diwa at kalooban ng bayani.

Nguni’t ang ganitong mga kasawian ay ’di nakapigil sa kapasiyahan at


katibayan ng loob ni Dr. Rizal upang ipagpatuloy at tapusin ang pagsulat ng

10
El Filibusterismo. Sinimulan ang nobelang ito sa Londres, Inglatera noong
1890 ngunit ’di naglaon ay lumipat sa Bruselas, Belgica at dito sa huling
lungsod niya isinulat ang malaking bahagi ng nobela hanggang sa matapos
ang aklat noong ika-29 ng Marso, 1891. May ilang talang nagsasabing may
bahagi rin ng El Filibusterismo na isinulat sa Gante, Belgica lalong-lalo na
ang bandang huli at ang pagrerebisa ng manuskrito.

Ayon sa pahayag ng may-katha sa isang liham kay Jose Basa,


makabayang kaibigan ng bayani, ang manuskrito ng nobela ay ibinigay nito
sa isang palimbagan sa Gante nang nagtatapos ang buwan ng Mayo, 1891.
Sa isang banggit sa The Hero of the Filipinos, talambuhay na isinulat nina
Russell at Rodriguez, ay mahuhulo na ipinalimbag ni Dr. Rizal ang El
Filibusterismo sa pag-asang may sapat na kuwaltang pantustos na
matatanggap siya na manggagaling sa Pilipinas.

Nguni’t binigo siya ng mga pangyayari: naibayad na lahat ang


kuwaltang kaniyang natipid; ang kuwaltang hinihintay ay hindi dumating;
ang ilang mayayamang Pilipinong nangakong aabuloy ng halagang
kakailanganin sa pagpapalimbag ay pawang nangakalimot―anupa’t halos
nawalan na ng pag-asa si Dr. Rizal na maipatapos ang kaniyang paggawa.
Dahil dito’y itinigil ang pagpapalimbag sa El Filibusterismo na noo’y nasa
pahina 112 pa lamang.

Nangangalahati ang buwan ng Setyembre, 1891, isang pangyayari ang


nag-iwas kay Dr. Rizal sa pagkabigo sa kaniyang layunin―ito’y ang halos
himalang pagdating buhat sa Paris ng kuwaltang padala ng matalik niyang
kaibigang si Valentin Ventura. Sa bagay na ito ay naligtas ang ating bayani
sa pagkagipit at ang El Filibusterismo ay natapos ipalimbag humigit-
kumulang noong ika-22 ng Setyembre, 1891.

Bilang pagkilala ni Dr. Rizal sa malaking utang na loob ay inialay niya


kay G. Ventura ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo kalakip ng
isang inilimbag at nilagdaang sipi ng nobelang ito.

Matapos mapadalhan ni Dr. Rizal ng mga sipi ng El Filibusterimo ang


mga tapat niyang kaibigan, gaya nina Dr. Ferdinand Blumentritt, Marcelo H.
Del Pilar, Graciano Lopez Jaena, at Juan Luna, ay ipinalagay niya sa mga
kahon ang halos lahat ng mga aklat na ipinalimbag. Ang karamihan ay
ipinadala niya sa Hongkong at ang natirang bahagi ay sa Pilipinas naman.
Ang ginawang ito ni Dr. Rizal ay nagpapatunay na isinulat niya ang El
Filibusterismo upang basahin sa Pilipinas at ’di sa Espanya, Pransya,
Alemanya, at iba pang bansa sa Europa.

11
Sa masamang kapalaran, lahat halos ng mga sipi ng El Filibusterismo
ay nasamsam sa Hongkong at lahat naman ng dumating sa Iloilo ay natutop
at ipinasira ng pamahalaang Kastila. May iilan-ilan ding sipi ang nakarating
at nabasa sa Pilipinas, nguni’t sapat na ito upang makalikha ng malaking
sigla sa kilusang nauukol sa paghihimagsik.

Karagdagang kaalaman tungkol sa nobela

Ang El Filibusterismo ay binigyan ng iba’t ibang saling-pamagat. Sa


wikang Ingles, ito ay isinalin bilang “The Filibustering”. May salin din ito sa
wikang Ingles na ang pamagat ay “The Reign of Greed” na tinumbasan naman
sa wikang Tagalog ng “Ang Paghahari ng Kasakiman”. Sa ibang aklat sa
wikang Ingles, ito ay “The Subversive” na ang salin naman sa wikang Filipino
ay “Ang Subersibo”. Anoman ang pamagat, ang salitang filibusterismo ay
nanggaling sa salitang Kastilang “filibustero” na hiniram naman sa salitang
Pranses na “filibustier” na tumutukoy sa sumusunod na mga kahulugan:
pirata (pirate), isang taong mangingikil ng buwis o pag-aari ng iba (plunderer),
at isang taong may kinalaman sa rebolusyon o pumupunta pa sa ibang bayan
upang suportahan ang isang pag-aaklas (freebooter).

Ayon mismo kay Dr. Jose Rizal, na mababasa rin sa ginawang


introduksiyon ng kaibigan niyang si Ferdinand Blumentritt para sa kaniyang
ikalawang nobela, ang “filibustero” ay nangangahulugang “mapanganib na
taong (makabayan) mamamatay kahit na anong oras”. Ito ang kontekstuwal
na pagpapakahulugan ng mga Espanyol at ilang Pilipino noon na nakaaalam
ng salitang ito. Unang pagkakataong narinig ito ni Dr. Rizal ay noong binitay
ang tatlong paring martir dahil sa pagkakadawit sa Cavite Mutiny. Labis-labis
na pagkabalisa ang idinulot ng salitang ito sa mga Pilipino maging sa mga
nakapag-aral dahil ito ay tila parusang bigla na lamang ipapataw ng mga
Espanyol sa kung sinomang Pilipinong nais nilang mamatay. Dahil dito,
ipinagbawal mismo ni Francisco Mercado, ama ni Dr. Rizal, ang pagbanggit
sa mapanganib na salitang ito, maging ng mga salitang “Cavite” at “Burgos”
(isa sa tatlong paring martir na kaibigan ng kapatid ni Dr. Rizal na si Paciano),
dahilan kaya kakaunti lamang ang nakaalam ng salitang ito.

Labing-isang taong gulang pa lamang noon si Dr. Rizal nang


masaksihan niya ang kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring martir, ang
GomBurZa, na sina Mariano Gomez de los Angeles, Jose Apolonio Burgos y
Garcia, at Jacinto Zamora y del Rosario. Marami ang nalungkot at marami
ang nagalit dahil pinatay ang tatlong paring inosente na idinawit lamang sa
Cavite Mutiny. Ang Cavite Mutiny ay ang pag-aaklas noon sa Cavite ng
tinatayang 200 pinagsama-samang manggagawang Pilipino at lokal na mga
sundalo dahil sa sapilitang paggawa o polo y servicio at pagkakaltas ng buwis

12
ng mga Espanyol sa natatanggap nilang bayad. Gayunman, ang pag-aaklas
na ito ay hindi naging matagumpay dahil lahat ng nagsipag-aklas ay hinuli,
pinarusahan, at pinatay. Sinoman ang sumubok na sumuporta at tumulong
sa pag-aaklas ay parehong kapalaran ang sinasapit.

Dahil sa maraming Espanyol lalong-lalo na ang mga prayle ang galit at


naiinggit sa GomBurZa, idinawit nila ang mga pangalan ng tatlong pari bilang
mga filibustero. Sila ay binitay sa pamamagitan ng garote sa Bagumbayan
(ngayon ay Rizal Park) noong ika-17 ng Pebrero, 1872. Ang karumal-dumal
na pangyayaring iyon, kahit maraming taon na ang lumipas, ay kumintal sa
isipan at bumiyak sa puso ni Dr. Rizal kaya ang GomBurZa ang kaniyang
pinag-alayan ng pagsusulat ng nobelang El Filibusterismo.

Tulad sa nabanggit sa unang bahagi ng tekstong ito, nirebisa ni Dr.


Rizal sa London ang halos lahat ng naisulat na niya sa ikalawang nobela
noong 1888. Ito ay may kinalaman mismo sa kaniyang naging mga
inspirasyon sa pagsusulat; ngunit naiiba sa mga inspirasyon ng ibang
manunulat―ang kaniyang masasakit na karanasan sa totoong
buhay―dahilan para maging mabigat ang mga emosyon at mga pangyayaring
mayroon sa El Filibusterismo. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: (1) ang
pagmamalupit ng mga paring Dominiko sa mga magsasaka sa Calamba at sa
kaniyang pamilya―matutunghayan sa Kabanata 4; (2) ang pagkamatay ng
dalawang Pilipino sa Madrid na sina Felicisimo Gonzales at ang kaibigan
niyang si Jose Maria Panganiban; (3) ang away nilang dalawa ni [Heneral]
Antonio Luna dahil sa isang babae, si Nelly Bousted; (4) ang tunggalian sa
pagitan nila ni Marcelo H. del Pilar sa pamumuno ng samahan ng mga Kastila
at mga Pilipino sa Espanya―mababasa sa unang mga bahagi ng nobela ukol
sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila; at (5) ang pagpapakasal ng
kaniyang kasintahang si Leonor Rivera sa isang inhinyerong Ingles na si
Henry C. Kipping―matutunghayan sa huling mga bahagi ng nobela, sa
kabanata kung saan nagpakasal si Paulita Gomez kay Juanito Pelaez.

Tulad sa Noli Me Tangere, ang ilang tauhan sa nobelang ito ay hinango


mismo ni Dr. Rizal sa tunay na buhay. Ang iginagalang na paring Pilipino na
si Padre Florentino ay walang iba kundi si Padre Leoncio Lopez na malapit na
kaibigang pari ni Dr. Rizal. Si Isagani ay si Vicente Ilustre na isang makata.
Si Paulita Gomez ay si Leonor Rivera, ang pinsan ni Dr. Rizal na naging
kasintahan niya. Si Leonor Rivera din si Maria Clara sa Noli Me Tangere,
mapapansing magkaiba ang mga katangian nina Maria Clara at Paulita
Gomez subalit pareho lamang hinalaw sa iisang tao. Si Simoun, ang
pangunahing tauhan, ay walang iba kundi si Simon Bolivar, ang
tagapagpalaya ng Katimugang Amerika mula sa pananakop ng Espanya. Si

13
Padre Salvi ay si Padre Antonio Piernavieja; si Donya Victorina ay si Donya
Agustina Medel; at si Kapitan Tiago ay si Kapitan Hilario Sunico.

Ngayong batid mo na ang mahahalagang pangyayaring naging daan


upang maisulat ang El Filibusterismo, halina’t basahin mo ang ilan pang
kaalamang magagamit mo upang lubos na maunawaan ang araling ito.

Ano ang nobela?

Ang nobela ay akdang pampanitikang nasa anyong tuluyan,


kadalasang halos pang-aklat ang haba na ang banghay ay inilalahad sa
pamamagitan ng mga tauhan at diyalogo. Ito ay naglalahad ng isang kawil
ng mga kawili-wiling pangyayaring hinabi sa isang mahusay na
pagbabalangkas. Ito ay itinuturing na makulay, mayaman, at makabuluhang
anyo ng panitikang tuluyan. Binubuo ito ng mga yugtong nagsasalaysay ng
mga kawing-kawing na pangyayari sa buhay ng mga tao na bukod sa
nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan
ng mambabasa.

Ano ang timeline?

Ang timeline o talatakdaan ay talaan ng mga gawaing dapat


gampanan sa tama o takdang oras o panahon. Sa madaling kahulugan, ito
ay talahanayan ng mga mahalagang kaganapan sa mga nakaraang taon,
maaari din namang mga partikular na kaganapang lumipas na.

Ano ang pagbubuod?

Ang pagbubuod ay isang mahalagang kasanayan sa pag–aaral. Ang


buod ay siksik at pinaikling bersiyon ng tekstong maaaring nakasulat,
pinanood o napakinggan. Pinipili sa buod ang pinakamahalagang ideya at
sumusuportang ideyang isinusulat sa sariling salita o pangungusap. (Mexus
Education)

Mga hakbang sa pagbubuod

1. Basahin, panoorin, o pakinggang mabuti ang teksto o akda.


2. Guhitan ang pangunahing ideya habang binabasa ang akda at kung
pakikinig at panonood, isulat ang pangunahing ideya.
3. Tukuyin ang paksang pangungusap o pinakatema at ang mga susing
salita (key words).
4. Pag-ugnay–ugnayin ang mga ideya upang mabuo ang pangkalahatang
kaisipan.

14
5. Isulat ang mga sariling kaisipan gamit ang sariling salita o
pangungusap.
6. Huwag maglagay ng mga detalye, halimbawa, at ebidensiya.
7. Makatutulong ang paggamit ng signal words o salitang transisyon tulad
ng gayon pa man, kung gayon, bilang pangwakas, at iba pa sa mga
ideya.

Ano ang tinatawag na reperensiya/batis ng impormasyon/sanggunian?

Ang reperensiya/batis ng impormasyon/sanggunian ay ang


pinanggagalingan ng mga katunayan, halimbawa ng facts and figures, at mga
datos (obserbasyon, berbal at biswal na teksto) at iba pang kailangan para
makagawa ng mga pahayag ng kaalaman hinggil sa isang isyu, penomenon,
o panlipunang realidad. Ang mga batis na ito ay maaaring ikategorya sa
dalawang pangunahing uri: primarya at sekondarya.

Ang primaryang batis ay mga orihinal na pahayag, obserbasyon at


teksto na direktang nagmula sa isang indibidwal, grupo o institusyong
nakaranas, nakaobserba, o nakapagsiyasat ng isang paksa o penomenon.
Ilang halimbawa nito ay pagtatanong-tanong, pakikipagkuwentuhan,
panayam o interbyu, pormal o impormal na talakayan, umpukan at bahay-
bahay. Maaari din itong mula sa awtobiyograpiya, talaarawan, sulat sa koreo
at e-mail, tesis at disertasyon, sarbey, artikulo sa journal, balita sa radyo,
dyaryo, at telebisyon, mga rekord ng tanggapan ng gobyerno, talumpati,
larawan, at iba pang biswal na grapiko.

Ang sekondaryang batis naman ay pahayag ng interpretasyon, opinyon,


at kritisismo mula sa mga indibidwal, grupo o institusyong hindi direktang
nakaranas, nakaobserba, o nakasaliksik sa isang paksa o penomenon.
Kasama rito ang mga account o interpretasyon sa mga pangyayari mula sa
taong hindi dumanas nito o pagtalakay sa gawa ng iba. Ilang halimbawa nito
ay ang mga artikulo sa dyaryo tulad ng editoryal at sulat sa patnugot,
encyclopedia, teksbuk, manwal at gabay na aklat, diksyunaryo, komentaryo,
sanaysay, sipi mula sa orihinal na pahayag o teksto, kagamitan sa pagtuturo
gaya ng powerpoint presentation, at sabi-sabi.

15
Pagyamanin

Magaling! Nakatutuwa ang ipinamamalas mong tiyaga sa pagbabasa,


pag-unawa, at pagsusuri sa aralin. Batid kong marami ka nang natutuhan
sa mga naunang bahagi ng modyul. Sa puntong ito, ibabahagi mo na ang
iyong mga nalinang na kaalaman sa pamamagitan ng sumusunod na gawain.

Gawain 1. Suriin at Isalaysay Mo!

Panuto: Sumulat ng mga pangyayaring nabanggit tungkol sa kaligirang


kasaysayan ng El Filibusterismo na iyong napakinggan. Suriin ang
pagkakaugnay at isalaysay sa pamamagitan ng pagdurugtong ng mga
kailangang pahayag upang mabuo ang talata. Kopyahin ang grapikong
pantulong sa hiwalay na papel at isulat ang iyong sagot.

Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo

Pagsusuri sa pagkakaugnay ng
Mga pangyayaring
mga pangyayari
nabanggit sa
________________________________
napakinggan
________________________________
________________________________
1. ________________________
________________________________
________________________
_
2. ________________________
________________________ Pagsasalaysay sa mga
3. ________________________ pangyayari
________________________ Sinimulan ni Dr. Jose
4. ________________________ Rizal ang pagsusulat ng nobela
________________________ noong __________________________
__________________________________
__________________________________.

16
Gawain 2. Tukuyin at Iugnay Mo!

Panuto: Upang matiyak ang kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo,


punan ang grapikong pantulong ng mga makahulugang salitang ginamit,
tukuyin at isulat ang mga kondisyong umiiral noon, at ang layunin ng may-
akda sa pagsulat ng nobela. Kopyahin ang pormat sa hiwalay na papel at
isulat ang iyong sagot.

Mga salitang ginamit


at kahulugan nito

1. ____________________
2. ____________________
3. ____________________

Mga kondisyong umiiral


noong panahong iyon
Kaligirang Kasaysayan
ng El Filibusterismo 1. ____________________
2. ____________________
3. ____________________

Layunin ng may-akda
sa pagsulat ng nobela

1. _______________________
2. _______________________
3. _______________________

Gawain 3. Saliksikin at Isulat Mo!

Panuto: Magsaliksik ng iba pang mahahalagang impormasyon tungkol sa


kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng
pakikipanayam sa isang kasama sa bahay, isang kakilala, o isang gurong
nakaaalam tungkol dito o ‘di kaya ay mula sa iba pang sanggunian tulad ng
teksbuk, artikulo sa journal, o awtobiyograpiya. Gayahin ang pormat sa
hiwalay na papel at isulat dang mga impormasyong iyong nasaliksik.

17
Mahahalagang impormasyong nasaliksik sa iba pang sanggunian
tungkol sa kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo

1. ___________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________
4. ___________________________________________________________________

Isaisip

Mahusay! Binabati kita sa kahusayang ipinamalas mo sa mga


nakaraang gawain! Patunay ito na marami ka nang natutuhan sa araling
tinalakay at alam kong marami ka ring napulot na inspirasyon mula sa ating
pambansang bayani at sa lahat ng kaniyang karanasan at kagitingan. Alam
kong kayang-kaya mo rin ang mga susunod pang gawaing hahasa sa iyong
kaalaman at kasanayan.

Dugtungan at Isaisip Mo!

Panuto: Punan ng angkop na pahayag ang mga patlang upang mabuo ang
kaisipang isinasaad sa mga pangungusap batay sa iyong natutuhan sa
araling tinalakay. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

1. Nalaman ko mula sa araling tinalakay na maraming kasawiang


pinagdaanan si Dr. Rizal habang isinusulat niya ang nobela tulad ng
___________________________________________________________________.
2. Natutuhan ko rin kung ano-ano ang mga kondisyong umiiral nang
panahong iyon habang isinusulat ang akda gaya ng ________________
___________________________________________________________________.
3. Nalaman ko ng maaaring makasaliksik ng mga impormasyon at
makagawa ng buod ng kasaysayan gamit ang ______________________
__________________________________________________________________.

18
Isagawa

Ngayon ay isasalin mo na ang natutuhang kaalaman at kasanayan sa


susunod na gawain. Ipagpatuloy mo lamang ang mahusay na pagsagot at
malapit ka nang makatapos sa modyul na ito. Pagbati sa walang humpay
mong kasipagan at pagsisikap sa pag-aaral. Ipagpatuloy mo pa!

Manood at Ibuod Mo!

Panuto: Panoorin ang pagpapaliwanag sa kaligirang kasaysayan ng El


Filibusterismo sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=IRMOA3VmST0&t=270s.
Punan ang timeline ng mahahalagang pangyayaring tumatalakay sa
pagkakasulat ng nobela. Gamit ang nabuong timeline, isulat ang buod bilang
pagpapahalaga sa iyong napanood at sa mga pangyayaring iyong nasaliksik.
Gayahin ang pormat sa hiwalay na papel at isulat ang sagot.

(Paalala: Inaasahang gagawa ng paraan ang guro upang makapanood ang


mag-aaral subalit kung sadyang walang ibang paraan upang siya’y
makapanood, maaaring pagbatayan sa gagawing timeline at buod ang
kaligirang kasaysayang tinalakay sa bahaging Suriin.)

19
Kaligirang Kasaysayan
ng El Filibusterismo

Pangyayari 1 Pangyayari 2
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________

Pangyayari 3 Pangyayari 4

___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________

Buod ng kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo gamit ang


mga pangyayari mula sa binuong timeline
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Mamarkahan ka gamit ang Rubrik sa Pagtataya ng Timeline at Buod.

Lebel ng Pagsasagawa
Kraytirya
Napakahusay Mahusay Mahusay-husay
(5 puntos) (3 puntos) (2 puntos)
Nilalaman Ang timeline at Ang timeline at Iilang mahalagang
buod ay buod ay kulang pangyayari
kumpleto sa ng ilang lamang ang
lahat ng mahalagang nailagay sa
mahahalagang detalye upang timeline at buod.
pangyayari

20
tungkol sa mabuo ang
kaligirang kaligirang
kasaysayan. kasaysayan.
Pagkakasunod Lubhang Maayos ang May ilang
-sunod ng mga kahanga-hanga pagkakasunod- pangyayaring
pangyayari ang sunod ng mga hindi naiayos
pagkakahanay at pangyayari sa ayon sa wastong
pagsusunod- timeline at buod. pagkakasunod-
sunod ng mga sunod.
pangyayari sa
timeline at buod.
Organisasyon Maayos na Maayos ang Maligoy at
ng mga maayos ang paraan ng nakalilito ang
pahayag ginawang paraan ginawang paraan ng
ng pagpapahayag sa pagpapahayag sa
pagpapahayag mga pangyayari. mga pangyayari.
maging ang mga
salitang ginamit.
Kabuoan

Tayahin

Sa bahaging ito, ipamamalas mo naman nang lubos ang iyong


natutuhan sa araling tinalakay. Inaasahan kong patuloy mong ipakikita ang
iyong angking kagalingan at alam kong masasagot mo nang wasto ang bawat
katanungan.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o tanong. Piliin ang
letra ng tamang sagot at isulat sa hiwalay na papel.

1. Nagalit at nainggit ang mga Espanyol lalo na ang mga prayle sa


tatlong paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora
kaya ______________.
A. ipinatapon sila sa malayong lugar
B. ipinabilanggo sila nang habambuhay
C. idinawit sila sa naganap na Cavite Mutiny at hinatulan ng
pagbitay sa pamamagitan ng garote

21
D. sapilitan silang pinagtrabaho sa pagawaan ng mga armas kahit
na sila ay mga pari at matatanda na

2. Sa paghango sa iba’t ibang sanggunian/reperensiya/batis ng


impormasyon ng kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo, ang
sumusunod ay mahahalagang impormasyong mapupulot dito
maliban sa isa.
A. mga datos na kailangan sa kasaysayan
B. pinanggalingan ng mga katunayan hinggil sa kasaysayan
C. mga halimbawa ng facts at figures kaugnay ng kasaysayan
D. kasagutan sa mga tanong mula sa taong kasangkot sa
kasaysayan

3. Suson-susong kahirapan ang dinanas ni Dr. Rizal habang isinusulat


niya ang nobela subalit lahat ng kasawiang iyon ay hindi nakapigil sa
tibay ng kaniyang loob upang ipagpatuloy at tapusin ang nobelang El
Filibusterismo. Nanaig ang kaniyang layuning ______________.
A. maging mahusay na manunulat ng nobela
B. maipakita sa panulat ang lahat ng pinagdaanan niya
C. makaipon ng maraming akdang maipamamana sa mga kaanak
D. maimulat ang mga Pilipino sa mga kaapihang ginagawa ng mga
Kastila noon

4. Kung pagbabatayan ang timeline ng kaligirang kasaysayan ng El


Filibusterismo, alin ang naunang naganap?
A. paglipat ni Dr. Rizal sa Bruselas, Belgica
B. pagsulat ng malaking bahagi ng nobela noong Marso, 1891
C. kaniyang paninirahan at pagsulat ng nobela sa Londres,
Inglatera
D. pagbibigay niya ng manuskrito sa isang palimbagan sa Gante,
Belgica

5. Karamihan ng ipinalimbag na nobela ay ipinadala ni Dr. Rizal sa


Pilipinas at sa Hongkong. Ito ay nagpapatunay na ______________.
A. ipinagbawal sa Europa ang kopya ng kaniyang nobela
B. wala siyang mautusang magdala ng nobela sa Europa
C. naubos ang salapi niya kaya hindi nakapagpadala ng mga kopya
sa Europa
D. isinulat niya ang nobela upang basahin sa Pilipinas at hindi sa
mga bansa sa Europa

22
6. Nararapat lamang na bigyang-pagpapahalaga ang nobelang El
Filibusterimo kaya pinag-aaralan pa rin ito hanggang sa kasalukuyan
dahil ______________.
A. naging daan ito upang makamit ng Pilipinas ang kalayaan
B. higit na napayaman ng nobelang ito ang panitikang Pilipino
C. sadyang isinama ito sa pag-aaralan ng kabataang Pilipino bilang
halimbawa ng nobela
D. nagpapaalala ang nobelang ito sa kaawa-awang sinapit ng mga
Pilipino sa kamay ng mga mananakop

7. Bilang pagkilala sa malaking utang na loob ni Dr. Rizal sa kaibigang


si Valentin Ventura, ano ang kaniyang ginawa?
A. Binayaran at pinatubuan niya ang perang ipinadala ng kaibigan.
B. Inanyayahan niya ang kaibigang magbakasyon kasama siya sa
Pilipinas.
C. Ginamot niya ang karamdaman ng ina ng kaniyang kaibigan
nang walang bayad.
D. Inialay niya ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo
kalakip ang isang inilimbag at nilagdaang sipi nito.

8. Naging akma ang ibinigay na katumbas sa Filipino ng El


Filibusterismo na “Ang Paghahari ng Kasakiman” dahil
_______________.
A. ang hari ng Espanya ang nagmay-ari ng lahat ng kayamanan ng
bansa
B. naghari-harian ang mga Espanyol habang armadong
nagpapatrolya araw at gabi
C. tanging mga Espanyol ang nagmamay-ari ng lahat ng lupain at
industriya sa bansa
D. umiral noong panahong iyon ang pagkaganid sa kapangyarihan
at kayamanan ng mga Espanyol

9. Ang mga ito ay kondisyong umiral sa lipunang Pilipino noong


panahong iyon kaya sinikap ni Dr. Rizal na matapos ang pangalawa
niyang nobela maliban sa isa.
A. Pinapatawan ng kamatayan ng mga Espanyol ang sinomang
Pilipinong nais nilang mamatay.
B. Sapilitang pinagtatrabaho sa mga pagawaan ng pamahalaang
Espanyol ang mga Pilipino.
C. Sinomang sumubok na sumuporta at tumulong sa kaaway ng
mga Espanyol ay parurusahan din.
D. Pinahahawak ng mataas na puwesto sa pamahalaan ang mga
Pilipino kapalit ng buwis na kailangan nilang bayaran.

23
10. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit mahalaga ang papel na
ginampanan ng nobelang El Filibusterismo sa kasaysayan at
pamumuhay ng mga Pilipino maliban sa isa.
A. Pinasigla at pinatibay nito ang loob ng mga Pilipino sa
pakikidigma laban sa Espanya.
B. Nakatulong ito nang malaki kay Andres Bonifacio at sa
Katipunan sa Paghihimagsik noong 1896.
C. Binuksan nito ang isipan ng mga mananakop upang ipagkaloob
na ang ganap na kalayaan sa mga Pilipino.
D. Ito ang nagturo sa kapilipinuhan ng pagkabihasa, ng
pagbabagumbuhay, at ng landas tungo sa kaligtasan.

Binabati kita sa iyong ipinamalas na pagtitiyaga at kahusayan sa


pagsagot sa lahat ng gawaing inihanda ko para sa iyo. Sa pamamagitan nito,
batid kong marami kang nalinang na kaalaman at kasanayang magagamit
mo sa mga susunod pang yugto ng iyong pag-aaral.

Karagdagang Gawain

Ipakita mo pa ang iyong kahusayan sa pamamagitan ng pagsasagawa


sa huling gawain para sa modyul na ito upang higit pang umunlad ang iyong
kaalaman tungkol sa aralin.

Timeline Mo, Ibahagi Mo!

Panuto: Bumuo ng sarili mong timeline ng mahahalagang pangyayaring


isinalaysay tungkol sa buod ng talambuhay ni Dr. Jose Rizal na
pinamagatang, “Si Mang Pepe, Isang Dakilang Pilipino” bilang pagpapahalaga
sa buhay at mga sakripisyong ginawa niya para makalaya ang mga Pilipino
sa pananakop ng mga Kastila. Malaya kang umisip ng sarili mong pormat sa
pagsasagawa ng timeline. Gawin ito sa hiwalay na papel.

24
Mamarkahan ka gamit ang Rubrik sa Pagtataya ng Timeline.

Lebel ng Pagsasagawa
Kraytirya
Napakahusay Mahusay Mahusay-husay
(5) (3) (1)
Nilalaman Ang timeline ay Ang timeline ay Iilang mahalagang
kumpleto sa lahat kulang ng ilang pangyayari lamang
ng mahahalagang mahalagang ang nailagay sa
pangyayari tungkol detalye upang timeline.
sa kaligirang mabuo ang
kasaysayan. kaligirang
kasaysayan.
Pagkakasunod Lubhang kahanga- Maayos ang May ilang
-sunod ng hanga ang pagkakasunod- pangyayaring hindi
mga pagkakahanay at sunod ng mga naiayos ayon sa
pangyayari pagsusunod-sunod pangyayari sa wastong
ng mga pangyayari timeline. pagkakasunod-
sa timeline. sunod.
Organisasyon Maayos na maayos Maayos ang paraan Maligoy at nakalilito
ng mga ang ginawang ng ginawang ang paraan ng
pahayag paraan ng pagpapahayag sa pagpapahayag sa
pagpapahayag mga pangyayari. mga pangyayari.
maging ang mga
salitang ginamit.
Kabuoan

Susi sa Pagwawasto

C 10.
D 9. pagbubuod.
D 8. sa kasanayan niya sa
D 7. pangkasaysayan ng nobela at araling tinalakay.
A 6. napanood niyang kaligirang ng mag-aaral tungkol sa
D 5. pagkaunawa ng mag-aaral sa sa mga kaisipang natutuhan
C 4. gawaing ito ay nakabatay sa bahaging ito ay nakabatay
D 3. Ang kasagutan sa Ang kasagutan sa
D 2.
C 1. Manood at Ibuod Mo! Dugtungan at Isaisip Mo!

Tayahin Isagawa Isaisip

25
o sanggunian.
ibang batis ng impormasyon
mag-aaral gamit ang iba’t
isinagawang pananaliksik ng
nakabatay sa resulta ng
Ang kasagutan ay
Isulat Mo!
Gawain 3. Saliksikin at
pangkasaysayan ng nobela.
mag-aaral sa kaligirang
D 10.
nakabatay sa pag-unawa ng
B 9.
Ang kasagutan ay
D 8.
Iugnay Mo!
C 7.
Gawain 2. Tukuyin at
A 6.
kaligirang pangkasaysayan.
D 5.
mag-aaral sa napakinggang
B 4.
nakabatay sa pag-unawa ng mag-aaral sa binasang akda.
D 3.
Ang kasagutan ay nakabatay sa pag-unawa ng
A 2.
Isalaysay Mo! Ang kasagutan ay
A 1.
Gawain 1. Suriin at Pag-unawa sa Binasa
Subukin
Pagyamanin Tuklasin

Sanggunian
Ambat, Vilma C. et al. 2015. Filipino 10, Panitikang Pandaigdig, Modyul para
sa Mag-aaral. 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco
Avenue, Pasig City: Vibal Group, Inc.

De Guzman, Maria O. 1960. “Ang Filibusterismo” ni Dr. Jose Rizal. Pines cor.
Union Sts., Mandaluyong City: Cacho Hermanoes, Inc.

Ms. Nelz. 2020. Mga Primarya at Sekundaryang Batis.


https://www.youtube.com/watch?v=sVO3h-nyhxg.
October 12, 2020

Parra, Danica. https://brainly.ph/question/60446#readmore

The Pencil. 2017. Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo.


https://www.youtube.com/watch?v=IRMOA3VmST0&t=270s March
4, 2017

26

You might also like