Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

WIKANG KATUTUBO NG

PILIPINAS

MANANALIKSIK:
Joshua Ege
KABANATA I

AG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO

Panimula
Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig.
Maliban sa pambansang wikang Filipino, kasama nang mahigit sa sandaang
katutubong wika. Sinasalita rin ang mga wikang banyaga tulad ng Ingles, Mandarin,
Fookien, Lantonese, Kastila, at Arabe.
Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga taong nakakaapekto sa bawat
galaw, kilos, at desisyon nito. Sa paaralan nalalaman natin ang kahalagahan ng mga
bagay-bagay katulad nalang ng wikang pambansa. Ang isang bansa na may sariling
wika ay nangangahulugang malaya ito. Ang ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa
wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao. Ibat-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at
bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng wikang Filipino. Ang wikang
Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Filipino kung sino, ano at meron sila.
Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika
na kung tawagin ay mga wikang Austronesyo. Ang mga ito ay ang pangkat ng mga wika
na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng Balay hanggang sa mga watak-watak na
pulo ng teritoryong Polynesia sa karagatang Pasipiko. Tinatayang ito ang may
pinakamalaking pamilya ng mga wika sa buong daigdig. Datapwat mas maraming wika
ang kasapi ng pamilya na ito kumpara sa ibang pamilya ng mga wika, maliit lamang ang
bilang na pangkalahatan ng mga taong gumagamit nito.
Isang layunin ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap
ng pagkaka-isang bansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at political na
pagkakapatiran, at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang
wika ng isang bansa. Unang sumibol ang diwa ng pagkakaroon ng isang wikang
pambansa sa Pilipinas noong balik-tanawin ni Manuel Quezon noong 1925 ang isang
damdamin ng pagkabigo ng pambansang bayaning si Jose Rizal, nang hindi nito
magawa ng huling makipag-ugnayan sa isang kababayang babae habang nasa isang
Bangka patungong Europa.
Isa sa mga natutunan ko sa pag-aaral dito ay ang tamang paggamit ng wika at
tamang pagbigkas nito. Nalaman ko din ang ibat-ibang mga pamamaraan ng
pagsusulat. Ang pagkakaroon ko ng kamalayan sa retorika na dati ay hindi ko mawari.
Ang paggamit ng mga angkop na salita at idioma, kamalayan sa paggawa ng talata,
komposisyon, journal, blog/vlog at marami pang iba.
Malaking bagay ang naibabahagi sa ating mag-aaral ng asignaturang Filipino
lalong lalo na sa katulad ko na nasa senior high. Isa ito sa magiging daan upang
mapabuti ko ang aking galing sa pakikipag-komuikasyon at sa pagharap ko sa bagong
bukas at sa pang araw-araw ko na pamumuhay.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay malaman at pag-aralan ang
kompetensi sa pagsasalita gamit ang wikang katutubo ng Pilipinas ng mamamayan sa
Barangay Datag.
Ang sumusunod na tiyak na katanungan ay sasagutin sa pananaliksik na ito.
1. Sino-sino ang makikinabang sa pananaliksik na ito?
2. Ano ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng katutubong wika sa
mamamayan ng Barangay Datag?
3. Ano ang demograpikong kaanyuhan ng mga mamamayan sa Barangay Datag
batay sa kanilang saloobin sa katutubong wika ng Pilipinas?
4. May makabuluhang kaugnayan ba sa pagitan ng demograpikong kasanayan
ng mga mamamayan sa Barangay Datag sa kanilang kasanayan sa pagsasalita?

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang mga sumusunod na pangkat ng mga tao ay tiyak na makikinabang sa pag-
aaral na ito.
Mga kabataan. Makikinabang ang mga kabataan sa gagawing pag-aaral
sapagkat ito ang magbibigay daan upang mas mapataas pa ang performans at mas
madadagdagan ang kaalaman tungkol sa katutubong wika ng Pilipinas.
Mga guro sa Filipino. Mas lalawak pa ang kanilang kaalaman tungsol sa
katutubong wika ng Pilipinas at makakapagbigay ng gabay sa mga estudyante upang
malinang ang kanilang paraan at pamamaraan ng pagtuturo ng Filipino.
Mga susunod na mananaliksik. Magsisilbing inspirasyon at kagamitan ito para
sa mga susunod na mananaliksik sa pag-aaral ng katutubong wika ng Pilipinas.
Balangkas Konseptwal na Pag-aaral

Paggamit ng wikang katutubo ng


Pilipinas ng mga mamamayan
sa Barangay Datag

Antas ng Uri ng Communicative Uri ng performans


pagsasalita Competence sa pagsasalita

Saloobin ng mga
mamamayan ng
Barangay Datag

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral


Ang pag-aaral ay nakatuon sa paggamit ng katutubong wika ng Pilipinas ng mga
mamamayan ng Barangay Datag.
Ang pag-aaral sa pananaliksik na ito ay limitado sa lahat ng mga mamamayan sa
Barangay Datag.

Depinisyon ng mga Terminolohiya


Upang lubusang masubaybayan at maging madali ang pag-unawa sa mga
paglalahad at pagtatalakay sa pag-aaral na ito, binigyan ng katuturan ang mga
sumusunod na katawagan:
Austronesyo- Ang pangalang Awstronesyo ay nagmula
sa Lating auster (hangin mula sa timog), at ng Griyegong nêsos (pulo). 
Kamalayan- Ang salitang kamalayan ay galing sa salitang ugat na malay. Ang
ibig sabihin ng salitang kamalayan ay kaalaman sa isang bagay.
Pagkakapatiran- ang ibig sabihin ng pagkakapatiran ay pagtutulungan.

Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik


Saklaw sa seksyong ito ang disenyo ng pananaliksik, respondent, instrument,
paglikom ng datos at istatistikal tritment.
Sa pag-aaral na ito ay mag-iimbestiga sa paggamit ng wikang katutubo ng
Pilipinas sa mga mamamayan ng Barangay Datag. Upang makakuha ng sapat na
impormasyon, ang mananaliksik ay gagamit ng Methological Triangulation kung saan
kabilang ang: Obserbasyon, Kwestyuner at Interbyu.

Disenyo ng pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng qualitative at quantitative na disenyo.
Ginawa ang Focus group discussion sa bandang huli upang maging maayos at malinaw
ang mga ideyang nagmula sa resulta ng sarbey.

Respondente
Pagtuunang pansin lamang sa pag-aaral na ito ang mga mamamayan sa
Barangay Datag.

Instrumento ng Pananaliksik
Paglikom ng mga datos
Gagamit ng kwestyuner ang mananaliksik upang makuha ang mga importanteng
impormasyon sa paggamit ng katutubong wika ng Pilipinas. Ang kukunan ng
impormasyon ay ang mga mamamayan sa Barangay Datag.
Sa pag-oobserba, sisikapin na magbigay lamang ng tuon sa mga punto na
magagamit sa pag-aaral.
Tritment ng Datos
Ang mga datos na makakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondent na
tumugon sa talatanungan ay ipagsasama o itatally. Ang mga datos na ito ay
magsisilbing kasagutan sa mga katanungang inilahad ng pag-aaral. Ang mga resulta ay
ikukumpara ayon sa pagkakaiba ng mga kasagutan.
Ang mga datos na makakalap ay isasalarawan gamitang pie grap upang maayos
at organisadong mailahad ang resulta. Ang pormularyong gagamitin sa pagkuha ng
porsyento ng tugon sa bawat tanong ay

Porsyento= 8 (Bilang ng Tugon) x 100


10 (Kabuuang Bilang ng Respondente)

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral


Kaugnay na Literatura
Sa bahaging ito, ang pangunahing tungkulin ng pag-aaral ay maipakita sa mga
mambabasa ang mga kaugnay na literature at kaugnay na pag-aaral na magsisilbing
impormasyon at gabay rin sa mananaliksik.
Ang paksa ay: The CLT Way, ang mabisang pangangailangan sa pagsasalita,
ang kasangkapan sa pagsasalita, at ang konsiderasyon sa mabisang komunikasyon.
Kaugnay na Pag-aaral
Ang mga sumusunod na kaugnay na pag-aaral ng kasalukuyang pananaliksik ay
ang ginawa nito sa Pilipinas, ang mga pag-aaral ay may kinalaman sa katutubong wika
sa Pilipinas.

Mga Kaugnay na Pag-aaral sa Pilipinas


Ang pag-aaral ni Lasala (2013) “Communicative competence of secondary senior
students: Language instructional pocket”, ang pag-aaral na ito ay ginagamitan ng
kwantiteytib at kwaliteytib na pananaliksik kung saan ginamit din ang Focus group
discussion at pakikipanayam at talatanungan.Ito ay kaugnay sa kasalukuyang
pananaliksik sapagkat gagamitin din ang kwaleyteytib at kwantiteytib na pangangalap
ng datos tulad ng pakikipanayam at talatanungan. Pangunahing layunin ng pag-aaral ay
malaman ang kompitens ng mga mag-aaral sa pagsasalita ng wikang Filipino.Ang pag-
aaral na ito ay nakatuon sa sosyolingguwistik kompitens, ito ay isang case study na
nangangahulugang pagtatasa at isang malalim na pag-aaral.

You might also like