Professional Documents
Culture Documents
LC Team Jesus - Bible Study - 2020-2021
LC Team Jesus - Bible Study - 2020-2021
Team Jesus
Teaching Format
1. Greetings
2. Opening Prayer
3. Review of previous topic
4. New topic
5. Verse
6. Discussion
7. Explanation on the verse
8. Reflection of kids, then personal remark
9. What they have learned, then personal remark
10. Closing prayer
32 Ang buto ng mustasa ang pinakamaliit sa lahat ng binhi. Ngunit pagtubo nito, ito'y
nagiging mas malaki kaysa alin mang halaman at nagiging punongkahoy, kaya't nakakapagpugad ang
mga ibon sa mga sanga nito.”
6. Discussion
Ano ba ang ibig sabihin ng talinghaga? Meron bang may alam sa inyo?
Ang TALINGHAGA o PARABULA ay isang kwento na sinabi ni Jesus na kapupulutan natin
ng aral
Ayon sa inyong nabasa, ano daw yung buto na itinanim ng isang tao?
*Ipakita ang imahe ng buto ng mustasa*
Sa ingles ito ay Mustard Seed.
Saan daw maihahalintulad ang isang buto ng mustasa?
7. Explanation on the verse
Ayon sa kwento, ang buto ng mustasa ang pinakamaliit sa lahat ng buto. Mas maliit pa
ito sa buto ng monggo na nakita nyo sa picture kanina. Pero pan tumubo daw ito, nagiging mas malaki
na sya saibang mga halaman.
Ito ang larawan pag tumubo na ang mustasa.
*Ipakita ang imahe ng halamanng mustasa*
Ang BUTO ng mustasa sa kwento ay tulad ng kaharian ng langit na kung saan
nakapaloob dito yung ating PANANAMPALATAY o FAITH KAY JESUS.
Sino na dito yung naranasan ng magtanim?
Ano ang ginagawa nyo para tumubo yung buto?
Ang paglagay ng buto sa lupa ay katulad nung nagsimula tayong magdesisyon na
kilalanin ang Dyos.
Sa simula, kahit napakaliit ng ating pananampalataya, tulad ng buto ng mustasa, pag
binigyan natin ito ng oras at pagpapahalaga tutubo rin ito at lalaki. Ano ba ang dapat nating gawin?
Kausapin natin si Jesus araw-araw.
Humingi tayo ng tulong kay Jesus sa lahat n gating mga problema.
Magpasalamat tayo kay Jesus sa lahat ng kanyang mga blessings.
At mahalin at i-aapreciate natin lahat ng nilihka ng Dyos araw araw.
Tubig o pagdidilig
Magagawa natin ito sa pakikiniga natin sa Salita ng Dyos. Sa pakikinig kay Pastor. Sa
pagbabasa ang biblya.
8. Reflection of kids
Paano nyo pinapalago ang inyong pananampalataya?
9. What they have learned
Ano ang inyong natutunan sa kwento natin ngayon?
10. Closing prayer
1. Greetings
***
Good afternoon Team Jesus. Sino na ang nandito? Kaway-kaway muna sa lahat. 👋
***
Para sa iba na hindi pa ako kilala, simula ngayong buwan, dalawa na kami ni Coach Grace ang magtuturo
sa inyo. Ang pakiusap namin ay bukod sa pagintindi ng ating lesson, sana maging active pa rin kayo sa
pagsagot para dumami ang inyong points.
***
2. Opening Prayer
***
(Pick 1 student)
***
***
Quick Questions
***
Base sa unang bahagi ng kwneto, ilan ang alipin?
Ano ang ibinigay sa tatlong alipin?
***
Verse Part 2
***
*Pakibasa ang pagpapatuloy ng kwento…*
_19 Pagkatapos ng mahabang panahon, dumating ang Panginoon ng mga aliping iyon at sila ay nagbigay-
sulit sa kaniya. 20 Dumating ang nakatanggap ng limang talento at nagdala siya ng lima pang talento.
Sinabi niya: Panginoon, ipinagkatiwala mo sa akin ang limang talento. Narito, bukod dito ay tumubo pa
ako ng lima._
_21 Sinabi ng kaniyang panginoon sa kaniya: Magaling ang iyong ginawa. Ikaw ay mabuti at tapat na
alipin. Naging tapat ka sa kakaunting bagay. Pamamahalain kita sa maraming mga bagay. Pumasok ka sa
kagalakan ng iyong panginoon._
_22 Dumating din ang nakatanggap ng dalawang talento. Sinabi niya: Ipinagkatiwala mo sa akin ang
dalawang talento. Tingnan mo, bukod dito ay tumubo pa ako ng dalawa._
_23 Sinabi ng kaniyang panginoon sa kaniya: Magaling ang iyong ginawa. Ikaw ay mabuti at tapat na
alipin. Naging tapat ka sa kakaunting bagay. Pamamahalain kita sa maraming bagay. Pumasok ka sa
kagalakan ng iyong panginoon._
***
Quick Questions
Sa ikalawang bahagi ng kwento, ilan ang dinala ng una at ikalawang alipin bukod sa ibinigay sa kanila?
Sino pa ang hindi nakapagbibigay ng kanyang dala sa Panginoon?
***
Verse Part 3
***
*Pakibasa ang pagpapatuloy ng kwento…*
_24 Dumating din ang nakatanggap ng isang talento. Sinabi niya: Panginoon, kilala kita na ikaw ay isang
malupit na tao. Umaani ka sa hindi mo inihasik at nagtitipon sa hindi mo ikinalat. 25 Dahil sa takot, ako
ay umalis at itinago ang iyong talento sa lupa. Narito ang para sa iyo._
_26 Sumagot ang kaniyang panginoon: Ikaw ay masama at tamad na alipin! Nalalaman mo na ako ay
umaani sa hindi ko inihasik at nagtitipon sa hindi ko ikinalat. 27 Nararapat sana na inilagay mo ang aking
salapi sa mga mamamalit ng salapi. At sa aking pagdating ay tatanggapin ko ang aking salapi na may
tubo._
_28 Kunin nga sa kaniya ang talento at ibigay sa kaniya na may sampung talento. 29 Ito ay sapagkat ang
bawat mayroon ay bibigyan at siya ay tatanggap ng sagana. Ngunit sa kaniya na wala, maging ang nasa
kaniya ay kukunin sa kaniya. 30 Ang walang silbing alipin ay itatapon sa kadiliman sa labas. Doon ay may
pananangis at pagngangalit ng mga ngipin._
***
Quick Questions
Base sa inyong nabasa, ano ang ginawa ng ikatlong alipin sa talentong natanggap?
Dumami ba ang kanyang talento?
***
6. Discussion
***
Ang ipinapakita sa kwento ay una, ang _Panginoon_ na nabanggit ay sumisimbolo kay God. Siya ang
pinagmulan ng lahat ng mga talento.
Ang _talento_ ay sumisimbolo sa lahat ng bagay na ibinigay ng Diyos. Ito ay maaaring salapi, mga
talento, laruan, pagkain, o anumang mga biyaya.
Ang mga _alipin_ ay sumisimbolo sa ating mga tao. Ipinakitang sa atin ipinagkatiwala ng Diyos ang lahat
ng mga biyaya ito.
***
Tanong, ano ang talent na binigay sayo ni God? Sino dito yung marunong mag-drawing, kumanta,
sumayaw, magluto, o kahit na anong talent? Sino gusto mag share.
***
7. Explanation on the verse
***
Base sa nabasa nating kwento, dapat tayong tumulad sa una at ikalawang alipin. Kung saan pinagyaman
at pinalago nila ang mga talentong binigay sa kanila. Sila ay naging *mabuti* at *tapat* na alipin kaya
natuwa ang Diyos sa kanilang ginawa.
Ang pagpapayaman ng ating talento ay maaaring gawin sa pagshare nito sa ibang tao. Gamitin at
idevelop pa ng mas maigi ang mga ito. For example, kung marunong tayong kumanta at kailangan ni
Pastor ng magwoworship, ibahagi natin ang oras at talentong ibinigay sa atin.
Kung ang kaklase natin ay walang baon pag recess, ibahagi natin ang ating pagkain.
Kapag pagod na si Nanay sa bahay, tumulong sa paglilinis o paghuhugas ng pinggan.
Maging sa mga simpleng pamamaraan, magagawa nating magamit ang mga talentong binigay ng Diyos
sa atin.
Gamitin natin ito sa tama at ayon sa kagustuhan ng Diyos.
Araw-araw, tanungin natin ang sarili, _“Ginamit ko ba ang talentong binigay sa akin ni Lord ngayon
araw? Ginamit ko ba ito sa mabuti?”_
***
8. Reflection of kids, then personal remark
***
Kayo ba, paano niyo ginagamit ang mga talentong o biyayang binigay sa inyo? Ibinabahagi nyo rin ba ito
sa iba?
***
9. What they have learned, then personal remark
***
Tama. Dapat hindi natin sinasarili ang mga talento o biyayang pinagkaloob ng Diyos. Wag tayong
tumulad sa ikatlong alipin na naging *masama* at *tamad*. Kahit isa lamang ang talentong ibinigay sa
atin, at sa iba ay mas marami, wag tayong magkumpara, bagkus pagyamanin natin ito at i-develop.
***
Tandaan natin na kung naging tapat at mapagpasalamat tayo kahit na sa kaunting bagay, siguradong
makikita iyon ng Diyos at mas pagkakatiwalaan tayo ng mas higit pa.
***
Ano ang natutunan natin ngayon sa ating kwento?
***
10. Closing prayer
***
(Pick 1 student)
***
October 31, 2020
Bible Quiz
1. Greetings
***
***
***
2. Opening Prayer
***
(Pick 1 student)
***
3. Quiz Mechanics
***
Quiz Mechanics:
1. Magkakaruon tayo ng 15 questions na binubuo ng iba’t iba ang uri ng mga katanungan.
2. Hintayin mai-post ng tanong at paunahan sa pagsagot.
3. Isang sagot lang ang dapat i-post bawat tanong kaya pag-isipan ng mabuti. Kapag nag-post ka ng
dalawang beses, yung unang post ang i-coconsider.
4. The first 2 kids na makakakuha ng tamang sagot ay magkakaruon ng 1 point each.
Malinaw ba?
***
4. Quiz Proper
***
I. Enumeration. (1 point for the complete answers)
***
1. Ibigay ang mga pamagat ng tatlong (3) talinghaga na napag-aralan simula October 10, 2020.
***
2. Ayon sa Talinghaga Patungkol sa Manghahasik, ibigay ang apat (4) na lugar kung saan napunta ang
mga binhing inihasik ng magsasaka.
***
***
1. Ano ang ibig sabihin ng Talinghaga o Parabula?
[Ans. Ang TALINGHAGA o PARABULA ay isang kwento na sinabi ni Jesus na kapupulutan natin ng aral.]
***
2. Sa Talinghaga Patungkol sa Talento , anu-ano ang sinisimbolo sa salitang talento?
[Ans. Ang TALENTO ay sumisimbolo sa lahat ng bagay na ibinigay ng Diyos. Ito ay maaaring salapi, mga
talento, laruan, pagkain, o anumang mga biyaya.]
***
3. Sa ating discussion sa Talinghaga Patungkol sa Buto ng Mustasa, ang pagbibigay ng sunshine o sinag
ng araw sa halaman ay maitutulad sa?
[Ans. Maitutulad sa pananatili at pakikisama sa mga taong malapit din sa Dyos. Sa pamamagitan nito,
mapapalapit din tayo sa Dyos ng lubusan. Tulad ng pagkakaruon nyo ng mga kaibigan dito sa ating
bible study.]
***
***
1. Ayon sa Talinghaga Patungkol sa Manghahasik, ang mga binhing nalaglag sa tabi ng _____ay ang mga
taong nakikinig. Dumating ang diyablo at inalis nito ang Salita mula sa puso ng mga nakikinig upang hindi
sila manalig at maligtas.
[Ans. daan]
***
2. Ayon sa Talinghaga Patungkol sa Manghahasik , ang mga nalaglag naman sa batuhan ay ang mga
nakarinig ng Salita at tumanggap nito nang may kagalakan, ngunit hindi ito nag-ugat sa kanilang puso.
Sandali lamang silang naniwala, kaya't pagdating ng ______, sila'y tumitiwalag.
[Ans. pagsubok]
***
3. Ayon sa Talinghaga Patungkol sa Manghahasik, ang mga nahasik naman sa may ______ ay ang mga
nakinig sa salita ng Diyos, ngunit nang tumagal, nadaig sila ng mga alalahanin sa buhay at ng
pagkahumaling sa kayamanan at kalayawan. Dahil dito, hindi nahihinog ang kanilang mga bunga.
[Ans. malaki]
***
7. Ayon sa Talinghaga Patungkol sa Talento, natuwa ang panginoon sa una at ikalawang alipin dahil sila'y
naging mabuti at ______ na alipin. At sila’y pamamahalain sa maraming bagay.
[Ans. tapat]
***
6. Closing Prayer
Lucas 8:4-9 Ang Talinghaga Patungkol sa Manghahasik
4 Nagdatingan ang mga tao mula sa iba't ibang bayan at sila'y lumapit kay Jesus. Isinalaysay ni Jesus ang
talinghagang ito:
5 “Isang magsasaka ang pumunta sa bukid upang maghasik. Sa kanyang paghahasik, may binhing
nalaglag sa daan, natapakan ng mga tao at tinuka ng mga ibon.
6 May binhi namang nalaglag sa batuhan at tumubo, ngunit agad na natuyo dahil sa kakulangan sa tubig.
7 May nalaglag naman sa may damuhang matinik, at nang lumago ang mga damo, sinakal nito ang mga
binhing tumubo roon.
8 Mayroon namang binhing nalaglag sa matabang lupa. Ito'y sumibol, lumago at namunga ng tig-
iisandaan.”
Lucas 8:11-15
11 “Ito ang kahulugan ng talinghaga: ang binhi ay ang Salita ng Diyos.
12 Ang mga binhing nalaglag sa tabi ng daan ay ang mga taong nakikinig. Dumating ang diyablo at inalis
nito ang Salita mula sa puso ng mga nakikinig upang hindi sila manalig at maligtas.
13 Ang mga nalaglag naman sa batuhan ay ang mga nakarinig ng Salita at tumanggap nito nang may
kagalakan, ngunit hindi ito nag-ugat sa kanilang puso. Sandali lamang silang naniwala, kaya't pagdating
ng pagsubok, sila'y tumitiwalag.
14 Ang mga nahasik naman sa may matitinik na damuhan ay ang mga nakinig sa salita ng Diyos, ngunit
nang tumagal, nadaig sila ng mga alalahanin sa buhay at ng pagkahumaling sa kayamanan at kalayawan.
Dahil dito, hindi nahihinog ang kanilang mga bunga.
15 Ang mga nahasik naman sa matabang lupa ay ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at nag-iingat nito
sa kanilang pusong tapat at malinis, at sila'y namumunga dahil sa pagtitiyaga.”
October Bible Quiz Point Tally
1. Justine = 8
2. Judah Praise = 4
3. Venice = 4
4. Arnold Hiliran = 2
November 14, 2020, __ attendees
1. Greetings
***
Good afternoon Team Jesus. Sino na ang nandito? Kaway-kaway muna sa lahat. 👋
***
***
2. Opening Prayer
***
(Pick 1 student)
***
19 dahil bagong bagay na ang gagawin ko. Itoʼy nangyayari at nakikita na ninyo. Gagawa ako ng daan at
mga bukal sa disyerto.
20 Pararangalan ako ng maiilap na hayop, pati na ng mga asong-gubat at mga kuwago, dahil maglalagay
ako ng mga bukal sa disyerto para may mainom ang mga pinili kong mamamayan.
21 Sila ang mga taong aking nilikha para sa akin at para magpuri sa akin.
***
Quick Questions
***
Ano ang inyong naunawaan sa nabasa?
***
6. Discussion
***
Hanggang ngayon sa ating buhay, marami pa rin tayong inaalala kahit ito’y nakalipas o tapos na.
May mga tagpo sa nakaraan na nasabihan tayong hindi magaling sa isang bagay (tulad sa pagkanta, pag
drawing, hindi marunong sa isang subject at iba pa.) kaya hanggang ngayon dala dala pa rin natin yung
ganuong kaisipan.
May mga tagpo sa nakaraan na napagalitan tayo ni nanay o ni tatay kaya hanggang ngayon may dinadala
pa rin tayong hinanakit sa kanila.
May mga tagpo rin sa nakaraan na nasaktan ang ating damdamin ng ibang tao o ng ating mga kaibigan
na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin natin.
At tayo rin, may mga tagpong nakakagawa rin tayo ng masama sa kapwa.
***
Ngunit ano ang sabi ng Diyos?
***
Ang sabi ng Diyos, “Huwag na ninyong iisipin pa ang nakaraan.”
7. Explanation on the verse
***
Bakit huwag na daw isipin pa ang nakaraan?
***
Ang sabi ng Diyos, “Dahil bagong bagay na ang gagawin ko at itoʼy nangyayari at nakikita na ninyo.”
***
Ano ang dapat nating gawin?
Kalimutan na ang mga negatibong kaisipan mula sa ating nakaraan.
Kalimutan na ang mga negatibong pangyayare mula sa ating nakaraan.
***
Pag ito’y atin ng kinalimutan, ano ang ipinangako ng Diyos?
***
Gagawa ang Diyos ng daan at mga bukal sa disyerto. Ano ang sinisimbolo nito? Na kahit na tayo’y nasa
kawalan o disyerto, bibigyan tayo ng DAAN o bagong “pag-asa” at BUKAL o bagong “buhay”.
Pag tumahak tayo sa bagong daan lahat dapat ay BAGO. Iiwan na natin ang mga lumang bagahe sa ating
buhay upang mapunan ng bago ng Diyos.
Bilang ang BUKAL o TUBIG ay buhay, sa ating pagtahak sa bagong daan, magkakaruon din tayo ng
panibagong buhay.
***
Kaya hindi lang sa Bagong Taon tayo nagkakaruon ng Bagong Pag-asa at Bagong Buhay.
***
Sabi ng Diyos, tuwing kailan tayo nagkakaruon nito, ng bagong buhay at bagong pag-asa?
***
Araw-araw.
***
Kaya tulad ng pagsalanta ng mga bagyo sa ating bansa, wag natin ituon ang ating isip sa mga masamang
nagyare at problema dahil itoy nakalipas na. Bagkos, ituon natin ito sa Diyos at kumapit sa kanya, dahil
siya lanag ang makakapag bigay sa ating ng bagong simula at pag-asa.
Wag tayong malugmok sa mga naranasan nating trahedya sa buhay, kalimutan na ang mga ito.
Bawat Bagong Araw na binibigay sa atin ng Diyos ay Bagong Pag-asa at Bagong Buhay.
Maniwala lagi tayo sa Kanya at sa Kanyang pangako.
Hindi tayo nag-iisa sa bawat unos na ating pinagdadanan kasi kasama natin si Lord.
***
8. Reflection of kids, then personal remark
***
May mga bagay o pangyayare rin bang kakalimutan mo na upang harapin ang Bagong Pag-asa at Bagong
Buhay na binibigay ng Diyos?
***
9. What they have learned, then personal remark
***
Ano ang natutunan natin ngayon sa ating kwento?
***
Sinasabi sa atin ng Diyos ay Bawat Araw ay Panibagong Pag-asa at Panibagong Buhay. Hindi na dapat pa
nating alalahanin ang nakalipas na, dahil ito’y natapos na. Bagkos, ituon natin ang ating isipan at lakas sa
NGAYON.
Lagi din dapat tayong magpasalamat kay Lord sa bawat pag gising natin sa umaga dahil patuloy siya sa
pagbibigay sa atin ng buhay at pag-asa.
Sabi nga sa kasabihan, “Every Gising is a New Blessing.”
***
Lahat ay bago araw-araw.
New everyday.
***
10. Closing prayer
***
(Pick 1 student)
***
November 28, 2020, __ attendees
1. Greetings
***
Good afternoon Team Jesus. Sino na ang nandito? Kaway-kaway muna sa lahat. 👋
***
***
2. Opening Prayer
***
(Pick 1 student)
***
5. Verse Part
***
Mangangaral 3:1-8
May Kanya-kanyang Oras ang Lahat
Kaya’t habang nabubuhay tayo, magsaya, gumawa ng mabubuting gawain at kilalanin at igalang natin
ang Diyos bilang ating Tagapaglikha.
***
8. Reflection of kids, then personal remark
***
Ang tanong ko sa inyo, masaya ka ba ngayon sa buhay na ipinagkaluob sa iyo ng Diyos?
***
9. What they have learned, then personal remark
***
Ano ang natutunan natin ngayon sa ating lesson ngayon?
***
10. Closing prayer
***
(Pick 1 student)
***
December 12, 2020
1. Greetings
***
Good afternoon Team Jesus. Sino na ang nandito? Kaway-kaway muna sa lahat. 👋
***
***
2. Opening Prayer
***
(Pick 1 student)
***
5. Verse Part
***
Mateo 8:23-27
Pinatigil ni Jesus ang Malakas na Hangin at Alon
23 Sumakay sa bangka si Jesus, at sumama ang mga tagasunod niya.
24 At habang naglalayag sila, biglang lumakas ang hangin at halos matabunan na ng malalaking alon ang
kanilang bangka. Natutulog noon si Jesus.
25 Kaya nilapitan siya ng mga tagasunod niya at ginising, “Panginoon, iligtas nʼyo po kami! Malulunod na
tayo!”
26 Sumagot si Jesus, “Bakit kayo natatakot? Kay liit ng inyong pananampalataya.” Bumangon si Jesus at
pinatigil ang hangin at ang mga alon, at biglang kumalma ang tubig.
27 Namangha ang mga tagasunod niya at sinabi, “Anong klaseng tao ito? Kahit ang hangin at mga alon
ay napapasunod niya!”
***
Quick Questions
***
Tanong. Sino daw yung mga nasa bangka?
***
Bakit daw nag alala yung mga tagasunod o apostles ni Jesus?
***
Tapos, ano ang isinagot ni Jesus sa kanila?
***
6. Discussion
***
Ngayon, matapos mong malaman lahat ng ito, ano ang naunawaan mo sa nabasang verse?
***
7. Explanation on the verse
***
Dito nabasa natin na kahit kasama na nila si Jesus sa bangka ay natakot o nag-alala pa rin sila. Ito ay sa
kabila ng mga nasaksihan nilang mga miracles at gawa ni Jesus bago sila sumakay ng bangka.
***
Ang malakas na hangin at alon ay sumisimbolo rin ngayonsa ating mga problema at suliranin sa buhay.
***
Tanong. May pangyayare ba sa iyong buhay na nagpadala ka rin sa takot dahil sa iyong mga
problema?
***
Kung oo. Ang nabasa nating verse ay ang patunay na God is bigger than our problems, fears &
worries.
***
Hindi dapat tayo padadaig sa mga problema, bagkos maging matatag dahil alam nating kasama natin ang
Diyos.
***
Nabasa natin na kahit alon at hangin pinakalma ng Diyos. Eh ano po kaya ng iyong mga problema. Ilapit
mo ito sa Diyos at buong loob na harapin.
***
Pag nasa piling tayo ng Diyos, walang unos o problema ang di natin malalagpasan.
***
Sino dito ang may gustong idagdag?
***
Makikita rin natin dito ang obedience o pagsunod. Kung ang alon at hangin nga sumusunod kay Jesus sa
isang salita lang, bakit tayo minsan hindi natin magawang sumunod?
***
Makikita natin na sa pagsunod ay may magandang mangyayare. Minsan hindi man directly sa iyo
mangyayare, pero sa ibang taong nasa paligid mo.
***
Kaya lagi tayong sumunod sa Diyos at hindi lang tayo ang makikinabang duon, kundi magdudulot din ng
kabutihan sa iba.
***
8. Reflection of kids, then personal remark
***
Ano pa ang gusto nyong idagdag?
***
9. What they have learned, then personal remark
***
Ano ang natutunan natin ngayon sa ating lesson ngayon?
***
10. Closing prayer
***
(Pick 1 student)
***
January 09, 2021
Deuteronomy 7:9-15
1. Greetings
***
***
***
***
2. Opening Prayer
***
(Pick 1 student)
***
11 “Kaya sundin ninyong mabuti ang mga utos at mga tuntunin na ibinigay ko sa inyo sa araw na ito.
12 Kung tutuparin at susundin ninyong mabuti ang mga utos, tutuparin ng Panginoon na inyong Dios ang
kanyang kasunduan na mamahalin niya kayo, gaya ng ipinangako niya sa inyong mga ninuno.
13 Mamahalin Niya kayo, pagpapalain at padadamihin. Bibigyan niya kayo ng maraming anak at
pagpapalain ang mga pananim sa inyong lupa: ang inyong mga trigo, bagong katas ng ubas at langis. At
padadamihin niya ang inyong mga hayop doon sa lupaing ipinangako niyang ibibigay sa inyong mga
ninuno at sa inyo.
14 Pagpapalain niya kayo ng higit pa sa sinumang mga mamamayan sa mundo. Walang lalaki o babae sa
inyo na magiging baog, ganoon din sa inyong mga hayop.
15 Poprotektahan kayo ng Panginoon sa lahat ng karamdaman. Hindi niya kayo padadalhan ng
nakapangingilabot na mga karamdaman na nakita ninyo sa Egipto, pero ipapadala niya ito sa lahat ng
mga napopoot sa inyo.
(Pick 1 student)
***
February 6, 2021
1. Greetings
***
***
***
2. Opening Prayer
***
(Pick 1 student)
***
Sino dito yung gustong magkaruon tayo ng contest every end of the month? Hindi muna bible quiz,
more on art contest.
Para mapakita naman natin dito yung mga skills nyo na binigay ni Lord.
***
4. New topic
Ok. Let’s start sa ating lesson.
***
5. Verse Part
***
1 Pedro 5:6-7
6 Kaya nga, magpakumbaba kayo sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Diyos upang kayo ay
kaniyang itaas sa takdang panahon.
7 Ilagak ninyo sa kaniya ang lahat ninyong kabalisahan sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.
***
Quick Questions
***
Ano ang inyong naunawaan sa verse?
***
6. Discussion
***
Sa nabasa nating verse, may mga personal na katanungan ang kailangan nating sagutin.
Sino dito ang matigas ang ulo na minsan ayaw sumunod kay nanay at tatay?
Sino dito yung nagiging mayabang, kasi iniisip nya na mas magaling sya sa ibang tao?
Sino dito yung hindi na nakikinig sa mga mas nakatatanda at gusto nya sya ang laging pinakikinggan?
***
Sa mga nagsabi ng “Ako po.” sa aking mga katanungan, lagi nating balikan ang sinasabi sa verse na dapat
tayo ay magpakumbaba lagi o “be humble”.
***
Sa school, natututo tayo sa pakikinig sa ating mga guro, at hindi sa pagsasalita.
Dapat isabuhay natin na lagi tayong makinig sa mga mas nakatatanda, tulad ng ating mga magulang,
dahil alam nila ang mas nakakabuti sa atin. Ganun din dapat sa Diyos, na syang ating Ama sa langit.
Lagi tayong makinig sa Kanya at magtiwalang alam nya ang mas makakabuti sa atin.
***
Magpasakop tayo sa mga taong itinalaga ng Diyos sa ating buhay, tulad ng ating mga magulang at mga
kapatid.
Diyos ang nagbigay sa atin ng ating pamilya. Hindi natin sila pinili. Lahat ng ibinigay sa atin ng libre ay
isang REGALO. Dapat ingatan natin sila.
Kaya magtiwala tayo sa ating Diyos na ating may likha na alam nya ang mga taong makakapagpabuti at
makakatulong sa atin.
***
Tanong: Ano ang mga bagay na ginagawa mo para sa iyong pamilya?
***
Dahil alam natin na lahat ng bagay sa ating buhay ay bigay ng Diyos, hindi dapat natin ito gamitin sa
masama o ipagmayabang sa iba. Lahat nang ito ay biyaya ng Diyos.
Mas ikakagalak ng Diyos kung ang lahat ng kanyang biyaya ay ginagamit mo sa pagtulong sa kapwa
imbes na ipagmayabang.
Tandaan natin na kung ang isang bagay ay hindi natin nagagamit sa tama, maaaring bawiin ito ng Diyos.
***
Tanong: Ano ang mga bagay na ginagawa mo para sa iyong kapwa?
***
Napag-aralan na rin natin dati na hindi tayo dapat mag-worry o mabalisa sa ano mang problema dito sa
mundo.
Naulit ito sa ating verse ngayon,
“7 Ilagak ninyo sa kaniya ang lahat ninyong kabalisahan sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.”
***
Kung tayoy magpapasakop at magtitiwala laman sa Diyos, dapat tiyak tayo na lahat ng Kanyang
ginagawa sa ating buhay ay para sa mabuti lamang. Hindi dapat tayo mangamba sa ao mang problemang
darating.
Lahat ng ito ay i-surrender lang kay Lord, at gamitin lamang ang mga problema upang tayo’y mas maging
matatag sa ating pananampalataya.
***
(Pick 1 student)
***
Monthly Activity for Team Jesus, Year 2021
d. etc
4. Panel of Judges
5. Program
a. Introduction of the activity to kids: Every 3 rd Saturday of the week (done by the Coach in charge for
that day)
b. Announcement of winners: Every 4th Saturday of the week (done by the Coach in charge for that day)
c. Kids will do the activity starting 3rd Saturday & to be submitted until Wednesday of the following
week.
6. Distribution of prizes
- Coach Eric
Team Jesus Points
1. January 9, 2021
Venice-5
Judah-2
Kelly-5
Siti-5
Opening Prayer-Venice
Closing Prayer-Kelly
3. February 6, 2021
Venice-4
Judah-2
Kelly-1
Siti-4
Opening Prayer-Venice
Closing Prayer-Siti
February 20, 2021
1. Greetings
***
***
***
2. Opening Prayer
***
(Pick 1 student)
***
Colosas 1:15-20
Ang Likas at Gawain ni Cristo
15 Si Cristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita. Siya ang panganay na anak at pangunahin sa lahat ng
mga nilikha.
16 Sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi,
pati ang mga espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha
ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya.
17 Siya ang una sa lahat, at ang buong sansinukob ay nananatiling nasa kaayusan sa pamamagitan niya.
18 Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Siya ang pasimula, siya ang panganay na binuhay mula sa
kamatayan, upang siya'y maging pangunahin sa lahat.
19 Sapagkat minarapat ng Diyos na ang buo niyang kalikasan ay manatili sa Anak,
20 at sa pamamagitan ng Anak, niloob ng Diyos na ang lahat ng bagay, maging sa langit o sa lupa ay
ipagkasundo sa Kanya. Nakamtan ang kapayapaan sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak na inialay
sa krus.
***
Quick Questions
***
Based sa verse, sino daw si Jesus Christ?
***
At kung naintindihan nyo ang verse, bakit bumaba si Jesus Christ dito sa lupa?
***
Tama, makikita to sa verse 20
“20 at sa pamamagitan ng Anak, niloob ng Diyos na ang lahat ng bagay, maging sa langit o sa lupa ay
ipagkasundo sa Kanya. Nakamtan ang kapayapaan sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak na inialay
sa krus.”
***
Bumaba si Jesus dito sa lupa upang ipagkasundo muli tayong mga tao sa Ama sa langit. Ang dugo ni
Jesus ang naging kabayaran sa ating mga kasalanan.
***
Basahin natin ang kasunod na verse upang malaman ang ginawa ni Jesus para sa atin.
***
Colosas 1:21-23
21 Dati, kayo'y malayo sa Diyos at naging kaaway niya dahil sa inyong paggawa at pag-iisip ng
masasama.
22 Ngunit naging tao ang Anak ng Diyos at sa pamamagitan ng kanyang pagkamatay ay ipinagkasundo
kayo sa Diyos. Nang sa gayon ay maiharap niya kayong banal, walang kapintasan at walang dungis.
23 Subalit kailangan ninyong manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya at huwag
pabayaang mawala ang pag-asang dulot ng Magandang Balita na inyong narinig. Niloob ng Diyos na
akong si Pablo ay maging lingkod para sa Magandang Balitang ito na ipinangaral sa lahat ng tao sa buong
daigdig.
***
Na-imagine nyo ba kung ano ang ginawa ni Jesus para sa atin?
Kahit na tayo ang may kasalanan, Siya ang tumayo bilang sakripisyo upang patawarin tayo ng Ama sa
langit.
Ikaw, kaya mo bang magsakripisyo o ialay ang iyong buhay para sa taong nanakit o nang-away sayo?
Mahirap di ba? Lalo na sila yung nakasakit sa atin.
Yung iba nga gusto pa ngang gumanti.
***
Pero ano ang ginawa ni Jesus? Inialay Nya mismo ang Kanyang buhay para sa ating lahat. Para sa akin,
para sa iyo na makasalan.
***
Ganun kalaki ang pagmamahal ng Diyos sa atin.
***
Sa huli, ano ang hamon sa atin ni Apostol Pablo?
***
Mababasa sa 23
“23 Subalit kailangan ninyong manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya at huwag
pabayaang mawala ang pag-asang dulot ng Magandang Balita na inyong narinig.”
***
Ang aking katanungan ngayon ay,
Ano ang bagong bagay na natutunan mo sa katangian at gawa ni Jesus Christ?
***
6. Monthly Activity
***
Ang ating Activity for the Month of February ay SLOGAN MAKING CONTEST.
Lahat ay pwede sumali.
Instructions:
1. Gumawa ng Slogan ng paborito nyong bible verse.
2. Isubmit nyo dito sa group chat hanggang Wednesday (February 24)
3. Mamimili kami ng mananalo. Ito ang prizes:
a. Ist prize: 50php load/gcash
***
(Insert photos)
7. Closing prayer
***
(Pick 1 student)
***
March 06, 2021
1. Greetings
***
***
***
2. Opening Prayer
***
(Pick 1 student)
***
Colosas 3:20
(Ang Salita ng Diyos)
20 Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa lahat ng bagay sapagkat nakalulugod ito sa
Diyos.
***
Quick Questions & Discussion
Sino dito yung nagdadabog pa pag inuutusan? O kaya di mabitawan ang cellphone kaya ayaw magpa-
utos?
7. Closing prayer
***
(Pick 1 student)
***
Team Jesus Points
1. February 20, 2021
Siti-3
Opening Prayer-Siti
Closing Prayer- Siti
2. March 6, 2021
Siti-3
Opening Prayer-Siti
Closing Prayer- Siti
March 20, 2021
1. Greetings
***
***
***
2. Opening Prayer
***
(Pick 1 student)
***
10 “Dadalhin kayo ng Panginoon na inyong Dios doon sa lupain na ipinangako niya sa inyong mga ninuno
na sina Abraham, Isaac, at Jacob. Malaki ang lupaing ito at may maunlad na mga lungsod na hindi kayo
ang nagtayo.
11 May mga bahay din ito na puno ng mabubuting bagay na hindi kayo ang naghirap, may mga balon na
hindi kayo ang naghukay, at mga ubasan at mga puno ng olibo na hindi kayo ang nagtanim. At kung
makakain na kayo at mabusog,
12 siguraduhin ninyo na hindi ninyo makakalimutan ang Panginoon na naglabas sa inyo sa Egipto kung
saan kayo inalipin.
13 “Igalang ninyo ang Panginoon na inyong Dios; siya lang ang inyong paglingkuran at mangako kayo sa
pangalan lang niya.
***
Quick Questions & Discussion
***
Ano ang mga pangako ng Diyos sa bansang Israel na nasabi sa kwento?
Mga lupain, lungsod, bahay, mga mabubuting bagay, balon, ubasan at olives.
***
Sa mga pangako ng Diyos, makikita natin na binigay Nya lahat ng basic needs o pinaka kailangan ng tao
para mabuhay.
Lupain, bahay at pagkain.
***
Bukod sa pagbibigay ng lupain, bahay at pagkain sa mga taga-Israel, ano pa ang napansin nyo sa mga
ito?
***
Sinabi ng Diyos na ibibigay nyang lahat ito ng DI NILA PINAGHIHIRAPAN.
Bibigyan ng lupain at lungsod na di sila ang nagtayo.
Bibigyan ng bahay at mga mabubuting bagay na di sila ang naghirap.
Bibigyan ng balon na di sila ang naghukay.
Bibigyan ng ubusan at olives na di sila ang nagtanim.
***
Dito, makikita natin na lahat ng bagay na gustong mangyare o ibigay ng Diyos sa ating buhay ay
dumarating ng maluwag at kaaya-aya.
***
Bago pa man tayo magdasal, alam na ng Diyos ang ating mga pangangailangan.
***
Ngunit, sa pagtamo ng lahat ng mga biyayang ito, ano ang kautusan ng Diyos na di dapat kalimutan?
***
Na huwag kalimutan ang Diyos, sapagkat Sya ang nagbigay ng lahat ng ito at tumulong sa atin sa oras ng
ating pangangailangan.
At igalang ang ating Panginoong Diyos at Sya lamang ang dapat nating paglingkuran.
***
6. Discussion
***
Kung sa panahong ito, napakaraming pagsubok ang ating nararanasan. Maraming problema sa bahay.
Wag nating kalimutang lumapit sa Diyos at humingi ng kaginhawaan sa Kanya.
***
Hindi natin dapat sinusukuan ang mga problema sa buhay, dapat natin itong pinagtatagumpayan sa
tulong ng Diyos.
***
Kumapit din tayo sa mga pangakong nabanggit ng Diyos sa bansang Israel, dahil bilang mga anak ng
Diyos, ibibigay rin nya ito sa atin.
***
Manalig tayo na balang araw, magkakaruon tayo ng mga lupain, bahay, mga mabubuting gamit, at
masaganang buhay na kaloob ng Diyos.
***
Lilipas din ang pandemic at mga problema dito sa mundo, ang mahalaga ay kung kanino tayo kakapit at
magtitiwala sa oras ng pangangailanagn.
***
Para sa March Activity natin. Ang gusto namin ipagawa sa inyo ay iguhit/idrawing ninyo ang paborito
niyong character sa bible tulad ng mga nasa larawan.
Hihintayin namin lahat ng inyong mga gawa hanggang sa susunod Sabado.
Ang mga mananalo ay magkakamit ng
Ist prize: 50php load/gcash
7. Closing prayer
***
(Pick 1 student)
***
April 17, 2021
1. Greetings
***
***
***
2. Opening Prayer
***
(Pick 1 student)
***
6 Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo
sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat.
7 Kapag ginawa nʼyo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at
pag-iisip dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.
***
May mga pagkakataon namang nakakagawa tayo ng masama dala ng hirap sa buhay o problema.
May mga iba natututong magnakaw, mang-holdap o kaya naman sa social media, pag nasaktan tayo ng
isang tao, nagpopost tayo ng di maganda sa Facebook.
Ngunit, ano ang sabi ng bible tungkol dito?
Huwag mag-alala at ipanalangin ito sa Dios.
Ang Dios na ang bahala sa mga ito at hayaan mo syang bigyan ka ng kapayaan mula sa iyong mga
problema at alalahanin.
Ikaw ba nakagawa ka ng masama dahil sa problema or may nakasakit sayo?
Uulitin ko, sa lahat ng ating gagawain, itanong muna natin sa ating sarili kung magbibigay ba ito ng
kapayapaan sa atin at sa ating kapwa, o hindi? Kung hindi, wag mo nang ituloy.
***
Salmo 4:8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
(Pick 1 student)
***
May 1, 2021
1. Greetings
***
***
***
2. Opening Prayer
***
(Pick 1 student)
***
15 Huwag ninyong paghigantihan ang gumawa sa inyo ng masama; sa halip, magpatuloy kayo sa
paggawa ng mabuti sa isa't isa at sa lahat.
18 at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa
inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
***
Ano ang inyong naunawaan sa nabasa?
Dito makikita natin kung saan gusto ng Diyos ituon natin ang ating atensyon.
Ituon natin ang ating isipan at buhay sa (1) paggawa ng mabuti, (2) kagalakan, (3) pananalangin, (4) at
pagpapasalamat.
Sinasabi sa verse na kahit ano daw ang mangyare, kahit ano man ang sitwasyon mo ngayon, may pera ka
man o wala, marami ka mang problema ngayon o wala, ituon mo ang iyong buhay sa (1) paggawa ng
mabuti, (2) kagalakan, (3) pananalangin, (4) at pagpapasalamat.
Imbes na sumimangot ka o mayamot sa iyong sitwasyon, baguhin natin ang ating pananaw sa buhay at
sumunod sa kalooban ng Diyos.
Wag tayong tumingin kung ano man ang wala tayo. Tignan natin kung ano ang meron tayo.
Magpasalamat tayo dahil humihinga pa tayo ngayon, na nakikita pa natin ang mga magagandang likha
ng Diyos, na ligtas pa rin tayo mula sa covid at may nakakain sa araw-araw. Lahat ng to ay gawa ng
Diyos.
Ang ginagawa ko para di ko makalimutang magpasalamat sa buong araw, naglilista ako ng 5 bagay na
pinagpasalamat ko sa buong araw. Maliit man ito a malaki. Nakakatulong ito para mas mapunta ang
aking atensyon o “focus” sa mga bagay na meron ako at hindi sa wala.
***
1 Timoteo 2:1-4
Mga Bilin Tungkol sa Panalangin
1 Una sa lahat, ipinapakiusap kong ipanalangin nʼyo ang lahat ng tao. Ipaabot ninyo sa Dios ang
kahilingan nʼyo para sa kanila nang may pasasalamat.
2 Ipanalangin nʼyo ang mga hari at mga may kapangyarihan para makapamuhay tayo nang tahimik at
mapayapa na may kabanalan at tamang pag-uugali.
3 Mabuti ito at nakalulugod sa Dios na ating Tagapagligtas.
4 Nais niyang maligtas ang lahat ng tao at malaman ang katotohanan.
***
Base sa inyong nabasa, sa pananalanging may pasasalamat, ano daw ang buhay na maaari nating
matamo?
Ito ay buhay na tahimik at mapayapa na may kabanalan at tamang pag-uugali.
Tahimik at payapa. Dito natin ituon ang ating landas, sa pagkakaruon ng tahimik at mapayapang buhay.
Wag tayong mag “focus” sa buhay na puro paghahangad ng mga material na bagay dahil hindi ito ang
tunay na magbibigay sa atin ng kapayapaan at tahimik na buhay.
Halimbawa, pag nagkaruon ka ng pinakabagong modelo ng iPhone ngayon, maaaring magiging masaya
ka sa buong taon. Pero tiyak na lilipas din ang kasiyahang yan pag naluma na at maglabas nanaman ng
bagong modelo. Ang paghahangad ay ang walang katapusang paghahabol sa mga bagay na di naman
makapagbibigay sayo ng hinahanap mong kasiyahan at kapayapaan.
Ang pagsunod sa kung ano ang mabuti at nakalulugod sa Diyos ang tiyak at totoong magdudulot ng
kasiyahan at kapayapaan sa buhay.
***
6. Closing prayer
***
(Pick 1 student)
***
July 10, 2021
1. Greetings
***
***
***
2. Opening Prayer
***
(Pick 1 student)
***
Pag may pagsubok pala, wag magreklamo agad. Yung tipong nahirapan lang ng konte, ayaw mo na.
Base sa inyong nabasa, ano daw sa mundong ito ang panandalian lamang?
Tama, pagsubok.
Ikaw, meron ka bang pagsubok sa buhay o problema na hinaharap ngayon? Ano ito?
Katulad ng sinabi sa verse, daanan mo ang bawat pagsubok sa buhay at isaisip na ito’y panadaliang
lamang. Malalagpasan mo rin yan.
Tulad ng sinasabi sa atin ng ating mga kaibigan pag may problema tayo, “Wag mong dibdibin, may likod
ka pa”. Ibig sabihin, ang problema ay laging nandyan, kung nag-“focus” ka sa problema, buong buhay mo
puro problema.
Gusto mo ba na ang ikekwento mo nyan sa mga anak mo tungkol sa iyong buhay ay puro problema?
Hindi di ba.
Kaya imbes na mag-”focus” sa problema, mag-“focus” tayo sa solusyon at sa magandang aspeto ng
buhay.
Sa panahong ng pandemya, Sino lang ba ang nagbibigay ng katiyakan? Ito ang Diyos.
Sa halip na dibdibin ang problema o kalungkutan mo nagyong pandemic, dibdibin mong kausapin si
Lord. Mag-dasal ka. Tiyak mas magagaan ang iyong buhay.
Lahat ng problema ay may solusyon. Lahat ng pinapahintulutang mangyare ng Diyos sa ating buhay ay
may dahilan. Kaya ang kailangan mo lang gawin ay pagdaanan ang mga ito at manatili sa iyong
pananampalataya.
***
Sabi sa verse, ang ating pananampalataya ay mas mahalaga pa daw kesa ginto.
Bakit kaya, ano sa tingin nyo?
Ibig sabihin, ang ginto ay hanggang dito lang sa mundo. Di mo ito madadala sa kabilang buhay.
Pero ang iyong pananampalataya, magtatagal pang habang buhay.
Maaari mo bang sabihin kay Lord na karapatdapat kang tanggapin sa langit dahil marami kang ginto sa
lupa?
Pagsumikapan natin magkaruon ng tunay na pananampalataya upang mapangaralan ng Diyos, ayon sa
bible.
***
Ngayon hapon, ang hamon ko sa bawat isa ay mag-focus sa ating faith at hindi sa mga problema.
Kausapin lagi si Lord at mas palakasin ang iyong pananampalataya.
6. Closing prayer
***
(Pick 1 student)
***
September 25, 2021
1. Pagbati
***
***
***
2. Panimulang panalangin
***
(Pick 1 student)
***
Umiwas sa gulo, laging sumunod sa mga magulang, gumawa ng masasayang karanasan kasama ng ating
mga kaibigan, magbasa ng biblya upang malaman kung ano ang tama at mali, at iba pa.
***
Ano pang naiisip nyo?
***
2) Huwag makialam sa buhay ng iba.
Ngayon, napakahirap nang gawin nito dahil sa “social media”. Lahat kasi nakikita na natin “online”. Lahat
pwede mag-“comment” o kaya mag-“like”. Kahit na di ka nakiialam sa buhay ng iba, bigla mo nalang
makikita sa “newsfeed” mo yung “post” nya.
Ano ang dapat nating gawin? Umiwas o limitahan ang paggamit ng “social media”. Mas bigyang pansin
natin ang pag-“develop” o pagpapaunlad ng ating sarili. Mag-“focus” ka sa iyong pag-aaral. Mag-“focus”
sa mga gawaing bahay. Mag-“focus” ka sa iyong mga “hobbies” tulad ng pagguhit o paghasa ng iyong
mga talento, o magbasa ng libro.
Maraming mas importanteng bagay ang dapat nating gawin sa ating buhay. Napakarami. At mas
nakakapagdulot ito ng kasiyahan at saysay sa ating buhay kumpara sa pagbababad sa “social media”.
***
3) Magtrabaho ang bawat isa para sa kanyang ikabubuhay.
Bilang bata, magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti. Tanging pag-aaral lamang ang
tiyak na magbibigay sayo ng magandang buhay. At habang nag-aaral ka, dapat lagi mong pagbutihan.
Sikapin mong makakuha ng mataas na marka, ipakita ang iyong mga talento sa klase at iba pa.
***
Nung bata pa ako, yan din ang mga ginawa ko. Dahil mahirap lang kami nuon, kumapit talaga ako sa pag-
aaral at sa Diyos. Yan lang ang tanging paraan na naisip ko para guminhawa ang buhay namin. Dyan lang
ako nag-“focus”.
***
Ngayon, isa na akong Engineer at masasabi kong mas maganda na ang estado namin sa buhay.
Tandaan natin na lahat ng pangarap natin ay makukuha natin basta maging disiplinado tayo, masipag at
may pananampalataya sa Diyos. Lahat ng “effort” mo, nakikita ni Lord yan.
6. Pagtatapos na panalangin
***
(Pick 1 student)
***
October 09, 2021
1. Pagbati
***
***
***
2. Panimulang panalangin
***
(Pick 1 student)
***
6. Pagtatapos na panalangin
***
(Pick 1 student)
***
October 23, 2021 – On failure o kabiguan
1. Pagbati
***
***
***
2. Panimulang panalangin
***
(Pick 1 student)
***
(Pick 1 student)
***
November 07 2021 – On fear
1. Pagbati
***
***
***
2. Panimulang panalangin
***
(Pick 1 student)
***
(Pick 1 student)
***
Bible Study
***
Isaias 43:1-3
43 Pero ito ngayon ang sinasabi ng Panginoong lumikha sa iyo, O Israel: “Huwag kang matakot dahil
ililigtas kita. Tinawag kita sa pangalan mo, at ikaw ay akin. 2 Kapag dumaan ka sa tubig, akoʼy kasama
mo. Kapag tatawid ka ng mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag dumaan ka sa apoy, hindi ka masusunog;
at ang liyab nito ay hindi makakapinsala sa iyo. 3 Sapagkat ako ang Panginoon mong Dios, ang Banal na
Dios ng Israel, na iyong Tagapagligtas. Ibibigay ko sa ibang bansa ang Egipto, ang Etiopia, at ang Seba
bilang kapalit mo.
***
Ang sabi ng Diyos ay huwag kang matakot at tinawag ka Nya sa iyong pangalan.
***
Bukod pa dito, alam din nya ang mga nangyayare sa ating mga buhay.
Alam Nya na rin ang ating mga takot lalo na sa tuwing may gusto Syang ipagawa sa atin na hindi natin
magawa. Tulad nalang sa bansang Israel nung umalis sila bansang Ehipto. Takot na takot silang tumakas
dahil mas malakas at mas makapangyarihan ang bansang Ehipto.
Ngunit, ipinaalam ng Dyos na Sya mismo ang magliligtas sa kanila at walang mangyayareng masama sa
kanila.
Tanong: Ikaw ba ngayon ay takot, or may takot sa iyong buhay o iyong hinaharap?
Takot ka bang bumalik sa face-to-face class? Takot ka bang hindi na makakapag-aral ng college? Takot ka
bang magkasakit?
Sa lahat ng bagay na takot tayo at wala tayong kontrol, i-“surrender” nalang natin ito sa Diyos. Sya ang
may mas alam ng nagyayare at mangyayare sa iyong buhay. Sya ang may mas kapangyarihan sa ating
buhay.
Tanggalin natin lahat ng takot at magtiwalang ang Diyos ang kasama mo at magliligtas sayo.
Ngayon, sa mga bagay na may kontrol tayo, tulad ng pagpapabuti ng ating grades o pagpapabuti ng ating
kalusugan, “always do your best”. Nakikita rin ng Diyos lahat ng ating gawa at hindi ito mapupunta lang
sa wala.
“2 Kapag dumaan ka sa tubig, akoʼy kasama mo. Kapag tatawid ka ng mga ilog, hindi ka malulunod.
Kapag dumaan ka sa apoy, hindi ka masusunog; at ang liyab nito ay hindi makakapinsala sa iyo. 3
Sapagkat ako ang Panginoon mong Dios, ang Banal na Dios ng Israel, na iyong Tagapagligtas.”
Binigyan tayo ng katiyakan ng Diyos sa lahat ng ating pagdadaana nsa buhay, mapunta ka man sa tubig o
sa apoy.
Dahil mahal Nya tayo. Siya ang gumawa sa atin. Sya ang ating Ama sa langit. Tayo ay Kanyang mga anak.
“Ibibigay ko sa ibang bansa ang Egipto, ang Etiopia, at ang Seba bilang kapalit mo.”
Kaya nyang ibigay ang isang buong bansa kapalit ng iyong buhay.
Ang tanong, ginagawa mo bang kaaya-aya at makabuluhan ang iyong buhay, na pwede ipagpalit sa isang
bansa?
Ang pagsunod sa Diyos ay hindi madali. Di ito mawawalan ng mga pagsubok at mga takot.
Pero wag nating kakalimutan na ang pagsunod sa Diyos, ay nangangahulugang nauna na ang Diyos sa
nilalakaran nating daan. Kaya alam na Nya lahat ng pasikot-sikot o eskinita na iyong dadaanan. Ang
kailangan mo lang gawin ay sumunod at maniwalang mas magiging ligtas at masaya ang iyong
paglalakbay.
November 20, 2021 – On Self-Respect
1. Pagbati
***
***
***
2. Panimulang panalangin
***
(Pick 1 student)
***
(Pick 1 student)
***
For LCC Obrero:
Hi kids, basahin natin ang lesson ngayon araw:
Ngayong hapon, ang lesson natin ay tungkol sa “Self-Respect” o respeto sa sarili.
Madalas, ang naririnig lang natin patunggkol sa salitang “respeto” ay ang respeto para sa ibang tao.
Madalang lang tayo makarinig ng patungkol sa pagrespeto sa sarili.
Titignan natin ngayon kung paano nga ba natin magagawa ang pagrespeto sa sarili.
Nalalaman mo ba kung naaabuso mo na ang iyong sarili?
At ano nga ba ang sinasabi ng biblya sa “Self-Respect”, mahalaga ba ito?
Basahin natin ang berso mula sa biblya:
***
1 Corinto 6:19-20
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
19 Hindi baʼt ang katawan ninyo ay templo ng Banal na Espiritung nasa inyo at tinanggap ninyo mula
sa Dios? Kung ganoon, ang katawan ninyoʼy hindi sa inyo kundi sa Dios,
20 dahil tinubos kayo ng Dios sa napakalaking halaga. Kaya gamitin ninyo ang inyong katawan sa
paraang ikapupuri ng Dios.
***
Mula sa ating nabasa, makikita natin kung gaano kahalaga ng ating pisikal na katawan o ng ating sarili.
***
Ang ating katawan ay ang “templo” ng Banal na Espirito.
Ibig sabihin, hindi tayo ang nagmamay-ari ng ating katawan kundi ang Diyos o ang Banal na Espirito na
nasa atin.
Ngayon, ang tanong, paano ba natin dapat pangalagaan ang ating pisikal na katawan?
Sa simpleng halimbawa, ituring natin ag ating pisikal na katawan na parang bahay ng ating kaibigan.
Di ba pag nasa bahay ka ng iyong kaibigan, hindi ka nagkakalat?
Hindi ka rin nag-iingay.
Lahat ng kilos mo sa bahay ng iyong kaibigan ay wasto, lahat kalkulado.
Ayaw mong makapag-bigay ng pangit na impresyon sa tatay at nanay ng iyong kaibigan na syang
nakatira duon.
Ganuon din sa ating pisikal na katawan. Dapat hindi natin ito dinudumihan.
Lahat dapat ng ating galaw ay wasto at kaaya-aya sa tunay na may ari nito. At ito ay ang Banal na
Espirito.
***
Bilang isang kabataan, mag-aaral o anak, ano ang mga bagay na nagagawa mong di wasto sa iyong sarili
o sa iyong katawan?
Dinudumihan mo ba ito tulad ng paglalagay ng mga tattoo?
Inaabuso mo ba ang iyong katawan sa labis na pagpupuyat o paglalaro ng online games?
Puro junk foods ba ang kinakain mo?
Nagiging “hard” ka ba sa iyong sarili kapag di mo nakukuha ang iyong mga naisin sa buhay?
Sinisira mo ba ang iyong katawan sa pag-inom ng alak, sigarilyo, o bawal na gamot?
Napapasama ba ang iyong buhay dahil sa pagsama sa mga maling kaibigan?
***
Alinsunod sa pag-respeto at pagpapahalaga sa ating sarili, pilitin nating mas maging makabuluhan ang
paggamit ng ating katawan. Gamitin natin ito sa ikatutuwa ng Diyos.
Piliin natin ang tama kesa ang mali, ang kabutihan kesa ang kasamaan, at lagi nating piliin ang
kapayapaan ng sarili kesa sa anu pa man.
Sa mga panahon naman na sinusubok tayo ng problema at nagiging “hard” tayo sa ating sarili, lagi mong
tatandaan di ka nag-iisa, nadyan ang iyong pamilya, mga kaibigan at higit sa lahat, nandyan ang Diyos.
Bilang tao, may limitasyon ang ating katawan at kakayahan dito sa lupa.
Kaya nandyan ang Diyos. Ang kanyang kakayahan ay walang limitasyon at Siya ang pupuno ng ating mga
pagkukulang.
Bilang pag-respeto sa ating sarili, wag nating sarilinin ang mga problema.
Ibahagi mo ito sa iyong mga mahal sa buhay at sa Diyos, at tiyak malalagpasan mo ng may ngiti sa iyong
labi anumang prolema na dumating sa iyong buhay.
Bilang pag-respeto sa iyong sarili, panatilihin mong malusog ang iyong katawan. Kumpletuhin mo ang
iyong tulog at pahinga.
Ginawa ang araw at gabi upang ipakita sa atin ang oras ng paggawa at oras ng pahinga. Gawin mo lahat
ng iyong kailangang gawin sa araw at pag gabi na, ihanda mo na ang iyong sarili upang magpahinga.
***
Sa ngayon, tingin mo ba narerespeto mo ang iyong sarili?
Ano ang mga bagay na tingin mo nakakasama sa iyong katawan?
***
Ano ang mga bagay na gagawin mo upang ipakita ang pag-respeto sa sarili?
December 05, 2021 – On Waiting
1. Pagbati
***
***
***
2. Panimulang panalangin
***
(Pick 1 student)
***
(Pick 1 student)
***