Professional Documents
Culture Documents
DLP Filipino Panghalip
DLP Filipino Panghalip
DLP Filipino Panghalip
I-LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan nang;
Nakikilala ang iba’t ibang uri ng panghalip.
Nakakabuo ng sariling mga halimbawa sa bawat uri ng panghalip.
Napapahalagahan ang gamit ng panghalip sa bawat uri nito sa pangungusap.
ll-Paksang aralin
a. Paksa: Ang Panghalip
b. Sanggunian: Daloy ng Mithi lll sa pahina 96-99
c. Kagamitan: tsart, teyp ng papel, plaskard
d. Pagpapahalaga: Mapahalagahan ang gamit ng panghalip sa pangungusap
lll-Pamamaraan (Pamaraang Pabuod)
1. Paghahanda
Panalangin
Pagbati ng guro sa mga mag-aaral ng isang “magandang araw”
Pagganyak
2. Paglalahad
Pagkatapos magbigay ang guro ng pagganyak, kanyang tatanungin ang mga mag-aaral tungkol
sa kanilang kaalaman sa kahulugan ng panghalip.
Pagkatapos marinig ng guro ang ilan sa mga kasagutan mga mag-aaral, ibibigay niya ang tunay
na kahulugan nito.
Panghalip- ay mga salitang ginagamit na pamalit o panghalili sa pangalan ng tao, bagay, hayop,
lugar, pangyayari, o pangngalan.
Mayroong apat na uri ang panghalip:
Panghalip Panao
-Panghalip na ipinapalit sa pangalan ng tao. Mayroon itong tatlong kaukulan.
Kaukulang palagyo
Ito ay panghalip panaong ipinapalit sa pangngalang pinangungunahan ng ang at ginagamit bilang simuno
ng pangungusap.
Hal.
Ang ina ni Paulo ay si Melai. Siya ang nag-aalaga kay Paulo mula pagkabata.
Kaukulang Paukol
Ito ay panghalip panaong ipinapalit sa pangngalang nasa anyong ng o ni. Ito ay nag-uukol.
Hal.
Nais ni Pet bumawi kay Paul.
Nais niyang bumawi kay Paul.
k. Kaukulang Paari
Ito ay panghalip panaong ipinapalit sa pangngalang nasa anyong sa o kay. Ito’y nagpapakita ng pag-
aari.
Hal.
Kay Paulo ang asong pumanaw.
Kanya ang asong pumanaw.
Panghalip Pamatlig
– panghalip na ipinapalit sa pangalan ng lugar o pangngalang nagpapahayag ng layo o distansya ng mga
bagay sa nagsasalita o nakikinig.
Hal.
Ito ang hinahanap niyang artikulo kanina. (malapit)
Iyan ang silid na sinasabi nilang may multo. (malayo)
Iyon ang bahay na lilipatan natin sa Agosto. (malayung-malayo)
Panghalip Pananong
– panghalip na ginagamit sa pagtatanong.
Hal.
Sino ang kumain ng pagkain sa mesa?
Saan patungo ang langay-langayan?
Magkano ang asong nakadungaw sa bintana?
Panghalip Panaklaw
-ito ay nasa anyong walang lapi katulad ng iba, kapwa, isa, lahat, marami, at kaunti. Kasama rito ang mga
salitang may hulaping –man tulad ng saanman, sinuman, anuman, at alinman.
Hal.
Dahil sa pagsabog ng bulkan, marami ang nawalan ng trabaho.
Kailanman ay hindi ako susuko sa iyo.
Iba ang iyong iniisip.
3. Paghahambing at Paghalaw
Ipaghahambing ng guro sa mga mag-aaral ang panghalip panao at panghalip pananong.
Matapos maipaghambing ng guro ang dalawang panghalip, ipaghahalaw naman nito sa mga mag-aaral
ang panghalip pamatlig at panghalip panaklaw.
4. Paglalahat
Matapos matalakay ng guro ang mga uri ng panghalip, kanya itong irerebyu muli upang malaman kung
naintindihan o nauunawaan na ba ang mga mag-aaral ang mga ito.
5. Paggamit
Susubukin ng guro ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang mga gawain.
Ang mga sumusunod ay ang ilang mga gawain na ibibigay ng guro sa mga mag-aaral. Hahatiin ang klase
sa 5 grupo at magdaos ng isang paligsahan sa pag-awit gamit ang panghalip.
Panuto: Mag-isip ng mga awitin na may mga panghalip sa dulo nito gaya ng:
Kami
Iyo
Dito
Heto
Kailan
IV- PAGTATAYA
Matapos makapagbigay ang mga mag-aaral ng mga pangungusap gamit ang mga ilang mga panghalip na
ibinigay ng guro, magbibigay ang guro ng isang pagsusulit upang ganap na masubukan ng guro ang
kaalaman ng mga mag-aaral sa mga uri ng panghalip.
Ang mga sumusunod ay ang mga pagsusulit na ibibigay ng guro sa mga mag-aaral.
Panuto: Kumuha ng isang kalahating papel at sagutin ang mga sumusunod. Salungguhitan ang panghalip
sa bawat pangungusap at isulat sa patlang kung anong uri ito.
_________1. Saan ka magtutungo?
_________2. Nakita ko silang dumaan dito kanina.
_________3. Lahat tayo ay pupunta sa kaarawan ng lola mo.
_________4. Akin ang pantasang iyan!
_________5. Marami ang pumunta sa Mabini Shrine noong nakaraang Sabado.
_________6. Tiyak na mahuhulog ka sa kanya kapag nagpatuloy pa iyan.
_________7. Ito ba ang pinamumukha mo sa akin?
_________8. Huwag kang makulit dahil may ginagawa ako.
_________9. Sila ay sama-samang magsisimba sa Linggo.
_________10. Tayo’y magpasalamat sa Diyos sa mga biyaya Niya sa atin.
V- TAKDANG-ARALIN
Isulat sa isang buong papel.
Gumawa ng isang sanaysay o diyalogong ginagamitan ng mga panghalip. Salungguhitan ang mga
panghalip.
A.Pagganyak:
Ø Pagpapakita ng larawan at
magtatanong tungkol sa:
B.Paglalahad:
§ Pagbabalik Aral
§ Pag-aalis ng Sagabal;
Hanapin sa Kahon ang mga salitang Kasingkahulugan ng mga salitang may
salungguhit.
Maghasa Makipagtalad
Nagpapakatusak
C.Pagtalakay:
Ø Pagtatanong sa mga sumusunod:
“Tulad ng Batas langit ang pag-aaral, ang · Tulad ng halos ng langit ang pag-
nagpaunay mahuhuli, ang nagpakataas ay aaral dahil ang lahat ng mag-aaral ay
bababa at ang nagpakabundat ay siyang pantay-pantay sa pagtrato ng mga guro
gugutumin”
IV. Ebalwasyon:
Sumulat ng ilang pahayag kung paano ka nagpapakasakit sa pag-aaral at kung bakit
mo ito isinasagawa.
V. Takdang Aralin:
Basahin at siyasatin ang Akdang “Tatlong mukha ng kasamaan” ni Salvacion M. Delas
Alas. At ipaliwanag kung bakit mahalaga ang karunungan sa isang bansang maunlad.
Ilagay sa buong papel ang pagpapaliwanag.
Inihanda ni :
Emmar C. Flojo
BSEd 3A
I. Layunin
Nagagamit sa pangungusap ang pang angkop na na, ng at g.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Paggamit ng mga Pang-angkop
b. Sanggunian: Pagdiriwang ng Wikang Filipino pp.197-202
Hiyas sa Wika, pp.164-168
c. Kagamitan: tsart, mga larawan ng Heneral Santos
III. Pamamaraan
1. Magdasal
Tayo ay magdasal, Maaari bang tumayo si Ivy
para mangulo sa ating pagdadasal
Thank you Ivy. Tayo ay magdasal. Almighty God… (Pupil’s
Magandang Umaga sa lahat! Prayer)
Bago maupo ang lahat, maaari bang pakitsek
kung merong mga basura sa ilalim ng inyong Magandang Umaga din po binibining Mariz!
upuan, pulutin ito at iayos ang inyong mga
upuan.
b.Pagganyak
a. Paano natatawag na bayani ang isang tao?
Natatawag na bayani ang isang tao kung meron
siyang nagawang kahanga-hanga para iangat ang
b. Ang mga atleta ba ay maaaring tawaging moral ng bawat Pilipino.
bayani? Bakit kaya? Opo ma’am, kasi nagbibigay sila ng karangalan sa
kanilang pinanggalingan.
b. Sinu-sino ang mga Pilipinong nakilala sa
larangan ng isports? (Ang mga bata ay sasagot)
c. Paglalahad
a. Kilala niyo ba ang itinuturing na mga bagong
bayani? paano? Si Manny Pacquiao
b. Pagbasa ng pangganyak na tanong:
1. Bakit hinangaan si Manny Pacquiao?
2. Bakit siya tinawag na bagong bayani? Dahil sa galing niya sa pangboboksing.
3. Basahin ang buhay ng ating pambansang Tinawag siya na bayani dahil sa inangat niya ang
kamao. bandila ng Pilipinas sa ibang lugar para mas
Tatak Pinoy maging kilala pa tayo sa ibang bansa.
Sino ba namang hindi makakakilala sa
pambansang kamao ng Pilipinas na si Emmanuel
Dapidran Pacquiao o mas kilala sa tawag na
Manny Pacquiao. Siya ay pinanganak sa
Kimbawe, Bukidnon. Mahirap ang buhay niya
noong siya ay bata pa. Naghiwalay ang kanyang
mga magulang noong siya’y nasa ika-anim na Meron mga bata na magbabasa ng sa buhay ng
baitang. Natapos niya ang kanyang elementarya, pambansang kamao.
ngunit nahinto naman sa hayskul dahil sa
kahirapan. Iniwan niya ang kanyang buhay sa
lungsod ng Heneral Santos upang makahanap ng
trabaho sa Maynila sa edad ng labing-apat.
Sinimulan niya ang kanyang karera sa boksing
bilang isang miyembro ng Philippine National
Amateur Boxing Team. Hanggang sa napanalunan
niya ang pinakaunang World Title niya sa
larangan ng boksing. Kinuha niya itong
oportunidad na maging kilala sa buong mundo at
labanan pa ang ibang mga boksingero sa tulong
ng kanyang trainor na si Freddie Roach. Natalo
niya sina Shane Mosley, Antonio Margarito, Erik
Morales, Joshua Clottey.
Maliban sa kanyang pagboboksing ay coach na
din siya ngayon sa basketball, umaawit, isang
kongresista at isa ng senador ngayon. Talagang
hindi na mapipigilan ang pagsikat ng dating
mahirap na taga Heneral Santos. Isa siya tunay na
halimbawa na matapang, masipag at may takot
sa Panginoon. Tunay na dapat hangaan ngayon
ng mga batang Pilipino.
Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Bawat
pangkat ay may nakalaang gagawin.
Gawain 1:
Gumawa ng dula na nagpapakita ng
pagboboksing ni Manny Pacquiao at kong sinu-
sino ang natalo niya.
Gawain 2:
Pumili ng kanta ni Manny Pacquiao at kantahin
ito sa klase.
Gawain 3:
Iguhit ang mga nagawa ni Manny Pacquiao sa
bansa.
Bibigyan ang bawat pangkat na10 minuto para
e. Pagtatalakay ihanda ang nakalaang gagawin nila.
Pagkataposng oras ay ipakikita ito sa mga
A. Pagsagot sa mga tanong at paggawa ng mga kaklase.
nakalaang gawain.
1. Sino ang tinutukoy sa sanaysay?
2. Sa anong larangan sikat si Manny Pacquiao? At
sinu-sino ang mga nakaaway siya sa larangan ito?
Pangkat 1 ipakita ang inyong pagsasadula.
3. Maliban sa pagboboksing ano pa ang ginagawa Ang tinutukoy sa sanaysay ay ang pambansang
ni Manny Pacquiao? kamao na si Manny Pacquiao.
Pangkat 2 at 3 ipakita ang nagawa ni Manny Pangkat 1 ipapakita ang kanilang pagsasadula.
Pacquiao. Pangkat 2 at 3 ipapakita ang mga nagawa ni
4. Sino ang tumulong kay Manny Pacquaio sa Manny Pacquiao.
larangan ng pagboboksing?
5. Bakit karapat dapat na hangaan ng mga batang
Pilipino si Manny Pacquiao?
Ang tumulong kay Manny Pacquiao ay si Coach
Freddie Roach.
Karapat dapat siya na hangaan sapagkat siya ay
mabuting ehemplo para sa mga kabataan na wag
isuko ang mga pangarap at kung naabot na ang
mga pangarap ay manatiling nakaapak sa paa at
marunong parin tumingala sa taas para
Basahin at suriing mabuti ang pangungusap sa magpasalamat.
bawat bilang.
1. Mahirap ang buhay niya noong siya ay bata pa.
2 Kinuha niya itong oportunidad na maging kilala
sa buong mundo at labanan pa ang ibang mga
boksingero.
3. Talagang hindi na mapipigilan ang pagsikat ng
dating mahirap na taga Heneral Santos.
Sa unang bilang sa anong letra nagtatapos ang
salitang noon?
Sa pangalawang bilang naman anong dalawang
salita ang pinag-uugnay ng kataga o pantig na na?
Sa anong titik nagtatapos ang oportunidad?
Sa pangatlong bilang naman sa anong letra Sa unang bilang nagtatapos sa letrang n ang
nagtatapos ang talaga at dati? salitang noon.
Sa pangalawang bilang naman ang dalawang
salita na pinag-uugnay ng kataga o pantig na na
Ano kaya sa tingin ninyo ang natutulong ay oportunidad at maging kilala.
ng g, ng at na sa pangungusap? Anong tawag sa Ang salitang oportunidad ay nagtatapos sa titik d.
kanila? kailan kaya ginagamit ang g, ng at na? Sa pangatlong bilang naman nagtatapos ang sa
letrang a ang sa talaga at i naman sa dati.
Paglalahat
· Pang-angkop ang tawag sa mga kataga,
pantig o titik na g, ng at na na ginagamitupang
pag ugnayin ang isang salita sa iba pang salita sa
pangungusap nang maging tuluy-tuloy at madulas
ang pagbigkas sa mga ito.
· Ang pang-angkop na na ay ginagamit sa pag
ugnay ng mga salitang nagtatapos sa katinig
maliban sa titik n.
Halimbawa: oportunidad na maging kampeon
mataas na pangarap
· Ang pang-angkop na ng ay ginagamit sa
pag-uugnay ng mga salitang nagtatapos sa patinig
(a, e, i, o, u).
Halimbawa: Talagang matapang
muling sumibol
· Ang pang-angkop na g ay ginagamit sa pag
uugnay ng mga salitang nagtatapos sa titik n.
Halimbawa: noong siya ay bata pa
kaugaliang Pilipino
. Pagsasanay
Pag-ugnayin ang dalawang salita gamit ang
tamang pang-angkop.
1. inakay___sisiw
2. marahas___hakbang
3. mapula____mata
4. ibon___maliit
5. maganda___pangarap
IV. Pagtataya
Salungguhitan ang dalawang salitang pinag-ugnay ng pang-angkop. Bilogan naman ang mga pang-
angkop na ginamit.
1. Marunong sumayaw ang bata.
2. Mabuting anak ang mga iyon.
3. Masayang-masaya ang mag-anak.
4. May dalawang anak si Aling Ester.
5. Laging nangunguna sa klase si Dinah.
6. Nakatapos ng pag-aaral ang mga anak nila.
7. Gayundin ang nadaramang ligaya ng mag-anak.
8. Umuwing masayang-masaya ang mga panauhin.
9. Naghahanda ng munting salu-salo ang mag-anak.
10. Sinasabitan ng medalyang ginto ang matatalinong mag-aaral.
V. Takdang Aralin