Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Tarlac State University

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


CENTER OF DEVELOPMENT IN TEACHER EDUCATION
Lucinda Campus, Tarlac City
Tel. No. (045) 493-0182; Fax No. (045) 982-0110
Re-accredited Level IV by the Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACUP), Inc.
A.Y. 2020-2021

Semi-Detailed Lesson Plan in

Filipino 4

Liham ng Pangalakal

Prepared by:
GAYLA, MARIEGOLD P.
BEED 4A
Submitted to:
Dr. Mellany G. Masangkay
Adviser

March 2022
I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a.) Natutukoy ang mga uri ng liham pangalakal.

b.) Napapahalagan ang liham sa pamamagitan ng pagsulat ng sariling liham


pangalakal.

c.) Nakabubuo ng sariling liham na pangalakal.

II. Paksang Aralin

a. Paksa: Liham na Pangalakal

b. Sanggunian: Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig 4

c. Kagamitan: Powerpoint Presentation

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain:

• Panalangin

Tayo ay tumayo at manalangin…

• Pagbati

Magandang umaga mga bata, ako si Mariegold ang inyong magiging guro
ngayong umaga.

• Pagtala ng lumiban

Kapag natawag ang inyong pangalan ang inyong sasabihin lamang ay “narito po”

B. Balik-Aral

• Magtatanong tungkol sa paksang tinalakay noong nakaraang araw.

• Magbibigay ng mga halimbawa.

C. Pagganyak:

Bago tayo magsimula sa ating bagong aralin, may babasahin muna akong isang liham
sainyo. Pagkatapos kong basahin ang liham may ilang katanungan akong itatanong
sainyo.

Mga katanungan:

1. Anong napansin niyo sa liham na inyong napakinggan?

2. Katulad ba ito ng isang liham pangkaibigan, at bakit?


D. Pagtatalakay:

Liham na Pangalakal

Ang liham na pangalakal ay isinusulat upang magkaroon ng ugnayan sa opisina o


tanggapan. Ang liham na ito ay marapat na malinaw, tapat, maayos, at malinis.

Uri ng Liham Pangalakal

1. Liham na Nagtatanong – isinusulat upang makahingi ng impormasyon.

2. Liham na nagrereklamo – isinusulat upang mailahad ang hinaing o reklamo.

3. Liham ng Suskripsiyon – isinusulat upang makakuha ng kopya ng pahayagan,


magasin, at iba pang babasahin.

4. Liham ng Pagpapakilala – isinusulat upang irekomenda ang isang tao o


produkto.

5. Liham ng Aplikasyon – isinusulat ito upang makahanap ng trabaho.

6. Liham ng Pamimili – isinusulat upang makabili ng paninda o produkto.

Tulad ng liham pangkaibigan, ang liham pangalakal ay may mga bahagi rin na ahlos
ang iba ay tulad lamang ng iba pang liham. Ang mga bahagi nito ay:

1. Pamuhatan

2. Patunguhan – mababasa rito ang pangalan, katungkulan, at address ng


tanggapan.

3. Bating Panimula – naglalaman ito ng magalang na pagbati at nagtatapos sa


tutuldok.

4. Katawan ng Liham – pormal, tiyak, at tuwiran ang nilalaman.

5. Bating Pangwakas

6. Lagda – mababasa rito ang buong pangalan ng gumawa ng liham pati na rin ang

kaniyang pirma.

E. Pagsasagawa

Panuto: Bumuo ng sariling liham na pangalakal. Malaya kang pumili ng uri ng liham na
ito. Ilagay ito sa isang long bond paper.

F. Paglalahat

Mga katanungan:

• Ano ang liham pangalakal?


• Ano ang anim na uri ng liham pangalakal?

• Ano ang anim na bahagi ng liham pangalakal?

IV. Pagtataya:

Panuto: Punan ang patlang ng salita o mga salitang bubuo sa diwa ng pangungusap.

1. Ang liham na _______________ ay isinusulat upang matanggap sa trabaho.

2. Sa _________________ mababasa ang pangalan ng taong pagbibigyan ng liham.

3. Ang bating panimula ng liham na pangalakal ay nagtatapos sa bantas na


____________.

4. Ang address at pangalan ng tanggapan ay mababasa sa bahagi ng


______________.

5. Sa _________________ makikita ang pirma ng taong gumawa ng liham.

V. Takdang-Aralin:

Panuto: Gamit ang Venn diagram, isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng liham
pangkaibigan at liham na pangalakal.

You might also like