Document

You might also like

Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Name : Rinna P.

Matuco STEM 11 Aventurite


Ang Wika ay ang salita o lipon ng mga salitang ginagamit sa pakikipag usap sa kapuwa. Ito ang isa sa
mga mabisang paraan ng komunikasyon ng mga tao upang maayos na mailahad ang kanilang damdamin.
Mahalaga ang Wika sapagkat ito ang paraan natin para makausap ang mga tao at mahalaga ito sapagkat
ito ang nagsisilbing kaluluwa ng isang bansa. Ito ay instrumento upang magbuklod-buklod ang bawat
mamamayan. Ginagamit natin ito sa pang araw-araw nating buhay gaya ng pakikipag-usap at sa
edukasyon kung saan dahil dito nagiging maunlad at malawak ang ating mga kaisipan tungo sa
hinahangad nating pagbabago sa ating bansa. Ang Wika ay nagiging instrumento ng mabisang
pakikipagtalastasan, mabuting pakikipagkapwa tao, at kapayapaan sa pamamaraan ng tinig at tuno ng
pananalita. At sa pamamaraan ng pagbibigay ideya, impormasyon, at kuro-kuro sa paraang paglalahad ng
nasaisip batay sa tiyak na impormasyon ay isang matibay na instrumento ng mabisang
pakikipagtalastasan at ang malalim na pang-unawa at bukas na komunikasyon sa lahat ng nagnanais ng
idea, impormasyon, at paghihinuha ay isa sa mga instrumento sa pakikipagkapwa tao at ang huli ay
magiging instrumento ng kapayapaan kung may pagkakaisa, pagkakaintindihan, pagrespeto, at
pagmamahal.

You might also like