ESP8 - Q1 - Wk7 - Panlipunan at Pampolitikal Na Papel NG Pamilya

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Edukasyon sa Pagpakatao (ESP 8)

Quarter 1, Week 7
PANGALAN: _______________________________________ SEKSYON: _______________
Inihanda ni: Gng. Mary Grace S. Maata

Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng


pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga
batas at institusyong panlipunan (papel na pampolitikal) EsP8PB-Ig-4.1
Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan at
pampolitikal na papel nito EsP8PB-Ig-4.2

Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-


unawa:

Kaalaman : Nakapagsisiyasat sa mga uri ng gawaing panlipunan at pampolitikal na may kinalaman


sa pangangalaga sa kalikasan

Saykomotor : Nakakapagliwanag kung paano makakatulong na nagpapakita ng pagtulong sa


kapitbahay/ pamayanan at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan
malasakit sa bayan (papel panlipunan) at sa mga karapatan at tungkulin sa lipunan (papel
pampolitikal)

Apektiv : Naipagpatuloy ang kawilihan sa pagmamalasakit sa bayan at sa lipunan

1
“Ang tao ay hindi lamang binubuo ng katawan at espiritu… siya ay isang panlipunang
nilalang, likas na kaugnay sa iba pang tao, hindi siya ipanganganak o mananatiling
buhay sa pamamagitan ng ibang tao. Ang pakikipagniig sa ibang tao ay bahagi ng
kaniyang pagiging tao.” (Sheen, isinalin mula sa Education in Values: What, Why and
For Whom ni Esteban, 1990).

Ang tao bilang panlipunang nilalang ay may mga karapatan na dapat tamasain
gayunman may mga responsilidad o papel din siyang dapat na gampanan.

Lahat ng tao ay ipinanganganak na sanggol na walang kakayahan at walang


muwang. Kaya nga’t ang tao ay ipinanganganak sa isang pamilya. Ang tao kailanman
ay hindi makapagpaparami nang mag-isa sa natural man o artiipisyal na paraaan.
Hindi rin siya mabubuhay nang walang nag-aaruga sa kaniya hanggang sa siya ay
lumaki, magkaisip, at maghanapbuhay. Upang maging ganap ang pagkatao, kailangan
niyang maranasan ang magmahal at mahalin; at sa huling sandali ng kaniyang buhay
ay kailangan niya ang kalinga ng iba, lalo’t siya’y matanda at mahina na. Kaya nga
kailangan ng tao ang kaniyang kapwa; dahil dito kailangan niyang matutong
makipagkapwa. Ang pakikipagkapwa, tulad ng maraming bagay kaugnay sa kaniyang
pagkatao ay kailangan matutuhan ng tao. Hindi mo maibibigay ang isang bagay kung
wala ka nito. Hindi mo maipakikita ang isang ugaling hindi mo naranasan at natutuhan
sa loob ng iyong pamilya. Ngunit hindi natatapos sa pagpaparami at pagtuturo ng mga
pagpapahalaga at birtud sa pakikipagkapwa ang halaga at tungkulin ng pamilya. Isa sa
anim na tungkulin at halaga ng pamilya ang paghubog ng pagiging mapanagutang
mamamayan. Ayon kay Esteban (1989), ang isang pamilya sa isang munting lipunan.

Upang umunlad ang kanilang buhay, kailangan ng pamilya ang


makipagugnayan sa ibang pamilya at ibang sektor ng lipunan. Sa pamamagitan
nito,nagkakaroon siya ng gampanin sa lipunan. Bukod sa pagiging ama, ina, o anak,
sila ay mga mamamayang maaaring maging punong-guro, doctor, abogado, at iba pang
propesyon sa lipunan. Bilang bahagi ng lipunan, tungkulin ng pamilya na panatilihin
at paunlarin ang lipunang kaniyang ginagalawan. Magagawa ito ng pamilya sa
pamamagitan sa pagtupad sa kaniyang papel sa lipunan- (pagiging bukas-
palad, pagsusulong ng bayanihan, at pangangalaga sa kaniyang kapaligiran)
at papel pampolitikal- (ang pagbabantay sa mga batas at nga institusyong
panlipunan).

2
Panuto: Ano ang nakita mo sa mga sumusunod na larawan?
Ibigay ang dahilan kung paano ka makakatulong na
nagpapakita ng pagtulong sa kapitbahay/
GAWAIN 1:
pamayanan at pagbabantay sa mga batas at
institusyong panlipunan?
(5 puntos bawat paliwanag)

1.
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
2. ___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

3. ___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

3
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na katanungan at unawain. Piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat sa patlang.

______ 1. Alin sa mga sumusunod ang tinaguriang pinakamaliit na institusyon sa lipunan?


A. Simbahan B. Pamilya C. Pamayanan D. Paaralan

______ 2. Sino ang may pangunahaing tungkuling maghahanap buhay upang maitaguyod
at matustusan ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya?
A. Ama B. Ina C. Lola/lLolo D. mga anak

______ 3. Ano ang pangunahing tungkulin ng Ina sa loob ng tahanan?


A. naghahanapbuhay para sa mga asawa at anak
B. tustusan ang kanilang kailangang pinansyal para sa edukasyon
C. Pag-aalaga sa mga anak
D. pagtuturo sa kanilang aralin

______ 4. May kasabihan na ang Ina ang siyang ilaw ng tahanan. Ano ang kahulugan ng
katagang ito?
A. Siya ang pumapatnubay at nagtuturo sa mga anak ng tamang asal
B. Siya ang pangunahing ehemplo ng tamang pag-uugali na kalugod lugod sa ibang tao
C. Ang ina ang nagdadala ng mga anak sa tamang landas
D. Lahat ng nabanggit

______ 5. Bakit kailangang pahalagahan ang tungkulin ng bawat kasapi ng pamilya? A.


upang malalaman ng bawat kasapi ng pamilya ang kanilang responsibilidad
B. upang matuto sila ng trabaho
C. kailangan nilang mapaghandaan ang kanilang kinabukasan
D. upang matustusan ang kanilang pangangailangang materyal

______ 6. Paano mapapahalagahan ang tungkulin ng bawat kasapi ng pamilya?


A. kusang pagtupad sa mga tungkulin o responsibilidad na may pagmamahal
B. Gawin ang tungkulin kung ito ay ayon sa gustong gawin
C. ibigay ito sa mga nakababatang kapatid ang tungkuling dapat sa iyo
D. a at c

______ 7. Ano ang napalago sa isang pamilyang sama-sama sa pagtupad ng mga tungkulin?
A. pagmamahal B. kabuhayan C. sining D. pagkakabisa

______ 8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagtupad sa tungkuling panlipunan?


A. Pakikipagtulungan sa mga kapitbahay C. pagsamba tuwing linggo
B. paboto sa panahon ng eleksyon D. pagtangkilik sa sariling produkto

______ 9. Paano mapanatili ang magandang ugnayan sa lipunan?


A. igalang ang karapatan ng iyong kapwa C. isipin ang sariling kapakanan
B. huwag pansinin ang hindi kakilala D. ipaglaban ang iyong karapatan

______10. Alin dito ang nagpapakita ng pagtupad sa tungkling pampolitikal?


A. paglinis sa parke C. pagbabayad ng buwis
B. pagsali sa mga proyekto tulad ng “Tree Planting” D. pagboto sa panahon ng eleksyon

You might also like