Sample Pananaliksik Abm

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 46

Mga Salik na nakaaapekto sa pagpili ng kursong

Accountancy and Businness Management

Isang Pananaliksik

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa

Pangangailanagan Para sa Asignaturang

Pagbasa at Pagsuri ng Iba't ibang

Teksto Tungo sa Pananaliksik

Nina:

Recio, Jenybel L.

Recio, Casandra Nicole A.

Bagadiong, John Harvy L.

Marso 2020
ii

DAHON NG PAGPAPASYA

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang, MGA SALIK NA

NAKAAAPEKTO SA PAGPILI NG KURSONG ACCOUNTANCY, BUSINESS

AND MANAGEMENT NA INIHANDA AT INIHARAP NINA JENYBEL L.

RECIO, CASANDRA NICOLE A. RECIO, JOHN HARVY L. BAGADIONG

bilang bahagi ng pagtupad sa mga pangangailanga para sa asignaturang PAGBASA

AT PAGSUSURI NG IBA'T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

ay itinagubiling tanggapin at pagtipabayin para sa isang PAGSUSULIT NA

PASALITA.

JOAN O. ATIENZA,

Tagapayo
iii

PAGKILALA

Ang mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa mga naging

bahagi ng pananaliksik na ito.

Mrs. Catherine V. Gonzales. Sa punongguro ng paaralan para sa

kaniyang malawak na pag-unawa at pagbibigay ng inspirasyon.

Sa mga Kaibigan ng mga Mananaliksik. Sa tulong at suportang

ibinigay sa mga mananaliksik.

Sa Pinakamamahal na Pamliya ng mga Mananaliksik. Sa

pagbibigay ng inspirasyon at lakas ng loob sa mga mananaliksik upang

maisakatuparan ang pananaliksik na ito.

Sa mga mag-aaral. Naging dahilan kung kaya’t isinagawa ang

pananaliksik na ito.

Higit sa lahat ay sa Poong Lumikha na siyang naging dahilan ng

lahat at nagkaloob ng karunungan at talento na naging puhunan sa pagsasagawa

ng pananaliksik na ito.
iv
PAGHAHANDOG
Ang isinagawang pananaliksik na ito ay inihahandog ng mga

mananaliksik sa mga sumusunod:

Sa kanilang Guro, na nagbigay ng kaalaman at gabay sa kanilang

isinasagawang pananaliksik.

Sa mga Magulang, na naging inspirasyon ng mga mananaliksik sa

kanilang isinagawang pananaliksik.

Sa mga Mag-aaral, na naging dahilan kung kaya’t isinagawa ang

pananaliksik na ito.

Higit sa lahat sa Poong Lumikha, sa pagkakaloob ng kaalaman sa mga

mananaliksik at pagkakataon upang maisagawa ang pag-aaral na ito.

JENYBEL...

CASANDRA NICOLE...

JOHN HARVY...
v

ABSTRAK

PAMAGAT: Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagpili ng Kursong

Accountancy, Business and Management

MANANALIKSIK: Recio, Jenybel L.

Recio, Casandra Nicole A.

Bagadiong, John Harvy L.

KLASE NG DOKYUMENTO: Kwalitatibong Pananaliksik

BILANG NG PAHINA: 32

PANGALAN NG LUGAR: Balete, Senior High School

NG INSTITUSYON: Palsara, Balete Batanagas

KURSO: Accountancy, Business and Management

TAON: 2020

Ipinatupad ang K-12 program sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulo

Ninoy Aquino III. Ang programang ito ay pinatupad ng pamahalaan upang

tulungan ang mga kabataan at pantayan ang sistema ng edukasyon hindi

lamang sa buong Asya kung hindi sa buong mundo. Kaya't ipinatupad ng

pamahalaan ang K-12 program kung saan kabilang ang istrand na ABM na
v

inaalok ng DepEd para sa mag-aaral. Nakapaloob sa ABM istrand ay may

kinalaman sa negosyo at kaperahan kaya kung hindi interesado ang mga mag-

aaral isa man dito ay mahihirapan mag-aral.

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan

ng pananaliksik. Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang disenyong ito sa

paksa sapagkat higit na napadadali ang pangangalap ng datos mula sa mga

respondente kung saan malaki ang matutulong nito sa gagawing pananaliksik.

Napili ng mga mananaliksik ang sampung (10) mag-aaral na nagmula sa

Balete Senior High School ABM-12. Sila ang napili ng mga mananaliksik

sapagkat sa tingin ng mananaliksik ay sila ang pinakaakmang respondente sa

pag-aaral na isinagawa.

Sa pagkalap ng mga datos gumamit ang mga mananaliksik ng "Structured

Interview Method" makipanayam ang mga respondente. Ang talatanungan ay

binuo ng tatlong (3) layunin ng pag-aaral kung saan pinalawak ito sa siyam (9)

na tanong. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng interbyuhang papel upang

itala ang inaasahang sagot ng respondente.

Ang kwestyuner ng pananaliksik ay sumailalm sa isang masusuring pag-

aayos na kung saan ito ay sumasailalim sa pagsasa-ayos ng guro. Binago base

sa suhestiyon ng guro. Ito ay ipinakita sa guro sa pananaliksik upang malaman

ang mga dapat itama.


vi

Ang naging resulta ng pag-aaral na ito ay ang mga salik na nakaaapekto sa

pagpili ng kursong Accountancy, Business and Management, katulad ng

Personal na Interes, Magulang, Kaibigan, at estadong Pinansyal.

Sa kabilang banda nagrerekomenda ang mga mananaliksik na pag-isipang

mabuti ng mga mag-aaral ang pagpili ng tatahaking istrand at wasto ang piling

istrand para sa propesyong kukunin sa kolehiyo nirerekomenda ng mga

mananaliksik na makinig ang mga mag-aaral sa mga gumagabay sa kanila.


vii
TALAAN NG NILALAMAN
Pamagat

Dahon ng Pagpapasya---------------------------------------------------------------- II

Pagkilala--------------------------------------------------------------------------------III

Paghahandog---------------------------------------------------------------------------IV

Abstrak-----------------------------------------------------------------------------------V

Talaan ng Nilalaman---------------------------------------------------------------VIII

Kabanta I- Ang Suliranin at Sandigan Nito

Panimula-----------------------------------------------------------------1

Layunin sa Pag-aaral--------------------------------------------------2

Kahalagahan ng Pag-aaral-------------------------------------------2

Saklaw at Delimitasyon-----------------------------------------------3

Depinasyon ng Terminolohiya---------------------------------------3

Kabanata II- Kaugnay ng mga Literatura at mga Pag-aaral

Mgaa Katangian ng dapat Taglayin ng mga Mag-aaral------4

Sintesis------------------------------------------------------------------8

Kabanata III- Disenyo at Paraan ng Pananaliksik


viii

Disenyo ng Pananaliksik--------------------------------------------10

Respondente ng Pag-aaral------------------------------------------10

Instrumento ng Pananaliksik---------------------------------------11

Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos/Tritment ng mga Datos-

Kabanata IV- Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos--

13

Kabanat V- Lagom, Konhklusyon at Rekomendasyon

Lagom-------------------------------------------------------------------

Konklusyon-----------------------------------------------------------

Rekomendasyon-------------------------------------------------------

Apendix

Apendix A

Apendix B

Apendix C

Bibliograpiya

Pansariling Tala
KABANATA I
Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Ipinatupad ang K-12 program sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulo Ninoy

Aquino III. Ang programang ito ay pinatupad ng pamahalaan upang tulungan ang

mga kabataang at pantayan ang Sistema ng edukasyon hindi lamang sa buong Asya

kung hindi sa buong mundo. Sa pag-aaral, Pilipinas na lamang ang may sampung taon

ng “Basic Education” kaya’t ipinatupad ng pamahalaan ang K-12 program kung saan

kabilang ang istrand na ABM na inaalok ng DepEd para sa mag-aaral.

Nakapaloob sa ABM istrand ay “Financial Management, Business

Management, Corporate Management, at lahat ng may kinalaman sa negosyo at

kaperahan kaya kung hindi interesado ang mga mag-aaral isa man dito ay

mahihirapan mag-aral. Ang lahat ng istrand ay may kaniya kaniyang sakop ng pag-

aaral. Mayroong pagkakaiba sa mga mayoryang sabjek ang bawat istrand.

Ang layunin ng mga mananaliksik ay malaman ang mga saloobin ng mga

mag-aaral na naapektuhan sa kanilang pipiliing kurso. Ito ay paglilinaw sana na hindi

lamang magulang ang apektado bagkus lalong apektado nito ang mga mag-aaral na sa

istrand na ABM.

Bakgrawnd ng Pag-aaral

Maraming dahilan ang nakaaapekto sa pagpili ng kursong Accountancy,

Business and Management sa mga mag-aaral.

Ayon kay George Jackson (2012), pumapangalawa ang mga magulang

kasunod ng pansariling kagustuhan na nakakaimpluwensiya sa mag-aaral sa kaniyang

pipiliing kurso. Marami ang nahihirapan sa pipiliing kurso sa kolehiyo.


2

Maraming bagay ang ating isinasaalang-alang o binibigyang halaga upang

makapamili ng maayos. Mayroon din naman mga ilang gagabay na lubusang

makatutulong sa atin sa pagpili ng kurso. Madalas na binabasehan ng mag-aaral ang

kaniyang pipiliing kurso sa personal na interes.

Ayon sa artikulo ni Berbano (2014), isa sa maraming problema na kinakaharap

ng mga estudyante sa kolehiyo ay ang kanilang mga propesor, pangalawa ang

pinanggalingang paaralan ng mga estudyanteng papasok sa kursong Accountancy,

Business and Management, ikatlong maaaring suliranin ay ang pagkuha ng hindi nais

na kurso ng isang estudyante. Ayon pa sa kanya minsan ay napipilitan lamang kunin

ng mga ang kursong ito dahil sa kagustuhan ng mga magulang o kaya naman ay

naiimpluwensyahan ng mga kaibigan o kapwa mag-aaral, ito ay nagdudulot sa ikaapat

na problema ang kawalan ng estudyante ng interes sa kanilang kurso. Ang pagpili ng

kurso ay napakahalaga sa buhay ng isang taong papasok ng kolehiyo dahil ito ang

magsasaad ng landas na tatahakin hanggang sa pagtanda.

Ayon kay Edsel O. Montalbo (2011), ang buhay estudyante, buhay ABM ay

isang mala “roller coaster ride” may ups and downs. Maraming mahihirap na

pinagdadaanan pero sabi nga nila sa kabila ng hirap ay may sarap maraming

karanasan na hindi malilimutan sa dalawang taong pinagsamahan, dalawang taon ng

saya, lungkot, pag-iyak, pagbangon at pagkakaisa.

Sa kabuuan makikita ang iba’t ibang pananaw ng mga tao tungkol sa

suliraning ito. Marami ang nakakaimpluwensya sa isang mag-aaral.


3

Paglalahad ng Suliranin

1. Ano-ano ang dahilan ng pagpili ng mga mag-aaral sa istrand na Accountancy,

Business and Management?

2. Paano nakaaapekto ang wastong pagpili ng istrand para sa propesyong kukunin sa

kolehiyo?

3. Paano magagabayan ang mga mag-aaral sa pagpili ng tamang istrand?

Saklaw at Delimitasyon

Sa pag-aaral na ito ang mga mananaliksik ay pagtutuunan ng pansin ang

pananaw ng mga mag-aaral sa Accountancy, Business and Management sa baitang 11

at 12 kung ano mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng Accountancy, Business and

Management sa paaralan ng Balete Senior High School. Ang nabanggit na paaralan at

mga mag-aaral sa Baitang 11 at 12 lamang ang magiging saklaw ng pag-aaral na ito

sa tatlong dahilan: una kung ano ang nakakaimpluwensya sa mga mag-aaral kung

bakit nila pinili ang kursong ABM; pangalawa kung paano magagabayan ang mga

mag-aaral.

Sa pangkalahatang pananaliksik ito ay naglalayong malaman ang salik

nakaaapekto sa pagpili ng kursong Accountancy, Business and Management.


4

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang makatulong lalo’t higit sa mga mag-

aaral na may interes na piliin ang istrand na Accountancy, Business and Management.

Ang makikinabang sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

Estudyante. Sila ang kauna-unahang magbibigyan ng kaalaman at makikinabang sa

pag-aaral na ito. Sapagkat matutulungan nito ang mga mag-aaral na pumili ng istrand

o kurso na naaayon sa kanilang kakayahan.

Magulang. Sila ang pangalawang mabibigyan ng kaalaman para rin magabayan at

maunawaan nila kung kaya ba ng kakayahan ng kanilang mga anak o pasok ba ang

kakayahan ng kanilang anak sa gusto nilang kurso.

Tagamasid. Sila ay makapagrerekomenda ng mga rekomendasyon sa estudyante sa

pagpili ng tamang kurso.


5

Depinisyon ng mga Salitang Ginamit

Ang mga sumusunod ay ang mga Operasyunal na terminolohiyang ginamit sa

pag-aaral.

Edukasyon – kursong kinukuha ng mga taong nais maging guro tumutukoy sa pang-

akademikong pag-aaral.

Impluwensiya – mga bagay pangyayari na makak-apekto sa isang pasya o gawi.

Kabataan – mga taong 17 gulang pa.

Senior High School – huling dalawang taon sa sekondarya.

Respondente – tao na siyang tutugon sa katanungan ng surbey, at siyang sentro ng

pananaliksik.
Kabanata II
Mga kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Lokal na Literatura

Ang pagpili ng kursong ABM ay malaking desisyong nangangailangan ng

matinding pagmumuni-muni dahil nakaaapekto ito sa hinaharap ng isang mag-aaral.

Nakasaad dito ang mahahalagang impormasyong binuo pa ng iba pang mananaliksik

at dalubhasa hinggil sa paksang may kaugnay sa isinasagawang pagaaral.

Ayon sa ulat ni Sagani Cruz (2014), dapat natandaan na ang mga qsignaturang

ito ay may iba't ibang nilalaman, na malalaman depende sa mga sirkumstansya ng

mga mag-aaral ng paaralan at ng mataas na edukasyon institution na kung saan ang

mga mag-aaral ay maaring mag enrol.

Ang ideya na ang "isang sukat akma sa lahat" ay nai-inabandunang sa

Pamamagitan ng Department of Education (DepEd). Ang isang pulutong ng pasobra

ay ibinibigay sa Senior High School dahil ang pangunahing tanging dahilan na

dalawang taon ay idinagdag sa basic education ay upang ihanda ang mga mag aaral

para sa kanilang buhay sa hinaharap. Ito ay hindi gumagawa ng kahulugan sa lakas ng

isang mag-aaral upang sundin ang isang paunang natukoy sa kurikulum kung siya ay

may isang bagay sino pa ang paririto sa isip para sa kanyang sarili o ang kanyang

sarili.

Sa University of the Cordilleras, isang unang taong mag-aaral sa kolehiyo ay

kumuha ng kursong Accounting 101 (Accountancy Oryentasyon), isang unit ng kurso

na ito ay isang pangkalahatang pagpapakilala sa Accounting. Pagkatapos ng isang

mag-aaral na kumuha ng dalawang Fundamentals of Accountancy, Business and

Management pagdadalubhasa paksa sa SHS ay kahit hindi na kumuha pagdating ng

kolehiyo ng kursong Accounting 1/2 (Fundamentals of Accounting Part 1).


7

Dahil ang General Education Curriculum (GEC) ay nagkaroon ng pagbabago

kailangan ng mga mag-aaral na kumuha ng iba pang mga paksa na nakalista sa unang

taong kurikulum, tulad ng Ingles 01 (Communication Skills Part 1). Ingles 02

(Communication Skills Part 2). Filipino 1 (Komunikasyon ay isang Akademikong

Filipino). Filipino 2 (Pagbasasa Pagsulat Tungo ay isang pananaliksik). Mathematics

1 (College Algebra). History 1 (History Philippine sa Gobyerno at Constitution).

Base kay Dr. Casey (2008), malaking impluwensya sa paggawa ng desisyon ng

kabataan ang kanyang mga kaibigan. Ayon naman kay Laitsch (2006), naapektuhan

ng mga kaibigan ang ugali ng isang mag-aaral maaaring sa negatibo o positibong

paraan.

Inilathala naman ni Doris Franche-Borja sa pahayagan na Pilipino Star ngayon

na nararapat na pumili ng kursong may mataas na sahod ang piliin ayon sa pahayag

ng DOLE Sec. Rosalinda Baldoz, piliin ang mga kurso na nagbibigay sa kanila ng

kalihim pahayag dahil na rin sa graduation ng daan-daang libong estudyante ng

sekondarya ngayong Marso 2015. Payo pa ng kalihim, huwag gayahin ng mga mag

aaral ang kanilang mga kaklase sa pagkuha ng kurso sa kolehiyo, Kundi ang isaalang-

alang ay mga indemand na kurso. "I also advice them to refrain from choosing

courses based on what's in vogue or fashionable or to use the popular social links of

the youth, what's "trending" and popular.

Sa pananaliksik ni Mary Joy M. Bautista 2014, na pinamagatang "Pag piling

Kurso sa Kolehiyo", tinukoy na ang pag-aaral ay sadyang hindi biro. Dapat isipin ng

bawat mag-aarala ng tunay na dahilan kung bakit nga ba siya na sa paaralan.

Karaniwan na naririnig sa mga magulang na ang edukasyon ang tanging yaman na

maibibigay sa atin at hindi ito makukuha ng sinuman.


8

Sa artikulo ni Arnold MatencioValledor 2014, na pinamagatang "Pagaaral:

Kanin na dapat Isubo" tinukoy na: Ang bawat isang mag-aaral habang nag-aaral ay

lumilikha ng mahiwagang susi, ang mahiwagang susi na siyang magbubukas ng

pintuan ng magandang buhay na hindi lamang na kalaan para sa sarili kundi sa

pamilyang pinagmulan sa kapwa, sa bayan kaya't nararapat lamang na tamang kurso

ang mapiling mga mag-aaral.

Ayon sa Artikulo ni Rocky Rivera 2010, na pinamagatang "Ano ang Matibay

na Gawing Basehan sa Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo", naniniwala ang mananaliksik

na hindi lahat ng tao ay may pagkakataong magkaroon ng magandang edukasyon

lalong-lalo na sa Pilipinas dahil sa patuloy na nagiging kumplikado ang Sistema ng

ating ekonomiya para sa ating mga mamamayan dito. Kaya't ang magkaroon ng

pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumili ng Kursong kukunin ay hindi dapat

ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit na susuotin para sa isang espesyal na

okasyon at kapag hindi nakursunadahan ang damit na nabili ay maaaring hubadin at

ibalik sa pinagbilihan o di kaya ay bawiin ang perang ipinambili hindi ito maari dahil

ang oras na iyong nagamit ay alam namang hindi na mababalik.

Dayuhang Literatura

Sa pananaliksik nina Olamide at Olawa’ye (2013), nais isinagawa sa limang

sekondaryang paaralan sa estado ng Ogun at pinamagatang “ The Factors

Determining the Choice of Career among Secondary School Students”,natuklasan na

ang lahat ng napiling sekondaryang paaralan sa lugar ng lokal na pamahalaan ng

Ikenne ay nagkukulang sa serbisyo ng isang konsehal sa Korea ng nagbubunga sa

mga mag-aaral na naisang tabi sa kanilang napiling karera at ang kanilang mga

magulang ay naglalayon ng prhistilyosong karera para sa kanilang anak.


9

Sintesis

Ayon sa pananalikisik ni Lorenzo (2012), na isisnagawa sa University of

Perpetual Help System Dalta at pinamagatang “CHOOSING A RIGHT CHOICE“

natuklasan ang pagli ng kurso sa kolehiyo ay mayroong pangunahing pagsaalang-

alang sa pagpili ng pangunahing kurso, at kung ano ang gusto, dahil kaakibat dito ay

ang pagkakaroon ng motibasyon sap ag-aaral. Pangalawa, ang kakayahan sa pagpili

ng kurso ang pangunahing kailangan ay ang pagpili at pagtataas ng iyong kakayahan

at mga talento.

Natutulad ang pananaliksik na ito sa isinasagawang pag-aaral dahil, kaakibat

ditto ang pagpili ng iyong kurso.

Naiiba naman ang pag-aaral ni Lorenzo sa pananaliksik na ito sapagkat ang

pag-aaral ay isinasagawa sa University of Perpetual Help System Dalta, ang lugar na

pinagsaliksikan ay magkaiba.

Sa pag-aaral nina Brecia Etal (2009), na isinagawa sa Uniersity of the East at

pinamagatang “Limang pangunahing kurso sa panahong ito” natuklasang ang

pagiging in-demand ng mga propesyon ay maaaring isa sa mga career talks sa paraan

ng pagbibigay ng impormasyon sa mga mag-aaral tungkol sa kursong malamang ay

kukunin g karamihan at kung maganda nga ba o hindi ang kursong ito.

Natutulad ang pananaliksik nina Brecia Etal sa tesis na ito pareho itong

mayroong kaugnayan tungkol sa nakukursunadahang kurso ng mga mag-aaral na

maiuugnay sa pagpili ng kurso.


10

Naiiba naman ang pananaliksik ni Brecia Etal, sa tesis na ito dahil ang tesis na

ito ay isinagawa sa Pamantasang Balete Senior High School at hindi sa University of

the East. Ang mga respondante ay nagmula sa mismong lugar kung saan ginawa ang

tesis na ito.

Teoretikal na Balangkas

Sa aklat na “School and Society” ni John Dewey, isang kilalang pilosopo

noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa bansa, pinatunayan niya ang

isang katotohanan na may kinalaman sa edukasyon. Sa aklat na ito, inilahad niya ang

kanyang teoryang “PRAGMATISM ON EDUCATION”. Ito ay may kaugnayan sa

isinasagawang pananliksik dahil nakapaloob sa teorya ni John Dewey ang tungkol sa

edukasyon.

Teorya ng Career Development

Ayon kina Nina Ginzberg, Et.al SUPER ang pagpapasya ng bata ukol sa kurso

o propesyon. Dumadaan sa iba’t ibang yugto batay sa kanyang pagtingin sa sarili

(self-concept), saloobin (attitude) at mga pagpapahalaga. Ang teoryang ito nina

Ginzberg, Et.al super ay may kaugnayan sa isinasagawang pananaliksik dahil

nakalahad sa teoryang ito ang mga maaaring dahilan o nakaaapekto sa pagpili ng

kurso ng mga mag-aaral sa pangkat ABM.

Social Learning Theory

Interaktibong Teorya ng Pagkatuto Albert Bandura. Ang mga pagkakatulad ng

pagkakaroon ng mabuting ugali at bagong impormasyon ay maaaring makuha sa

pagmamasid sa ibang tao. At ang ikatlong teorya naman ay may kinalaman sa pag

aaral, sapagkat ang nakapaloob sa teorya ay isa sa maaaring dahilan o nakaaapekto sa

pagpili ng kurso.
11

Konseptuwal na Balangkas

Sa pag aaral na ito, ipinakita ang kadahilanan ng pagkakaroon ng

magkakaibang pananaw ng mga mag aaral na apektado sa pagpili ng kursong ABM at

ang importansyang naidudulot nito.

INPUT PROSESO AWTPUT

• Mga Salik na • Pagkunsolta • Inaasahan ng

nakaaapekto sa mga mananaliksik

sa Pagpili ng naunang pag- na ang

kursong aaral sa tesis kalalabasan ng

Accountancy • Paggamit ng pag-aaral ay

, Business interenet ang

and • Pagpunta sa makapagbigay

Management. silid akalatan impormasyon

at kalinawan

ukol sa

pananaw ng

mga napili ng

kursong ABM

ng mga mag-

aaral na

papasok sa ika-

labing isa at

dalawa sa

Balete Senior

HighSchool
Kabanata III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa disenyo at pamamaraang ginamit sa

mananaliksik. Nakapaloob dito kung ano ang ginagawang paraan sa pangangalap ng

impormasyon, lugar kung saan isinagawa ang pag aaral nga halimbawang teknik na

ginagamit ng mga mananaliksik.

Ang pag aaral na ito ay ginagamitan ng nga mananaliksik ng deskriptibong

pamaraan upang malaman ang mga pananaw o persepsyon ng mga respondente

tungkol sa mga nabanggit na layunin, suliranin at pokus ng mananaliksik na ito. Sa

pag aaral ng mga mananaliksik ang pakikipanayan ay isang produktibo at mas angkop

na paraan upang makalap ang mga impormasyon, komento at saloobin na kailangan

mula sa mga respondente.

Ayon Kay Corsanes (2012), ang deskriptibong pamaraan ay isang

imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigy kahulugan sa isang bagay o paksa na nag

lalaman ng mga saloon ng mga mananaliksik.

Respondente ng Pag-aaral

Ang respondente ng pag aaral na ito ay ang mga mag aaral sa Baitang 11 at

12 pangkat ABM sa Balete Senior High School. Pinili ng mga mananaliksik ang mga

mag aaral na ito sa kadahilanang sila ang pinakaakmang respondente sa pag aaral na

isasagawa.
13

Instrumento ng Mananaliksik

Sa pangongolekta ng impormasyon, gumamit ang mga mananaliksik ng

"Structured interview method" sa pamamagitan na pakikipanayam sa mga mag aaral

sa baitang 11 at 12 sa pangkat ABM sa Balete Senior High School.

Ginamit ang structured interview dahil ito ay tiyak ang pagatanong gaya ng

mga talatanungan na ginamit sa interbyu, pasalita ang pamamaraang ito na itinanong

ng mga mananaliksik sa mga respondente.

Tritment ng mga Datos

Ang pamagat ng panaliksik na ito ay nabuo batay sa obserbasyon at ideya

ng mga mananaliksik. Pagkatapos maaprubahan ang pamagat, binuo ng mga

mananaliksik ang layunin ng pag-aaral. Ang layunin ng pag-aaral ay inaasahang

siyang susi sa pag-aaral o saliksik.

Pagkatapos maaprubahan ng guro ang layunin ng pag-aaral ang mga

mananaliksik ay gumawa ng kahalagahan ng pag-aaral, saklaw ng delimitasyon at

depinisyon ng terminolohiya. Nagsimulang maghanap ng mga kaugnay na literatura

at pag-aaral na maaaring makatulong sa reserts.


KABANATA IV

Presentasyon, Analisis at Intrepetasyon ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng analisis at presentasyon ng mga nakalap

na impormasyon ng mga mananaliksik. Ang mga datos ay naglalaman ng mga

kasagutan sa katanungan tungkol sa mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng kursong

Accountancy Business and Management

1. Ano-ano ang dahilan ng pagpili ng mga mag-aaral sa istrand na Accountancy

Business and Management?

1.1. Ang pagpili ba ng mga mag-aaral sa istrand na Accountancy Business and

Management ayPersonal na interes? Ipaliwanag.

Kalahati sa mga respondente ang sumang-ayon na ang Personal na interes ang

nagiging dahilan ng pagpili ng mga mag-aaral sa istrand na Accountancy Business

and Management, dahil naniniwala ang mga respondente na kung ang personal na

interes ang pagbabatayan sa pagpili ng kurso ay mas mapamamalas ang angking

galing ng estudyante. Samantalang kalhati naman ang hindi sumang-ayon dahil

naniniwala silang ang mga kaibigan at magulang ang naging rason sa napili nilang

kurso.
15

Ayon kay Lorenzo (2012), Ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay mayroong

pangunahing pagsaalang-alang sa pagpili ng pangunahing kurso at kung ano ang

gusto, dahil kaakibat dito ay ang pagkakaroon ng motibasyon sa pag-aaral. At kung

angkop ba ang kakayahan at talento ng mga mag-aaral. Ang kakayahan sa pagpili ng

kurso ang pangunahing kailangan ay ang pagpili at pagtataas ng iyong kakayahan at

mga talento. Dagdag naman ni Jackson (2012) madalas na binabasehan ng mag-aaral

ang kaniyang pinipiling kurso sa personal na interes.

1.2. Ang impluwensya ba ng mga kaklase at kaibigan ang nagtutulak sa pagpili

ng istrand na kukuhanin? Ipaliwanag.

Lahat ng respondente ay sumang-ayon na ang impluwensya na mga kaklase at

kaibigan ang nag tutulak sa isang mag-aaral sa pagpili ng istrand na kukuhanin. Ayon

sa kanila ang mga kaibigan at kaklase ang madaling maka impluwensya lalo higit

kung hindi pa nakakapagdesisyon ang isang mag-aaral sa kukuhanin kurso at ang iba

pang rason ay dahil ayaw nilang mapagiwalay sa kaibigan o kaklase dahil

kumportable na sila na ang mga ito ang kasama.

Base kay Dr. Casey (2008), malaking impluwensya sa paggawa ng desisyon

ng kabataan ang kanyang mga kaibigan dagdag pa ni Laitsch (2006), naaapektuhan ng

mga kaibigan ang ugali ng isang mag-aaral maaaring sa negatibo o positibong paraan.

Ayon naman sa pag-aaral ni Vizarra (2015), na pagtukoy sa batayan sa pagpili ng

kurso ng mga piling kolehiyo sa unang taon ng De Lasalle University Dasmarinas sa

Akademikong taon 2014-2015 ang mga kaibigan ang madalas na kasama ng mga

mag-aaral ay isa sa mga nakaaapekto sa pagpili ng kurso .


16

1.3. Ang estadong pinansyal ba ang basehan ng pagpili ng istrand na kukunin?

Ipaliwanag.

Halos lahat nang napiling respondente ay hindi sumangayon na ang estadong

pinasyal ang basehan ng istrand na kukuhanin dahil hindi basehan o hadllang ang

pinansyal na pag-aaral, madaming dahilan upang matugunan ang pinansyal ng

pangangailangan, samantalang may iilang sumangayon, ang kanilang rason ay

kailangan kapain nang mag-aaral ang estadong pinansyal ng kanilang pamilya upang

masustentohan ang mga pangangailangan sa napiling kurso o istrand.

Ayon kay Vizarra (2015), karamihan sa mga mag-aaral ay sinisiguro na kung

anong kurso ang kanilang kukuhanin kapag tumungtong sila ng kolehiyo ngunit

mayroong maaaring maaring hadlang at makaaapekto sa desisyon na ito. Una ay ang

kanilang pinansyal na katayuan, kung ang kukuning kurso ba ng isang mag-aaral ay

kayang masuportahan ng mga magulang at kayang tustusan ang mga gastusin sa

kurso. Ayon naman kay Rivera, R. (2012) ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay

hindi lang ginagastusan ng salapi kundi pinaggugugulan din ito nang lakas.

2. Paano nakakaapekto ang wastong pagpili ng istrand para sa propesyong

kukuhanin sa kolehiyo?

2.1. Sa iyong palagay, magiging handa ba ang mag-aaral sa kurso sa kolehiyo?

Ipaliwang.

Lahat ng respondente ay tumugon nang oo, kung magiging handa ba ang mag-

aaral sa kurso sa kolehiyo dahil ang itinuturo sa Senior High School ay kaugnay na ng

mga kurso sa kolehiyo at sa Senior High School pa lang ay may "insights" na sila

patungkol sa mga maaaring talakayin sa kolehiyo.


17

Ayon kay Balisong (2014) Ipinatupad ang K-12 para sa karagdagan kaalaman ng

mga estudyante nagbibigay din ng kasiguruhang trabaho sa mga kabataan at upang

maihanda ang mga estudyante sa kolehiyo. Ayon pa sa kanya, ito ay isang

paghahanda hindi lang para sa trabaho kundi para sa pagpasok sa kolehiyo, at

makatutulong ang K-12 para maging handa ang mga mag-aaral sa mga gawain sa

kolehiyo

2.2. Mas mapapagtuunan ba ang mga asignatura sa kolehiyo dahil sa wastong

istrand na kinuha? Ipaliwanag.

Lahat ng respondente ay sumangayon na ang mga Asignatura sa kolehiyo ay

mapagtutuunan pa dahil wastong istrand ang pinili o kinuha sa Senior High School at

dahil dito ay makatutulong na ang kanilang mga nalaman o pinag-aralan na maaaring

maging dahilan upang mas mapagtuunan nila ang mga Asignatura sa kolehiyo.

Ayon kay CHED Memorandum Order blg. 20, serye ng (2013). Ang pagpili ng

kurso sa kolehiyo ay isa sa mahalagang desisyon na dapat isaalang- alang ng mga

kabataan ngayon. Ito ay mahalang usapin dahil ito ang umpisa ng kanilang buhay sa

hinaharap at magiging maayos kung mag-aaral o nag-aaral base sa hahakbangin

nilang kurso bago sila mag kolehiyo magiging madali na kung wasto ang naumpisang

istrand.
18

2.3. Magiging madali na ba ang mga asignatura at gawain sa kolehiyo?

Ipaliwanag.

Halos lahat sa mga respondente ay hindi sumang ayon na magiging madali na

ang mga asignatura at gawain sa kolehiyo dahil naniniwala silang mas mabigat na ang

gawain sa kolehiyo at may pagkakaiba ito sa napag-aralan sa Senior High School. Sa

kabilang banda ay may sumang-ayon parin na nagiging madali na ang mga Asignatura

at gawain sa kolehiyo dahil may pauna o kaunting kaalaman na sa kursong kukunin.

Ayon kina Gonzaga, V. (2013), ang buhay sa kolehiyo ay puno ng hamon. Ang

pangunahing problema ng mga mag-aaral ay paghahati ng oras sa kanilang gawain.

Lubos na napakahirap na talagang pagsasabayin ang pag-aaral, napakahalaga ang

paghahati-hati ng oras para sa mga mag-aaral, kailangan ng sapat na kaisipan sa

paghahati-hati ng oras dahil marami at mabigat na ang gawain sa kolehiyo.

3. Paano magagabayan ang mga mag-aaral sa pagpili ng tamang istrand?

3.1. Makatutulong ba ang wastong pangaral ng mga magulang upang

makapili ng tamang istrand ang mga mag-aaral? Ipaliwanag.

Halos lahat ng respondente sa pag-aaral ay sumang-ayon na ang wastong

pangaral nang magulang ay makatutulong upang makapili nang tamang istrand dahil

palaging nagiging karamay nang isang estudyante ang magulang sa pagdedesisyon

dahil higit sa lahat ay magulang ang lubos na nakakikilala sa anak.


19

Base kay Henderson (2014), Ang mga magulang ay ang pinakaunang guro ng

mga bata na kung sa gaya silang ay unang tagapayo at tagagabay. Ayon naman kay

Bladeless (2013) ang mga magulang ay kumukontrol ng kanilang mga anak tungkol

sa kanilang pinipiling kurso. Karamihan, hindi iniisip ang kagustuhan ng kanilang

anak at ito ay isa sa mga salik na nakakaimpluwensya sa pagpiling ng kukuning

strand.

3.2. Ang pagsasagawa ba ng Career Guidance ng mga guro ay nakatutulong

sa pagdedesisyon ng mga mag-aaral sa tatahaking kurso sa kolehiyo?

Ipaliwanag.

Lahat nang kalahok na respondente ay sumang ayon na ang pagsasagawa ng

Career Guidance ng mga guro ay nakatutulong sa pagdedesisyon ng mga mag-aaral sa

tatahaking kurso sa kolehiyo dahil aliliwanagan o nabibigyang linaw ang estudyante

kung ano ang angkop sa kanilang talento, nabubuksan ang kanilang kaisipan sa

nararapat sa kanila.

Ayon naman kay RMN News Team (2017), sa kamara ang panukalang batas sa

pagkakaroon ng career and guidance program para sa mga estudyante dahil ganap na

batas na ito ay mabigyan na ng sapat na direksyon ng mga mag-aaral kung anong

kukuning kuro sa kolehiyo. Nakapaloob sa panukala ang pagbuo ng National

Secondary School Career Guidance ang Counseling Program (CBCP) na

pangangasiwaan ng Department of Education (DepEd) matutugunan ng problema sa

pagpili ng kurso ang pagkakaroon ng Career Guidance and counseling sa secondary

level base sa kanilang kapasidad O’ Skills at kakayahan opurtunidad sa trabaho at

accessible tertiary education, technical education skills development program.


20

3.3. Sa iyong palagay, ang panghihikayat ba ng iba't ibang paaralan ay

nakatutulong sa pagpili ng mag-aaral sa kukuhaning kurso sa kolehiyo?

Ipiwanag.

Halos lahat nang respondente ay sumang ayon na ang panghihikayat ng iba't

ibang paaralan ay nakatutulong sa pagpili ng mga mag-aaral sa kukuhaning kurso sa

kolehiyo dahil dito ay magkakaroon sila ng madaming pagpipilian at dahil din dito ay

nakikita nila kung alin ang pinakamagandang kunin na kurso sa kolehiyo.

Base kay Nual Et al (2017) Ang K-12 curriculum sa pilipinas ay ang karagdagan

dalawang taon ng nagnanais ihanda ag mga mag-aaral pagkatapos ng high school. At

dahil ditto aya nagsasagawa ang mga pagaaral upang ang mga mag aaral ay makapili

ng kanilang istrand. Ayon naman ky Brecia Et.al (2009), natuklasang ang pagiging in-

demand ng mga propesyon ay maaaring isa sa mga career talks sa paaralan sa paraan

ay pagbibigay ng impormasyon sa mga mag-aaral tungkol sa kursong dapat kuhanin.


KABANATA V

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay napapalooban ng mga napatunayan batay sa resulta ng

mga datos na nakalap sa pananaliksik at pag-aaral na ito. Kasama rin dito ang mga

konklusyon at rekomendasyon na nakabatay rin sa resultang napatunayan batay sa

mga datos na nakalap. Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Mga Salik na

Nakaaapekto sa Pagpili ng Kursong Accountancy, Business and Management” ay

naglalayong alamin ang iba’t ibang pananaw ng mga piling mag-aaral ng Balete

Senior High School.

1. Ano-ano ang dahilan ng pagpili ng mga mag-aaral sa istrand na Accountancy

Business and Management?

1.1. Ang pagpili ba ng mga mag-aaral sa istrand na Accountancy Business and

Management ay personal na interes? Ipaliwanag.

1.2. Ang impluwensya ba ng mga kaklase at kaibigan ang nagtutulak sa

pagpili

ng istrand na kukuhanin? Patunayan.

1.3. Ang estadong pinansyal ba ang basehan ng pagpili ng istrand na kukunin?

Ipaliwanag.
22

2. Paano nakakaapekto ang wastong pagpili ng istrand para sa propesyong

kukuhanin sa kolehiyo?

2.1. Sa iyong palagay, magiging handa ba ang mag-aaral sa kurso sa

kolehiyo?

Ipaliwanag.

2.2. Mas mapapagtuunan ba ang mga Asignatura sa kolehiyo dahil sa wastong

istrand na kinuha? Ipaliwanag.

2.3. Magiging madali na ba ang mga Asignatura at Gawain sa kolehiyo?

Ipaliwanag.

3. Paano magagabayan ang mga mag-aaral sa pagpili ng tamang istrand?

3.1. Makatutulong ba ang wastong pangaral ng mga magulang upang makapili

ng

ng tamang istrand ang mag-aaral? Ipaliwanag.

3.2. Ang pagsasagawa ba ng Career Guidance ng mga guro ay nakatutulong sa

pagdedesisyon ng mga mag-aaral sa tatahaking kurso sa kolehiyo?

Ipaliwanag?

3.3. Sa iyong palagay, ang panghihikayat ba ng iba't ibang paaralan ay

nakatutulong sa pagpili ng mag-aaral sa kukuhaning kurso sa kolehiyo?

Ipaliwanag?
23

Kongklusyon

Ang kongklusyon na ito ay naka batay sa nakalap na datos:

1.1. Kalahati ang sumang-ayon na ang Personal na interes ang nagiging dahilan ng

pagpili ng mga mag-aaral sa istrand na Accountancy, Business ang Management dahil

naniniwala na pag personal na interes ay magiging madali na ang pagpasok,

1.2. Lahat ay sumang ayon na ang impluwensya ng kaklase at kaibigan ang nagtutulak

sa isang mag-aaral sa pagpili ng istrand dahil ayaw nilang mapahiwalay sa mga

kaklase at kaibigan.

1.3. Halos lahat ay hindi sumang ayon na ang estadong pinansyal ang basehan ng

isang mag-aaral sa pagpili ng istrand dahil hindi basehan ng pinansyal sa pag-aaral.

2.1. Lahat ay sumang ayon na magiging handa na ang mag-aaral sa kurso sa kolehiyo

dahil sa Senior High School pa lang ay may “insights” na sila patungkol sa mga

maaaring talakayin sa kolehiyo.

2.2. Lahat ay nagsabing ang mga asignatura ay mas mapagtutuunan dahil tama o

wastong istrand na ang pinili o kinuha sa senopr high school.

2.3. Karamihan ay nagsabing hindi nagiging madali ang mga asignatura at gawain sa

kolehiyo dahil mas nagiging mahirap ang mga aktibidades.


24

3.1. Lahat ay nagsabing ang pangaral ng mga magulang ay makatutulong sa tamang

pagpili ng istrand ng isang mag-aaral dahil palaging ang magulang ang katuwang sa

pagdedesisiyon.

3.2. Lahat ay sumang-ayon na ang career guidance ng mga guro ay nakatutulong sa

pagdedesisyon ng mga mag-aaral sa tatahiking kurso sa kolehiyo. Dahil dito daw

maliliwanagan ang mga mag aaral.

3.3. Halos lahat ay sumang ayon na ang panghihikayat ng iba’t ibang paaralan ay

nakatutulong sa pagpli ng mga mag-aaral sa kukuhaning kurso sa kolehiyo dahil mag

kakaroon sila nang maraming pagpipilian.


25

Rekomendasyon

Batay sa nakalap na datos at impormasyon hinggil sa "Mga Salik na

Nakaaapekto sa Pagpili ng Kursong ABM" ay mga sumusunod at mga

rekomendasyon ng mananaliksik:

1. Nirerekomenda ng mga mananaliksik na pag-isipang mabuti ng mga mag-

aaral ang pagpili nang tatahaking istrand. Ang basehan at mga nakaaapekto sa mga

mag-aaral ay dapat na pagtuunan at alamin kung ito ba ay makabubuti para sa

kanilang pag-aaral at nararapat na panindigan. Anumang suliranin/balakid ay gandang

solusyonan.

2. Nirerekomenda ng mga mananaliksikk na wasto ang piliing istrand para sa

propesyong kukuhanin sa kolehiyo. Ang wastong pagpili ng istrand ay konektado sa

propesyong kukunin sa kolehiyo kayat nararapat lamang na sa simula palang ay wasto

na ang istrand na kukuhanin. Ang tamang istrand ay malaki ang naitutulong upang

maging madali ang pag-aaral.

3. Nirerekomenda ng mga mananaliksik na makinig ang mga mag-aaral sa mga

gumagabay sa kanila, dahil ang pangaral ng mga magulang, guro at mga programa ay

para sa ikabubuti ng mga kabataan. Bilang isang mag-aaral ay nararapat lamang na

makinig sa mga magulang, mga guro, at sa mga programa na pinamumunuan ng mga

taong may higit na kaalaman. Mahalagang isaalang-alang ang mga mungkahi ng mga

taong may higit na kaalaman.


26

Bibliography

Balisong, R.G. (2014, Nov 23). K-12 makakatulong nga ba. Galing sa

https://www.scribd.com/247891679

Bautista, J. (2014). Kolehiyo at pumili ng kursong kukunin ay hindi dapat ihalintulad

sa pagpili ng kurso. Galing sa https://www.Coursehero.com/file/p4mt3ppa

Brecia, Et.al. (2009). Limang pangunahing kurso sa panahong ito. Galing sa

https://www.ue.edu.ph

Cruz, S. (2014). Mga Salik sa pagpili ng kurso ng mga magsisipagtapos sa mataas na

paaralan ng Pamantasan ng Silangan Caloocan.

https://prezi.com/mgaK91ztxf2s2

Dr. Casey (2018). Mga batayan sa pagpili ng Kursong Kukunin ng mga piling

mag-aaral ng humanities and social sciences ng nuestra senora de

academy pagtapos ng senior high school. Galing sa

https://prezi.com/cfb8ydvuar

Gonzaga, V. Et.al (2013, Disyembre 20). Buhay ng mga manggagawang mag-aaral

sa SJCSI isang pamanahong papel. https://www.academia.edu/6339311

Henderson, (2014). Ang epekto ng pagkuha ng kurso sa kolehiyo na hindi angkop sa

pinag-aralan docx. https://www.coursehero.com/file/29094303


27

Jackson, G. (2012). Pagtukoy sa batayan sa pagpili ng Kurso ng mga piling kolehiyo.

https://prezi.com/Sa7cohikdoje

Lorenzo, (2012). Choosing a Right Choice. Galing sa utm.edu

Montalbo, E. (2019, February 7). Straggle is real ABM student.

https://abmlife75630441.wordpress.com

Murata, B. (). Isang pananaliksik hinggil sa Karaniwang Suliranin na nararanasan n

Ng mga mag-aaral. Electronics North America inc,

https://prezi.com/989ut72tek

Nual, J.M, G. Elogario. (2017). Pag-aaral sa paraan ng pagpili ng strand para sa

senior high school ng mga mag-aaral sa informatics. Galing sa

https://www.academia.edu/316328921

Olamide, O. (2013). The factors determining the choice of Career among secondary

school students_a_case_study_of_ikenne_local_governmen

Perez, J. (2015, March 11). Mga Salik sa Pagpili ng Kurso ng mga magsisipagtapos

sa mataas na paaralan ng Pamantasan ng Silangan Caloocan. Galing sa

https://prezi.com/9aka/21xf2s2

Rivera, R. (2010, November 26). Ano ang matibay na gawaing basehan sa pagpili ng

Kurso sa kolehiyo. https://rockyrivera.wordpress.com


28

Solomon, R. (2013, February 25). Ang buhay estudyante sa kolehiyo. Galing sa

https://ww-scribd.com/doc/127138042

Vallendor, A.M. (2014). Salik na nakaaapekto. Galing sa

https://www.catanduanestribure.com

Vizara, P. (2015, February 11). Pagtukoy sa Batayan sa pagpili ng kurso ng mga

piling kolehiyo. https://prezi.com

Gabay at pagpili ng kurso sa kolehiyo ipinatuturo sa mga high school students.

(2017, April 17). Galing sa https://mn.ph


Apendiks A

Pebrero 28, 2020

Gng. Catherine V. Gonzales

Punongguro III

Balete Senior High School

Madam,

Isang magandang araw po sa inyo, kami po ay mga mag-aaral mula sa Accountancy,

Business and Management ay kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa

paksang “Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagpili ng Kursong Accountancy,

Business and Management”.

Kaugnay po nito, kami po ay humihingi ng pahintulot upang makapagsagawa ng

interbyu sa piling mag-aaral mula sa inyong paaralan. Ang mga datos po na aming

makakalap ay tiyak na makatutulong sa nasabing pag-aaral.

Inaasahan po namin ang inyong positibong pagtugon. Maraming Salamat po!

Lubos na gumagalang,

Jenybel L. Recio

Casandra Nicole A. Recio

John Harvy L. Bagadiong

Mga mananaliksik:
Binigyang pansin ni:

JOAN O. ATIENZA

Guro sa Pananaliksik

Inaprubahan ni:

CATHERINE V. GONZALES

Punungguro III
Apendiks B

Pebrero 28, 2020

Minamahal na Kalahok,

Lubos ang aming pasasalamat sa pagbibigay ninyo ng pahintulot upang maging isa na

mga kalahok sa pananaliksik na ito. Ang talatanungang ito ay naglalayong malaman

ang inyong persepsyon sa epekto ng mga salik na nakaaapekto sa mga salik na

nakaaapekto sa pagpili ng accountancy, business and management.

Ang mga impormasyong inyong ibinigay ay mananatiling walang makakaalam o

confidential.

Lubos na gumagalang,

JENYBEL L. RECIO

CASANDRA NICOLE A. RECIO

JOHN HARVY L. BAGADIONG

Mga mananaliksik

Binigyan pansin ni:

JOAN O. ATIENZA

Guro sa pananaliksik
Apendix C

Mga Salik na nakaaapekto sa pagpili ng kursong

Accountancy and Businness Management

1. Ano-ano ang dahilan ng pagpili ng mga mag-aaral sa istrand na Accountancy

Business and Management?

1.1. Ang pagpili ba ng mga mag-aaral sa istrand na Accountancy Business and

Management ay personal na interes? Ipaliwanag.

1.2. Ang impluwensya ba ng mga kaklase at kaibigan ang nagtutulak sa pagpili ng

istrand na kukuhanin? Patunayan.

1.3. Ang estadong pinansyal ba ang basehan ng pagpili ng istrand na kukunin?

Ipaliwanag.
2. Paano nakakaapekto ang wastong pagpili ng istrand para sa propesyong

kukuhanin sa kolehiyo?

2.1. Sa iyong palagay, magiging handa ba ang mag-aaral sa kurso sa kolehiyo?

Ipaliwanag.

2.2. Mas mapapagtuunan ba ang mga Asignatura sa kolehiyo dahil sa wastong istrand

na kinuha? Ipaliwanag.

2.3. Magiging madali na ba ang mga Asignatura at Gawain sa kolehiyo? Ipaliwanag.


3. Paano magagabayan ang mga mag-aaral sa pagpili ng tamang istrand?

3.1. Makatutulong ba ang wastong pangaral ng mga magulang upang makapili ng

tamang istrand ang mag-aaral? Ipaliwanag.

3.2. Ang pagsasagawa ba ng Career Guidance ng mga guro ay nakatutulong sa

pagdedesisyon ng mga mag-aaral sa tatahaking kurso sa kolehiyo? Ipaliwanag?

3.3. Sa iyong palagay, ang panghihikayat ba ng iba't ibang paaralan ay nakatutulong

sa pagpili ng mag-aaral sa kukuhaning kurso sa kolehiyo? Ipaliwanag?


Pansariling Tala

Pangalan : JENYBEL L. RECIO

Tirahan : Brgy. Makina Sitio, Kilo-kilo, Balete Batangas

Numero ng Telepono : 09073476028

Petsa ng Kapanganakan : December 27, 2002

Lugar ng Kapanganakan : Brgy. Makina, Sitio Kilo-kilo, Balete, Batangas

Civil Status : Single

Nasyunalidad : Roman Catholic

Magulang : Rene O. Recio

Gloria L. Recio
Pansariling Tala

Pangalan : CASANDRA NICOLE L. RECIO

Tirahan : Brgy. Makina Sitio, Kilo-kilo, Balete Batangas

Numero ng Telepono : 09384144463

Petsa ng Kapanganakan : June 29, 2003

Lugar ng Kapanganakan : Brgy. Makina, Sitio Kilo-kilo, Balete, Batangas

Civil Status : Single

Nasyunalidad : Roman Catholic

Magulang : Ryan A. Recio

Rea A. Recio
Pansariling Tala

Pangalan : JOHN HARVY D. BAGADIONG

Tirahan : Brgy. Malabanan, Balete, Batangas

Numero ng Telepono : 09203853472

Petsa ng Kapanganakan : April 23, 1999

Lugar ng Kapanganakan : NCR Pasig City

Civil Status : Single

Nasyunalidad : Roman Catholic

Magulang : Felomina D. Bagadiong

Sergio D. Bagadiong

You might also like