Lesson - Plan in Math-Q4 - 2nd COT 2022

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SDO Santa Rosa South Annex

SANTA ROSA INTEGRATED SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA MATHEMATICS


Ikaapat na Markahan

I. Layunin

A. Nakikilala ang unit of mass na gramo at kilogramo

B. Natutukoy ang angkop na gamit ng unit of mass na gramo at kilogramo sa pagtimbang ng mga
bagay

C. Nakapagkukumpara ng unit of mass na gramo at kilogramo

II. Nilalaman

A. Paksa: Pagsukat ng mga Bagay Gamit ang Angkop na Panukat at ang Measuring Units na
Kilogramo at Gramo

B. Sanggunian: Mathematics 2 - Patnubay ng Guro pahina 152


Mathematics 2 - Kagamitan ng Mag-aaral pahina 256-260
MELC – Week 2
C. Kagamitan: mga larawan, powerpoint presentation, video clip,laptop,t.v.

B. Integrasyon:MAPEH-Health, Filipino

III. Mga Gawaing Pampagkatuto

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

2. Awit Mathematics

3. Balik –aral

Panuto: Tingnan ang mga larawan at tukuyin kung anong unit ng length ang dapat gamitin
sa pagsukat ng haba o sukat ng mga ito.

1. 3.

krayola taas ng gusali

2. 4.
sahig ng bahay taas ng flag pole

4. Pagganyak

Pagpapakita ng larawan
https://pinoytransplant.com

Ano ang nakikita ninyo sa larawan?


Nakarating ka na ba sa palengke?
Nasubukan mo na bang sumama sa iyong ina sa pamimili?
Pero sa panahon ngayon kailangan pa rin nating mag-ingat , kaya kung sasama kayo kay
Nanay sa palengke huwag kalimutang magsuot ng facemask.
B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

May dalawang uri ng timbangan, ang digital at analog na timbangan

digital analog

2. Pagbasa sa isang kuwento “Sa Pamilihan”


3. Pagsagot sa mga tanong tungkol sa kuwento
Saan pumunta ang mag-ina?
Ano ang unit of mass ng kanilang mga pinamili?
Ano ang unit of mass ng mga gulay na binili ni Nanay?
Ano ang unit of mass ng karne ng baboy at manok?
Paano mo malalaman ang unit of mass ng mga ito?
2. Pagtalakay

Pansinin ang mga gulay na pinamili ng nanay


Anong unit of mass ang ginamit upang malaman ang timbang nito?
Kailan ginagamit ang unit of mass na kilogram?

3. Isaisip

Ang yunit na ginagamit sa pagkuha ng timbang ay ang kilogramo na may simbolong (kg).
Ang kilogram ay ginagamit sa pagkuha ng timbang ng mabibigat na bagay samantalang ang
gramo (g) naman ay sa magagaan na bagay. Ang pagsukat ng magagaan at mabibigat na bagay
ay ginagamitan ng unit of mass.

4. Paghahambing

Mga bata tingnan ninyo ang hawak ko.


Ang aking hawak ay papaya. Kailangan ba ito ng ating katawan?
Sa kabila ay tsitsiriya, kailangan ba ito ng ating katawan?
Ang papaya ay mabigat,sa mga bagay na mabibigat ang gagamitin natin ay kilogramo(kg)
Ang tsitsiriya ay magaan,ang gagamitin natin dito ay gramo(g).

5.Pagyamanin

Sabihin ang simbolong ( g ) ng unit of mass kung ito ay magaan at( kg) naman kung ito ay mabigat.
________1. _________2 . ________3.

________4. _________5. _______6.

6. Paglalahat

Ano anong unit of mass ang ginagamit sa pagtitimbang ng mga bagay?

7.Pagsasanay

Suriing mabuti ang bawat larawan.Piliin sa katapat nito ang angkop na panukat.

1. 2. 3. 4.

(g, kg ) ( g, kg ) ( g, kg ) ( g, kg )

8.Paglalapat
Piliin ang unit of mass ng bawat larawan.Sabihin kung ito ay kilogramo o gramo.

1. 2. 3. 4.

IV. Pagtataya

Kung ikaw ang kukuha ng timbang ng mga nakalarawan sa ibaba,anong unit of mass ang gagamitin mo?
Isulat sa sagutang papel ang gram o kilogram at ang abbreviation nito.

1. 2. 3. 4.

V. Takdang Aralin

Sagutan ang Gawain 3 sa pahina 260 ng aklat .Isulat ang inyong sagot sa kuwaderno.

Inihanda ni: Iwinasto:

BRENDA T. LINSANGAN LORNA T. GARCIA


Teacher III Master Teacher I

You might also like