Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAGUNA

PAUNAWA HINGGIL SA DATA PRIVACY:


Kinikilala ng SDO Laguna ang responsibilidad nito sa ilalim ng Batas Republika Blg. 10173,
na lalong kilala bilang Data Privacy Act of 2012, kaugnay ng mga personal na impormasyon na
kinukulekta, isinasaayos, muling kinakalap batay sa pinakahuling pagbabago (kung mayroon man),
ginagamit, at nililikom mula sa mga mag-aaral at magulang/tagapangalaga. Ang mga personal na
impormasyon na hinihingi mula sa iyo ay inilalagak sa SDO Laguna Information and
Communications Technology Services Unit. Tanging ang kagawaran at awtorisadong tauhan lamang
ang may kakayahang makapagbukas nito. Naglatag ng angkop na mga panuntunan ang SDO Laguna
upang mabigyan ng sapat na proteksyon ang iyong personal na impormasyon.
Gayundin naman, ang mga impormasyong nakulekta at nailagak sa ________ ay gagamitin
lamang sa mga sumusunod na layunin:

1. Paglikom ng personal na impormasyon na kailangan sa paglikha ng GSuite Account para


sa mga mag-aaral;
2. Pagsusulong ng distance learning at ugnayang guro-mag-aaral gamit ang GSuite; at
3. Paggamit ng online platform na GSuite bilang alternatibong paraan ng pagtuturo.
Pangangalagaan ng SDO Laguna ang iyong personal na mga impormasyon at pananatilihin
itong pribado habang sumasailalim ka sa programa ng batayang edukasyon . Ang iyong pansariling
mga impormasyon ay mapapasakamay sa pagkalinga ng paaralan para sa mabisang pagpapatupad
at pamamahala ng Division Learning Continuity Plan.

Pahintulot ng Magulang/Mag-aaral:
Nabasa ko/namin ang Division Data Privacy Statement at pinahihintulutan ko/namin ang
SDO Laguna na kumulekta, magsaayos, muling kumalap batay sa pinakahuling pagbabago (kung
mayroon man), humanap sa pinaglalagakan, kumonsulta, gumamit, humarang, at bumura ng
akin/aming personal na impormasyon bilang bahagi ng akin/aming impormasyon.

Binibigyang-diin ko/namin ang karapatan kong makaalam, tumutol sa pagpruproseso, pagkuha, at


pagwawasto, bawiin o kuhanin ang aming mga personal na impormasyon, at makatiyak sa seguridad
at maproteksyunan sa mga kaso ng paglabag sa mga itinatadhana ng Batas Republika Blg. 10173
(Data Privacy Act of 2012) at mga kaukulan nitong panuntunan at regulasyon sa pagpapatupad.

____________________________ ____________________ ____________


Pangalan ng Mag-aaral Lagda Petsa

_____________________________________ __________________ ____________


Pangalan ng Magulang/Tagapag-alaga Lagda Petsa

You might also like