Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

ANG KOMUNIKASYON

Ang kmonukasyon ay hango sa salitang Latin na ”communis” na ang ibig sabihin


ay karaniwan, panlahat o para sa lahat.
Ang komunikasyon ay pagpapahayag; paghahatid o pagbibigay ng impormasyon
sa mabisang paraan; isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-
unawaan (Webster).
Upang higit na mailarawan ito ay alamin natin ang mga katangian ng
komunikasyon….

MGA KATANGIAN NG KOMUNIKASYON

A. Ang komunikasyon ay isang proseso.


Masasabing ito ay isang proseso sapagkat may dalawang paraan ang
kasangkot dito upang maipadala ang isang mensahe:
Ang pagpapadala o prosesong encoding; at
Ang tagatanggap o ang prosesong decoding
Ang taong nagpapadala ang nag-eencode ng mensahe. Kalakip ng
prosesong ito ay ang pagsaalang-alang sa kung ano ang mensahe, paano
ipadadala, ano-anong salita ang gagamitin, paano isasaayos, anong
daluyan ang gagamitin at ano ang inaasahang reaksyon ng tatanggap.
Ang taong tagatanggap naman ang siyang nagdedecode. Iisipin niya
kung ano ang kahulugan ng mensahe, ano ang inaasahang reaksyon mula
sa kanya, paano niya tutugunan at paanong paraan niya ito tutugunan.
B. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko.
Ang proseso ng komuniasyon ay nagbabago dahil sa impluwensya ng
lugar, oras, mga pangyayari at mga taong sangkot sa proseso.
Halimbawa nito ay kapag ang kausap mo ay mas nakakatanda sa iyo.
Iaangkop mo ang mga salitang iyong gagamitin tulad ng paggamit ng mga
pormal na salita na magpapakita ng paggalang sa kausap.
C. Ang komunikasyon ay komplikado.
Nagiging komplikado ang komunikasyon dahil sa persepsyon ng isa sa
kanyang sarili at sa kausap. Maaaring ang pahayag ng nagsasalita ay tama
para sa kanya subalit iba ang dating nito sa kanyang kausap.
D. Mensahe, hindi kahulugan, ang naipapadala at natatanggap sa
komunikasyon.
Ang pagpapakahulugan ng mensaheng ipinadala ay nakadepende sa taong
tumatanggap nito.

May anim na mahahalagang sangkap sa proseso ng komunikasyon:

Ang nagpapadala
Ang mensahe
Ang daluyan
Ang tagatanggap
Ang tugon
Ang maaaring sagabal
Nagmumula ang mensahe sa nagpapadala. Daraan ito sa proseso ng pag-iisip ng
ideya upang magkaroon ng mensahe na maihahatid sa tumatanggap. Maaaring
makaapekto sa nagpapadala ang kasanayang pangkomunikasyon, ugali,
kapaligiran at kultura.
Ang tumatanggap ng mensahe ay kinakailangang tumugon dito. Layunin ng
komunikasyon na maihatid o mapaabot ang mensahe sa pinagtutungkulan nito.
Masusukat ang kahusayan ng komunikasyon sa pamamagitan ng tugon o fidbak.
Sa pagdadala ng mensahe, maaaring gumamit ng kasangkapan sa paghahatid
tulad ng wika, kilos at galaw. Ang proseso ay mauulit at ang tumaggap ay
magiging tagapagpadala na ng mensahe.

IBA’T IBANG MODELO NG KOMUNIKASYON

Nagsasalita Mensahe Nakikinig

Sa loob ng klase ng Filipino

Mga estudyanteng
Professor Paksa ng Kurso
Filipino

MODELO NI ARISTOTLE
Batay sa kanyang Retorika nagbigay ng 3 sangkap ng komunikasyon:
Nagsasalita
Ang sinasabi
Ang nakikinig

Pinanggalingan Tagapaghatid

Tagatanggap ng
Senyas o Kodigo
pahatid
Distinasyon

MODELO NI CLAUDE SHANMAN AT WEAVER


Ayon sa kanila, lima ang sangkap ng komunikasyon:
Pinanggalinga
Tagapaghatid (transmitter)
Senyas o kodigo
Tagatanggap ng pahatid (receiver)
Distinasyon
Batay sap ag-aaral ni Shanman at Weaver, mayroong pinagmulan ng
mensahe o sino ang tagabigay ng mensahe. Ikalawa sino ang tagapaghatid
ng mensahe o sino ang nagdadala o naghahatid ng mensahe. Pangatlo,
saan nagdadaan ang mensahe, sa telepono, senyas ba o nagsasalita?
Malinaw ba o magulo ang linya? Senyas, simbolo o salita ang
pinagdadaanan ng mensahe. Marami bang tao o maingay ang kapaligiran?
Ayon kay Shanman at Weaver, ang ingay ay malaking epekto sa
pagkakaunawa ng mensahe. Dapat malinaw at maliwanag ang
pinagdadaanan ng mensahe upang maunawaan ang komunikasyon.

Tsanel

Tagatanggap ng
Pinagmumulan
Mensahe
ng Mensahe
Sagot

MODELO NI BERLO
Ayon kay Berlo, apat ang element ng Komunikasyon
Pinagmumulan ng mensahe – maaaring isang tao, grupo ng mga
tao, tagapagsalita o tagapanayam kung may pulong o seminar,
professor sa loob ng klase o estudyante na nagpapaliwanag. Maaari
ring isang brodkaster, sa radio o telebisyon. Manunulat sa isang
pahayagan o magasin o aklat o anumang babasahin o karaniwang
usapan ng mag-ama o mag-ina o mag-pamilya.
Mensahe – anumang ideya, opinyon, kaisipan: maaaring ito ay
nagtuturo, nagpapatawa, nagbibigay ng impormasyon pormal o di-
pormal.
Tsanel o daluyan ng mensahe – saan dumadaan ang mensahe, gaya
ng fax machine, telepono, radyo, telebisyon, advertisement, sulat,
email, senyas, anumang daanan, verbal o di-verbal. Tinaggap ang
mensahe sa pamamagitan ng pagbasa sa pakikkinig, paningin,
pandama at iba pa.
Tagatanggap ng mensahe – ang taong tumatanggap at
nagpapakahulugan ng mensahe.
 Halimbawa: Ang taong nakabasa ng pahayagn, paano
tinaggap ang mensahe, ang taong nakarinig, paano
tinanggap ang narinig na mensahe; ang taong nakapanood,
ano ang reaksyon sa pagpapakahulugan ng mensahe.

Modelo ni Schrama

Pinanggalingan Mensahe Distinasyon

MODELO NI WILDER SCHRAMA


Siya ay nagsasabing tatlo rin ang element ng komunikasyon.
Ang pinanggalingan
Ang mensahe
Ang distinasyon

MODELO NINA RICHARD SWANSON AT CHARLES MARQUARD


Ayon sa kanila, lima ang sangkap ng komunikasyon.
Pinanggalinan ng mensahe (sumulat/nagsasalita).
Ideya o mensahe
Kodigo – (wika, kumpas, ekspresyon ng mukha)
Paraang paghatid (limbag, alon ng hangin, pahatid-kawad).
Tumaggap ng mensahe (bumasa o nakinig).

MGA SAGABAL SA KOMUNIKASYON

EDAD
Mahalagang makilala ang tagapakinig o tagatanggap upang maiangkop
ang wikang gagamitin.
Halimbawa: Kung ag mga tagapakinig ay mga batang magtatapos ng Day
Care School o kindergarten o magtatapos sa kolehiyo, tiyak na malayo ang
agwat ng tagapakinig o mga kabataang nasa kolehiyo. Maliban sa mga
natatanging okasyon kung ang mga taong makikinig ay mga retiro o kaya
may mga kapansanan.
PINAG-ARALAN
Kilalanin ang mga tagatanggap ng mensahe o tagapakinig kung ito’y mga
pangkat ng porpesyonal, gaya ng akademya, mangangalakal, enhenyero,
medesina at iba pa. kailangan iangkop ang wikang gagamitin sa linya ng
disiplina na kanilang kinabibilangan. Ang bawat disiplina ay may kanya-
kanyang wika na napapaloob sa kanilang propesyon.
HANAPBUHAY
Mahalagang malaman ng tagapagsalita ang kinabibilangan na hanapbuhay
ng mga tagapakinig. Sila ba’y karaniwang mangagawa sa lungsod o
probinsya, magkaiba ang pangangailangan nila sa buhay at magkaiba ang
ginagalawang pamumuhay gaya ng mga magsasaka, mangingisda, nag-
aalaga ng hayop o kaya manggagawa sa mga pabrika. Iba rin ang pangkat
ng mga nagtatrabaho sa mga opisina, artista, administrador sa iba’t ibang
uri ng kompanya. May kanya-kanyang linya o wika maliban sa pook at
panahon na kinabibilangan ng bawat tagapakinig.
KALAGAYANG SOSYAL
Nagkakaroon ng suliranin dito lalo na sa mga katawagan na ginagamit ng
mga tao sa kanilang antas ng buhay na kanilang ginagalawan at pook na
kanilang kinabibilangan. Malaki ang suliranin ng tagapagsalita kung hindi
niya alam kung sino ang kanyang tagapakinig.
DALUYAN
Maaaring maingay ang linya ng telepono, mahina ang baterya o kaya hindi
maganda ang ginagamit na mikropono.
PAGPAPAKAHULUGAN
Maaaring iba o mali ang pagtanggap o pagkakahulugan ng salita gaya ng
salitang bumigay – maaaring pumayag o namatay na. iba-iba ang
pagpapakahulugan ng tagatanggap ng mensahe na maaaring magbunga ng
hindi pagkakaunawaan.

You might also like