Ang mabilis na proseso o pag aasikaso sa mga requirements na
kinakailangan ay makakapagbigay ng malaking tulong sa mga estudyante
na lilipat ng paaralan o magtatapos na sa pag-aaral.
Ang layunin nito ay matulungan ang mga estudyante na may suliranin sa
pagkuha ng mga kinakailangan na requirements.
Ipaalala sa mga magtatapos na mag-aaral ang mga requirements na
kailangan pa nilang ipasa .
Ang mabilis na proseso ng pagbibigay ng mga requirements ay
makakatulong sa mga estudyante lalo na sa mga lilipat ng paaralan.
Tulad ng pagkuha ng good moral certificate na nagsasaad na ang isang
estudyante ay hindi lamang may talino at kakayahan kundi marunong din umintindi at mag malasakit sa kapwa.
Form 137, kilala rin bilang permanenteng rekord ng estudyante.
Naglalaman ito ng mga impormasyon ng estudyante at historical academic record nito.
Itong dalawang requirements ang kadalasang matagal o hindi ganon
kabilis makuha kaya ang mabilis na pag aasikaso ng mga requirements ay malaking tulong kung sakali man na ito ay maisakatuparan.
Dahil ito ay may malaking tulong sa estudyante sapagkat mapapabilis o
mapapaaga din nito ang pagsusumite ng mga requirements na kinakailangan ipasa ng mga estudyante sa lilipatan nilang paaralan.
Dahil din dito ay mababawasan ang mga iniisip ng mga estudyante
patungkol sa mga kinakailangan nilang isumite na mga requirements para sa lilipatan nilang paaralan.
Ang mabilis na pag aasikaso ng mga requirements ng mga magtatapos
na mag-aaral ay makakatulong sakanila para maging isang responsableng mag-aaral.
Ang maagang pagpapaskil ng listahan ng mga magtatapos na estudyante
na may kulang na requirements ay makakatulong mag-udyok sa mga ito na magpasa ng mas maaga. Upang sa darating na araw na ito ay kinakailangan na ay tapos na silang magpasa at wala na silang ibang iintindihin.
Ang maganda at mabilis na proseso sa pagkuha at pag aasikaso ng mga
requirements ay mag iiwan ng magandang marka sa mga estudyante.