Professional Documents
Culture Documents
Modyul 5 FIL 10
Modyul 5 FIL 10
FILIPINO 10
Subject Teacher Information:
Name: LARA TESSA C. Contact Number: 0967-817-
CATAM E-mail: vinluanlaratessa@gmail.com
2518
Facebook and Messenger Account: Lara Tessa C. Catam
Nickname: Ma’am LaraDesignation: Grade 7 Adviser
5: (Panitikang Kanluranin)
1
MODYUL 5
MGA LAYUNIN:
1. Nasusuri ang nobela sa pananaw realismo o alinmang angkop na pananaw /
teoryang pampanitikan (F10PB-IIf-77);
2. Naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre sa tiyak na mga elemento
nito (F10PB-IIf-78);
3. Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita, kabilang ang mga terminong
ginagamit sa panunuring pampanitikan (F10PT-IIf-74);
4. Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng suringbasa
o panunuring pampanitikan (F10WG-IIf-69); at
5. Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon sa pananaliksik tungkol sa
mga teoryang pampanitikan (F10EP-IIf-31)
Tuklasin
Samantala, binibisita ng binata ang kubo ni Santiago gabi-gabi, kahit na wala itong huli,
tinutulungan niya itong hilain ang lambat, naghahanda ng pagkain, pinag-uusapan ang
tungkol sa American Baseball at ang kaniyang paboritong manlalarong si Joe DiMaggio.
Tinuran ni Santiago kay Manolin na sa mga susunod na araw, siya ay maglalayag sa
malayong bahagi ng dagat, hilaga ng Cuba sa kipot ng Florida para mangisda, tiwala
siyang ang kaniyang kamalasan ay malapit nang magwakas.
2
MODYUL 5
Tumulo at humalo sa tunbig ang dugo mula sa nalapang bahagi ng isdang siyang nang-
akit sa iba pang pating habang siya ay naglalayag muli pabalik. Dahil nga sa nawala niya
ang kamniyang salapang, lumikhja siya ng panibagong armas sa pamamagitan ng
pagtatali ng kaniyang kutsilyo sa dulo ng sagwan upang mapaalis ang mga pating.
Limang pating ang kanyang napatay at marami ang umalis papalayo. Ngunit patuloy
ang paglapit ng mga ito at sa magdamag, naubos na lahat-lahat ng mga pating ang
buong Marlin, tanging ang mga kalansay na lamang nito ang natira, ang gulugod, buntot
at ulo.
3
MODYUL 5
S A L A P A N G
2. Ito ay panghuli ng isda na may isang pisi at kawil sa dulo na madalas
nilalagyan ng uod o anomang pagkain para sa isda.
P A M A N S I N G
3. Nangangahulugan itong pinakamalalang kamalasan sa kanilang lugar.
S A L A O
M A R L I N
N A N L U M O
I M A H E
T U N G G A L I A N
K A R A K T E R
4
MODYUL 5
4. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang “Ang Matanda at ang Dagat” ang nobela?
Anong positibong epektoang naidulot ng dagat kay Santiago?
Sinisimbolo ng matanda ang mamamayan at ang dagat naman ay ang lipunan.
Si Santiago ay gumawa ng paraan kung paano malalampasan ang mga pagsubok na
hatid ng buhay at lipunan.
Nais ni Hemingway na si Marlin ay sumisimbolo sa perpektong mapaghamon ng
mangingisda. Kailangang tanggapin ni Santiago ang kapangyarihan at lakas ni
marlin. Humanga siya sa lakas at biyaya. Dahil lamang sa kanyang pagpapahalaga
sa taong iyon nagawa niya itong talunin.
5
MODYUL 5
Suriin
Alam mo bang ang…
Nobela ay itinuturing na makulay, mayaman, at makabuluhang anyo ng
panitikang tuluyan? Binubuo ito ng mga yugtong nagsasalaysay ng mga kawingkawing na
pangyayari sa buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at
pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.
Sa nobela, maraming pangyayari ang inilalahad, samakatuwid isa itong mahabang
akda, samantalang sa maikling kuwento, iisang pangyayari lamang ang inilalahad.
Iisa ang balangkas ng nobela at maikling kuwento ngunit nagkakaiba lamang ito sa
nilalaman dahil ang mga pangyayaring isinasalaysay sa nobela ay may kaugnayan sa
lipunang ginagalawan ng mamamayan at naglalarawan ng kultura ng bawat bansang
pinanggalingan nito.
Ang nobela ay nagtataglay ng mas maraming tauhan samantalang kakaunti sa
maikling kuwento.
Sa kabilang dako, magkapareho naman ang nobela at maikling kuwento sa
sumusunod: (1) parehong salaysay na tuluyan (prosa), (2) parehong nagtataglay ng
tema, (3) parehong may kasukdulan.
Elemento ng Nobela
1. Tauhan – ito ang nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela.
2. Tagpuan – tumutukoy ito sa lugar at panahon na mga pinangyarihan.
3. Banghay – ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
4. Pananaw – ito ay tumutukoy sa panauhang ginagamit ng may-akda.
a. Una – kapag kasali ang may-akda;
b. Pangalawa- ang may-akda ang nakikipag-usap;
c. Pangatlo- batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda.
5. Tema – ito ay ang paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela.
6. Damdamin – ito ay nagbibigay-kulay sa mga pangyayari.
7. Pamamaraan – tumutukoy ito sa estilo ng manunulat/awtor
8. Pananalita – tumutukoy sa diyalogong ginamit.
9. Simbolismo – ito ay tumututukoy sa pagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa
tao, bagay, at pangyayari
6
MODYUL 5
kaniyang sinasaka. Ayon sa kaniya, pag-aari niya ito noon subalit naisanla niya at
naembargo.
siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito nang tinungkod ng Kabesa sa noo.
Kabesa.
Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati’y nakatira at
nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi siya dahil nagkasakit ito makalawang araw bago
ang insidente. Nahabag si Tata Selo nang maisipan na lang nitong pauwiin si Saling
tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito. Dumating muli ang
hindi siya pinapasok. Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi na lang nitong inagaw
Mabilis na kumalat ang usapan sa pagpatay ni Tata Selo sa Kabesa. Ito’y naging mainit
na usapan ng mga tao at karamihan ay hindi makapaniwalang nagawa niya ito, dahil
halos lahat ng tao sa kanilang lugar ay kilala siya bilang isang mabait na tao. Siya ay
kinausap ng Presidente habang siya ay nasa likod ng mga rehas at tinanong kung bakit
niya nagawa ito. Palaging isinasagot ni Tata Selo na tinungkod siya ng Kabesa.
Sinubukan niyang makiusap na huwag siyang tanggalin sa pagsasaka dahil ito lamang
7
MODYUL 5
hindi iyon sapat na katuwiran. Hindi siya nauunawaan ng mga tao kung ano ang rason
kung bakit niya nagawa ang nasabing krimen. May isang lalaking lumapit sa kaniya at
Ayaw niyang masali ang kaniyang anak sa nangyayari dahil ayon sa kaniya ay may sakit
labas, siya’y napahandusay sa sahig. Sinasabi pa rin ni Tata Selo na lahat ay kinuha na
sa kaniya, wala nang natira. Bukod kasi na nasa bilangguan siya, nawalan pa siya ng
ihambing ito sa maikling kuwento gamit ang grapikong presentasyon. Gayahin ang pormat sa
Pagkakaib Pagkakatulad:
a:
Mga Pangyayari
Banggitin ang iyong
Reaksiyon
Sang- /
Tutol
ayon Katwiran kaugnay ng
inilahad ng
pangyayari
9
MODYUL 5
Alam mo bang…
Panunuring Pampanitikan ang tawag sa isang malalim na paghihimay sa mga
akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng
kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing katha ng manunulat.
Kaugnay ng pagiging interaktibo ng tao, ang pagbibigay ng sariling
opinyon o reaksiyon hinggil sa kaniyang naranasan, nakita o napanood,
narinig, at nabasa ay bahagi ng pakikipagkomunikasyon.
Alam mo bang nagpapahayag ka ng reaksiyon o opinyon kung ikaw ay
nagsusuri ng akdang pampanitikan? Sa Unang Markahan, natalakay na natin
ang tungkol sa Suring-basa kung saan ito’y isang pagsusuri o rebyu ng binasang
teksto o akda. Sa modyul namang ito ay binibigyang-pansin natin ang iba pang
uri ng panunuring pampanitikan gaya ng Suring-pampelikula at Suring-
pantelebisyon.
I. Panimula
Pamagat
May-akda
Uri ng Pantikan
Bansang Pinagmulan
Layunin ng Akda
10
MODYUL 5
IV. Buod
Paalala: Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang akda. Ang
pagbanggit sa mga mahahalagang detalye ang bigyang-tuon.
V. Teoryang Pampanitikan
Mahalaga ring masuri ang tiyak na teoryang pampanitikan na lumutang sa
nasabing akda. Sa teoryang ginamit, madalas nakikita rin ang kahalagahan
ng panitikan sa lipunan lalo na kung ang teksto ay nasulat sa isang
mahalagang panahon ng kasaysayan. (Kapansinpansing ito ang naidagdag
na bahagi ng pagsusuri mula sa
napagaralan mo noong unang markahan)
Alam mo bang…
Teoryang Pampanitikan ang tawag sa sistematikong pag-aaral at ang mga
paraan sa pag-aaral ng panitikan. Nakasalalay rito kung paano napahuhusay ang
pagtatalakay at napalalalim ang pagsusuri ng isang akda.
1. Realismo – Matapat na pagsasalamin ng realidad ang ginagawa
ng panitikan para higit nitong mapaunlad ang lipunan. Layunin nitong ipakita
ang karanasan ng tao at lipunan sa isang katotohanang pamamaraan.
Itinatakwil nito ang ideal na paghuhulma at pananaw sa buhay.
Halimbawa: Noli Me Tangere (Nagsasaad ng kaapihan ng mga
Pilipino)
2. Humanismo – kung mas binigyang-diin ang tungkol sa pagiging
marangal ng tauhan. Layunin nitong ipakita na ang tao ang sentro ng
mundo at bibibigyang-tuon ang kalakasan, kakayahan, at mabubuting katangian ng
tao.
Halimbawa: Kabanata 10: Ang Titser ni Liwayway Arseo (Banta ng
panganib.
3. Eksistensiyalismo – layuning ipakita na ang tao ay may
kalayaang pumili o magdesisyon para sa kapakanan ng marami. Ipinakikita at
mas lumulutang sa teoryang ito ang naganap sa buhay ng tauhan, mga
pangyayari na bunga ng kaniyang sariling pagpili dahil naniniwala siya na ang
isang dahilan ng existence ng tao sa mundo ay hubugin ang sarili niyang
kapalaran. Halimbawa: Ako ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla
(Pagmamahal sa Daigdig at Kalikasan nito)
11
MODYUL 5
Suriin
Alam mo bang…
Sa pagbibigay ng tiyak na reaksiyon sa mga interaktibong pagpapahayag ay
karaniwang humahantong sa pagsang-ayon o pagtutol? Gayonpaman,
ang konsepto ng pagtutol o counter assertion at pagsang-ayon o konsesyon ay
maaari ring pagsamahin sa isang pangungusap gamit ang Pang-abay. Maaari
ring maipahayag ang argumento sa di-ganap na pagsang-ayon o pagtutol sa tulong
ng mga Pangatnig.
12
MODYUL 5
Talagang matalino siya ngunit mas matalino ang kaniyang kalaban. Hindi
man maganda ang tono ng kaniyang pananalita subalit marami naman
siyang nagawang pagbabago para sa bansa.
Dagat”. Ipaliwanag ang iyong sagot gamit ang mga salitang pagsang-ayon o pagtanggi.
Teorya Patunay
Ang kwentong ito ay ginamitan ng Teoryang Realismo na
Realismo ibigsabihin ang mga kaganapang nangyari sa kwento ay
nangyayari sa tunay na buhay. Ipinakita ang buhay ng isang
mangingisda na dinaranas niya sa laot. Ito ay nagpapatunay na
minsan hindi sa lahat ng oras maari kang makahuli ng
maraming isda dahil kung minsan hindi ka rin swerte dahil
marahil nagtatago o walang isda. Katulad ng ipinamalas ni
Santiago na hindi nawalan ng pag-asa kahit mag-isa at
sinasabihang malas ay nagpursige parin siyang pumalaot at
makahuli ng isang pambihirang isada na hindi inaasahan ng
ibang mangingisda.
Masikap siya at hindi basta-bastang sumusuko, itinuturing
Humanismo niyang kapatid ang kaniyang mga maaway, at mayroon siyang
busilak na puso.
13
MODYUL 5
Tayahin
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahing mabuti ang mga kasunod na tanong. Piliin ang letra ng
pinakawastong sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
D 5. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi,”sabi niya. “Maaaring wasakin
ang isang tao pero hindi siya magagapi”. Ang pahayag ay
nangangahulugang:
A. May pagsubok mang dumating, lilipas din
B. Hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay
C. Kung may dilim, may liwanag ding masisilayan
D. Nilikha tayo para lumaban at hindi para masaktan lamang.
14
MODYUL 5
KARAGDAGANG GAWAIN
A. Mabisang Panimula……………………….….………………
10 puntos
B. Pagsusuring Pangnilalaman……...……………….….…....
25 puntos
C. Pagsusuring Pangkaisipan.……...……………….…..…....
25 puntos
Rubrik/Standards D. Lalim ng Pagsusuri………....……...……………….….…....
20 puntos
E. Buod…………………….…....…………………..………..……
.20 puntos Kabuoan.……….………..…...…………..…..................…
100 puntos
15
MODYUL 5
SURING-PAMPELIKULA /PANTELEBISYON
“ANAK”
Pamagat
I. Panimula
Pamagat: ANAK
May-akda: Ricardo A. Lee (Ricky Lee) at Raymond Lee
Uri ng panitikan: HINDI KATHANG ISIP(NON-FICTION)
Bansang pinagmulan: PILIPINAS
Layunin ng Akda: Ang layunin ng pelikulang anak ay imulat ang mga kabataan sa
sakripisyo ng isang ina upang maitaguyod ang kanyang pamilya. Kadalasan
ay hindi nauunawaan ng mga kabataan na ang mabuhay ng malayo sa
pamilya bilang isang OFW ay may malaking hirap at sakit. Ang tanging alam
lang ng mga kabataang tulad ni Carla ay gusto ng kanyang ina ang desisyong
ginawa. Hindi niya nauunawaan na higit sa kagustuhan ng ina ay ang
pangangailangan na maitaguyod niya ang kanilang pamilya. Handang tiisin
ng isang ina ang lahat kapalit ang maayos na buhay at edukasyon na
maibibigay niya sa kanyang mga anak. Walang katumbas ang pagmamahal
ng ina kaya naman kahit ano titiisin niya maibigay lang sa mga anak ang sa
tingin niya ay nararapat para sa kanila.
II. Pagsusuring Pangnilalaman
Tema o Paksa ng akda:
1. Naipakita sa pelikula ang kahirapan ng buhay ng isang pamilya. Kinailangang
mangibang-bansa ng kanilang ina upang matustusan ang kanilang lumalaking
pamilya.
2. Ang pelikulang “Anak” ay natutungkol sa isang dakilang ina na isang
Overseas Filipino Worker na napilitang umalis ng bansa at tiniis ang malayo
sa kanyang pamilya.
3. Ang di-matutumbasang pagpapahalaga at pagmamahal ng isang ina sa
kanyang mga anak, dahil gagawin ng isang ina ang lahat matugunan lamang
ang pangangailangan at mabigyan ng magandang buhay ang mga anak kapalit
man nito’y kalungkutan dahil matagal bago mo sila makapiling.
4. Ipinakikita sa pelikula ang napakalaking importansya ng trabaho o pagkita ng
salapi sa labas ng bansa upang matupad ang mga pangarap sa pamilya at ang
pagsasakripisyo ng oras, panahon at pagkakataong masilayan ang mga anak sa
kanilang paglaki.
5. Ang ating ina, ay siyang una’t huling tatanggap sa atin. Madapa man tayo,
malihis ng landas o magkasala sa kanila sila pa rin ang una nating tatakbuhan,
sila ang uunawa at magpapatawad sa atin. At kahit anuman ang mangyari
babalik at babalik tayo sa piling ng ating ina.
16
MODYUL 5
17
MODYUL 5
Ang paksa ng pelikula ay tungkol sa isang ina, bilang Overseas Filipino Worker
(OFW) sa Hong Kong, na napilitang umalis ng bansa upang mabigyan na maayos na
buhay ang kanyang pamilya.
Estilo ng Pagkakasulat ng Akda:
Epektibo ang paraanng paggamit ng mga salita. Angkop sa antas ng pang-unawang
mga mambabasa ang pagkakabuo ng akda. May bias ang istilo ng pagkakasulat
sanilalaman ng akda. Masining din ang pagkakagawa ng akda. Ito’y may
kahalagahangtumugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na
akda.
IV. Buod
Ang istorya ay tungkol kay Josie , isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang
domestic helper. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya
upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Binangggit niya na ginagawa nya
ito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Bagama't siya
ay malayo sa kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng kanyang amo at ang kanyang
pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.
Nagsimula sa isang masayang mag-anak, nagkawatak watak ang buhay ng mga
anak ni Josie magmula ng yumao ang kanilang ama na syang kasama nila sa bahay.
Dito nagsimulang masuklam si Carla sa kanyang ina. Nagpadala sila ng sulat sa
inang nasa Hong Kong upang malaman ang nangyari at nang sya'y umuwi.
Gayunpaman, hindi nabasa ni Josie ang sulat dahil sya ay kinulong ng kanyang amo
sa loob ng kanilang bahay nang sila'y lumipad sa Estados Unidos ng isang buwan.
Nabasa ni Josie ang sulat pagkaraan ng isang buwan, ngunit hindi pa rin siya
pinayagan ng kanyang among umuwi kahit magmakaawa pa siya.
Pagkaraan ng ilang taon, umuwi na rin si Josie. Nagawa nya ito dahil itigil na nya
ang kanyang trabaho sa Hong Kong. Nagnanais siyang magtayo ng isangnegosyo na
kasosyo ang kanyang dalawang kaibigan. Namuhunan silang tatlo ng taksi para
ipasada sa kalsada. Masaya ang kanyang pagbalik pagkaraan ng anim na taong
pangungulila. Gayunpaman, naharap nya ang matabang na pagsalubong ng mga
anak. Si Daday, ang bunso, ay hindi sya kilala. Si Michael ay mahiyain at walang
kimi at si Carla, na hindi man lang ginagalang ang ina at iniitsa-pwera lamang.
Ninais ni Josie na makuha ang simpatiya ng mga anak sa pamamagitan ng mga
pasalubong. Hindi ito tinanggap ni Carla. Sa pagdaan ng panahon, unti-unti nakikita
ni Josie ang mga bisyo at karanasan ni Carla, paninigarilyo, tattoo, paghihithit ng
droga, panlalalake at paglalaglag ng bata. Dagdag pa dito ang pagkawala ng
iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak.
Nabangga pa ang taksing pinundar ni Josie at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya
dahil nagastos niya ang perang ibabahagi sana niya.
Sa sunud-sunod na problema ni Josie, gusto na sana niyang sumuko.
Pinagtatabuyan siya ni Carla. Lumala pa ang alitan ng lumayas si Carla sa bahay at
lalong nalulong sa kanyang bisyo. Nang mawala ang iskolarship ni Michael,
nagsimula ng mag-init ang ulo ni Josie dahil ang dami na ng kanyang binabayaran.
Dahil dito, napahiya sa Michael sa mga pangarap na gusto ng ina niya sa kanya.
Lumayas din si Michael.
Nagtuluy-tuloy ang kamalasan ni Josie kasabay ng pagkaunti ng kanyang inimpok
na salapi para sa kanyang pamilya. Dahil dito, napilitan siyang magbalik sa
Hongkong. Isang gabi bago siya babalik sa Hong Kong, napuno si Josie sa pagtrato sa
kanya ni Carla. Malaki ang alitan ng dalawa hanggang sa binuhos nya ang lahat lahat
ng kanyang nararamdaman sa mga anak. Sa oras na ito, namulat ang mga mata ni
Carla sa katotohanang sya ang sumira sa buhay niya at wala na siyang
mapagbabalingan ng sisi kundi ang sarili nya dahil sa pagpapalalo nya sa kanyang
bisyo. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang
nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan
rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo sya sa kanilang tabi.
V. Teoryang Pampanitikan
Paglalapat ng Teoryang Realismo
19
MODYUL 5
BINABATI KITA
20
MODYUL 5
BINABATI KITA
21