Aralin 8-9-10 Lesson Plan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Ibong Adarna

Ikaapat na Markahan
*Ang Paglililo
*Ang Muling Panalangin ni Don Juan ay Dininig
*Nagkasala Subalit Pinatawad

Isinulit:
Bb. Shelica Dianne E. Pelejo
Nagsasanay

Itinama at namasid ni:


Bb. Danystelle Ricafort
Gurong Tagapagsanay
Mala-masusing Banghay-Aralin sa Filipino 7

I. Layunin
1. Nasasagot nang buong husay ang mga tiyak na tanong sa araling tinalakay sa
pamamagitan ng Ugnayang-Tanong-Sagot.
2. Nabibigyang kahulugan ang mga matatalinhagang salita o pahayag na makikita sa
aralin.
3. Naipapahayag ang mga magagandang kaugaliang dapat tularan at mga kaugaliang
di dapat tularan sa mga tauhan sa tulong ng volume up-volume down graphic
organizer.
4. Nakapagbabahagi ang mga mag-aaral ng sariling opinyon na may kaugnayan sa
araling tinalakay.
5. Nakapagsasalay ng mga mahahalagang pangyayari na natagpuan sa araling
tinalakay sa pamamagitan ng Dugtungang Pagkukwento.
II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Ang Paglililo
Ang Muling Panalangin ni Don Juan ay Dininig
Nagkasala Subalit Pinatawad
B. Sanggunian: Obra Maestra (Marietta T. Candelario, Felicidad Q. Cuaño) pp.59-73
C. Kagamitan: Laptop, Cartolina
III. Pamamaraan
A. Aktibiti
a. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng mga larawang nagpapakita ng pananalig sa Diyos.
● Pagmasdang mabuti ang larawan, ano ang nais ipahiwatig nito sa atin?
● Ano ang magandang aral na iiwan nito sa inyo?
Magtiwalang lubos sa Panginoong Diyos, lahat ng paghihirap natin ay may
ginhawa. Lahat ng pagsubok ay kaya nating lampasan, ibinigay ito sa atin
dahil alam Niyang kaya natin.
b. Talasalitaan
Ibigay ang kasing kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
1. Nagsilakad na ang tatlo TUMINDI
Katuwaa’y nag-ibayo
2. Nagpahuli kay Don Jua’t SUMABAY
Kay Don Diego umagapay
3. Inumog na si Don Juan GINULPI
Na di naman lumalaban
4. Sa ama’y agad nagturing NAGWIKA
Ang Adarna’y dala naming
5. SiDon Juang lumong-lumo’y HINANG-HINA
Gagapang-gapang sa damo
B. Pagtalakay sa Aralin
1. Presentasyon ng Akda
May ipapapanood ako sa inyong isang video, tahimik na making muli ang
lahat at pagkatapos ay ating tatalakayin ang inyong napanood.
2. Pagpapayaman
1. Ano ang binalak na kataksilan ni Don Pedro? Pumayag ba kaagad si
Don Diego?
2. Ano ang nag-udyok sa dalawa na gawin ang pagtataksil?
3. Umawit ba kaagad ang ibong Adarna nang dalhin ito sa palasyo?
Bakit?
4. Kanino tumawag o nanalangin si Don Juan upang siya’y tulungan?
Dininig baa gad ang kanyang hinaing? Pangatwiranan.
5. Paano gumaling si Don Juan mula sa pagkakabugbog ng kanyang mga
kapatid?
6. Bakit napaawit na ang ibong Adarna?
7. Ano ang inawit ng ibong Adarna?
8. Magbigay ng ilang pangyayaring isinalaysay ng ibong Adarna sa
kanyang pag-awit.
9. Anong mahalagang kaisipan/aral ang napulot mo sa ating aralin?
Magbigay ng isa.
C. Abstraksyon
a. Paglalahat
Dugtungang Pagkukwento.
Natandaan ba ninyo ang mahahalagang pangyayari sa araling ating tinalakay?
Humanap ng dalawang kapareha, Bubunot ako ng pangalan at pupunta sa
unahan kasama ang dalawa niyang kapareha upang magpasimula sa
Dugtungang Pagkukwento.
b. Sintesis
Sa kalahating buong papel, ipaliwanag ang saknong na:
Huwag tayong mamantungan
Sa ugaling di mainam
Na kaya kung dumaramay
Ay nang upang madamayan
Pamantayan:
D. Aplikasyon
a. Paglalapat/Pagpapahalaga
Gamit ang Graphic Organizer na Volume Up Volume Down ay magbigay
kayo ng mga mabubuti at di-mabubuting gawi na ipinakita sa araling ating
tinalakay.
b. Pagtataya
Ibigay ang hinihinging kasagutan ng bawat bilang.
1. Siya ang nagpasimula ng masamang balak kay Don Juan.
2. Ibigay ang masamang balak ng kay Don Juan.
3. Siya ang gumamot sa sugatang katawan ni Don Juan.
4. Sa Kanya muling nanalangin si Don Juan nang malagay sa alanganin ang
kanyang buhay.
5. Bakit hindi kaagad umawit ang ibong Adarna?
6-7. Magbigay ng mga pangyayaring isinalaysay ng Ibong Adarna.
8-10. Magbigay ng tatlong magagandang aral na nakita sa araling ating
tinalakay.

You might also like