Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

February 24, 2022

Mo. Luvisminda Lucy Gray, OSA


Monastero Agustiniano di S.
Lucia. Via in Selci
82-00184. Rome, Italy

Dear Mo. Luvisminda Lucy Gray, OSA,

Pagbati ng Kapayapaan!

Ako po si Sr. Lowela G. Terania, AMP. Ipinanganak noong December 9, 1971. Ika-5 na anak sa 12
na magkakapatid. Tubong Malaybalay Bukidnon. Nakatapos sa Colegio ng Computer Science sa Angeles
University ng Pampanga. Pumasok sa Congregation ng Augustinian Missionaries of the Phils. Noong
November 13, 1994

Sa loob ng 25th year na aking pamalagi at pananatili sa Augustinian Missionaries of the


Philippines (AMP), aking nayakap, naisaloob at unti onting nasabuhay ang Buhay at Spirituality of our
Father St. Augutine at nahubog ayon sa kanyang Turo, Buhay Komunidad at Panalangin. Marami akong
karanasan na nagtuturo sa akin at aking natanto at naangkin na ako ay tinawag sa buhay komunidad
bilang isang Augustina.

Sa tuwituwina nararanasan ko ang pagnanais ng aking puso na pumasok sa Augustinian


Contemplative lalo na pagnagkakaroon kami ng taonang assembly at ang venue ay sa Augustinian
Contemplative. Tandang tanda ko pa ang unang taon ng aming retreat noong Dec. 27, 2004 – Jan 6,
2005 lalong nag-aalab at patindi ng patindi ang aking nais na pumasok sa Augustinian Contemplative.
At mayroon nangyayari sa aking kalooban na hanggang ngayon hindi ko pa natatagpuan at patuloy parin
na pagtuklas at paghahanap kung saan nais ng Panginoon sa akin. Sabi nga po ng ating Amang si San
Agustine “My Heart is Restless until it rest in You”.

Isang malaking biyaya at pasasalamat sa mahal na Panginoon na aking nakatagpo muli si Sr. Flor
Neri na aking kasama, kapatid at kamanlalakbay sa Augustinian Missionaries of the Philis Congregation
na kabilang na po sa inyong Congregation. Siya po ay naging daan upang ako ay matulungan na makikila
kayo bilang Congregation. Naniniwala po ako na laging naririyan ang Presensiya at Paggabay ng
Panginoon at lagi siyang gumagamit ng instrumento upang ako ay makasunod sa Kanyang TAWAG. At
ako ay nagagalak sa tuloy tuloy na tawag ng Panginoon mula sa Augustinian Missionary at papunta sa
inyong Congregation of the Augustinian Contemplative.

Kung kaya’t , ako po ay magpapahayag ng aking naisin at saloobin na pumasok sa inyong


Congregation of the Augustinian Contemplative kung inyo po marapatin at ipagkakaloob. Sabi ko sa
aking sarili ang aking pinakalayunin at rurok ng aking puso na pumasok sa Augustinian Contemplative ay;
lalong makatuon at makafocus sa pusod ng PANALAGIN ang aking buong pagkatao, Ang pagtatagpo ng
aking PUSO at ISIP sa PUSO at ISIP ng PANGINOON na daladala ang pangyayari, isyu at kontexto ng
buong sangtinakpan, at namamalay lagi sa aking kalooban ang proseso mula kay San Agustine ang intra,
inter, societal sa aking taimtim na pagdarasal, pakikipagniig at pakikipag-ugnayan sa Panginoon kasama
po ninyo sa aking magiging bagong kapatiran ng Augustinian Contemplative. Sa tulong at awa ng Mahal
na Panginoon, tayo ay magtutulungan upang sama sama na maging banal kasama ng ating mga
ipinapanalangin tulad ng PANGINOONG HESUS.

Kasama ng inyong basbas Mo. Luvisminda at ng buong Congregation, nawa’y inyo po akong
tatanggapin na maging bagong member ng inyong Congregasyon. Maraming salamat po. God Bless us
all!
In our Father St. Augutine,

SGD Sr. Lowela G. Terania, AMP

You might also like