LAS Q4 Filipino-W1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

TXTBK + QUALAS

SANAYANG PAPEL Blg.1


Textbook based instruction
paired with MELC-Based
SA FILIPINO 10
Quality Assured Learner’s
Activity Sheet (LAS) Kwarter 4 Linggo 1

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Guro: _______________________________ Petsa ng Pagpasa: _________________________

MELC:1. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:


- pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
- pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda
- pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda. (F10PB-Iva-b-86)
2. Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng EL Filibusterismo batay sa ginawang timeline (F10PU-
Iva-b-85)
3. Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng: (F10PB-Iva-b-87)
- pagtunton sa mga pangyayari - pagtukoy sa mga tunggaliang naganap
- pagtiyak sa tagpuan - pagtukoy sa wakas
Aralin: EL FILIBUSTERISMO: Kaligirang Pangkasaysayan at Mga Tauhan
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10 (Book 2) Pahina: 433 – 435, 438 – 450, 459

Layunin: Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:


- pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
Kasanayan Bilang: 1 Pagtitiyak sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Akda Araw:1
KONSEPTO:

Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang obra maestra ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Ito ay karugtong
ng Noli Me Tangere na una niyang isinulat. Labing-isang taong gulang pa lamang si Rizal noon nang marining niya ang
salitang Filibustero. Gaya ng nabanggit, ang unang obra maestra ni Rizal na Noli ang naghimok sa iilan na mailantad ang
kabuktutan ng mga mananakop. Marami ang humanga at nagalak sa katapangan ni Rizal subalit tulad ng inaasahan,
nagpuyos ang damdamin ng mga makapangyarihang Espanyol. Bitbit ang kaba sa puso, muling bumalik si Rizal sa
Pilipinas noong Agosto 1987 at isinagawa ang kanyang mga layunin: ginamot ang mata ng kanyang ina; nakipag-usap kay
Leonor Rivera at inalam ang pagtanggap sa kanyag nobela. Hinimok si Rizal ni Gobernador- Heneral Emelio Terrerong
lisanin ang bansa upang maiwas siya at ang kanyang pamilya sa lalo pang kapahamakan at sa pagmamalupit ng mga
makapangyarihang prayle sa kanyang pamilya. Nagpahinuhod siya sa payo ng gobernadora-heneral at palihim na tumalilis
ng Pilipinas noong Pebrero 1888. Nagtungo siya sa iba’t ibang bansa sa Asya, sa Amerika at sa Europa. Napakarami
niyang natutuhan sa mga paglalakbay na iyon. Sinimulan ni Rizal ang kanyang El Fili sa London noong 1890. Ayon kay
Maria Odulio de Guzman, binalangkas ni Rizal ang pagkatha sa El Fili noong mga huling buwan ng 1884 at mga unang
buwan ng 1885 nang isinusulat pa niya ang Noli. Naaaliw si Rizal sa ganda ng Paris kaya’t napag-isipan pumunta sa
Belgium upang masimulan ang kanyang nobela. Patong-patong na suliranin ang kanyang naranasan habang isinusulat niya
ang El Fili. Halos lumiban siya sa pagkain makatipid lamang. Nakarating sa kanya na ang kanyang iniibig na si Leonor
Rivera ay ipapakasal ng mga magulang nito sa ibang lalaki. Nabatid din niyang ang kanyang mga magulang at kapatid ay
pinasasakitan at pinag-uusig ng pamahalaang Espanyol dahil sa usapin sa lupa at sa maling paratang. Subalit, dahil sa
adhikain ni Rizal na imulat ang isipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino pinagpatuloy niyang tapusin ang
kanyang mga nobela. Nang matapos ito noong Marso 29, 1891 at makahanap ng murang palimbagan, ang palimbagang F.
Meyer Van Loo sa Ghent, Belgium ay ipinadala niya ang manuskrito sa kaibigang si Jose Alejandrino. Sa kasamaang
palad, hindi natapos ang paglilimbag ng aklat. Sumaklolo ang mayamang kaibigang si Valentin Ventura at gumastos siya
upang maituloy ang nahintong paglilimbag noong Setyembre 1891. Ipinadala ni Rizal sa Hongkong ang karamihan ng
mga aklat at sa kasamaang palad ay nasamsam ang mga kopya nito ng pamahalaang Espanyol. Ipinasira ng pamahalaang
Espanyol ang mga sipi subalit ay may ilang nakapuslit na pumukaw sa damdamin ng mga Pilipino. Ang El Fili ay inalay
ni Rizal bilang pagpupugay sa tatlong paring martir na binitay sa Bagumbayan noong Pebrero 1872 na sina Padre Mariano

1
Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora.

Pagsasanay 1
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung ang pangyayari ay tumutukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang El
Filibusterismo. Isulat sa linya ang magpapawasto sa pangyayari kung mali ito.
1. Si Gobernador- Heneral Emilio Terrero ang namumuno sa bansa nang sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng ikalawang
nobelang El Filibusterismo. ___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
2. Higit na naging madali para kay Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo kaysa Noli Me Tangere. _______________
__________________________________________________________________________________________________
3. Nalagay sa panganib ang pamilya at iba pang mahal sa buhay ni Rizal habang isinusulat niya ang nobelang ito.
__________________________________________________________________________________________________
4. Ang ganda at kasiyahang hatid ng Paris ay nagbigay-inspirasyon sa kanyang tapusin na ang kanyang nobela sa lugar
na ito. ____________________________________________________________________________________________
5. Mas maraming pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura o hindi isinama ni Rizal sa Noli kaysa sa mga
pahinang hindi niya isinama sa El Fili. __________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________

Layunin: Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:


-pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda
- pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda.

Kasanayan Bilang:1 Pagtitiyak sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Akda Araw:2


KONSEPTO: (Ang konsepto para sa araw na ito ay natalakay na sa unang araw. Sumangguni sa konsepto ng unang
araw upang masagutan ang mga pagsasanay.)
Pagsasanay 1

Panuto: Masasabi nga bang umiiral ang mga pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng akda sa mismong kabuoan o
bahagi o bahagi ng nobela? Patunayan ito sa pamamagitan ng pagpuno ng detalye na magpapakitang sinasalamin ng
kaligirang pangkasaysayan ang ilang bahagi ng nobela.
Pangyayari sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Nobela Pangyayari sa Nobela
(1) Nagpakasal kay Juanito ang katipan ni Isaganing si Paulita
Gomez.
Nananaginip si Rizal at nakakita ng mga pangitain tungkol (2)
sa kasawian ng kanyang pamilya at kaibigan.
(3) Nagkaroon ng suliranin sa mga prayle si Kabesang Tales
nang kinamkam nila ang kanyang pinagyaman.
(4) Nag-urong-sulong si Simoun na isagawa ang katuparan ng
kanyang mga plano.
Pagsasanay 2

Panuto: Dumaan sa napakaraming pagsubok at paghihirap si Rizal para lang matapos at mailimbag ang nobela subalit
hindi siya sumuko dahil sa matitinding layuning niya sa pagsulat na ito. Base sa mga nabasa mo sa kaligirang
pangkasaysayan, ilahad ang mga layunin o adhikain niyang ito. Punan ang kahon sa ibaba.
Mga Layunin o Adhikain ni Rizal sa Pagsulat ng El Filibusterismo

2
Layunin: 1. Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng EL Filibusterismo batay sa ginawang timeline

Kasanayan Bilang: 2 Pagsusulat ng Buod ng Kaligiran ng El Fili batay sa Timeline Araw:3


Konsepto:
Timeline – isang listahan ng mga kaganapan sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa isang partikular na paksa.
Kalimitang ginagamit ito sa mga pagtalakay ng kasaysayan at talambuhay na naglalaman ng mga mahahalagang
pangyayari. Nagsisimula ito sa pinakaunang pangyayari tungo sa wakas. Narito ang timeline ng kaligirang
pangkasaysayan ng El Filibusterismo.
1891
1885 Marso, 1891 - Hong Kong, ipinadala at nasamsam
- nang binalangkas ni - Brussels, Belgium. Natapos ang El Fili.
Rizal ang El ang sulat-kamay ng El Fili. - Pilipinas, ipinuslit at naipasara ng
Filibusterismo. pamahalaan ang mga nakumpiskang
nobela.

1890 1891
- London, England, sinumulan - Ghent, Belgium, naipalimbag ang
ang pagsulat ng El Fili. sulat-kama na nobelang El Fili.

Pagsasanay 1

Panuto: Pagkatapos mong mapag-aralan ang kaligirang pangkasaysayan ng nobela ay gawan mo ito ng buod batay sa
timeline na natunghayan sa konsepto. Isulat ang iyong buod sa mga linya na nasa ibaba.
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

Layunin: 1. Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng:
- pagtunton sa mga pangyayari - pagtukoy sa mga tunggaliang naganap
- pagtiyak sa tagpuan - pagtukoy sa wakas
Kasanayan Bilang: 3 Pagtutukoy sa Papel na Ginampanan ng mga Tauhan Araw: 4
KONSEPTO:
Isa sa mga kalakasan ng nobela ay ang pagkakaroon ng mga tauhang nagbigay-buhay sa bawat bahagi ng kabanata ng
akda. Napakahusay ng pagkakahabi sa mga tauhan kaya’t naging labis na makatotohanan at halos nararamdaman ang
bawat paghingam galaw, damdamin at presensiya ng bawat isa. Halina’t kilalanin ang mga tauhang nagbigay-bisa at
buhay sa kabuoan ng nobela.

Simoun – isang napakayamang Basilio – isang estudyante ng Juliana – Kilala bilang Huli. Ang
mag-aalahas at kaibigang matalik medisina. Hangarin niyang pinakamagandang dalaga sa Tiyani
at tagapayo ng Kapitan-Heneral. makapagtapos ng pag-aaral sa kabila na anak ni Kabesang Tales. Tunay
May nakatagong lihim ukol sa ng hirap na kaniyang dinanas. siyang mapagmahal sa pamilya.
kaniyang tunay Isagani
na pagkatao. Kasintahan
– isang malalim na makata.siya ni Huli. Tapat
Telesforo Juan de Dios-
Juanito
Padre
Paulita sa katipang
kilala
Camorra
Gomez- rin si
Pelaez – Basilio.
isangang
estudyanteng
masayahin
kura ng
Mahusay siyang makipagtalo at bilang si Kabesangat kabilang
Tiyani
Tales,
napakagandang
na may sa
angpagnanasa
isang kay dalagang
kilalang
Huli.
Iba pang mga
ayaw niya sa likong paraan sa napakasipag na magsasaka
mayamang
Wala
hinahangaan
siyang
na dating
pamilyang
galang
ng karamiha
sa may
kababaihan
salahing
mga
tauhan: pagkamit ng adhikain. Kasintahan kasama sa mayayamang kastila.
lalo
lalaki.
may
na saPamangkin
lupain.
magagandang
Nais siya rin dilag.
ni niyang
Donya
Tata Selo – niya si Paulita. Ama rin siya ni Huli. Victorina
mapangasawa at kasintahan
si Paulita.ni Isagani.
3
Ama ni Kabesang Tales na kumalinga sa batang si Basilio bago ito mapunta sa kamay ni Kapitan Tiyago.
Placido Penitente – isang probinsiyanong estudyante na ang-aaral sa Maynila. Mahinahon at mapagtimpi subalit kapag
siya ay napuno, parang bulkan siyang sumasabog at walang kinatatakutan.
Ben Zayb – ang mamamahayag na malayang mag-isip , at minsan ay kakatwa ang paksang nais niyang isulat magkaroon
lamang ng ilalathala.
Padre Fernandez – isang paring Dominikano na bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon ng mga mag-aaral.
Don Custodio- Nakapangasawa ng maganda at mayamang mestiza at naging tagapasya sa usaping Akademya ng Wikang
Kastila.
Ginoong Pasta – ang tagapayo ng mga prayle sa ma suliraning legal.
Padre Florentino- amain ni Isagani. Isang kagalang-galang na paring Pilipino.
Macaraig - isang mag-aaral sa abogasya na nangunguna sa panawagang pagbubukas ng akademya sa pagtuturo ng
Kastila.
Sandoval – isang tunay na Espanyol si Sandoval na lubos na kaisa sa adhikain ng mga estudyanteng Pilipino.
Quiroga- isang negosyanteng Tsino na kontrolado ang kalakalan. Isinusulong niya na magkaroon ng konsulado ng mga
Instik sa bansa.
(Tandaan: Ang iba pang mga tauhan ay maaari ninyong isaliksik o hanapin sa mga aklat ng El Fili na mayroon kayo.)
Pagsasanay 1
Panuto: Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga tauhan sa akda upang maipakita ang mga pangyayari; matukoy
ang tunggalian; makita ang pinangyarihan; at makapaghinuha ng wakas ayon sa ikinilos nila sa akda. Gamit ang ladder
organizer ay ilapat ang mga ito rito upang mailarawan mo ang buhay ng iyong mapipiling tauhan at huhulaan mo sa huli
ang mangyayari sa kanyang buhay. Maaaring magsaliksik upang magkaroon ng karagdagang impormasyon ukol sa
tauhang napili. Maaari ring dagdagan ang ladder kung sakaling may mga batis ng kaaalamang nais idagdag.

(Halimbawa: Ang napiling tauhan ay Si Basilio. Ang mga linya sa ibaba ng bawat paglalapat ay ilalagay ang
paglalarawan sa naturing sitwasyon sa buhay ng napili mong tauhan.)

Si Basilio sa Maynila bilang isang


Si Basilio sa kagubatan, kalaban ang lipunan estudyanteng nagsusumikap.
nang sila ay maparatangan at ang bunga ang ____________________________________
kasawian ng kanyang magulang. ____________________________________
____________________________________ ____________________________________
____________________________________
Si Basilio bilang kasintahan ni Huli.
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________

Tandaan: Ang nasa itaas ay halimbawa lamang. Pumuli ng iba pang tauhan na hindi na ang nabanggit sa halimbawa.
Maaring gumamit ng karagdagang papel para sa pagsagot sa gawaing ito.

You might also like