Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

1

FILI 12 - NN Pebrero 26, 2022

PANGAN, Paulo Joshua F. Derain

Kailanman ay Hindi Naging Masamang Piliin ang Sarili

Ang mito ni Tungkung Langit at Alunsina ay isang diretsong pagkukuwento

ayon sa translasyon ni Jocano. Pambungad na pangungusap pa lamang ay

binibigyang diin na ang kapanahunan kung saan ang mundo ay hindi pa nakamtan

ang porma at estrukturang mayroon ito ngayon. Pahayag ito na ang mga pangyayari

ay naganap bago ang pagsilang sa mga elementong bubuo sa mundong ginagalawan

natin ngayon. Maihahambing ang mito sa creation story na matatagpuan sa librong

Genesis mula sa biblia. Kuhang-kuha nito ang arketipo ng isang kataas-taasang

makapangyarihang nilalang na siyang nagsilang sa ating mundong kinagisnan.

Maski na ang tropo ng isang bathalang tagumpay na pinamunuan ang lahat ay bigo

sa iisang minamahal ay makikita. Ngunit, hindi ang katauhan ni Tungkung Langit

ang siyang naging sentro sa pagpukaw ng aking puso. Ang diyosang si Alunsina ay

napakalaki, kung hindi may pinakamalaki, ng papel na ginampanan.

Sa unang bahagi pa lamang ng kwento ay binigyan na ng sariling identidad

si Alunsina. Hindi iisa o sumasang-ayon lamang ang kanyang karakter sa dikta ni

Tungkung Langit. Ang mismong panliligaw ng diyos kay Alunsina ay isang pahayag

na hindi yumuyuko ang diyosa kaninuman. Ang pagpapa-espiya niya rin sa kanyang

asawa ay representasyon ng kanyang kusang-loob na masagot ang mga katanungan na

idinadaing ng kanyang puso. Naging estereotipo man ang prangkang paglalarawan

sa dalawang diyos, isa lamang itong patunay sa pagpapakatao kay Alunsina: na

maaaring magkaroon ng ‘di katangi-tanging ugali ang mga indibidwal. Hindi ba’t

minsa’y pinili nating humiga buong araw imbis na magtrabaho? At hindi ba’t

dumating na rin ang panahon na pinili nating umatras sa laban ng buhay? Ngunit,

mahalagang tandaan na ang pag-atras ay hindi laging pagsuko. Ang pag-alis ni

Alunsina ay mapapansing iniwang bukas. Hindi sinabi kung saan ito nagpunta o

ang kanyang sinadya. Isa itong malikhaing pagpukaw sa mga isipan ng mga
2

mambabasa. Saan nga ba pumunta si Alunsina? Iniwan ang sagot na ito para sa

lahat ng indibidwal sapagkat pang-indibidwal din ang tinutulak nitong sagot.

Hindi dapat tanungin kung saan pumunta ang diyosa. Ang nararapat na katanungan

ay: saan mo papapuntahin si Alunsina? Isang representasyon ang diyosa sa

sari-sarili nating indibidwalismo at kalayaang gumawa ng pansariling desisyon

sa pagtahak sa ating buhay. Isang representasyon si Alunsinsa ng pagpipili sa

ating mga sarili. Pinakita ng mito na maaaring ipinta ka ng marami bilang

makasarili o masama dahil sa iyong pansariling desisyon, ngunit, kailanman ay

hindi naging hamak na piliin ang sarili. Dahil sa pag-alis ni Alunsina,

nagawang isilang ni Tungkung Langit ang mundo, kasama ng kalangitan, karagatan,

at hanggang sa pinakamaliit na bulaklak. Pati ang kayamanang alahas na iniwanan

ng diyosa ay silang naging bituin na nagsisilbing ilaw. Tulad ng pagsibol ng

bulaklak, ang pagpili sa sarili ay mabagal at mahirap ngunit sa dulo,

siguradong makakamtan ang kagandahang walang katulad. At kagaya ng Hilagang

Bituin, ang pagpili sa sarili ay hindi lamang pagmamahal sa sarili ngunit isang

liwanag na gumagabay sa mga indibidwal na tahakin ang kanilang paglalakbay ng

buong-loob sa gitna ng matataas na alon ng buhay.

You might also like