Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Ang wastong gamit ng Salita

Ng at nang

Gamit ng ng

 Ginagamit bilang pantukoy

Halimbawa:

Nag- aaral ng Ilokano si Sonia.

 Ginagamit bilang pang- ukol na ang katumbas sa ingles ay with

Halimbawa:

Hinampas niya ng payong ang aso.

 Ginagamit bilang pang- ukol na ang katumbas ay sa

Halimbawa:

Magsisiuwi ng Pilipinas ang magagaling na doktor.

 Ginagamit bilang pang- ukol na nagpapakilala ng pangngalang paari.

Halimbawa:

Tumanggap ng plake ang kanyang anak.

 Ginagamit bilang taga tanggap ng kilos. G

Halimbawa:

Ayaw siyang layuan ng agam- agam.

 Ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.

Halimbawa:

Gumagawa siya ng manika.

 Ginagamit na pananda ng aktor o taga ganap ng pandiwa sa tinig na balintiyak

Halimbawa:

Tinulungan ng kapatis ang kanyang ina sa pagluluto.

 Ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay- ari ng isang bagay o katangian

Halimbawa:

Nabali ang mga paa ng mesa.

Gamit ng nang

1
 Ginagamit na pangatnig sa hugnayang pangungusap bilang panimula ng katulong na sugnay o
sugnay na di makapag- iisa.

Halimbawa:

Nang siya ay dumating, dumagsa ang tao.

 Ginagamit bilang pang- abay na nanggagaling sa “na” na inangkupan ng “ng” kayat nagiging
“nang”

Halimbawa:

Nagbalita nang malakas ang aking kaibigan sa opisina.

 Ginagamit bilang salitang nangangahulugan din ng “para” o “upang”

Halimbawa:

Sumulat ka ng mga kuwento nang manalo ka sa patimpalak.

 Ginagamit bilang salitang pang- gitna sa mga salitng inuulit

Halimbawa:

Iyak nang iyak ang dalagang malungkot.

 Ginagamit na pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at ito rin ang panimula ng katulong na
sugnay.

Halimbawa:

Maghugas ka ng pinggan nang makakain na kayo.

MAY AT MAYROON

GAMIT NG MAY

 Ginagamit ang may kung ang sumusunod na salita ay:

Pangngalan

Halimbawa:

May batang nahulog.

Pandiwa

Halimbawa:

May sasayaw na babae mamayang gabi.

Pang- uri

Halimbawa:

May bagong bahay na nasunog.

2
Panghalip na paari

Halimbawa:

May kanya- kanya tayong alam.

Pantukoy na mga

Halimbawa:

May mga batang pupunta dito mamaya.

Pang- ukol na sa

Halimbawa:

May sa kalabaw ang boses ng taong iyan.

Subukin

“pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang bagay o tao”

Subukan

“tingnan kung ano ang ginagawa ng isang tao o ng mga tao”

Halimbawa:

Subukin mong gamitin ang sabon na ito.

Subukan nila ang disiplina ngmga mag- aaral.

Pahirin at pahiran

Pahirin

pag- aalis o pagpapawi o pagtatanggal ng isang bagay.

Pahiran

paglalagay ng bagay

Halimbawa:

Pahirin mo ang dumi sa iyong mukha

Pahiran mo ng pulang pintura ang gate.

Walisin at walisan

Walisin

pandiwang pokus sa layon

Walisan

pandiwang pokus sa ganapan

3
Halimbawa:

Walisin mo ang mga tuyong dahon sa bakuran.

Walisan mo ang bakuran.

MALIBAN AT BUKOD

Maliban

(except o aside) may kahulugang matangi sa bagay na binanggit ay wala nang iba

Bukod

(in addition to o besides) karagdagang sa mga bagay na binanggit

Halimbawa:

Maliban sa lupa, wala na siyang maiiwan sa nag- iisang anak.

Bukod sa lupa, may bahay pa siyang maiiwan sa nag- iisang anak.

Kung at kong

Gamit ng kung

 Ginagamit na pangatnig sa mga sugnay na di makapa- iisa sa mga pangungusap na hugnayan.

Halimbawa:

Kung siya’y narito, tayo’y magiging magulo.

Gamit ng kong

 Buhat sa panghalip na ko, ang kong ay nilalagyan lamang ng pang- angkop na ng sa pakikiugnay
sa salitang sumusunod:

Halimbawa:

Ipinagtapat kong nangyari.

Din at rin; daw at raw; doon at roon

Gamit ng din, daw, doon

 Ginagamit kapag ang nauunang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y

Halimbawa:

Napanood din nila ang pelikula.

4
Napanood daw nila ang pelikula.

Napanood doon nila ang pelikula.

Gamit ng rin, raw, roon

 Ginagamit kapag ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig. Ang w at y ay itinuturing na


malapatinig. Samakatuwid, ang rin, raw, roon ay ginagamit kapag ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa mga titik na ito.

Halimbawa:

Himala rin ang kailangan niya.

Kaliwete raw ang dalaga.

Umuwi roon ang kanyang asawa.

IKA AT IKA-

Gamit ng ika

 Ginagamit bilang panlapi sa bilang na isinusulat bilang salita.

Halimbawa:

ikatlong taon

ikalimang araw

Gamit ng ika-

 Ginagamit ang ginitlingan na “ika” bilang panlapi kung mismong bilang ang isusulat.

Halimbawa:

ika- 25 ng Enero

ika- 5 taon

Maka at maka-

Gamit ng maka

 Ginagamit ang “maka” na walang gitling kung pangngalang pambalana ang kasunod na salita.

Halimbawa:

Naglunsad ng poetry reading ang mga makabayan.

Gamit ng maka-

 Ginagamit ang may gitling na “maka-” kapag sinusundan ng pangngalang pantangi.

5
Halimbawa:

Maka- Nora ang mga nanonood ng kanyang mga pelikula.

Gawin at gawan

 Ginagamit ang mga panlapi –in/-hin sa mga pandiwang pokus sa direksyon.

Halimbawa:

Gawin mo ang sa tingin mo ay tama.

 Ginagamit ang panlaping –an/-han sa mga pandiwang pokus sa direksyon

Halimbawa:

Subukan mong gawan siya ng mabuti.

Sina at sila

 Ginagamit ang sina kapag ito ay sinusundan ng mga pangngalan na tinutukoy sa pangungusap.

Halimbawa:

Naglilinis sina Gel at Lisette ng bahay.

 Ginagamit ang sila bilang panghalip na panao.

Halimbawa:

Umalis na sila kanina pang umaga

PINTO AT PINTUAN

 Ginagamit ang pinto bilang pantukoy sa bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas.

 Ginagamit ang pintuan bilang pantukoy sa kinalalagyan ng pinto.

Halimbawa:

Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang magnanakaw.

Hindi pa napipinturahan ang pinto sa pintuan.

Gramatika sa Proseso ng Mabisang Pagpapahayag

Ang retorika ay may tungkuling pagandahin at patimyasin ang isang pahayag, samantalang ang
gramatika ay pinangangalagaan ang kawastuhan para maging malinaw ang pagpapahayag.

Tatlong (3) mahahalagang bagay ang sinasaklaw ng wika:

 Pag-aaral ng anyo uri ng mga salita.

 Tamang paggamit ng salita

6
 Tamang pag-uugnayan ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng malinaw na kaisipan o
ideya.

1. Pag-aaral ng anyo uri ng mga salita

 Kung may kabatiran sa pagpapalawak ng mga salita, nagkakaroon ng pagkakataong makapili at


makagamit ng isang angkop na salita.

Halimbawa:

A. Siniliran niya ng mga pinamili ang bag. (Mahina)

B. Sinidlan niya ng mga pinamili ang bag. (Pinalakas)

2. Tamang Paggamit ng Salita

 Ang maling gamit ng salita ay maaaring makabawas sa kalinawan ng pagpapahayag at


nakapagpapamali sa isang pahayag.mayroong salitang magkasing-anyo o magka-uri subalit may
tiyak at ibang pinaggagamitan.

Halimbawa: magkaiba ang gamit ng tingin, titig, tanaw, sulyap.

A. Tingin - mababaw na pagbibigay-pansin

B. Titig - matagal na tingin, may diwa ng pagsusuri.

C. Tanaw - pagbibigay-pansin sa isang bagay na malayo.

D. Sulyap - panakaw na tingin

3. Tamang Pag-uugnayan ng mga Salita

 Ang wastong pagkaka-ugnay ng mga salita ay nakaktulong upang maging maayos ang
pagpapahayag.

Halimbawa: - ang gamit at katuturan ng mga salita ng magkakasingkahulugan ay di-


dapat ipagkamali sa isa’t isa.

A. Bumaba ng bahay ang mga bata. (Mahina)

B. Nanaog ng bahay ang mga bata.. (Pinabuti)

Semantika

 May kinalaman sa interpretasyon ng mga kahulugan ng mga salita at pangungusap.

 Denotasyon

 Konotasyon

 Sinonim

 Antonim

 Polisemi - salitang may dalawa o mahigit pang kahulugan na magka-ugnay

7
Hal: marka

Retorika

 Galing sa salitang ‘’rhetor’’ na mula sa Griyego na ang ibig sabihin ay guro o isang taong
magaling na mananalumpati o isang mahusay na orador.

 Tumutukoy sa sining at agham maging pasalita o pasulat na pagpapahayag.

 Ayon kay Socrates, ay isang siyensa o agham ng paghihimok o panghihikayat.

Saklaw ng Retorika

WIKA

SINING

LIPUNAN

PILOSOPIYA

PANAHON AT SITWASYON

Bahagi ng Pananalita

 May sampung bahagi ng pananalita. Ang mga ito ay:

Pangngalan Pantukoy

Panghalip Pangatnig

Pandiwa Pang-ukol

Pang-uri Pang-angkop

Pang-abay  

A. Mga Salitang Pangnilalaman (Mga Content Word)

1. Mga Nominal

a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook,


katangian, pangyayari.

b. Panghalip (pronoun) - mga salitang panghalili sa pangngalan.

-Panao, Pamatlig, Panaklaw at Pananong

2. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita.
Pokus, aspekto

3. Mga panuring (mga modifier)

a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at


panghalip.

8
b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa nito
pang-abay.

Mga Uri ng Pang-abay :

1. pang-abay na kataga o ingklitik

2. pang-abay na pamanahon

3. pang-abay na panlunan

4. pang-abay na pamaraan

5. pang-abay na panggaano

6. pang-abay na pang-agam

7. pang-abay na panang-ayon

8. pang-abay na pananggi

Pang-abay na kataga o ingklitik

- mga katagang laging sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan.

• ba daw/raw pala man

• kasi din/rin tuloy muna

• kaya naman nga pa

• na yata lamang/lang

• sana

Halimbawa :

-Nailigtas daw ang mga minerong nadaganan sa minahan.

-Alam pala ng kanyang nanay ang nangyaring sakuna.

-Kumain muna sila bago umalis.

-Alangan naman yata na sila pa ang lumapit sa atin.

Pang-abay na Pamanahon

 ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.


Mayroon itong tatlong uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas.

May pananda: nang, sa, noon, kung, kapag, buhat, mula, umpisa, hanggang

Walang pananda: kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb.

Nagsasaad ng dalas: araw-araw, tuwing umaga, taun-taon atb.

9
Pang-abay na Panlunan

Tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang


ginagamit ang pariralang sa, kay o kina. Ito ay sumasagot sa tanong SAAN.

Pang-abay na Pamaraan

Naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng


pandiwa. Ginagamit ang panandang nang o na/-ng.Ito ay sumasagot satanong na PAANO.

Pang-abay na Panggaano

 Nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong na Gaano o Magkano.

Pang-abay na Pang-agam

Nagbabadya ng kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamit ang mga pariralang
marahil, siguro, tila, baka, wari, parang, atb

Pang-abay na Panang-ayon

 Nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito ang mga salitang  oo, opo, tunay, sadya,


talaga, syempre atb.

Pang-abay na Pananggi

 Nag-sasaad ng pagtanggi tulad ng hindi/di at ayaw.

A. Mga Salitang Pangkayarian (Mga Function Words)

1. Mga Pang-ugnay (Connectives)

-mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang


parirala o ng dalawang sugnay.

a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay.

at    pati    saka    o    ni    maging    subalit ngunit kung    bago    upang    sana    dahil sa   
sapagkat

Mga Pang-ugnay (Connectives)

b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. (na,ng,g)

c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita

Pang-ukol (preposition)

 ng

 ni/nina

10
 kay/kina

 laban sa

 ayon sa

 para sa

 alinsunod sa

 laban kay

 ayon kay

 para kay

 ukol kay

 tungkol kay

 tungkol sa

 hinggil sa

 hinggil kay

 alinsunod kay

2. Mga Pananda (Markers)

a. Pantukoy (article/determiner) - mga katagang nangunguna sa pangngalan o panghalip na


ginagamit bilang simuno. (ang, ang mga/si, sina)

b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at


panaguri. (ay)

IDYOMA

 Ito ay may di-tuwiran o di-tahasang pagpapahayag na may kahulugang patlinhaga.

 Ito ay di-literal kung kaya nangangailangan ng konotatibo at malalim na pagpapakahulugan.

Halimbawa:

putok sa buho -anak sa pagkadalaga

mababaw ang luha -madaling umiyak

naglulubid ng buhangin-nagsisinungaling

hilong talilong -litung-lito

pabalat-bunga -hindi totoo

 Asong-pungge — susunod-sunod sa dalaga

11
 Balat-kalabaw — Matibay ang hiya; walanghiya

 Balat-sibuyas — maramdamin; madaling umiyak

 Basang-sisiw — api-apihan; kalagayang sahol sa hirap

 Buhay-alamang — laging nasusuong sa panganib; hikahos

 Buhay-pusa — mahaba ang buhay; laging nakaliligtas sa panganib

 Bulang-gugo — bukás ang palad sa paggasta

 Buwayang-lubog — taksil sa kapuwa

 Dagang-bahay — taksil sa kasambahay

 Kakaning-itik —api-apihan

 Kutong-lupa — bulakbol; walang hanapbuhay

 Lakad-kuhol — mabagal utusan

 Ligong-uwak — hindi naghihilod; ulo lamang ang binabasa.

 Maryakapra (marya-kapra) — babaing masagwa; baduy magbihis

 Mataas ang lipad — hambog

 Matang-manok — malabo ang paningin kung gabi;

 May sa-palos— Hindi mahuli. Mahirap salakabin. Madulas sa lahat ng bagay.

 Nagmumurang kamatis — nagdadalaga

 Paang-pato — tamad; makupad; babagal-bagal

 Pagpaging alimasag — walang laman

 Puting-tainga — maramot

 Putok sa buho — anak sa labas

 Sangkahig, sangtuka — Ginagasta ang siyang kinikita.

 Tagong-bayawak — madaling makita sa pangungubli

 Tawang-aso — tawang nakatutuya

 Bukás ang palad — magaang magbitiw ng salapi;

 Kadaupang-palad— kaibigang matalik

 Kumindat sa dilim — nabigo; nilubugan ng pag-asa

 Lawit ang pusod — balasubas

 Ligaw-tingin — torpe

12
 Mababaw ang luha — iyakin; bawat kalungkutan ay iniiyak

 Mabigat ang dugo — kinaiinisan

 Magaan ang bibig – palabati; magiliw makipagkapuwa

 Mainit ang mata —nagdadala ng kamalasan kapag nagmiron sa sugalan

 Manipis ang balát—madaling masaktan kapag sinabihan

 Marumi ang noo — taong may kapintasan

 May balahibo ang dila — sinungaling

 May bálat sa batok — malas

 May bituin sa palad — masuwerte sa lahat ng bagay

 May kuko sa batok —di-mapagkakatiwalaan

 May kurus ang dila — nagkakatotoo ang bawat sabihin

 May nunal sa paa — Layás; mahilig maglagalag

 May tala sa noo — babaeng ligawin o malimit suyuin ng mga lalaki

 Nakadikit ng laway — tanggalin; madaling tanggalin

 Namuti ang talampakan — tumakbo palayo dahil sa natakot o naduwag.

 Nasa dulo ng dila — hindi masabi-sabi; hindi matandaan, bagama’t alam na alam

 Naulingan ang kamay — nagnakaw; kumupit ng salapi

 Puting tainga — maramot

TAYUTAY

 Ito ay ang sinadyang paglayo sa karaniwang paraan ng paggamit ng mga salita sa layuning
gawing makulay, kaakit-akit at lalong mabisa sa pagpapahayag.

 May iba’t ibang uri ng tayutay ito ay ang mga sumusunod:

1. Pagtutulad (simile)

 Paggamit ng di-tuwirang pagkukumpara ng dalawang bagay na magkaiba ng uri at gumagamit


ng mga parirala tulad ng tulad ng, kawangis ng, gaya ng, animo’y at iba pa.

Halimbawa:

Tulad ng isang ibon, tao rin ay namamatay.

2. Pagwawangis (metaphor)

13
 Paggamit ng mga pahayag na nagpapahaiwatig ng pagkukumpara ng dalawang bagay na
magkaiba ng uri. Hindi na ito ginagamitan ng mga pariralang tulad ng, kawangis ng, gaya ng,
animo’y at iba pa.

Halimbawa:

Ang kanyang buhay ay isang bukas na aklat.

3. Pagbibigay-katauhan (personification)

 Pagsasalin ng mga katangian ng tao sa isang bagay. Naipahayag ito sa pamamagitan ng paggamit
ng pandiwa.

Halimbawa:

Sumasayaw ang mga alon sa karagatan.

4. Pagmamalabis (hyperbole)

 Isang pahayag na eksaherado o labis sa katotohanan.

Halimbawa:

Nagliliyab ang mga mata ng lalaki dahil sa galit.

5. Pagtawag (apostrophe)

 Isang pagbulalas ng pagkausap sa isang tao (karaniwang patay o wala sa isang tiyak na pook) o
isang bagay o bahagi ng kaligtasan na binibigyan ng katangiang pantao.

Halimbawa:

Tukso, layuan mo ako.

6. Pagpapalit-tawag (metonymy)

 Paggamit ng isang salitang panumbas o nagpapahiwatig ng kahulugan ng di tinutukoy na salita;


ang pagpapalit ng katawagan sa bagay na tinutukoy.

Halimbawa:

Igalang natin ang mga maputing buhok.

7. Pagpapalit-saklaw (synecdoche)

 Pagbanggit ng bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan; maaari namang nag-iisang tao ang
kumakaktawan sa ibang pangkat.

Halimbawa:

Isang kayumanggi ang pinangaralan sa larangan ng boksing.

8. Paghihimig (onomatopoeia)

 Paggamit ng tunog o himig ng salita ay nagagawang maihatid ang kahulugan nito.

14
Halimbawa:

Kumabog sa matigas na lupa ang bumagsak na kargamento mula sa trak.

9. Pagtatambis (oxymoron)

 Paglalahad ng mga bagay na magkasalungat upang higit na magkatingkad ang bisa ng


pagpapahayag. Ito ay kadalasang mahaba.

Halimbawa:

Siya’y isang taon napanday ng panahon. Naranasan niya ang maghirap at yumaman,
nakilala, at di-napansin, lapitan ng mga kaibigan sa panahong mayroon siya at itakwil sa kawalan
niya. Kaya handa naniyang harapin ang pakikibaka sa buhay.

10. Paglulumanay (euphemism)

 Paggamit ng mga salitang nagpapaganda ng pangit na pahayag.

Halimbawa:

Ang lalakeng naglalaro ng apoy ay humantong sa isang makabagbag damdaming tagpo


sa harap ng kapitbahay.

11. Pag-uyam (Irony o Sarcasm)

 paggamit ng mga salitang kabaligtaran na kahulugan at taliwas sa katotohanan.

Halimbawa:

Siya ay may magandang mukha na kung saan tanging ina niya lang ang humahanga.

12. Pagtanggi (Litotes)

 Gumagamit ng panangging HINDI upang maipahayag ang makabuluhang pagsang-ayon.

Halimbawa:

Hindi ko sinasabing ayaw ko sa kanya pero suklam na suklam ako sa kanya.

13. Tanong Retorikal

 Ito ay isang tanong na hindi naman talaga kakailanganin ng sagot kundi ang layunin ay maikintal
sa isipan ng nakikinig ang mensahe.

Halimbawa:

Pag-ibig nasaan ka, angkinin mo ang lahat ng emosyong mayroon ako!

14. Pag-uulit (Alliteration)

 Pag-uulit ng mga tunog-katinig o magkatulad na titik o pantig sa inisyal na bahagi ng salita.

Halimbawa:

15
Luminga si Romy sa kapaligiran, lumakad ng ilang hakbang, lumingon sa pinanggalingan
at nagdudumaling lumabas sa lumang gusaling mahabang panahon na ring naging bilangguan ng
kanyang yayat na katawan.

Below is the LET Reviewer for General Education GENED


1. Sinabini Carlos P. Romulo saisaniyangakda, “Ang Pilipino ay may dugong maharlika.”
Anoangkahulugannito?
a. Ang Pilipino ay nanggalingsamalayanglahi
b. Ang Pilipino ay sadyangmabutiangbudhi.
c. Ang Pilipino ay galingsamayamanglahi
d. Ang Pilipino ay madalingmaipagbili
Answer: A

2. Alinsamgasumusunodangpinakatamangpangungusap?
a. Angmgakabataansalansangan ay naglalaro at nagtatakbuhansalansangan.
b. Angkabataan ay naglalarokungmaliwanagangbuwan at nagtatakbuhansalansangan.
c. Angmgakabataan ay naglalaro at nagtatakbuhansalansangan kung maliwanaganggabi.
d. Angmgakabataankungmaliwanagangbuwan ay nagtatakbuhansalansangan at naglalaro.
Answer: C

3. Piliin anggawi ng pagsasalita: Kasiyahankonangmakitangkayo’ynagmamahalan.


a. Pangarap
b. Pagkontrol ng kilos
c. Pagkuha ng impormasyon
d. Pagbabahagi ng damdamin
Answer: D

4. Angkaugnayan ng pagkakapatay kina Burgos, Gomez at Zamora sapanitikang Pilipino ay


a. Nanatilingmasiglaangdiwang Pilipino
b. Nakagisingsadamdamingmakabayan ng mga Pilipino
c. Natutonglumabagsabatas at lumabansa may kapangyarihanangmga Pilipino
d. Naimpluwensyahanangdiwangalipin ng mga Pilipino
Answer: B

5. Laging UMUUKILKIL saisipan ng amaangnasirangpangako ng anak.


a. Sumasagi
b. Gumugulo
c. Bumubuhay
d. Sumasapi
Answer: B

6. AngKagawaran ng UgnayangPanlabas ng Pilipinas ay gulong-gulokapag may giyerasaibangbansa.


Anoangunangginagampanan ng ambassador ng bansa?
a. Bilanginangmganasugatan at nasawi
b. Alaminangmgatirahan ng mga Pilipino sabayangiyon.
c. Ipuninangmgamaykaya at ipalipadpauwi.
d. Bayaangmagsipag-uwiansasarilingsikapangbawatisa
Answer: B

16
7. Anoangpokus ng pandiwasapahayagna “Bumili ng bagongsasakyansi Angelo”?
a. Pokussadireksyon
b. Pokussakagamitan
c. Pokussasanhi
d. Pokussaaktor
Answer: D 

8. Kabaliwan at paglulustayanginyongginagawataon-taon. Higitnamaramiangmaralitangnangangailangan


ng salapi at dunong. Angnagsasalita ay
a. Kuripot
b. Matipid
c. Maramot
d. Praktikal
Answer: D

9. Nasaanongkaganapan ng pandiwaangpangungusap?
Naglaro ng basketball sa Rizal Stadium angkoponan ng amingpamantasan.
a. Sanhi
b. Tagaganap
c. Kagamitan
d. Ganapan
Answer: D

10, Saalingsalitamagkakaroon ng saglitnapaghinto kung pinagpipilitangsi Rose angnakabasag ng


pinggan?
Hindi si Rose angnakabasag ng pinggan.
a. Rose
b. Hindi
c. Nakabasag
d. Pinggan
Answer: B

11. Anongtayutayangtinutukoysapahayag.
Durogangkatawangbumagsaksasementosi Miguel.
a. Pagtutulad
b. Pagbibigaykatauhan
c. Pagmamalabis
d. Pagwawangis
Answer: C

12. Sino angpinagkalooban ng karangalanbilang “UnangTunaynaMakata” noong 1708?


a. Jose dela Cruz
b. Felipe de Jesus
c. Francisco Balagtas

17
d. Jose Corazon de Jesus
Answer: B

13. “Magtatrabahoako at ikaw ay mag-aaralupangmakataposka ng pag-aaral.” Anonguri ng


pangungusapito?
a. Payak
b. Tambalan
c. Hugnayan
d. Langkapan
Answer: D

14. Mag-aalas-singkona _____ umaga _____ magisingsiya.


a. ng – ng
b. nang – nang
c. ng – nang
d. nang – kapag
Answer: C

15. Angbutongtinangay ng aso, walangpagsalangnalawayanito. Angkaisipangito ay


tumutukoysakatotohanan ng ______.
a. Pagnanakaw
b. Pagtatanan
c. Pagpapakasal
d. Pakikipagkaibigan
Answer: B

16. Anonguri ng pagbigkasangsalitang “dambuhala”?


a. Malumi
b. Mabilis
c. Maragsa
d. Malumay
Answer: A

17. Angkatawagansapangngalan, pang-abay, pang-uri at pandiwa ay?


a. Palabuuan
b. Pangkayarian
c. Pangnilalaman
d. Palaugnayan
Answer: C

18. Angpanukalanginihainniya ay lubhangmalalim at mahiraparukin.


a. Abutin 
b. Unawain
c. Sukatin
d. Tanggalin
Answer: B

19. Angwikang Filipino ay hawigsamgawikasaAsya. Alinditoangpinagmulan ng wikang Filipino?

18
a. Bahasa
c. Nihonggo
d. Mandarin
d. Malayo-Polinesyo
Answer: D

20. Anoangkatumbas ng “Dekalogo” niApolinarioMabininanagsasaad ng aralsa Filipino?


a. Mosaic Law
d. Code of Ethics niKalantiaw
c. New Society ni Pres. Marcos
d. Code of Citizenship ni Pres. Quezon
Answer: A

21. Siya ay hinirangnataga-sensus ng bahay-bahay. Anoangkanyangnalikom?


a. Angbilang ng taosabahay
b. Angkayamanan ng may-bahay
c. Angdatostungkolsamgabatasabawatbahay
d. Angdatostungkolsamgananinirahansabawatbahay
Answer: D

22. Kami angkabataangsiyangmagigingpag-asa ng bayan. Paanoginamitangsalitang may salungguhit?


a. Pagtukoy
b. Pagpuri
c. Panghalip
d. Pagmamalaki
Answer: A

23. Walangtubigkahapon. Ito ay pangungusapna:


a. May paksa
b. Walangpandiwa
c. May panaguri
d. Walangpaksa
Answer: D

24. Ipinagmamalakimosiya, BAHAG namanpalaangkanyang BUNTOT. Angibigsabihin ng salitang may


malakingtitik ay:
a. Kuripot
b. Traydor
c. Duwag
d. Mahiyain
Answer: C

25. Sabihinanggawi ng pananalitangito: “Bawaltumawid, maynamataynadito!”


a. Pananakot
b. Pagtukoy
c. Babala
d. Paalala
Answer: C

19
26. Pinakamahalagangnobelang Pilipino samaramingtaonnanalimbagnoong 1906 at
tumalakaynangmasinsinansapaksangpuhunanlabanpaggawa at sasosyalismoang _____.
a. Luha ng Buwaya
b. Banaag at Sikat
c. IbongMandaragit
d. Pangginggera
Answer: B

27. Ayon kay Balagtas, “anglakisalayaw, karaniwa’yhubad” kaya angmgabata ay 


a. jeproks
b. nag-aartista
c. nakapagtatapossapag-aaral
d. hindisumusunodsamagulang
Answer: D

28. Noongtaong 1962, anoangpagbabagosapaglimbag ng diploma at sertipiko ng pagtatapos?


a. Pinahihintutanangpribadongpaaralannamaglimbagsawikang Ingles
b. Nilimbagsa Tagalog ang diploma sa di-Tagalog nabayan
c. Nilimbagsa Filipino ang diploma ngunit may Ingles
d. Nalimbagsa Filipino ang diploma
Answer: D

29. Anggintongpanahon ng mgamanunulatnoongpanahon ng Amerikano ay batidsauring


a. Sanaysay
b. Nobela
c. Panulaan
d. Maiklingkwento
Answer: D

30. Alinsamgasumusunodang may wastonggamit ng tinig ng pandiwa?


a. Anghinogna papaya nakinuhasapunoni Marie. 
b. Kinuhani Marie anghinogna papaya sapuno.
c. Kinuhasapunoanghinogna papaya ni Marie.
d. Papayanghinogangkinuhasapunoni Marie.
Answer: B

GOOD LUCK !!!

20
21

You might also like