Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Batangas State University

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


ARASOF-Nasugbu Campus
R. Martinez St., Brgy. Bucana, Nasugbu, Batangas
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6

I. Layunin
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naibibigay ang kahulugan ng wika.
b. Nailalahad ang iba’t ibang teorya ng pinagmulan ng wika.
c. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa kultura at sining tulad ng wika at sa mga
teorya ng pinagmulan nito.

II. Paksang Aralin


Paksa: Teoryan ng pinagmulan ng wika
Sanggunian: K-12 Teacher’s Guide Filipino Grade 10, Pinagyamang Pluma:
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino nina Alma M. Dayag
at Mary Grace G. del Rosario, pahina 76-78.
Kagamitan: Laptop, speaker, mga larawan

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral
B. Pagganyak
Bago tayo magsimula ng ating
talakayan, ay may inihanda muna
akong isang gawain at ito ay
pinamagatan kong “PAKINGGAN MO
NAMAN AKO” na kung saan ang
kailangan ninyo lamang gawin ay
makinig nang mabuti. Pagkatapos nito
ay may ilan akong katanungan na
kailangan ninyong sagutin. Handa na
ba ang lahat?
PAGPAPARINIG

Ano ang inyong naobserbahan sa ating


gawain?

Tama ang iyong kasagutan, mga


pawang tunog ang inyong
napakinggan, ano pa?

Mahusay. Ilan nga sa mga napakinggan


natin ay mga tunog ng hayop, tao,
musika, at iba’t-ibang bagay sa ating
kapaligiran. Sa inyong palagay, ano
kaya ang pagtatalakayan natin para sa
araw na ito?

C. Paglalahad

Mahusay! Ang atin ngang


pagtatalakayan para sa araw na ito ay
may kinalaman sa tunog sapagkat
ating aalamin kung ano-ano ang mga
Teorya ng Pinagmulan ng Wika. Ngunit
bago iyon ay bigyan muna nating
pakahulugan ang salitang Teorya at
Wika. Ang Teorya ang tawag sa
siyentipikong pag-aaral sa iba’t-ibang
paniniwala ng mga bagay-bagay na
may mga batayan, subalit hindi pa
napapatunayan. Samantala, ang Wika
naman ay ang kalipunan ng mga
simbolo, tunog, at mga kaugnay na
bantas upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan. Naintindihan ba?
D. Pagtalakay ng aralin

Ngayon ay alam na nating lahat ang


kahulugan ng Teorya at Wika, ibig
sabihin lamang nito ay ang ang Teorya
ng Wika ay siyang batayan sa
pinagmulan ng wika. Malinaw ba?

Mabuti kung ganoon. Ngayon ay


pagtalakayan natin ang limang (5)
teorya ng pinagmulan ng wika. Una na
rito ay ang Teoryang Bow-wow.
Nagmula ang wika sa paggaya ng
tunog na likha ng mga bahagi ng
kalikasan. Maaring ito ay buhat sa
hayop, halaman, hangin, o tubig.
Halimbawa, tahol ng aso, tilaok ng
manok, huni ng ibon, o hampas ng
alon. May makapagbibigay pa ba ng
ibang halimbawa?

Mahusay! Tama ang iyong nagging


kasagutan. Naintindihan ba? Ikalawa
ay ang Teoryang Ding-dong.
Ipinalalagay naman ng teoryang ito na
kinakatawan ng isang ispisipikong
tunog ang mga bagay sa kapaligiran.
Halimbawa, kalembang ng kampana,
kleng-kleng, tiktak ng orasan, tiktak, o
kring kring ng telepono, kring kring.
May makapagbibigay pa ba ng
halimbawa?

Tama! Sino pa?

Tama ang iyong kasagutan. Ngayon ay


malinaw na ba?
Dumako naman tayo sa ikatlo. Ito ay
ang Teoryang Pooh-pooh. Nagsasaad
ito na ang mga tao ay lumilikha ng mga
likas na tunog at may pakahulugan
tayo sa mga tunog na ito sapagkat tayo
ang lumikha. Sinasabing ito’y
nagsisimuls sa silakbo ng damdamin o
sa pagbubulalas ng pagtataka, takot,
galit, tuwa o iba pa. Halimbawa, tunog
kapag natutuwa, yehey, nagagalit,
arghh, o umiiyak, huhu. Sino pa ang
makapagbibigay ng mga halimbawa?

Tama ang iyong kasagutan.


Naintindihan ba?

Para naman sa ikaapat ay ang


Teoryang Ta-ra-ra boom-de-ay. Ito
naman ay ang teorya ng wika na nag-
ugat sa mga tunog na nilikha sa mga
ritwal na kalauna’y nagpabago-bago at
nagkaroon ng ibang kahulugan.
Halimbawa ay ritwal habang
nanggagamot, nagtatanim, o
nakikidigma. May makapagbibigay ba
ng iba pang halimbawa?

Tama ang iyong nagging kasagutan.


Naintindihan ba?

Pumunta naman tayo sa ikalima at


huli, ito ay ang Teorya ng Tore ng
Babel. Ang teoryang ito ay halaw sa
banal na kasulatan o bibliya. Ayon dito,
noong unang panahon, ang mga tao ay
may iisang wika. Nagplano silang
magtayo ng isang tore upang hindi na
magkawatak watak at mahigitan nila
ang Panginoon. Nang malaman ito ng
Panginoon ay kaniyang sinira at
winasak ang tore. Nang nawasak ang
tore, nagkahiwa-hiwalay na ang mga
tao sanhi upang magkaroon sila ng
iba’t-ibang wika hanggang sa kumalat
ito sa buong mundo. Halimbawa, ang
mga Pilipino sa Pilipinas ay gumagamit
ng wikang Filipino, ang mga Chinese
naman sa China ay Mandarin, at ang
mga tao naman sa bansang Amerika ay
Ingles. Naintindihan ba? Sa kabuuan,
maraming haka-haka hinggil sa
pinagmulan ng wika. Sa dinami dami
ng teorya ng tao, hindi pa rin
maipaliwanag kung saan, kung kalian,
o paano talaga nagsimula ang wika.

E. Paglalapat

Malinaw at naiintindihan ba ang


teorya ng pinagmulan ng wika?

May mga katanungan bang nais


linawin?

Kung gayon ay mangyari lamang na


hahatiin ko kayo sa limang pangkat, na
kung saan kinakailangan ninyong
maghanda ng isang dula-dulaan na
may kaakibat na aral kung saan
maipapahayag at magagamit ang iba’t-
ibang teorya ng wika.

Para sa Pangkat 1, sa inyo ang


Teoryang Bow wow. Teoryang Ding-
dong naman sa Pangkat 2, Teoryang
Pooh pooh sa Pangkat 3, Teoryang Ta-
ra-ra-boom de-ay sa Pangkat 4, at
Teoryang Tore ng Babel naman sa
huling pangkat.

Narito ang mga pamantayan.


(Pamantayan)

Naintindihan ba ang aking panuto


gayundin ang pamatanyan?

Mabuti. Mayroon lamang kayong 10


minuto para tapusin ang naiatang na
gawain. Maari na kayong magsimula,
at kung may katanungan ay tanungin
ninyo ako.

Tunay nga namang napakahusay at


napakagaling ng inyong naging
pagtatanghal. Ngayon, ay batid kong
natuto kayo sa ating naging
pagtatalakayan.

F. Paglalahat

Sa pagkakataong ito ay may


katanungan ako sa inyo. Sa inyong
palagay, paano nakatutulong ang mga
Teorya ng wika sa ating pang-araw
araw na pamumuhay?

Mahusay! Sa pamamagitan nga ng mga


teorya ay ating natutukoy ang mga
tunog na naririnig natin sa ating
kapaligiran gayon din ang nais na
iparating na mensahe. At dahil din sa
wika, nalalaman natin ang kahulugan
ng mga bagay sa paligid.

G. Pagpapahalaga

Bago tayo magtapos sa ating talakayan


ay ating dugtungan ang mga pahayag
hinggil sa iyong kaalaman sa wika at sa
teorya ng pinagmulan nito.

Para sa unang pahayag,


ALAM KO NA_____
ALAM KO NA
NANINIWALA AKO NA______
SISIKAPIN KO NA__________

Mahusay! Napakagaling ng inyong mga


nagging kasagutan. Lagi lamang nating
tatandaan na ang wika at mga tunog
ay pawang mga biyaya na ating
marapat na aralin at pakamahalin.
Batid kong marami kayong natutunan
sa araw na ito.

May mga ideya ba na nais linawin?

Mahusay kung wala.

IV. Pagtataya

Kung gayon ay mangyari lamang na


kuhanin ninyo ang inyong mga
kwaderno sa Filipino at sagutan ito.

Mabigay ng tig-dalawang halimbawa


sa kada teorya ng pinagmulan ng wika

1. Teoryang Ding Dong


2. Teoryang Bow-Wow
3. Teoryang Pooh-Pooh
4. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
5. Teoryang Tore ng Babel

Takdang Aralin:

1. Sagutin ang mga sumusunod na


katanungan sa iyong aklat na Filipino
Komunikasyon, pahina 80.
2. Basahin ang aralin na matatagpuan
sa pahina 82.

  Inihanda ni:

Guro sa Filipino 6

You might also like