Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Learning Area  

 FILIPINO    
Learning Delivery Modality    MODYULAR    
SAN JUAN NATIONAL HIGH
Paaralan SCHOOL Baitang  8
LESSON
Guro CYNTHIA S. ABANGAN Asignatura  FILIPINO
EXEMPLAR
Petsa Agosto 24-26,2020 Markahan  UNA
Oras 1:00 - 2:00 ng hapon Bilang ng Araw  2
I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nakikilala ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga karungang-bay


partikular na ang salawikain, sawikain at kasabihan.
b. Naiuugnay ang aral at mensaheng nakapaloob sa karungang bay
sa kasalukuyang kaganap sa paligid.
c. Nakasusulat ng salawikain, sawikain o kasabihan kaugnay sa m
larawang nagpapakita ng mga pangyayari sa tunay na buhay.

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan s
Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon.

B. Pamantayang Pagganap
Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo.

C. Pinakamahalagang Kasanayan
sa Pagkatuto Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-
(MELC) bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan. F8PB-Ia-c-22

D. Pampaganang Kasanayan
II.NILALAMAN KARUNUNGANG BAYAN

III.KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng MELC FILIPINO G8, PIVOT BOW R4QUBE, Curriculum Guide : (p.23)
Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan Grapikong presentasyon, mga larawan mula sa DOH, mga larawan mula sa
mula sa Portal ng Learning fb page ng Brgy. San Juan, Kalayaan, larawan mula sa
resource https://www.pinterest.co.uk/pin/80290805840142997/
B. Listahan ng Kagamitang Panturo Modyul
para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV.PAMAMARAAN
A. INTRODUCTION (Panimula) A. Panimulang Pagtataya
(1/2 Araw) Panuto: Basahin ang katanungan sa bawat bilang at piliin ang titik
ng wastong sagot.

1. Ito ay isang palaisipan na nasa anyong patula. Ano ito?


a. Palaisipan c. Salawikain
b. Bugtong d. Kasabihan
2. Mainam ba na ituro sa kabataan ang salawikain?
a. Opo sapagkat nakapagpapaunlad ito ng aspetong intelektw
at emosyonal.
b. Opo upang sila ay malibang
c. Hindi po sapagkat moderno na ang panahon
d. Hindi po sapagkat ang mga ito ay lumang bahagi na ng atin
kultura
3. Alin sa sumusunod ang hindi uri ng katunungang-bayan?
a. Salawikain c. sawikain
b. Kasabihan d. alamat
4. Alin sa mga pahayag ang halimbawa ng karunungang-bayan?
a. Pagsikat ng araw
b. Matalik na kaibigan
c. Di makabasag pinggan
d. Sa ngalan ng pag-ibig
5. Ano ang kahulugan ng ‘’Makapal ang palad’’
a. Maswerte
b. Mapagbigay
c. Anak ng mahirap
d. Masipag

B. Paghahabi ng Layunin

Pokus na Tanong: May kaugnayan ba ang mga karunungang bay


sa mga pangyayari sa kasalukuyan?

C. Gawain 1: Munting Katuwaan


Panuto: Sagutin ang bugtong sa pamamagitan ng pagpili ng
kasagutan sa mga larawan.

1. Kaylapit-lapit na sa mata di mo parin makita.


2. Isang butil ng palay, sakop ang buong bahay.
3. Maliit na parang sibat, sandata ng mga pantas.
4. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
5. Kaisa-isang plato, kita sa buong mundo.

Nasagutan mo ba ng wasto ang mga bugtong? Magaling kung gayo


Ang bugtong ay isang anyo ng laro na nangangailangan ng talas ng isip
pagbibigay ng sagot na kadalasang ginagawa ng mga binata at dalaga
isang lamayan, pistahan o iba pang kasiyahan na kanilang dinadaluhan. I
ay may tugma, sukat, kariktan at talinghaga.
Ayon kina Deveza at Guamen, sa kanilang aklat na ‘’Panitiakn
Pilipino’’, mayaman sa maikling berso ang mga tagalog. Ang mga berson
ito ng matatandang Pilipino ay karaniwang naririnig kaysa nababas
Katunungang-bayan ang tawag dito at isa na rito ang bugtong.

Nais mo pa bang matuklasan ang iba pang karunungang bayan? Hali


at ating talakayin sa kasunod na bahagi ng ating aralin.

2. Development
( Pagpapaunlad) Gawain 2: Ala-ala ng Lumipas
( 1/2 Araw)
Pansinin mo ang larawan at sagutin ang kaugnay na tanong:

1. Ano ang
sinasabi ng
larawan patungkol sa pamumuhay noon?
2. Sa iyong palagay, ano ang kanilang naging gabay sa ganitong uri n
pamumuhay?
3. May naiambag kaya sa kanilang pamumuhay ang mga karunungan
bayan?

Maraming salamat sa iyong mga kasagutan. Pinaniniwalaan na nagin


bahagi ng sinaunang pamumuhay ang mga karunungang bayan sapagkat
kabila ng payak na pamumuhay ay nanatili maligaya at payapa an
pamumuhay noon.

Pagtalakay sa konsepto
KARUNUNGANG-BAYAN

Kasama sa kabang-yaman ng karunungang-bayan sa ating bansa bago


dumating ang mga Espanyol ay ang salawikain, sawikain at kasabihan.

Halina at alamin natin ang kanilang pagkakakilanlan.

SALAWIKAIN - Karaniwang patalingahaga ang salawikain na m


kahulugang nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat ng m
sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.
Halimbawa:
Kapag ang tubig ay magalaw,
Ang ilog ay mababaw.

Ang sakit ng kalingkingan,


Damdam ng buong katawan.

Sala sa lamig,
Sala sa init.

Aanhin mo ang palasyo, kung ang nakatira ay kuwago? Mabuti pa ang bah
kubo, basta ang nakatira ay tao.

SAWIKAIN – Ang pagsasawikain o pagtatambis ay isang paraan n


pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasan an
makasakit ng loob. Ang sawikain o patambis samakatuwid ay ang salitan
eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging magan
ang paraan ng pagpapahayag.

Halinbawa:

 Parang natuka ng ahas – nakatulala


 Malayo sa bituka – hindi malubha
 Itaga mo sa bato – pakatandaan
 Makati ang kamay – magnanakaw

KASABIHAN – Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito ay hin


gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan nito. Ang kilos, gawi
ugali ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan.

Halimbawa:

Tulak ng bibig,
Kabig ng dib-dib

Ubos-ubos biyaya,
bukas nakatunganga.

Ang anak na magalang ay kayamanan ng magulang.

Kung ayaw mong maghirap,


Ikaw ay magsikap!

Gawain 3: Subukin mo nga!

Matapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon patungkol


aralin ay nakatitiyak akong malinaw na sa iyo ang konsepto ng salawikai
sawikain at kasabihan. Bilang pagsasanay ay ilahad mo ang pagkakaiba
pagkakatulad ng mga karunungang-bayan na tinalakay gamit ang Ven
Diagram. A. SALAWIKAIN

D. PAGKAKA TULAD

B. SAWIKAIN C. KASABIHAN

3. Engagement ( Pagpapalihan) Gawain 4: Mga Payo ng Lola Ko!


( 1/2 araw)
Magandang buhay! Ako si Pot, nais
kong ipakilala sa iyo ang aking lola
Rida. Mayroon siyang payo para sa
atin. Pumili ka ng isa sa kanyang
mga payo at iugnay mo ang kaisipan
o mensahe nito sa kasalukuyang
pangyayari sa ating paligid. Gawin
mong gabay ang rubriks sa iyong
pagsasagot.

Magandang buhay sa inyo!


Narito ang mga karunungang-
bayang naging gabay ko mula sa
aking mga magulang. Ngayon ay
ipinapasa ko sa inyo bilang payo.
Mainam ito sapagkat tiyak na
maiuugnay ninyo ito sa tunay na
buhay at mga pangyayari sa ating
kapaligiran sa kasalukuyan.

Walang umaani ng tuwa na hindi sa hirap nagmula.


Ang tunay na karangalan ay nagsisimula sa paggalang sa magulang.

Ang paalala ay mabisang gamot sa taong nakalilimot.

Huwag mong gawin sa kapwa moa ng ayaw mong gawin sa iyo!

BATAYAN

Nilalaman at organisasyon ng mga Lubos na naipaliwanag ang


kaisipan o mensahe (5) mahalagang kaisipan na
nakapaloob sa karungang-bayan.

Kaugnayan sa napiling halimabawa Lubos na naiuugnay ang kaisipan


(5) ng karunungang-bayan sa
kasalukuyang pangyayari sa tunay
na buhay, personal mang karanasan
o nasasaksihan sa paligid.
Gawain 5: Kayang-kaya ko!
Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay salawikain, sawikain
kasabihan.

1. Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.


2. Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan.
3. Ang malinis sa katawan, ay malayo sa karamdaman.
4. Namamangka sa dalawang ilog
5. Kumukulo ang sikmura
6. Ano man ang iyong gagawin, makapitong beses na dapat isipin.
7. Pag ang tubig ay magalaw, ang ilog ay mababaw
8. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad
9. Bukas palad
10. Mapurol ang utak

4. Assimilation (Paglalapat)
( 1/2 araw) Gawain 6: Sa amin sa Kalayaan
Panuto: Ang sumusunod na larawan ay nagmula sa mga kaganapan sa
munting bayan ng Kalayaan. Sumulat ka nga ng anumang karunungang-
bayan na maiuugnay mo sa pangyayaring ipinakikita ng larawan.
1. _________________________________________
_________________________________________
2. _______________________________________
_______________________________________

3.__________________________________________
__________________________________________

4.___________________________________
___________________________________
5.______________________________________
_______________________________________

V. Pagninilay Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno o journal ng kanilang


(Kasabay sa araw ng Paglalapat) nararamdaman o realisasyon batay sa kanilang naunawaan sa aralin.

Nauunawaan ko na ang mga karunungang bayan ay may kaugnayan sa


kasalukuyan sapagkat _______________________
Nabatid kong _______________________________________________

You might also like