Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAMARAAN NG PANANALIKSIK

ANG EPEKTO NG ONLINE GAMES SA MGA PILING MAG-AARAL NG BAITANG-11 PANGKAT ST. JOHN NG
ST. PETER’S COLLEGE OF TORIL INC., SA TAONG 2021-2022

Ang kabanatang ito ay nagtataglay ng disenyo ng pananaliksik, teknik ng pagsusuri, paraan ng


pagbibigay-halaga sa mga datos tungo sa masusing pag-aaral. Ipinaliwanag nito ang pamantayan sa
pagsusuri at pagbibigay ng interpretasyon.

Paraan ng Pananaliksik

Sa pag-aaral na ito ay ginamit ang disenyong palarawan at pasuri sapagkat gumagamit ito
ng survey form sa google documents upang makakalap ng mga datos na kinakailangan sa
pananaliksik. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang online games ay may naidudulot na
epekto sa mga mag-aaral na mga manlalaro. Sa pamamagitan nito, malalaman kung ano-ano ang
positibo at negatibong naidudulot sa kanilang mga buhay at kalusugan batay sa isinagawang
surbey.
Pinasagot din ang 20 na mag-aaral ng pangkat 11 ng St. John sa pamamagitan ng
talatanungan na inihanda ng mga mananaliksik upang makakuha at makapagtipon ng mga datos.
Ang mga datos na nagmumula sa mga respondents ay ginamit upang masagot ng mga
mananaliksik ang mga katanungan sa pag-aaral na ito.
Ang surbey na isinagawa ay ginamit upang matukoy kung parehas nga ba ang epekto ng
mga online games sa bawat tao. Naniniwala rin ang mga mananaliksik na ang paggamit ng
deskriptong metodolohiya tulad ng surbey ay ang pinakamabisang gawin upang mas mapadali
ang pangangalap ng mga datos.
Teknik sa Pagsusuri

Binigyang-kalutasan sa pag-aaral na ito ang suliranin sa pamamagitan ng pagtitipon ng


mga kaisipang iniuugnay sa mga datos na natuklasan.
Sa pag-aaral na ito, sinuri ang mga dahilan na tumutugon sa epekto ng online games sa mag-
aaral ng pangkat 11 ng St. John sa St. Peter’s College of Toril kung ito ba ay positibo o negatibo.
Gumawa ang mananaliksik ng mga angkop na pamantayan upang makabuo ng isang
pangkalahatang anyo na maaaring sundin sa mga susunod na mga pag-aaral.
Bukod sa mga nabanggit, ginamit ding ang suusunod na mga paraan:
- Paggamit ng kompyuter upang makuha ang mga datos sa iba’t ibang sangunian.
- Paggawa ng isang komprehensibong listahan ng mga tanong kung saan ito ang
magiging basehan sa pagpapakinayam sa iba’t ibang mga respondente.
Sa paraang ito mas magiging madali para sa mga mananaliksik na pag-aralan at suriin
ang mga impormasyong nakuha galing sa mga respodante.
Paraan ng Pagbibigay-halaga sa mga Datos
Ang pangangalap nga mga datos ay hindi nagiging makabuluhan kung hindi pinag-
uukulan ng sapat na pagpapahalaga ng mga ito.
Ang mga mananaliksik ay minabuting sinuri at inunawa ang mga nakalap na datos upang
makabuo ng tunay na larawan at anyo ng isang makabuluhang babasahin tulad ng
dokumentasyon tungkol sa epekto ng online games sa mga mag aaral ng pangkat 11 St. John sa
St prtrt’s College of Toril, INC. sa Taong 2021 - 2022.
Sa pag-aaral na ito ay gumamit ng pamaraang estadistikal upang makapagbigay ng
maayos na interpretasyon ang mga naitalang datos na makakapagbigay ng linaw sa pag-aaral na
ito.
Narito ang pormulang ginamit:
P= F/N x 100
Kung saan ang P = percentage o bahagdan
F= frequency count
N= total frequency
Sinurining abuti ang mga

Paksa ng pag-aaral
Ninais ng mga mananaliksik bigyan pa ito ng karagdagang pag-aaral upang matuklasan ang mga
salik sa pag-aaral na ito. Sinikap nilang tuklasin ang mga epektong dulot ng paglalaro ng online
games upang makapagbigay aral at impormasyon sa mga mag-aaral na labis na naglalaro.

Inalam nila ang mabuti at masamang dulot nito upang tumugon sa pangangailangan na makapagbibigay-
solusyon sa mga suliranin tungkol sa paglalaro ng online games gayun din ang pagbibigay pagganyak nito
sa iba.

Pamamaraan ng Pagsusuri
Matapos na malikom ang lahat ng mga datos, minabuti at sinikap ng mga mananaliksik na
makabuo ng isang pamantayan sa pagsusuri na kung saan ay maaaring magamit sa susunod pang
pag-aaral na may tuon sa paksa, dahilan, at epekto na nakapaligid dito. Ito ay gagamitan ng
paglalarawan, pagtatangi, pag-uugnay, interpretasyon o pagsusuri, paglalahat, pagpapahalaga,
pagtataya at paglikha.

You might also like