Share Untitled Document

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

METODOLOHIYA

ilalahad sa kabanatang ang mga teknik on paraan na gagamitin sa


pananaliksik.Sinasaklaw nito ang disenyong gagamitin,tungkulin ng mananaliksik,mga
importante at instrumentong gagamitin,paraan ng pangangalap,paraan ng pag aanalisa
ng mga datos,baliti ng mga datos,at konsiderasyong etikal.

Disenyo ng pag-aaral

gagamitin ang disenyong kwalitatib at pamaraang palarawang pagsusuri at pagsisiyasat


(descriptive content analysis).Desktiptibong pamamaraan sa paglalahad at pagsusuri sa
mga makokolektang idyomatikong pahayag.Samantalang indehinus na paraan naman
ang gagamiting teknik sa pangongolekta ng datos at pakkipanayam sa mga mapipiling
impormante saa lugar ng Lambayong Sultan Kudarat.

Tungkulin ng Mananaliksik

Ang mananaliksik ay may tungkuling mangalap at manlikom ng mga idyomatikong


pahayag mula sa mga bihasang ilokano.Susuriin din ang mga malilikom na mga datos
batay sa konotasyon,apektibo,at istaylistikong pagpapakahuluhan ni Leech (1974)sa
pamamagitan ng paggamit ng descriptive content analysis at bubuo ang mananaliksik
ng isang pinasimpleng banghay -aralin mula sa mga malilikom na idyomatikong
pahayag.Gayunpaman,sisiguraduhin ng mananaliksik na ang mga malilikom na datos
ay pawang katotohanan,wasto at walang pagkiling na mangyayari.

Mga Impormante at Instrumento ng pag-aaral

Sa pag-aaral na ito,titiyakin ng mananaliksik na makakakuha ng awtentikong mga datos


sa pamamagitan ng pagbuo ng krayterya sa pagpili ng mga magiging importante.Ang
edad ay nasa apatnapu't lima(50)at pataas,purong Ilokano,isinilang at lumaki sa
Lambayong Sultan Kudarat at may sapat na kakayahan at kaalaman sa mga idyoma ng
tribung Ilokano.Gagamit din ng purposive sampling dahil pipilin lamang ng mananaliksik
ang magiging importante mula sa mga residente ng Lambayong,Sultan Kudarat na
naaayon sa batayan o krayterya ng pagpiling impormante.Sa pagsasagawa naman ng
pangangalap ng datos,ang mananaliksik ay gagamit ng papel at panulat sa magsisilbing
talaan ng mga idyomatikong pahayag ng mga Ilokano.Bukod pa dito,gagamit din ng
cellphone ang mananaliksik para sa dokyumentasyon at audio recorder ang mga
ibabahagi ng mga impormante.

Paraan ng Pangangalap ng mga Datos


Ang mananaliksik ay maglalaan ng sapat na panahon upang makalikom ng mga datos
sa kanyang mga napiling lugar sa bayan ng Lambayong Sultan Kudarat.Upang maging
pormal at maayos na maisagawa ang pag-aaral na ito ay magbibigay rin ng
liham-pahintulot sa kinauukulan ng lugar ng mga impormante.Ang mananaliksik ay
maghahanap ng mga matatandang impormante sa tribung Ilokano na siyang bihasa sa
kanilang pangkat.Gayundin,upang makakalap ng mga idyomatikong pahayag at
maisakatuparan ang mga layunin ng pag-aaral,ang mananaliksik ay magsasagawa ng
pagtatanong at pakikipanayam sa mga napiling impormante.Ang mananaliksik ay lilikom
lamang ng tatlumpung (30)idyomatkong pahayag .Mula sa mga mapapakinggang mga
idyomatikong pahayag ng mga Ilokano na ibabahagi ,itatala ng mananaliksik ang mga
ito sa inihandang talahanayan.Bukod pa dito,upang ang mag-aaral ay isasagawa ay
maging mapananaligan at balido,ang mananaliksik ay hahanap ng tatlong(3)valideytor
na may sapat na kaalaman sa wikang Ilokano at Filipino.

Paraan ng pagsusuri ng mga datos


Mangangalap ng mga datos at impormasyon ang mananaliksik sa pamamagitan ng
pakikipanayam.Upang mas malinaw na maintindihan at mas madaling maisalin ang
mga malilikom na mga datos,isa-isa itong isasatitik sa organisadong
paraan.Pagkatapos maisatitik ang mga malilikom na mga idyoma ng Ilokano maging
ang mga kahulugan nito,mmariing susuriin at titingnan ng mananaliksik kung may
pagkakamali sa pagsasatitik at saka isa-isang isasalin ang mga ito sa wikang Filipino
gamit ang Meaning-based Translation ni Larson(1984).Kung maisalin na ang mga datos
sa wikang Filipino,isa -isa ulit susuriin ang mga kahulugan ng mga makakalap na datos
gamit ang uri ng pagpapakahulugan ni Leech(1974).Susuriin ang mga idyomatikong
pahayag batay sa konotasyon,apektibo,at istaylistikong pagpapakahulugan at saka
itatala sa ilalaang kolum sa talahanayan.Hahanap din ang mananaliksik ng tatlong
(3)valideytor na may sapat na kaalaman hinggil sa wikang Ilokano at Filipino upang ang
gagawing pag-aaral ay maging makatotohanan at balid.

Baliditi ng mga Datos


Matapat na lilikom at ilalahad ng mananaliksik ang mga ipormasyong makakalap
tungkol sa mga idyomatikong pahayag gayundin ang paglalahad nang tapat sa mga
kahulugan dala nito.Bukod pa dito ang mananaliksik ay matapat ding susunod sa
tuntunin ng pananaliksik.
a.Awtensidad (Credibility)-Ang mananaliksij ay hahanap ng tatlong (3)valideytor na may
sapat na kaalaman hinggil sa wikang Ilokano at Filipino upang siguraduhing
totoo,wasto,at balido ang mga impormasyong ilalagay sa pag-aaral.
b.Konsistensi ng mga Datos(Confirmability)-pagsisikapang maging konsistent sa mga
datos na makakalap upang ang pag -aaral na ito ay maaaring magamit ng mga
susunod na mananaliksik na may kaugnayan sa paksang ito.Buong tapat ding ilalahad
ang mga datos at hindi magdaragdag o magbabawas ng mga umpormasyon mula sa
mga makakalap na idyomatikong pahayag ng mga Ilokano.
c.Pagkamaaasahan (Dependability)- bilang tugon sa pangangailangan,ipauunawa sa
mga mambabasa ang resulta ng pananaliksik at maging mas malinaw ang bawat
detalye .
d.Paglilipat(Transferability)- sisiguraduhing balido ang paglilipat ng kaalaman at datos
dahil magpapakita ang mananaliksik ng mga patunay na kung kanino
nagmula,saan,kailan,at paano naisagawa ang pag-aaral.Ipinapakita ang katugmaan ng
mga datos mula sa tunay na pinagmulan bago ang paglilipat.

You might also like