Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Ang PAGBASA ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na

nakalimbag. Isa ito sa mga makrong kasanayang pangwika at isa sa mga pinakagamitin sa
lahat.
Ito ay proseso ng pag-unawa sa mensaheng nais iparating ng may-akda sa mambabasa.
Dahil sa Knowledge explosion, naging lalong mahalaga ang pagbabasa sa sangkatauhan.

Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng pagbabasa:

1. Nakapagdudulot ito ng kasiyahan at nakalulunas ng pagkabagot.


2. Pangunahin itong kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa ibat ibang larangan ng
buhay.
3. Gumaganap ito ng mahalagang tungkulin sa ating pang-araw-araw na buhay.
4. Nalalakbay natin ang mga lugar na hindi nararating, nakikilala ang mga taong yumao
na o hindi nakikita.
5. Naiimpluwensyan nito ang ating mga saloobin at palagay hinggil sa ibat ibang bagay
at tao.
6. Nakatutulong ito sa paglutas ng ating mga suliranin at sa pagtataas ng kalidad ng
buhay ng tao.

Mga Uri ng Pagbasa

Ang pagbasa ay maaaring mauri batay sa layunin. Kung gayon ito ay maaaring skimming o
scanning.

Iskiming

Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto kung paano
inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin
ng manunulat

Iskaning

Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon
na itinakda bago bumasa.
Kinapapalooban ito ng bilis at talas nga mata sa paghahanap hanggang sa makita ng
mambabasa ang tiyak na kailangang impormasyon.

Dimensyon ng Pagbasa

1. Pag-unawang Literal
2. Pagpuna sa mga detalye
3. Pagpuna sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
4. Pagsunod sa panuto
5. Pagbubuod o paglalagom sa binasa
6. Paggawa ng balangkas
7. Pagkuha ng pangunahing kaisipan
8. Paghanap ng tugon sa mga tiyak na katanungan
9. Pagbibigay ng katotohanan (facts) upang mapatunayan ang isang nalalaman na.
10. Paghanap ng katibayan para sa laban sa isang pansamantalang kongklusyon
11. Pagkilala sa mga tauhan
12. Pag-unawang ganap sa mga kaisipan ng may-akda lakip ang mga karagdagang
kahulugan
13. Pagdama sa katangian ng tauhan
14. Pag-unawa sa mga tayutay at patalinghangang salita
15. Paghinuha ng mga katuturan o kahulugan
16. Pagbibigay ng mga kuro-kuro at opinyon
17. Paghula sa kalalabasan
18. Paghinuha sa mga sinundang pangyayari
19. Pagbibigay ng solusyon o kalutasan
20. Pagkuha ng pangkalahatang kahulugan ng isang binasa
21. Pagbibigay ng pamagat
22. Pagkilatis sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad
23. Pagbibigay ng reaksyon
24. Pag-iisip ng masaklaw at malawak
25. Pagbibigay ng pagkakaiba at pagkakatulad
26. Pagdama sa pananaw ng may-akda
27. Pag-unawa sa mga impresyon o kakintilang nadarama
28. Pagkilala sa pagkakaroon o kawalan ng kaisahan ng diwa ng mga pangungusap
29. Pagkilala sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap sa isang talaan
30. Pagtatalakayan tungkol sa mabubuting katangian ng kwento
31. Pagpapasya tungkol sa kabisaan ng paglalahad
32. Pagsasanib ng mga kaisipan nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ng bagong
pananaw at pagkaunawa
33. Pagbibigay ng opinyon at reaksyon
34. Pag-uugnay ng binasang kaisipan sa kanyang sariling karanasan at sa tunay na
pangyayari sa buhay
35. Pagpapayaman ng talakayan sa aralin sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
kaugnayan sa karanasan
36. Pag-alaala sa mga kaugnay na impormasyon
37. Pagpapaliwanag sa nilalaman o kaisipang binasa batay sa sariling karanasan.
38. Paglikha sa sariling kaisipang ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang
seleksyon.
39. Pagbabago ng panimula ng kwento o lathalain
40. Pagbabago ng wakas ng kwento
41. Pagbabago ng pamagat ng kwento
42. Pagbabago ng mga katangian ng mga tauhan
43. Pagbabago ng mga pangyayari sa kwento
44. Paglikha ng sariling kwento batay sa binasa
45. Limang uri ng Estratehiya sa interaktib na pagbasa
46. Pagtatanong (Questioning)-
47. Bumuo ng mga tanong tungkol sa (kasalukuyang) binabasa
48. Paghuhula (Predicting)-
49. Hulaan ang mga sagot sa mga tanong na nabuo sa iyong isipan
50. Paglilinaw (Clarifying)-
51. Linawin kung tama o mali ang iyong mga ginawang hula o mga sagot sa iyong mga
tanong
52. Pag-uugnay (Assimilating)-
53. Iugnay ang teksto sa iyong karanasan o kaalaman.
54. Paghuhusaga (Evaluating)-
55. Husgahan/suriin ang mga elemento ng teksto.
Apat na Teorya ng Pagbasa

Teoryang Bottom-Up
Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na
nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa pagbasa.

Teoryang Top-Down
Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayan ng maraming
dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa
teksto.

Teoryang Interaktib
Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa mga
proponent nito, ang top-down at maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi
sa mga baguhan pa lamang.

Teoryang Iskema
Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Ito
ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa
pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima.

Ibat-Ibang Uri ng Teksto

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di piksiyon. Ito ay


naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang
pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o
siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon, at iba
pa.

Elemento ng Tekstong Impormatibo

 Layunin ng may-akda—Maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may-akda sa


pagsulat niya ng isang tekstong impormatibo. Maaaring layunin niyang mapalawak pa
ang kaalaman ukol sa isang paksa; maunawaan ang mga pangyayaring mahirap
ipaliwanag; matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo; magsaliksik; at
mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng insekto, hayop, at iba pang
nabubuhay; at iba pa.
 Pangunahing Ideya—Di tulad ng tekstong naratibo na hindi agad inihahayag ng
manunulat ang mga mangyayari upang mapaabot ang interes ng mambabasa sa
kasukdulan ng akda, sa tekstong impormatibo naman ay dagliang inilalahad ang mga
pangunahing ideya sa mambabasa.
 Pantulong na Kaisipan—Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulong na
kaisipan o mga detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang
pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.
 Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na
binibigyang-diin—Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak na
pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang paggamit ng mga estilo o
kagamitan/sangguniang magbibigay-diin sa mahahalagang bahagi tulad ng sumusunod:
 Paggamit ng mga nakalarawang representasyon.
 Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
 Pagsulat ng mga talasanggunian

Mga Uri ng Tekstong Impormatibo

1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan

Sa uring ito ng teksto inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o
pagkakataon.

2. Pag-uulat Pang-impormasyon
Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop,
iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid.

3. Pagpapaliwanag
Ito, ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap
ang isang bagay o pangyayari.

Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung


saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng
larawan. Subalit, sa halip na pintura o pangkulay, mga salita ang ginagamit ng manunulat
upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo.

Karaniwang Bahagi lang ng Ibang Teksto ang Tekstong Deskriptibo


Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong deskriptibo ay ang relasyon nito sa iba
pang uri ng teksto.
Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat ng Tekstong
Deskriptibo
Ang limang pangunahing. cohesive device o kohesyong gramatikal ay ang sumusunod:
reperensiya (reference), substitusyon (substitution), ellipsis, pang-ugnay, at leksikal.

1. Reperensiya (Reference)
Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-
uusapan sa pangungusap. Maaari itong maging anapora (kung kailangang bumalik sa teksto
upang malknan kung ano o sino ang tinutukoy) o kaya’y katapora (kung nauna ang panghalip
at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa
teksto).

Halimbawa:

Anapora

Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan.

Katapora

Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa


gabi. Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat para
makapawi sa kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi ng aking puso at damdamin.
Siya si Bella, ang bunso kong kapatid na mag-iisang taon pa lamang.

2. Substitusyon (Substitution)
Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.

Halimbawa:

Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.

3. Ellipsis
May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging
malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag
para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.

Halimbawa:

Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.

4. Pang-ugnay
Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa
parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng
mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-ugnay.

Halimbawa:

Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat
magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.

5. Kohesyong Leksikal
Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. Maaari itong
mauri sa dalawa: ang reiterasyon at ang kolokasyon.

1. Reiterasyon—Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari


itong mauri sa tatlo: pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa, at pagbibigay-kahulugan.
 Pag-uulit o repetisyon
 Pag-iisa-isa 
 Pagbibigay-kahulugan
2. Kolokasyon—Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may
kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa.
Maaaring magkapareha o maaari ding magkasalungat.

Halimbawa

 nanay – tatay, guro – mag-aaral, hilaga – timog, doktor –


pasyente
 puti – itim, maliit – malaki, mayaman – mahirap
Ilang Tekstong Deskriptibong Bahagi ng Iba Pang Teksto

Paglalarawan sa Tauhan
Sa paglalarawan ng tauhan, hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga detalye
patungkol sa tauhan kundi kailangang maging makatotohanan din ang pagkakalarawan dito.

Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May


nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may
inaaninaw na mata. Kupas ang damit niyang suot, may ga tagpi na ang siko at
paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na sUpot ng asin ay may bahid ng
natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid, ang kanyang
kahangga na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumawata sa nagkakagulong tao.

Mula sa “Tata Selo” ni Rogetio R. Sicat

Namumutla, nangangatog ang buong katawan, at nanginginig ang boses, si Pak


Idjo ay walang iniwan sa isang taong irraatake ng malaria. Ang totoo’y may sakit
nga siyang talaga. Parang nakasabit na lang ang tagpi-tagpi at maruming damit sa
napakanipis niyang katawan, at nakalubog sa humpak niyang mga pisngi ang
kanyang namumula at nagluluhang mata.

Mula sa “Takipsilim sa Dyakarta” ni Mochtar Lubis


(salin ni Aurora E. Batnag)

Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon


Ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin ng paglalarawan sa tauhan subalit sa halip
na sa kanyang panlabas na anyo o katangian ito nakapokus, ang binibigyang-diin dito’y
angkanyang damdamin o emosyong taglay. Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan ng
tauhan. Maaaninag ng mambabasa mula sa aktuwal na nararanasan ng tauhan ang damdamin
o emosyong taglay nito.
Halimbawa: Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang Tonyo. Nagdidilim na ang kanyang
paningin at nanlalambot na ang mga tuhod sa matinding gutom na nadarama. Dalawang araw
na pala nang huling masayaran ng pagkain ang nanunuyo niyang mga labi.
 Paggamit ng diyalogo o iniisip. Maipakikita sa sinasabi o iniisip ng tauhan ang
emosyon o damdaming taglay niya.
 Pagsasaad sa ginawa ng tauhan. Sa pamamagitan ng pagsasaad sa ginawa ng
tauhan, minsa’y higit pang nauunawaan ng mambabasa ang damdamin o emosyong
naghahari sa kanyang puso at isipan.

 Paggamit ng tayutay o matatalinghagang pananalita. Ang mga tayutay at


matatalinghagang pananalita ay hindi lang nagagagamit sa pagbibigay ng rikit at indayog
sa tula kundi gayundin sa prosa.

Paglalarawan sa Tagpuan
Sa paglalarawan ng tagpuan ay mahalagang mailarawan nang tama ang lugar o panahon kung
kailan at saan naganap ang akda sa paraang makagaganyak sa mga mambabasa.

Ano ang itsura ng barong-barong at kapaligiran nito? 


Ano-anong tunog ang maririnig sa paligid? 
Anong amoy ang namamayani? 
Ano ang pakiramdam sa lugar na ito? 
Ano ang lasa ng mga pagkain dito? 
Sa isang maliit na dampang nakatayo sa may tabi ng munting ilog na tinatakbuhan ng
malinis at malinaw na tubig nakatira sina lrene. Ang maliit na dampang yaon ay
nalilibiran ng isang bakurang sa loob ay may mga sari saring pananim na sa isang
maayos na panulukan ay may malalagong sampaguita na dahil sa kagaanan di umano
ng kamay ng nag-aalaga ay kinapipitasan ng masaganang bulaklak.

Mula sa “Ang Dalaginding”


ni Iñigo Ed. Regalado

Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na


lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal sa paghanap ng lunas sa mga
suliranin sa araw-araw. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na
walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay
ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig ng
mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
Mula sa “Mabangis na Lungsod”
ni Efren R. Abueg

Paglalarawan sa Isang Mahalagang Bagay


Sa maraming pagkakataon, sa isang mahalagang bagay umiikot ang mga pangyayari sa akda
at ito rin ang nagbibigay nang mas malalim na kahulugan dito.

Sa tuwing itatayo ko ang krismas tri kapag nalalapit na ang kapaskuhan ay parang
laging may kulang, pilit kong dinadagdagan ng mga palamuti. At hindi basta-basta
palamuti, ‘ yung mamahalin. Pagkatapos ng mamahaling bola, nang sumunod na
taon ay magagandang bulaklak naman ang binili ko. Maraming pulang poinsettia
na nakapaligid sa krismas tri. “Ang ganda!” Ang may pagkamanghang sabi ng
bawat nakakikita. Malalaki at makikintab na pulang bola, malalaki at
magagandang pulang poinsettia… ah! Pero bakit ba tila may kulang pa rin?

Mula sa “Ang Aking Krismas Tri”


ni Mary Grace Del Rosario

Sapul nang pag-ukulan niya ng pansin ang unang lantsa ni Don Cesar ay nakadama
siya ng kakaibang pintig sa kanyang dibdib: Ibig niyang magkaroon ng lantsa
balang araw. Pag nagkaroon siya ng lantsa’y hindi na siya gagamit ng maliit na
motor; hindi na siya sasagihan ng munti mang pangamba, magngitngit man ang
habagat, magngalit man ang sigwa sa laot. Hindi na pansumandaling lalabas siya
sa karagatan. Maaari na niyang marating ang inaabot ng mga lantsa ni Don Cesar.
Makalalabas na siya nang lingguhan. At pagbabalik niya’y daan-daang tiklis ng
isda ang kanyang iaahon. Hindi na rin mangangamba ang kanyang ina kapag hindi
siya nakababayad ng gasol ina at langis. Matititigan na niya ang naniningkit na
mga mata ni Fides. Makapagpapakarga na siya ng kung ilang litrong gasolina sa
kanyang barko. Kung makakatabi ng kanyang barko ang kay Don Cesar ay
magkakaabutan na lamang sila ng mga mangingisda ni Don Cesar. “Ilang araw
kayo sa laot, ha?” Itatanong niya. Siya’y sasagutin ko. At, “ako’y tatlumpung araw,”
sasabihin piya pagkatapos.

Mula sa “Ang Mangingisda”


ni Ponciano B.P. Pineda 
Nang matapos ang bahay-bahayan, ang ganda-gandang tingnan. May pitong
talampakan ang taas, may disenyo ng alambre at makikitid na piraso ng kawayang
tinakpan ng manipis na papel na puno ng iba’t ibang kulay. Nagmukhang may
karnabal dahil sa mga bulaklak na pilak na nakakalat sa buong bahay. May papel
na swimming pool (bilog, dahil hindi naiintindihan ng tao ang hugis kidney) na
inilagay sa loob ng bahay; may apat na alila para makapagsilbi sa amo nila, na
nakapuwesto sa pagitan ng dalawang kotse, isang malinaw na Chevrolet at isang
Mercedes.

Nang oras na, dinala ang bahay na papel sa libingan ni Tay Soon at sinilaban doon.
Nagliwanag nang mabuti, at pagkatapos ng tatlong minuto, naging bunton ng abo
ang libingan.

Mula sa Maikling Kuwentong Singaporean na “Papel” ni Catherine Lim

Ang puno ng ginto ay dinumog. Hawak ang matatalim na bakal, tinaga, tinapyas,
binali-bali. Pinagtutuklap ang puno. At sila’y nag-agawan, nagtutulakan,
nagsasakitan na, nagsisipaan, nagkakabalian ng buto.

Patuloy sa pagtaas sa pagyabong ang puno; patuloy rin ang pagkaubos ng


katawan ng puno. Bumibigat na ang yumayabong at patuloy na tumataas na puno.

Mula sa “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cailao”


ni Simplicio P. Bisa

You might also like