Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANIMULA

Ang panitikan ay isang sining kung saan naipapahayag ng tao ang kaniyang mga

kaisipan, damdamin, mga karanasan, diwa at mga hangarin. Ang bawat isa sa sangkatauhan ay

may kakayahang maging isang manunulat sa paraang na kung saan ay malaya at kaya niyang

ipahayag ang kanyang mga pananaw. Ayon kina Rufino Alejandro at Julian Pineda ang

panitikan ay “bungang isip na isinatitik”.

Karagdagan, kasama rin sa panitikan ang lahat ng uri ng mga kaisipan na tumutulong sa

tamang pag-unawa sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ng isang bansa. Ito rin ang nakasulat

na pagpapahayag ng mga damdamin at karanasan ng mga tao sa mga matatalinghaga at

makabuluhang pahayag na may maraming emosyon tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan,

pag-asa, galit, paghihiganti, pagkasuklam, takot, at pagkabalisa. Nasasalamin din ng panitikan

ang kultura at paniniwala ng isang bansa.

Bago pa man dumating ang mga mananakop sa bansang Pilipinas ay mayroon ng

panitikan ang mga sinaunang Pilipino. Naging bahagi na ng mga sinaunang Pilipino ang

panitikan sa kanilang pamumuhay sapagkat ang mga aral sa bawat panitikan ay nagsisilbing

gabay nila sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Kadalasan sa mga panitikan ng mga ninunong

Pilipino ay pasalin-dila.

Lumipas ang panahon at lumaganap ang paggamit ng teknolohiya kung kaya ay

nagkaroon na ng iba’t-ibang paraan sa pagpapahayag ng damdamin ang mga tao. Sumibol ang

maraming uri ng bagong anyo ng mga panitikan ngunit ang mga ito ay may kaugnayan pa rin sa

mga naunang uri na panitikan ng mga Pilipino.

Isa sa mga panitikan sa kasalukuyan ay ang spoken word poetry. Ang spoken word poetry

ay isang anyo ng tula na may malayang taludturan. Isa itong patulang paraan ng paglalahad o
pagsasalaysay ng kuwento ng may-akda sa harap ng madling tao. Ang pagtatanghal nito sa

madla ay hindi lang purong sinasalita, ito ay makabagong paraan ng pagbigkas ng tula na

nilalapatan ng matinding emosyon nang sa gayon ay mas madama ng mga tagapakinig ang

damdaming nais iparating ng may-akda.

Ayon kay Grace Oñate, ang spoken word poetry ay mas malikhain at mapaghamong

gawin kumpara sa isang karaniwang tula. Ito ay dahil mapaglaro ang mga salita na ginagamit sa

spoken word poetry. Kaya kinakailangan ang masusing pagsisiyasat sa mga akda na ito upang

mas mapalim ang pagkaka-intindi sa akda.

Ang mga spoken word poetry ay karaniwang nakukuha ang atensyon ng mga tagapakinig

sapagkat kadalasan ang mga paksa nito ay may kaugnayan o nararanasan din ng mga nakikinig.

Sa tulong ng emosyon na binubuhos ng tagasalita at mas lalong nadarama ng mga madla ang

mensahe nan ais iparating may akda.

Ang mga mananaliksik ay napiling siyasatin ang ilan sa mga obra ni Juan Miguel Severo,

isa sa mga kilalaang manunulat at siya ring tagasalita ng kaniyang sariling gawa. Kadalasan sa

mga spoken word poetry ni Juan Miguel Severo ay tungkol sa pag-ibig Ang mga pamagat ng mga

akdang napiling siyasatin ng mga mananaliksik ay ang “Mga Basang Unan”, “Kapag Sinabi

Kong Mahal Kita”, “Ito Na Ang Huling Tula na Isusulat ko Para Sayo”, “10 Bagay Na

Natutunan Ko Mula Sa Pag-ibig” at “Isang Letra”.

Tutukuyin ng mga mananaliksik ang damdaming inilapat, mga paksa at mga tayutay na

nakapaloob sa mga nsabing akda.

You might also like