Professional Documents
Culture Documents
Untitled Document
Untitled Document
Untitled Document
DOTE
BSBA MM2 BLK 1
METRO MANILA
Pamagat ng pelikula
Sean Ellis
Direktor ng pelikula
Nagsimula ang pelikula ng pumunta ang pamilya ni Oscar patungo sa Manila galing sa
kanilang probinsya sa banaue, upang magsimula doon ng panibagong buhay at bigyan ng
magandang pamumuhay ang kanyang pamilya. Dahil sa kakulangan sa pangangailangan ay
nagsumikap at pinasok ang iba’t ibang trabaho upang matugunan ang kanilang
pangangailangan. Dahil sa kagustuhang kumita ng pera para sa pamilya ay napilitan si Mai
Ramirez sa isang bar, samantalang si oscar naman ay naghahanap ng trabahong pang
matagalan, nang biglang may nag rekomenda sa kanya ng isang trabaho sa isang ahensya,
dahil sa kagustuhan na magkaroon ng regular na trabaho ay pinag isipan niya ito at nag
desisyon na pumasok dito. Natanggap at nakilala niya si Douglas ong sa opisina at doon ay
naging partner sila. Tinuruan at sinanay ni douglas si oscar upang magampanan niya ng
maayos ang kanyang trabaho bilang isang tsuper ng armored van. Si oscar ay nagtatrabaho ng
maayos at marangal, subalit namulat siya sa kasamaan at karumihan ng kanyang trabaho.
Bago paman si oscar ang naging partner ni douglas ay may naunang partner pa dito si douglas
at ito ay nag iwan ng malaking suliranin na tungkol safety deposit box na nawawala, dahil dun
ay inalam ito ni oscar at nang natuklasan niya ito ay napaisip siya sa nilalaman ng kahon. Isang
araw habang nagtatrabaho sila douglas ay may hindi inaasahang panganib ang naghihintay sa
kanilang buhay at kasamaang palad ay namatay si douglas. Sa mga sumunod na pangyayari
ay gumawa ng hakbang si oscar upang makuha ang nawawalang susi ng safety box. Sa
ginawang hakbang ni oscar ay doon nalamang natapos ang kanyang buhay. Inialay at
sakripisyo ni Oscar ang kanyang sariling buhay upang mapabuti ang kalagayan ng kanyang
pamilya.
Kahirapan ang isa sa numero unong mapapansin sa pelikulang ito. Ang kawalan ng tirahan,
trabaho at kakapusan sa pinansyal ang siyang nag udyok sa pangunahing tauhan upang
makipagsapalaran sa manila. Ang mahihinang tao ang siyang natatalo at ang
makapangyarihang tao ang siyang nanalo, isa lang yan sa eksena na naganap sa pelikulang
ito, katulad na lang panghuhusga at diskriminasyon kay oscar dahil sa kanyang trabaho at
estado sa buhay. Napakahalaga ng edukasyon sa ating buhay, sapagkat sa pelikulang ito
ipinakita na malawak ang mundong ginagalawan natin, na dapat may sapat tayong kaalaman
sa mga bagay bagay katulad nalang ng kakulangan sa kaalaman ng pangunahing tauhan na si
oscar na kung sapat lamang ang kanyang kaalaman bago siya nakipagsapalaran sa manila ay
hindi sana siya pinagsamantalahan ng mga taong masama ang budhi. Bukod pa diyan, sari
saring krimen ang nasaksihan sa pelikulang ito tulad na lang ng pagpatay, pagnanakaw at mga
illegal na gawain tulad na lang usap usapang sa kliyente ni buddha na may gumagamit ng
droga. Mula noon ang hanggang ngayon ay bulok pa rin ang ating sistema sa probinsya at
syudad at sa pelikulang ito ay masasaksihan natin ang mga kaganapan sa magkaibang
sistema nito. Makikita natin kaya nakipagsapalaran ang ating pangunahing tauhan sa syudad
ay dahil sa bulok na sistema ng probinsya, gayunpaman, sa bandang huli ay napag alaman
nila na parehong bulok ang sistmena ng dalawa at mas masahol pa ang naging buhay nila sa
syudad.
Ano ang masasabi mo sa pelikulang iyong napanood? Mayroon ka bang nais baguhin o
suhestiyon? Ipaliwanag.
Mapapanatili nito ang iyong interes mula simula hanggang wakas. Ang bawat daloy ay
sumusunod sa kwento ng iba nang sabay-sabay, na ginagawang mas madaling sundan.
Kahanga-hanga ang mga aktor na gumanap ng mga karakter sa pelikulang Metro Manila
movie. Ang talino at puso ng manonood ay nakatatak sa kanilang epekto. Ang bawat karakter
ay nagpakita ng natatanging personalidad. Ang bawat miyembro ng kawani ay nagpakita ng
mahuhusay na galaw ng kamay, galaw ng katawan, at ekspresyon ng mukha. Napakaganda ng
sinematograpiya ng Metro Manila. Ang bawat kuha sa pelikula ay mukhang napakaganda
salamat sa kanila. At dahil hindi ito hinahalo sa anumang bagay sa kapaligiran nito para maging
kaakit-akit, natural lang ito.