Module 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

ARALIN 1: KABANATA 21-25 (EL FILIBUSTERISMO)

ANG DEBATE O PAKIKIPAGTALO / MGA PAMANTAYAN SA


PAGSASALINGWIKA

MGA KASANAYAN:
1. Naipaliliwanag ang mga salitang hiram sa wikang Espanyol.
2. Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda.
3. Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay ng ilang
pangyayari sa kasalukuyan.
4. Napapaunlad ang talasalitaan.
5. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa bawat kabanata.
6. Nakapagsasalin ng mga pahayag sa tulong ng mga pamantayan sa pagsasalingwika.
7. Nakapagtatanghal ng isang debate.

Mga Tala:
TALASALITAAN:
1. Alingasngas – usap-usapan
2. Kinakatigan – pinapanigan
3. Nagkukumahog – nagmamadali
4. Nanlilimahid – maruming-marumi
5. Butaka – pang-ibabang hanay ng mga upuan sa teatro
6. Gora - sombrero
7. Nagpalahaw – umiyak nang sobra
8. Nakabubulahaw – nakaiistorbong ingay
9. Nakatanikala – nakagapos, nakakadena
10. Nangingimbulo – nagseselos
11. Makikipagtipan – makikipagkita
12. Ipinaskil – idinikit
13. Kabalbalan – kasinungalingan
14. Languin – lasingin
15. Dayukdok – gutom na gutom
MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI
KABANATA 21- MGA AYOS NG MAYNILA
 Magtatanghal ng operetang Pranses na pinamagatang “Les Cloches de Corneville” sa
Teatro de Variedades.
 Mahaba ang pila sa takilya at maingay ang mga taong nagnanais makapanood ngunit
naubusan ng tiket.

1|
 Nag-usap ang magkaibigang Camaroncocido at Tiyo Kiko tungkol sa ibinayad ng
Pranses na si Mr. Jouy sa mga prayle upang maipalabas ang opereta.
 Parang nahati ang Maynila dahil ang ilan ay sang-ayon sa palabas samantalang ang iba
naman ay salungat dito.
 Nakapansin si Camaroncocido ng mga kahina-hinalang taong nag-uusap tungkol sa
hudyat ng himagsikan, ngunit ipinagwalang-bahala niya ang mangyayaring
kapahamakan.
 Sinamantala ni Tadeo ang kawalang-muwang ng isang baguhang estudyante upang
magmayabang dito tungkol sa mga matataas na tao sa lipunan na kilala niya.
 Dumating ang pangkat nina Macaraig, Sandoval, Pecson, Isagani at iba pang mag-aaral.
 Naghandog si Macaraig ng libreng tiket kay Tadeo kaya iniwan nito ang kasamang
baguhang estudyante.
KABANATA 22 – ANG PALABAS
 Matagal nagsimula ang palabas dahil naantala ang pagdating ng kapitan- heneral kaya
ganoon na lamang ang pagkabagot at pag-iingay ng mga tao.
 Tinugtog ang Marcha Real hudyat ng pagdating ng heneral.
 Binanggit ang kaniya-kaniyang dahilan ng ilang tauhan sa pagtungo sa dulaan.
 Nakita ni Isagani si Paulita sa loob ng teatro na kasama si Juanito Pelaez. Nakaramdam
ng labis na panibugho si Isagani sa kanyang nasaksihan.
 Binuksan ang tabing bilang hudyat ng pagsisimula ng palabas. Ito ay labis na ikinagalak
ng mga manonood lalo na ng mga kalalakihang nasasabik makakita ng sayaw na cancan.
 Si Padre Irene ay nanood din ng palabas at nagsuot ng pekeng bigote upang walang
makakilala sa kanya ngunit nakilala pa rin siya ng isang artistang babae na kaibigan niya.
 Si Juanito naman na nais magpakitang-gilas kay Paulita ay napahiya nang nagkamali-
mali siya sa pagsasalin at pagpapaliwanag ng palabas.
 Sa tulong ni Pepay, nakarating sa pangkat ni Macaraig ang pasya ni Don Custodio
tungkol sa akademya ng wikang Kastila. Hindi natuwa ang mga estudyante sa naging
pasya ng Don kaya umalis sila sa dulaan kahit hindi pa tapos ang palabas.
KABANATA 23 – ISANG BANGKAY
 Hindi nagpunta sa dulaan si Simoun noong nagdaang gabi dahil naging abala siya sa
pagpunta sa iba’t ibang lugar gaya ng nakita nina Camaroncocido at Macaraig.
 Si Basilio ay hindi rin nagtungo sa dulaan dahil naging abala siya sa pag-aalaga kay
Kapitan Tigayo.
 Ayon sa salaysay, si Kapitan Tiyago ay naging bugnutin at masungit. Minumura at
sinasaktan nito si Basiilio kapag hindi binibigyan ng apyan. Nagiging mabait naman ito at
magiliw kay Basilio kapag natugunan ang matinding pangangailangan sa bisyo.
2|
 Habang itinatanghal ang “Les Cloches de Corneville”, abala naman si Basilio sa pag-
aaral ng mga aklat pangmedisina habang binabantayan si Kapitan Tiyago.
 Di inaasahang dumating si Simoun at kinumusta ang maysakit na si Kapitan Tiyago.
 Inihalintulad ni Simoun sa bansang Pilipinas at pamahalaan ang kalagayan ni Kapitan
Tiyago na malubha na ang karamdaman at talamak na sa buong katawan ang lason ng
apyan, na anumang oras, ito ay maaaring mamatay.
 Ipinahayag ni Simoun kay Basilio ang kanyang pakay na papiliin si Basilio sa pagitan ng
kamatayan o kinabukasan.
 Nang ipinaliwanag ni Simoun ang kanyang planong himagsikan at ang papel ni Basilio
ay ang iligtas at itakas si Maria Clara mula sa kumbento, saka pa lamang nabanggit ni
Basilio na huli na ang lahat dahil patay na si Maria Clara.
 Hindi naniwala agad si Simoun sa masamang balita ni Basilio kaya ipinakita ni Basilio
ang isang liham na galling kay Padre Salvi.
 Labis na ikinalungkot ni Simoun ang pagkamatay ng kasintahan. Labis siyang nanghina
sa panghihinayang na wala siyang nagawa upang iligtas ito.
 Umalis si Simoun sa bahay ni Kapitan Tiyago na puno ng kabiguan at sama ng loob.
 Labis na naawa si Basilio sa sinapit ng dalawang nilalang na dati ay may masayang
buhay, malaya at puno ng pag-ibig at pangarap. Ngunit dahil sa sinapit na kapalaran ay
nagkalayo at nagdusa.

KABANATA 24 – MGA PANGARAP

 Huwebes ng hapon, naglalakad si Isagani sa Paseo de Maria Cristina at makikipagkita


siya kay Paulita upang pag-usapan ang nangyari sa dulaan.
 Nakikini-kinita ni Isagani ang nalalapit nilang paghihiwalay ni Paulita kaya ganoon na
lamang ang lungkot na kanyang naramdaman.
 Habang naglalakad ay bumabalik sa kanyang alaala ang masasayang sandali nila ni
Paulita.
 Sa pag-uusap ng magkasintahan, napag-alaman ni Isagani na si Donya Victorina ang may
gusto kay Juanito Pelaez at hindi si Paulita.
 Nagkaayos ang magkasintahan at nagkasundo ulit.
 Sa sandaling ito, ipinahayag ni Isagani ang kanyang pangarap na dalhin si Paulita sa
kanyang bayan na larawan ng isang paraiso. Hindi natuwa ang dalaga sa pahayag ng
kasintahan. Hindi raw niya gugustuhin ang magtungo sa isang malayong lugar na
maalikabok at kailangan pang tumawid sa ilog na may maraming linta para lamang
marating ito.

3|
 Nangako si Isagani na gagawin niya ang lahat ng makakaya upang mapaunlad ang bayan.
Makikipag-ugnayan siya sa iba pang kabataan upang maiparating sa Espanya ang
kanyang mga plano para sa bayan.
 Hindi naniwala si Paulita na magtatagumpay si Isagani sa kanyang mga balak dahil may
marami raw itong kaaway.
 Ayon kay Isagani, kung mabibigo man siya sa kanyang mga hangarin para sa bayan kung
maipagmamalaki naman siya ni Paulita, sapat na iyon para sa kanya at masaya siyang
mamamatay.

KABANATA 25 – TAWANAN AT IYAKAN

 Gaya ng napagkasunduan sa dulaan, nagpunta ang pangkat ng mga mag-aaral sa


Pansiterya Macanista de Buen Gusto upang ipagdiwang ang naging pasya ni Don
Custodio kaugnay sa pagpapatayo ng akademya sa wikang Kastila.
 Apat na putahe ang inihain sa pagtitipon na iyon. Binigyan nila ng ibang pangalan ang
bawat putahe at inihandog nila sa mga taong naging dahilan ng kanilang pagkabigo
upang gawin silang katawa-tawa.
 Nagtalumpati si Pecson tungkol sa kabutihan ng mga prayle ngunit ang tunay na
tinutumbok ng kanyang talumpati ay ang kanilang kasamaan at kasakiman.
 Habang nagkakasayahan ang mga estudyante, napansin nila ang isang mag-aaral na nag-
eespiya sa kanila. Nakita nila itong sumakay sa karwahe ni Simoun kaya nahinuha nilang
ito ay pinagsisilbihan ni Simoun sa pamamagitan ng pagpapahiram ng karwahe.

ANG DEBATE O PAKIKIPAGTALO

Ang debate o pakikipagtalo ay isang pormal na pakikipagtalong may estruktura at


sistemang sinusundan. Isinasagawa ito ng dalawang grupo o indibidwal na may
magkasalungat na panig tungkol sa isang partikular na paksa; ang dalawang panig ay:
Ang proposisyon o sumasasang-ayon, at ang oposisyon o sumasalungat. May
isang moderator na magiging tagapamagitan upang matiyak na magiging maayos ang
daloy ng debate at igagalang ng bawat kalahok ang tuntunin ng debate. Pagkatapos ng
debate, may mga huradong magpapasiya kung kaninong panig ang higit na
nakapanghikayat o mas kapani-paniwala. Ang mga hurado ay dapat walang kinikilngan
sa dalawang panig at kailangang nakaupo nang magkakalayo sa isa’t-isa at hindi mag-
usap-usap bago magbigay ng kani-kanilang hatol upang maiwasang maimpluwensiyahan
ang hatol ng isa’t-isa.
 
Ang debate ay hindi katulad ng mga ordinaryong argumento. Sa pakikipagtalong ito, ang
bawat kalahok ay binibigyan ng pantay na oras o pagkakataon upang makapaglahad ng
kani-kanilang mga patoo gayundin ng pagpabulaan o rebuttal. May nakatalaga
4|
ring timekeeper sa isang debate upang matiyak na masusunod ng bawat tagapagsalita ang
oras na laan para sa kanila. Karaniwang ang paksa sa isang debate ay ibinibigay nang
mas maaga upang makapaghanda ang dalawang panig para sa kani-kanilang mga
argumento.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mahusay na Debater

Ang mga sumusunod ay mga karaniwang pinagbabasehan ng mga hurado sa pagiging


mapanghikayat kaya’t kailangang isaalang-alang ng isang debater.

1. Nilalaman – Napakahalagang may malawak na kaalaman ang isang debater patungkol


sa panig na kanyang ipinagtatanggol at maging sa pangkalahatang paksa ng debate.
Kailangan niyang magkaroon ng sapat na panahon upang mapaghandaan ang sandaling
ito at kasama sa paghahanda ang malawak na pagbabasa, pananaliksik at pangangalap
ng datos at ebidensya tungkol sa paksa upang magbigay ng bigat at patunay sa
katotohanan ng kanyang ipinahahayag.

2. Estilo – Dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa pagpili ng tamang


salitang gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap na kanyang
babanggitin sa debate. Papasok din dito ang linaw at lakas o taginting ng kanyang
boses, husay ng tindig, kumpiyansa sa sarili, at iba pa.

3. Estratehiya– Dito makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsagot sa mga


argumento, at kung paano niya maitatawag ng pansin ang kanyang proposisyon. Dito rin
makikita kung gaano kahusay ang pagkakahabi ng mga argumento ng magkakagrupo.
Mahalagang mag-usap at magplano nang maigi ang magkakagrupo upang ang
babanggiting patotoo o pagpapabulaan ng isa ay susuporta at hindi kokontra sa mga
sasabihin ng iba.

Mga Uri o Format ng Debate

Maraming iba’t ibang uri ng debate subalit ang pinakakaraniwang ginagamit ng mga
mag-aaral ay ang mga debateng may uri o format na Oxfordat Cambridge.
 Sa debateng Oxford, ang bawat kalahok ay magsasalita lamang ng minsan, maliban
na lang sa unang tagapagsalita na wala pang sasalaging mosyon kaya’t mabibigyan
ng isa pang pagkakataong magbigay ng kanyang pagpapabulaan sa huli. Sa
pagtinding ng bawat kalahok upang magsalita ay magkasama na niyang inilalahad
ang kanyang patotoo at pagpapabulaan.

5|
 Sa debateng Cambridge, ang bawat kalahok ay dalawang beses titindig upang
magsalita. Una ay para ipahayag ang kanyang patotoo at sa ikalawa ay para ilahad
ang kanyang pagpapabulaan.

May iba pang uri ng debate, kagaya ng mock trial, impromptu debate, turncoat debate at
iba pa.

 Ang mock trial ay isang uri ng debate kung saan ang mga kalahok ay nagpapanggap
bilang mga manananggol o mga attorney sa isang paglilitis. Karaniwan din na
merong mga boluntaryo na magdudula-dulaan o mag-roleplay.

 Ang impromptu debate ay isang uri ng debate na masasabing mas impormal


kumpara sa ibang klase ng debate. Ibinibigay ang paksa sa mga kalahok 15 minuto
bago magsimula ang debate. Pagkatapos, ang kada miyembro ng dalawang panig ay
bibigyan ng limang minuto para magsalita. Pagkatapos magsalita ang isang
miyembro ng isang pangkat, isang miyembro ng ibang pangkat ang magsasalita.
Uulitin ang proseso hanggang matapos nang magsalita ang lahat ng miyembro ng
dalawang grupo.

 Ang turncoat debate ay kakaiba sa ibang klase ng debate dahil ito ay ginagawa ng


isang tao lamang. Ang kalahok ay magsasalita muna para sa proposisyon ng
dalawang minuto, at pagkatapos ay magsasalita para sa oposisyon ng dalawang
minuto.

PAGSASALINGWIKA
Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa pinagsasalinang wika ng
pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal ng mensaheng isinasaad ng wika, una’y
batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay sa istilo.”
Sa pagsasaling-wika kailangang maipahatid nang tama ang mensahe ng isinasalin
kaya naman mahalagang isaisip ng isang tagapagsalin ang sumusunod na paalala o
pamantayan sa pagsasaling-wika:
1. Alamin ang paksa ng isasalin. Magbasa o magsaliksik upang mapag-aralan ito
at magkaroon nang mas malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin.
2. Basahin ng ilang beses ang tekstong isasalin. Tiyaking nauunawaan mo ang
nilalaman ng teksto sa lebel na halos kakayanin mo nang ipaliwanag o muling
isalaysay kahit pa wala ang orihinal sa iyong harapan. Gayunpama’y tandaang
hindi ka basta magpapa-paraphrase kundi magsasalin kaya hindi mo dapat
baguhin, palitan, o bawasan ang ideya o mensahe ng iyong isinasalin.

6|
3. Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mensahe at hindi lang mga
salita. Makatutulong ang malawak na kaalaman ng isang tagapagsalin sa wikang
isasalin at sa wikang pagsasalinan. Hindi kasi sapat na basta tumbasan lang ng
salita mula sa pinagmulang teksto ng isa ring salita sa pagsasalinang wika dahil
literal lang ang kalalabasan ng pagsasalin at maaaring hindi mapalabas ang tunay
na diwa ng isinasalin.
4. Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa.
Mainam kung ang mga salitang gagamitin ay lubos mong nauunawaan ang
kahulugan at tiyak na mauunawaan din ng mga mambabasa upang higit na
maging natural o malapit ang orihinal sa salin.
5. Ipabasa sa isang eksperto sa wikang pinagsalinan o sa isang katutubong
nagsasalita ng wika ang iyong isinalin. Makatutulong nang malaki ang
pagpapabasa ng isinalin ng isang taong eksperto o katutubong nagsasalita ng
wikang ito upang mabigyang-puna niya ang paraan ng pagkakasalin at masabi
kung ito ba’y naaangkop na sa konteksto ng isang taong likas na gumagamit ng
wika.
6. Isaalang-alang ang iyong kaalaman sa genre ng akdang isasalin.
Makatutulong sa epektibong pagsasalin ang kaalaman ng tagapagsalin sa genre
ng kinabibilangan ng isasalin. Halimbawa, hindi basta makapagsasalin ng isang
tula ang isang taong walang gaanong alam sa matatalinghagang salita at mga
tayutay na karaniwang ginagamit sa isang tula. Idagdag pa rito ang kaalaman
ukol sa magkakatugmang salita lalo na kung may sukat at tugma ang tulang
isasalin. Kung tula ang isasalin, kailangang lumabas pa rin itong isang tula at
hindi prosa. Kung ito’y may sukat at tugma, kailangang pagsikapan ng
tagapagsaling mapanatili rin ito.
7. Isaalang-alang ang kultura at konteksto ng wikang isasalin at ng
pagsasalinan. May mga pagkakataon kasing ang paraan ng pagsasaayos ng
dokumento ng isang wika depende sa kanilang nakasanayan ay naiiba sa wikang
pagsasalinan kaya’t dapat din itong bigyang-pansin ng magsasalin.
8. Ang pagiging mahusay na tagapagsalin ay nalilinang sa pagdaan ng
panahon at pagbubuti ng karanasan. Kung sakaling sa unang pagtatangka mo
ay hindi mo agad magawang makapagsalin nang halos kahimig ng orihinal ay
huwag kang mag-alala dahil habang tumatagal ka sa gawaing ito at nagkaroon
nang mas malawak na karanasan ay lalo kang gagaling at magkakaroon ng
kahusayan sa gawaing ito.

GAWAING PASULAT:Pagsulat Ng Journal

Mga paraan kung paano ipapasa ang journal:


7|
1. Offline: Gupitin ang mga pahina at ipasa sa inyong adviser sa takdang araw.
2. Online: Kunan ng litrato ang mga pahina ng journal at ipasa sa guro sa MS Chat. Tiyakin
na malinaw at nasa tamang posisyon ang litratong ipapasa.

MGA SANGGUNIAN:
 Pinagyamang Pluma 10: Aklat 2
 https://unangaralin.wordpress.com/unangaralin/mga-pamantayan-at-pagsasaling-
wika/

Walang mahirap na
gawa ‘pag dinaan sa
tiyaga.

8|
Pangalan:__________________________________________Iskor; ______________
Antas/Seksiyon:_____________________________________Petsa: _____________
JOURNAL BLG. 3 – Kabanata 21-25
1. Anong mahahalagang mensahe ang nais ihatid ng may-akda sa kabanatang ito? Paano
mo magagamit ang mga ito sa iyong buhay?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2.Bakit kaya may mga taong masabi lamang na may alam o matalino ay patuloy na
bumabatikos o namimintas ng kanyang kapwa?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
9|
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Ano-anong mga bagay ang naisip ni Basilio tungkol kina Simoun at Maria Clara na
nag-iwan ng malaking tanong at aral sa iyo?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Ano-anong mga pangunahing aral o kaisipan ang iyong nakuha sa kabanaang ito
partikular sa pag-ibig? Paano mo magagamit ang mga ito sa iyong buhay?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Bakit kailangang magpakasakit at magsikap para sa sariling naisin, pangarap, at
adhikain sa kabila ng masasakit na katotohanan sa buhay? Paano ito makatutulong sa
sarili at sa mga taong nagmamahal at umaasa sa iyo?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Wakas!
10 |
___________________________________ ________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang Petsa ng Pagpasa

11 |

You might also like