Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

ARALIN 4: Pagsusuri ng Akdang Pampanitikan (Tula)

MGA KASANAYAN:
1. Nakikilala ang mga elmento ng tula.
2. Natutukoy ang mga uri ng tula at ang kahulugan ng bawat isa.
3. Nakabubuo ng balangkas sa pagsusuri ng tula. Ito ang bil
4. Nakapagsusuri ng isang tula gamit ang mga sangkap ng pagsusuri.

MGA TALA
Mga Elemento ng Tula

1. Sukat - tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong

Halimbawa:
 Isda = is da = dalawang pantig
 Ako ay isang tao = A ko ay i sang ta o = pitong pantig

Apat na uri ng sukat

 Wawaluhin – walong pantig


 Lalabindalawahin – labindalawang pantig
 Lalabing-animin – labing-anim na pantig
 Lalabing-waluhin – labing-walong pantig

2. Saknong - tumutukoy sa isang grupo ng mga taludtud sa loob ng isang tula.

 2 na taludtod – couplet
 3 na taludtod – tercet
 4 na taludtod – quatrain
 5 na taludtod – quintet
 6 na taludtod – sestet
 7 na taludtod – septet
 8 na taludtod – octave

3.Tugma – tumutukoy sa pagkakasintunog ng huling pantig ng huling salita ng bawat


linya.

May dalawang uri ito:


 Tugmang ganap (Patinig)
1|
 Tugmang di-ganap (Katinig)

4. Kariktan -ito ay mga maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa at mapukaw ang
damdamin at kawilihan

5. Talinghaga - ito naman ay tumutukoy sa mga di-tiyak na pagtukoy ng mga bagay na


binabanggit, maaaring isang idyoma o tayutay.

Mga Uri ng Tula

1. Tulang Damdamin o Tulang Liriko


Ang uri nito ay sumasalamin sa damdamin ng makata o ang taong sumusulat ng tula. Ang
damdamin o emosyon ng makata laman ang naging konsiderasyon sa pagsulat ng uring ito.
Kabilang na dito ang mga sumusunod na akda:
a. Awit – ito naman ay tumutukoy sa mga musikang may tono na talagang magandang
pinakikinggan.
b. Soneto – isang mahabang tula na binubuo ng 14 na linya. Tumatalakay ito sa kaisipan,
diwa ng makata.
c. Oda – isang tula na nakatuon sa pagbibigay ng papuri o dedikasyon sa isang tao,
bagay,
o anumang elemento.
d. Elehiya – isang tulang malungkot at may pagdadalamhating. Ang karaniwang tema nito
ay kamatayan o pagluluksa.
e. Dalit – ito naman ay tumutukoy sa tulang damdamin na nagpapakita ng luwalhati,
kaligayahan, o pagpapasalamat.

2. Tulang Pasalaysay 
Ang tulang pasalaysay ay tumutukoy sa mga pinapaksang mga importante at
mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, kagitingan at kabayanihan ng isang tauhan.
Kabilang dito ang sumusunod:
a. Epiko – ito ay isang akdang patula na isinasalaysay ang kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na kadalasang hindi
mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Ito ay kadalasang
inaawit pero meron namang mga epikong binabasa.
b. Awit/Korido at Kantahin – ito naman ay tumutukoy sa mga musikang may tono na
talagang magandang pinakikinggan.

3. Tulang Patnigan
Isang uri ng tula na kung saan nakatuon ito sa pagbibigay ng damdamin habang
mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-kuro. Kabilang dito ang sumusunod:
2|
a. Balagtasan – tumutukoy ito sa pagtatalo ng dalawa o tatlong manunula sa iisang
paksa.
b. Karagatan – Isang uri naman ng paligsahan sa pagtutula. Kilala rin ito sa tawag na
libangang tanghalan.
c. Duplo – Paligsahan naman ito sa pangangatwiran sa anyong patula. Ito ay hango sa
Bibliya na binubuo ng mga mahahalagang salita at kasabihan.
d. Fliptop o Battle Rap – modernong uri ng Balagtasan na kung saan nagsasagutan din
ang dalawang panig tungkol sa isang paksa.

4. Tulang Pantanghalan o Padula


Tumutukoy sa mga piyesa o tulang itinatanghal sa mga dulaan o teatro.

Paano gumawa ng pagsusuri ng tula

Maraming eskema sa pagsusuri sa isang tula. May ilan na binibigyang-pansin ang anyo ng tua,
may iba naman na binibigyang-diin ang semantikong nilalaman ng akda. Katunayan, walang
unibersal na paraan para sa pagsusuri ng tula. Ang lahat ay nakasalalay sa layunin ng pagsusuri.
Maaaring isaalang-alang ang mga sumusunod.

1. Maikling impormasyon tungkol sa may-akda at tula.


Hindi na kailangang ilahad ang buong talambuhay ng may-akda. Sapat na upang
limitahan ang sarili sa mga impormasyong may kaugnayan sa akda. Magbigay ng maikling
kasaysayan ng paglikha ng tula: bakit isinulat ang tula, kanino ito nakatuon at kung ano ng mga
kaganapang may kaugnayan sa paglikha ng tula, t kung saan ito nalimbag.
2. Uri ng tula
Kilalanin ang genre ng tula. Sagutin ang mga tanong: kung anong lugar ang nasakop ng
genre na ito sa gawain ng makata, pangkaraniwan para sa kanya, anong uri ng direksyong
pampanitikan ang nauugnay sa tula: romantiko, realismo, modernismo, atbp.
3. Pagtatasa ng mga paksa at problema ng tula
Kilalanin ang pangunahing tema ng tula: pag-ibig, poot, kalikasan, kalayaan, atbp. Mga
problema - isang hanay ng mga problemang nakataas sa tula. Natutugon ba nito ang mga
pangangailangan ng panahon? May kaugnayan ba ito sa kasalukuyan at bakit?
4. Pagsusuri sa kwento at komposisyon
Mainam na balikan ang maikling balangkas (kung mayroon man). Ang plot ba ay tipikal,
arketypal, o orihinal. Ano ang papel ng mga elemento ng balangkas? Bakit pinili ng may-akda ang
partikular na balangkas na ito, kung paano naaayon ito sa tema at mga problema.
5. Pagsusuri ng Simbolo

3|
Hanapin ang mga character sa tula at ipaliwanag kung ano ang papel na ginagampanan
nila sa akda. Kung, sa iyong opinyon, walang mga simbolo, hanapin ang mga keyword at
ipaliwanag ang kahulugan nito. Karaniwan, ang mga keyword at simbolo ay magkakaugnay.

6. Suriin ang tula batay sa teoryang pampanitikan

7. Suriin ang tula batay sa mga element nito.


Alamin ang sukat, metro ng tula, sistema ng rhyming, saksnong.
8. Estilo
Tukuyin ang mga talinghaga o tayutay na ginamit sa tula at ang kahulugan o kaugnayan
ng mga ito sa tula.
9. Personal na saloobin ng mambabasa
Ilahad ang sariling pananaw tungkol sa tula. Mainam na pumili ng isang mahalagang
punto sat ula at iyon ang bigyang tuon sa paglalahad ng iyong saloobin.

Halimbawa ng balangkas sa pagsusuri ng tula:

(PAMAGAT NG TULA)

I. TALAMBUHAY
(Maikling salaysay tungkol sa buhay ng may-akda at kaligirang pagkasaysayan sa
pagkakasulat ng tula.)

II.KAYARIAN
A. Uri
B. Saknong
C. Ritmo/Indayog
1. Sukat
2. Tugma

III. ANYO
A. Tono (damdaming nangingbabaw sa tula)
B. Tayutay
C. Talasalitaan

IV.PAGSUSURI
A. Paksa
B. Diwa

4|
C. Simbolismo
D. Teoryang Pampanitikan

V. KAHULUGAN ( Ilahad ang kahulugan ng bawat saknong ng tula)


VI. ISTILO
VII. BALARILA
VIII. IMPLIKASYON
A. Mensaheng nakapaloob sa tula
B. Personal na saloobin

GAWAIN:
Sa pamamagitan ng balangkas na nailahad, gumawa ng pagsusuri sa isang tulang sariling pili.
Isulat ito sa isang long bond paper gamit ang inyong sulat-kamay.Gumamit ng 1 inch margin.
Sundin ang pormat sa ibaba.

BOHOL WISDOM SCHOOL


TAGBILARAN CITY

Pangalan: _____________________________ Kurso: ________________ Petsa: ___________


Guro: Gng. Ma. Winda Lim, LPT

PAGSUSURI NG AKDANG PAMPANITIKAN


(Tula)

(PAMAGAT NG TULA)

I. TALAMBUHAY

VIII. IMPLIKASYON

5|
6|

You might also like