Grade 4a

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino IV

I. Layunin:

 Nagagamit ang ibat-ibang antas ng pangungusap, tuldok, tandang pananong, tandang


padamdam.
 Makasulat ng maikling balita o kwento.
Pagpapahalaga: pagiging matiyaga, pagmamahal sa kagandahan ng kalikasan.

II. Paksa:

Paggamit ng Ibat-ibang Bantas sa Pangungusap

Pagsulat ng Maikling Balita sa Kwento

Sanggunian: Diwang Makabansa IV p. 141

Diwang Makabansa Pagbasa p. 177

Kagamitan: tsart ng dayalogo, mga larawan

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-Aral

Ipabasa ang mga lipon ng mga salita sa pisara. Ipabasa kung alin ang pangungusap o
di pangungusap.

a. Ang bata sa bakuran.


b. Naglalaro ng buong saya si Maria.
c. Nabuwal ang mataas na puno.
2. Pagganyak

Pagtatanong kung anu-ano ang ginawa nila nitong bakasyon?

a. Anu-ano ang ginawa ninyo noong nakaraang bakasyon?


b. Saan-saan kayo nagpunta?
B. Paglalahad:

Pagbasa ng dayalogo sa pisara o tsart na ginagamitan ng ibat-ibang uri ng


pangungusap at ibat-ibang bantas ng pangungusap.

C. Pagtatalakay:

Pagkilala sa mga uri at ibat-ibang bantas. Panapos na ginamit sa dayalogo.


Alin ang mga pangungusap na;

1. Nagsasalaysay? Anong bantas ang ginagamit sa mga pangungusap na ito?

2. Nagtatanong? Anong bantas panapos ang ginagamit dito?

3. Aling pangungusap ang nagsasabi ng matinding damdamin? Sa anong bantas ito


nagtatapos?

4. Nag-utos o nakikiusap? Anong panapos ang ginamit?

D. Paglalahat:

Anu-anong mga bantas panapos ang ginagamit sa ibat-ibang uri ng pangungusap?

E. Pagsasanay:
Pangkatin ang mga bata sa apat na grupo pagkatapos magpapalabunutan ng mga
uri ng pangungusap. Isusulat ng bawat pangkat sa manila paper kung anong uri ng
pangungusap ang nabunot nila at lagyan ng tamang bantas.

F. Paglalapat:

Ipabasa sa bawat pangkat ang ginawa nilang pangungusap ng may tamang bantas
sa manila paper

IV. Pagtataya:

Panuto: Basahin ang talata sa ibaba at lagyan ng wastong bantas ang pangungusap.

V. Takdang-Aralin:

Sumulat ng maikling balita o kwento mga balitang napapanood sa t.v. at gamitin ang mga
bantas sa talata.

Inihanda ni:

GIOVANNA P. PELAYO
Teacher -1

You might also like