Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

PRIVATE EDUCATION ASSISTANCE COMMITTEE


Region IX, Zamboanga Sibugay
Division of Zamboanga Sibugay
SIBUGAY’S MATTHEW JACKSON SCHOOL INC.
sibugaymatthewjacksonschoolinc@gmail.com

Pangalan ng Mag-aaral:
Baitang: GRADE-7
Pangkat: SATURN
Asignatura: ARALING PANLIPUNAN
Kwarter: UNANG KWARTER
Linggo: UNANG LINGGO
Petsa at Oras: 1:00-1:50 PM

KAGAMITANG PAMPAGKATUTO (LEARNING MODULES)

ARALING PANLIPUNAN-7
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Sa linggong ito ay matututuhan mo ang:

 Nakapaghahambing ng kalagayan sa iba’t ibang bahagi ng Asya(AP7HAS-I-c1.3)

SUSI NG
PAGKATUT
O

Sa araling ito ay matututunan mo ang KAPALIGIRANG PISIKAL NG MGA


REHIYON SA ASYA. Halina’t tumuklas ng mga bagong kaalaman.

KAPALIGIRANG
PAGTUKLAS PISIKAL NG MGA REHIYON SA ASYA
LOKASYON NG ASYA
 Kung titingnan sa mapa ng mundo o globo, may dalawang uri ng guhit. Ang longhitud ay ang distansiyang angular
na nagtutukoy sa silangan at kanluran ng Prime Meridian. Ito rin ang malaking bilog o “great circle” na tumatahak
mula sa Hilagang Polo hanggang Timog Polo.
 Ang latitude naman ay ang distansiyang angular na nagtutukoy sa hilaga o timog ng ekwador. Ang ekwador ang
humahati sa globo sa hilaga at timog. Ito rin ay itinakda bilang zero degree latitude.
 Sa pamamagitan ng pagbibigay ng longhitud at latitude ng isang lugar, maaaring matukoy ang lokasyon nito sa
mapa. Ang tiyak na lokasyon ng Asya ay nasa humigit kumulang 10 degrees sa longhitud. Sa panlahatan, ang
lawak ng Asya ay umaabot ng hanggang 164 degrees longhitud at hanggang 85 degrees latitude.
HUGIS
 Ang itim sa globo ay ang buong kontinente ng Asya. Ang hugis ng kontinente ay di-tiyak o irregular. Ito ay dahil hindi
lamang isang buong kalupaan ang Asya kundi binubuo rin ng mga kapuluan.

SUKAT
 Ang Asya ang pinakamalawak sa pitong kontinente. Ang kontinente ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng
lupain sa daigdig. Ang Asya ay may kabuuang sukat na humigit kumulang 44,486,106 kilometro kuwadro. Ito ay
halos katumbas ng pinagsama-samang lupain ng North America at Australia. Tinatayang 21% ng kapuluang lupain
ng daigdig ang sukat ng Asya.

CONTINENTAL LAND AREA OF ASIA

A. ANYONG LUPA
 Kabilang sa mga katangiang pisikal ng isang lugar ang anyong lupa. Ito ay tumutukoy sa hugis ng isang lugar at ang
mga proseso na nangyari upang mabuo ang ganoong hugis ng isang lugar at ang mga proseso na nangyari upang
mabuo ang ganoong hugis, ilan sa mga prosesongg ito ang “ plate tectonics”. Ito ang paggalaw ng malalaking tipak
ng bato o plates sa ilalim ng lupa. Ang mga plates na ito ay patuloy na gumagalaw at nagbabanggaan. Ang epekto
nito ay pagkakabuo ng mga bulubundukin, bundok, at bulkan maging talampas, maga burol at lambak, mga pulo at
kapuluan, kasama pati tangway.
MGA KABUNDUKAN
 Matatagpuan sa Asya ang iba’t ibang uri ng anyong lupa. Ang una ay mga kabundukan o hanay ng mga bundok.
Pinakasikat sa mga ito ang Himalayas na may habang umaabot sa 2,414 kilometro. Ang Ural sa kanlurang Asya,
Hindu Kush sa Afghanistan, Tajikistan, at Kyrgyztan, ang Tien Shan sa Hilagang Asya, Ghats sa Timog Asya, at
Caucasus sa Azerbaijan, Georgia, Russia , at Armenia.

 Sa Bundok naman, pinakamataas sa buong mundo ang Everest na may taas na halos 8,850 metro. Pangatlo
naman sa pinakamataas ang Kanchenjunga. Parehong nasa Himalayas ang matataas na bundok na ito. Sa
Pilipinas, Mt. Apo ang pinakamataas na rurok. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng Davao at North Cotabato.

MGA BULKAN
 Malaking bahagi ng tinatawag na “Pacific Ring of fire” ang nasa Asya. Tinatayang nasa humigit-kumulang 300 na
aktibong bulkan ang nasa Asya tulad ng Sumera, Krakatoa, Fuji, Pinatubo, Taal, at Mayon na siyang pinaaktibo sa
Pilipinas.
 Tatlong bulkan sa Asya ang kasali sa listahan ng 10 pinakasikat na bulkan sa buong mundo. Pangalawa sa listahan
ang Krakatoa sa Indonesia. Taong 1883 nang pumutok ito at tinatayang mahigit sa 36,000 na katao ang namatay sa
isa sa pinakamapinsalang pagputok ng bulkan sa kasaysayan. Pang-apat na matatagpuan ay ang Tambor mula sa
bansang Indonesia rin. Pang-sampu sa listahan ay ang Pinatubo na matatagpuan mismo rito sa Pilipinas.
BULKANG MAYON BULKANG PINATUBO

TALAMPAS
 Matatagpuan sa Asya ang ilang Talampas. Ito ang anyong lupa na tumutukoy sa kapatagan sa itaas ngg bundok.
Ang Tibet ang pinakamataas na talampas sa daigdig. Ito ay tinaguriang “roof of the world” dahil sa kaniyang taas na
16,000 talampakan. Ang talampas ng Deccan sa india ay kilala rin.

TALAMPAS NG TIBET TALAMPAS NG DECCAN

DISYERTO
 Ang tawag naman sa malawak na anyong lupa na binubuo na buhangin ay disyerto. Ang disyerto ay tigang na lugar
dahil sa kakaunting ulan na natanggap nito. Sa ganitong kalagayan, bihira ang mga hayop at halaman na
nabubuhay dito. Ang disyerto ng Gobi ang pinakamalawak sa Asya at pang-apat naman sa buong mundo.
Matatagpuan din sa Asya ang mga disyertong Taklamakan, Karakum, Arabian, at Thar.

PULO
 Kung pagmamasdan mong mabuti ang mapa ng Asya, maraming pangkat ng malalaki at maliliit na pulo. Ang tawag
dito ay mga kapuluan. Indonesia ang pinakamalaki hindi lamang sa Asya kundi pati na rin sa buong mundo. Ito ay
binubuo ng mahigit sa 13,000 na pulo. Ang Japan at Pilipinas ay mga kapuluan din. Ang mga tanyag na pulo sa
kontinenteng Asya ay kinabibilangan ng Cyprus, Andaman, Sri Lanka, Borneo, Taiwan, at marami pang iba. Sa
Pilipinas, pinasikat ang Luzon at Mindanao. Pinakamaganda naman ang Palawan, Boracay, Batanes, at Siargao

TANGWAY
 Ang tawag sa kalupaan na nakausli sa karagatan. Pinakamalaki ang India na sinusundan naman ng Turkey, Arabia,
at Korea. Ang tangway ng Korea ay pinaghahatian pa ng North Korea at South Korea kung saan may namumuong
alitan sa pagitan ng dalawang estado. Ang tangway ng Bataan ang halimbawa dito sa Pilipinas.
TANGWAY NG ZAMBOANGA

KAPATAGAN
 Ang salitang ginagamit para sa kalupaan. Dito isinisilang ang pinakamalalaki at pinakaprogresibong mga lungsod.
Dito rin nagtatanim ng mga halamang agrikultural na pinagkukunan ng pagkain.

ANYONG TUBIG
 Ang kontinenteng Asya ay binubuo rin ng mga anyong tubig. Kabilang ang ilog, karagatan, dagat, lawa, look, at
golpo na matatagpuan sa maraming bahagi ng kontinente.

ILOG
 Ang mahahalagang ilog sa Asya ay Huang He(Yellow River) at Chiang Jiang (Yangtze River) sa China. Ang ilog
Indus at Ganges ay parehong dumadaloy sa India. Ang ilog Brahmaputra ay bumabagtas naman sa mga bansang
China at India. Ang Ilog Mekong naman ay mula sa rehoiyon ng Tibet at Yunnan sa China at dumadaloy sa mga
bansang nasa Timog-silangang Asya. Kabilang dito ang Laos, Burna, Thailand, at Cambodia. Ang mga ilog na ito
ang siyang nagpataba at nagpayaman sa mga lambak kung saan namuhay ang mga tao mula pa noong sinaunang
panahon.

ILOG HUANG HE (YELLOW RIVER) ILOG CHIANG JIANG


(YANGTZE RIVER)

LAWA
 Apat na katangi-tanging lawa na matatagpuan sa Asya. Ang Caspian Sea ang kinikilalang pinakamalaking lawa sa
mundo. Ang lawa ng Baikal ang siya namang pinakamalalim na lawa sa daigdig. Ang Dead Sea naman ay kilala sa
pagiging maalat nito. Alam mo bang sobrang alat nito ay nakapagdudulot din ng paghubog sa uri ng pamumuhay ng
mga naniinirahan sa paligid nito.

DAGAT
 Kabilang sa anyong tubig ang dagat. Nariyan ang kontrobersiyal na South China Sea na kinilala rin bilang West
Philippine Sea, East Sea o Sea of Japan . Ang magkaibang pangalan ay dulot ng pangangamkam ng China sa
naturang dagat sa kabila ng itinakdang teritoryo ng United Nations Convention of the Law of The Sea (UNCLOS).
Ang dagat ay maaaring pagkunan ng maraming yamang tubig.

TATLONG PANGUNAHING URI NG KLIMA

1. KLIMANG POLAR
 Ang klimang polar ay ang klima na nararanasan ng mga lugar na matatagpuan sa mataas na latitude. Ito ay mula sa
kabilugang Artiko 66 ½ degrees H latitude hanggang Polong Hilaga 90 degrees H latitude at Kabilugang Antartiko
66 ½ degrees T latitude, hanggang Polong Timog (90 degrees T latitude). Napakalamig dito dahil sa nababalot ito
ng yelo sa loob ng anim na buwan at hindi gaanong nasisikatan ng araw dito. Ang bahagi ng Russia na nasa Asya
(Siberia) ang nakararanas ng ganitong uri ng klima.
2. KLIMANG TEMPERATE
 Ang rehiyong nakalatag sa pagitan ng 60 degrees latitude at 23 degrees latitude pahilaga at patimog na tinatawag
na gitnang latitude ang nakararanas ng ganitong klima. Tinatawag itong temperate o k atamtaman dahil ito ay klima
kung saan hindi sobrang init o sobrang lamig ng lugar. Ito ay karaniwang mayroong apat na panahon: tag-lamig,
tag-sibol, tag-init, at tag-lagas. Kabilang ang mga bansang China, Mongolia, Japan, North Korea, South Korea sa
Silangang Asya at Russia (Siberia) sa Gitnang Asya ang nakararanas ng ganitong uri ng klima.
3. KLIMANG TROPIKAL
 Ang rehiyong nakalatag sa pagitan ng ekwador at tropic of Cancer sa hilaga at Tropic of Capricorn naman sa Timog
ang nagtataglay ng ganitong klima. Dito nararanasan ang napakainit na klima lalo na sa tanghali dahil sa direktang
sinag ng araw na natatanggap ng mga rehiyon sa mababang latitude na siyang malapit sa ekwador. Ito ay
karaniwang may dalawang panahon, ang tag-araw at tag-ulan. Ang bahagi ng bansang India sa Timog Asya at lahat
ng bansa sa Timog-silangang Asya ang may ganitong uri ng klima.

IBA PANG KARAGDAGANG URI NG KLIMA (SEKONDARYO) NG KLIMA

 SEMI-ARID-Ito ay tumutukoy sa klima na mula mainit papalamig.


 DESERT- Mailalarawan ang klimang ito na mula sa mainit patungo sa hindi gaanong malamig
 HUMID SUBTROPIKAL- Ito ay ang katamtamang init patungong mainit na tagtuyot at hindi gaanong malamig na
taglamig.
 HUMID CONTINENTAL- Ito ang katamtamang tag-init patungong taglamig.
 SUBARCTIC- Tumutukoy ito sa maikling tagtuyot na malamig-lamig at mahabang taglamig.
 HIGHLAND- Ang sekondaryang klimang ito ay batas sa taas ng lupain.
 MONSOON- May natatanging pagbabago sa panahon na nakikita lamang sa Asya. Ang tawag ditto ay monsoon. Ito
ay nagmula sa wikang Arabic na nangangahulugang “season”. Ang monsoon ay hanging umiihip sa isang partikular
na direksiyon sa isang panahon. Ito ay nagmumula sa timog-kanluran na lumalandas sa Timog-silangang Asya mula
sa buwan ng Abril hanggang Setyembre. Ito ay tinatawag na Habagat. Pagdating ng buwan ng Nobyembre
hanggang Marso, nagmumula ang monsoon sa hilagang silangang bahagi ng Asya na nagdadala ng malamig na
panahoon. Tinatawag naman itong Amihan.

D. BEHETASYON SA ASYA (VEGETATION COVER)


 Ang behetasyon o uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng pagkakaroon ng kagubatan o damuhan ay
epekto ng klima nito. Bukod sa kaalaman sa kinaroroonan. Sukat, hugis, at mga anyong lupa at tubig, mahalaga ring
matukoy ang iba’t ibang vegetation cover sa Asya bilang bahagi ng pisikal na katangian nito

MGA URI NG BEHETASYON


1. TUNDRA- Ito ay tawag sa kalupaan na kakaunti ang mga halamang nakatakip at walang puno na tumutubo
dahil sa sobrang lamig ng klima. Karaniwang nababalutan lamang ng lumot ang behetasyong ito. Ang tundra
ang pinakamalamig sa lahat ng behetasyon.
2. TAIGA- Ang taiga ay salitang Russian para sa kagubatan. Ito ay kagubatan sa mabatong kabundukan at
pinakamalawak na behetasyon sa buong mundo.
3. STEPPE- Ang steppe ay isang tuyo at madamong kapatagan. Ito ang uri ng damuhang may ugat na mababaw.
Matatagpuan ito sa mga lugar na may katamtamang temperatura. Malawak at madamo ang kapatagang ito.
4. PRAIRIE- Ito ay malawak at patag na damuhan subalit may katamtamang temperatura at katamtamang dami ng
ulan na natatanggap. Ang damuhan dito ay mataas na may malalim na ugat

5. SAVANNA- Ito ay lupain na pinagsamang damuhan at kagubatan. Ang savannah ay isang behetasyong tropical
at subtropical. Madamo ang lugar na ito subalit tinutubuan din naman ng mga punongkahoy. May dalawang uri
ng klimang nararanasan dito, ang tag-araw at tag-ulan. Mahaba ang panahong tag-araw at maiksi lamang ang
tag-ulan.
6. KAGUBATANG TROPIKAL- ito ay may punong may malapad na dahon na nangangailangan ng mahabang tag-
init upang makapagpalit ng dahon. Ang tawag ditto ay tropical deciduous na siyang tumutubo sa kagubatang ito.
Naglalagas ang dahon kapag tag-init at muli namang umuusbong kapag tag-ulan. May mga bahaging tumutubo
rito.
7. DISYERTO- Matitinik at mabababang halaman at punongkahoy ang tumutubo rito. Ang dahon ng mga
halamang mayroon dito ay may mga tinik na panlaban sa mga hayop na gumagagala sa paligid. Nababalot sila
ng makakapal na balat upang makapag-ipon upang manatiling buhay sa disyerto.
AKLAT: KAYAMANAN-ARALING ASYANO (REX)
MAY AKDA: ARTHUR S. ABULENCIA, PhD
ROEL G. LADRONIO
ELEANOR D. ANTONIO
CONSUELO M. IMPERIAL
CELIA D. SORIANO

INIHANDA NI: BB. RUBIE CLAIRE D. FIGUEROA


FACEBOOK NAME: RUBIE CLAIRE FIGUEROA
CELLPHONE #: 09250973887
E-MAIL ADDRESS: Rubiesclaire@gmail.com

You might also like