Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

PAMBUNGAD NA AWIT

OBISPO: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

OBISPO: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo,


ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo
nawa’y sumainyong lahat.

Bayan: At sumaiyo rin.

PAGSISISI SA KASALANAN

OBISPO: Mga kapatid aminin natin ang ating mga kasalanan


upang tayo’y maging marapat na gumanap
sa banal na pagdiriwang.

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos,


at sa inyo mga kapatid,
na lubha akong nagkasala
sa isip, sa salita, at sa gawa
at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo mga kapatid
na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
OBISPO: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos
patawarin tayo sa ating mga kasalanan
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

Bayan: Amen.

KYRIE

PAPURI SA DIYOS

PANALANGING PAMBUNGAD

OBISPO: Manalangin tayo.

A ma naming makapangyarihan,
hinirang mo ang iyong Anak
na maging Mesiyas at Panginoong
pinagbuhusan mo ng Espiritu Santo.
Kaming mga kasalo niya sa pagkakatalaga sa iyo
ay maging mga katuwang nawa niya sa pagtubos sa mga tao
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA Isaias 61, 1-3a. 6a. 8b-9

PAGBASA MULA SA AKLAT NI PROPETA ISAIAS

Pinuspos ako ng Panginoo ng kanyan Espiritu. Hinirang niya ako


upang ang magandang balita’y dalhin sa mahihirap, pagalingin ang sugat
ng puso, palayin ang mga bihag at bilanggo.
Sinugo n’ya ako, upang ibalitang ngayo’y panahon nang iligtas ng
Panginoon ang mga tao na hinirang niya, at upang lupigin lahat ang mga
kaaway; ako ay sinugo upang aliwin ang nangungulila, upang ang
tumatangis na mga taga-Sion ay paligayahin, sa halip ng lungkot, awit
ng papuri yaong aawitin; upang ang langis ng kagalakan ay ihatid sa
tanan; ang Diyos na Panginoon iingatan sila at kakalingain.
Ngunit kayo nama’y siyang maglilingkod sa Diyos na Panginoon,
kayo ay gagawin niyang saserdote.
Ang kayamanan ng ibang bansa’y inyong makakamtan, aariin
ninyong may galak sa buhay.
Ang sabi ng Panginoon: “Ako’y namumuhi sa pagkakasala at
pang-aalipin, gawang katarungan ang mahal sa akin. Gagantipalaan ko
ang mga taong tapat sa akin, walang hanggang tipan ang aking gagawin.
Itong lahi nila ay makikilala sa lahat ng bansa, pati anak nila’y
makikilala rin sa gitna ng madla; sila’y kikilanling anak ng Panginoon
saanman makita, at tatawaging baying pinagpala, hinirang ng
Panginoon.”

ANG SALITA NG DIYOS

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
SALMONG TUGUNAN Salmo 88, 21-22. 25 at 27

Tugon: PAG-IBIG MONG WALANG MALIW AY LAGI KONG


SASAMBITIN

Ang piniling ito’y si David, aking pinahiran ng banal na langis. Kaya’t


palagi ko siyang aakbayan at siya’y lalakas sa aking patnubay. Tugon

Ang pagtatapat ko’t pag-ibig na wagas, ay iuukol ko’t aking igagawad,


at magtatagumpay siya oras-oras. Ako’y tatawaging ama niya’t Diyos,
tagapagsanggalang niya’t Manunubos. Tugon

IKALAWANG PAGBASA Pahayag 1, 5-8

PAGBASA MULA SA AKLAT NG PAHAYAG

Sumainyo ang pagpapala at kapayapaan mula kay Hesukristo, ang


tapat na saksi, ang unang nabuhay sa mga patay, at Hari ng mga hari sa
lupa.
Iniibig niya tayo, at sa kanyang pagkamatay ay pinalaya niya tayo
mula sa ating kasalanan. Ginawa niya tayong isang liping maharlika
upang maglingkod sa Diyos at kanyang Ama bilang mga saserdote. Kay
Hesukristo ang kapurihan at kapangyarihan magpakailanman! Amen.
Pakatandaan ninyo! Darating siyang nasa alapaap, makikita ng lahat,
pati ng umulos sa kanyang tagiliran; dahil sa kanya, iiyak ang lahat ng
lipi sa lupa. Magkakagayon nga. Amen.
“Ako ang Alpha at ang Omega,” wika ng Panginoong Diyos na
Makapangyarihan sa lahat, Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang
darating.

ANG SALITA NG DIYOS.

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
ALLELUIA
Espiritu ng Poong D’yos sa akin ay lumulukob.
Ako’y sugo niyang lingkod nang sa dukha’y maidulot
ang balita ng pagtubos. (Lk. 4, 18)
ALLELUIA

MABUTING BALITA Lukas 4:16-21

+ANG PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA NG


PANGINOON AYON KAY SAN LUKAS

Noong panahong iyon, umuwi si Jesus sa Nazaret na kanyang


nilakhan. Gaya ng kanyang kinagawian, pumasok siya sa sinagoga nang
Araw ng Pamamahinga. Tumindig siya upang bumasa; at ibinigay sa
kanya ang Aklat ni Propeta Isaias. Binuksan niya ang aklat sa dakong
kinasusulatan ng ganito:
“Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon,
sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga dukha
ang Mabuting Balita.
Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag
na sila’y lalaya, at sa mga bulag na sila’y makakakita;
Upang bigyang-kaluwagan ang mga sinisiil,
at ipahayag ang pagliligtas na gagawin ng Panginoon.”

Binalumbon niya ang kasulatan, at matapos isauli sa


tagapaglingkod, siya’y naupo. Nakatitig sa kanya ang lahat ng nasa
sinagoga. At sinabi niya sa kanila: “Natupad ngayon ang bahaging ito
ng Kasulatan samantalang nakikinig kayo.”

ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON.

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
HOMILIYA

PAGSASARIWA SA MGA PANGAKO SA PAGPAPARI

Pagkapatos ng homiliya, ang mga sumusunod o katumbas na pangungusap ay bibigkasin ng Obispong


para sa mg pari.

COMMENTATOR: Manatili pong nakaupo, ngayon gaganapin ng


ating mga kaparian ng pangako ng katapatan sa
pagliligkod at katapatan sa ating Obispo.
Inaanyayahan po ang ating taimtim na panalangin
para sa ating mga kaparian.

OBISPO: Mga kapatid kong pari,


ipinagdiriwang natin ngayon ang nangyayari noong Huling
Hapunan.
Ang mga alagad at tayong mga kahalili nila
ay pinagkalooban ng Panginoong Hesukristo
ng pakikiisa sa kanyang pagkapari.
Sa harap ng pagtitipong ito ng banal na sambayanan ng
Diyos na aking pinangangasiwaan bilang Obispo,
ipinangangako ba ninyong muli na kayo’y mamamalaging
tapat na lagad ng Diyos bilang mga pari ng bagong tipan na
pinagtibay ng Panginoong Hesus?

Mga Pari: Opo, ipinangangako ko.

OBISPO: Noong kayo’y ordenan, inako ninyo ang pananagutan sa


pagkapari bilang panata ng pag-ibig sa Panginoong Hesus
at sa kanyang Sambayanan.
Ipinangangako ba ninyong muli
na kayo’y matalik na makikiisa kay Kristo
na patuloy ninyong pagsisikapang tumulad sa kanya
sa pamamagitan ng kusang-loob

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
na pagtalikod sa pangsariling kaluwagan
upang kayo’y mamalaging laan
para sa paghahatid ng kanyang kapayapaan
at pag-ibig sa inyong kapwa.

Mga Pari: Opo, ipinangangako ko.

OBISPO: Ipinangangako ba ninyong muli


na matapat ninyong ipahahayag ang misteryo ng
pananampalataya at pangungunahan ninyo nang taimtim at
kaakit-akit ang banal na paghahain ng Pasasalamat
at ang mga iba pang ginagampanang pagsamba ng
Sambayanan bilang pagtulad sa Ulo at Pastol nitong si
Hesukristo na nagtuturo ng daan ng pananampalataya
at naglilingkod sa kapwa tao nang walang hangad gamitin ito
para sa pangsariling kapakanan?

Mga Pari: Opo, ipinangangako ko.


Ang mga sumusunod ay bibigkasin ng Obispo para sa mga nagsisimbang tao:

OBISPO: Mga kapatid, magdasal kayo para sa mga pari.


Ipakiusap ninyo kay Kristo na palakasin niya ang loob ng
mga pari upang mapangatawanan ang kanilang pananagutan
nang may ganap ma pag-ibig at katapatan
at upang kayo’y kanilang maakay
sa masaganang batis ng kaligtasan.
Mga nagsisimba:
Panginoong Hesukristo
pakiusap namin sa’yo:
mga pari’y tulungan mong
maglingkod sa mga tao
nang may diwa mong totoo.

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
OBISPO: Ako rin, na inyong Obispo, ay inyong ipagdasal.
Ako’y maraming kapintasan at kakulangan.
Ang mga ito’y huwag nawang maging sagabal sa tapat na
pagtupad sa pananagutan ng mga apostol
na iniatang sa akin ng Panginoong Hesus.
Ipakiusap ninyo sa kanya na siya’y aking matularan
sa pagiging Dakilang Pari at Mabuting Pastol,
Tagapagturo at Tagapaglingkod ng lahat
upang ang aking buong pagkatao ay maging tagapaghatid
ng maaasahan niyang paglagi sa piling ninyo araw-araw.

Mga nagsisimba:
Panginoong Hesukristo,
pakiusap namin sa’yo:
ang obispo’y tulungan mong
maglingkod sa mga tao
nang may diwa mong totoo.

OBISPO: Lingapin nawa tayong lagi ng mapagmahal na Panginoon,


panatilihin tayong nakikiisa sa kanya,
bilang mga pari at kaanib ng kanyang sambayanan,
na inaakay niya ng buhay ngayon at magpasawalng hanggan.

Lahat: Amen.

Ang Sumasampalataya at Panalangin ng Bayan ay lalaktawan sa pagmimisang ito.

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

COMMENTATOR: Tayo’y magsi-upo para sa Paghahanda ng mga


Alay.

AWIT NG PAG-AALAY

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
PRUSISYON NG MAG-AALAY
PAGHAHANDA NG MGA ALAY

COMMENTATOR: Tayo’y magsitayo.

OBISPO: Manalangin kayo mga kapatid


upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.

Bayan: Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan Niya at karangalan,
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang Banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

OBISPO: Ama naming lumikha,


ang pagganap namin sa paghahaing ito
ay siya nawang manaig sa dating kahinaan ng aming
pagkatao
at magpatatag sa aming pagbabago
at pagtubos sa amin
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
PAGBUBUNYI O PREPASYO
ANG PAGKAPARI NI KRISTO AT NG KAPARIAN

OBISPO: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumaiyo rin.
OBISPO: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon
OBISPO: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos
Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan.

OBISPO: Ama naming makapangyarihan


tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

Sa paglukob ng Espiritu Santo


ang iyong Anak ay naging lingkod mo
upang maihain ang bagong tipang
walang hanggan at ang pagganap nito’y
mapasaiyong sambayanan.
Itinatampok niya kaming sambayanan mo
upang kami’y makapaglingkod sa iyo.
Ipinamana niya ang kanyang ginampanan
sa mga hinirang at pinatungan ng mga kamay.
Sa pagsasalo sa huling hapunan,
ang paghahain ng Anak mong muling nabuhay
ay pinangunguluhan ng mga hinirang
para magmalasakit sa iyong angkang
dinudulutan ng Salita mo’t pagkaing bumubuhay.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,

10

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan.

SANTO

COMMENTATOR: Magsiluhod ang lahat.

OBISPO: Ama naming maawain,


ipinaabot namin ang pasasalamat sa iyo
sa pamamagitan ng aming
Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin na pari ang kamay at kukurusan niya ang tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal.

Ipinakikiusap namin sa pamamagitan ng Anak mong ito


na ang mga kaloob namin ay tanggapin at basbasan mo
+ sa pagdiriwang namin ng paghahain niya sa iyo.

Iniaalay namin sa iyo, unang-una


para sa iyong banal na Simbahang Katolika.
Pagkalooban mo ng kapayapaan at pagkupkop,
pagkakaisa at pagtataguyod,
ang mga kaanib nito sa sansinukob,
kaisa ng aming PAPA FRANCISCO, na iyong lingkod,
kasama ako na iyong abang lingkod
at ng lahat ng nananalig at nagpapalaganap
sa pananampalatayang Katoliko
na galing sa mga apostol.

Ama namin, iyong alalahanin


ang iyong mga anak na ngayo’y
aming idinadalangin.

Ang aming pananampalataya ay nababatid mo


gayundin din ang pagsisikap naming

11

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
maging tapat sa iyo.
Ang paghahaing ito ng pagpupuri ay aming iniaalay
para sa kapakanan namin
at ng mga mahal namin sa buhay,
para sa aming kalusugan
at walang hanggang kaligtasan
sa pagdulog namin sa iyong kadakilaan,
Diyos na totoo at nabubuhay kaylan man.

Kaisa ng buong Simbahan


pinararangalan namin ngayon, unang-una
ang Ina ng Diyos at Panginoon naming Hesukristo,
si Maria na maluwalhating laging Birhen,
+gayundin ang kanyang kabiyak ng pusong si San Jose,
ang iyong pinagpalang mga apostol at martir na sina Pedro,
Pablo, at Andres
at ang lahat ng iyong mga banal.
Pakundangan sa kanilang ginagawang kabutihan
at walang sawang pagdalangin
para sa aming kapakanan
kami ay lagi mong kalingain
at ipagsanggalang.
Ama namin, iyong tanggapin
ang handog na ito ng iyong buong angkan.
Loobin mong kami ay makapamuhay araw-araw sa iyong
kapayapaan. Huwag mong ipahintulot na kami ay mawalay
sa iyo kailan pa man. Ibilang mo kami sa iyong hinirang.

Lulukuban ng mga kamay ng pari ang mga alay habang siya’y nagdarasal.

Ama namin,
basbasan mo ang mga handog naming ito.
Marapatin mong sambahin ka namin
sa Espiritu at Katotohanan,

12

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
kaya para sa amin
ito ay gawin mong maging + Katawan at Dugo
ng pinakamamahal mong Anak,
ang aming Panginoong Hesukristo.
Noong bisperas ng kanyang pagpapakasakit,
hinawakan niya ang tinapay
sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay.
Tumingala siya sa langit, sa iyo,
Diyos Ama niyang makapangyarihan,
at nagpasalamat siya sa iyo.
Pinaghati-hati niya ang tinapay,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO


AT KANIN.
ITO ANG AKING KATAWAN NA IHAHANDOG
PARA SA INYO.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


hinawakan niya ang kalis na ito ng pagpapala
sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay,
muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO


AT INUMIN.
ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN.
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD
NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO

13

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
SA PAG-AALALA SA AKIN.”

OBISPO: Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

COMMENTATOR: Si Kristo’y namatay!


Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

OBISPO: Ama, kaming mga lingkod mo


at bumubuo sa iyong bayang banal
ay nagdiriwang sa alaala ni Kristo
na iyong Anak at aming Panginoon.
Ginugunita namin
ang kanyang dakilang pagpapakasakit,
ang pagbangon niya mula sa kamatayan,
at ang matagumpay na
pag-akyat niya sa kalangitan.
Kaya mula sa mga biyayang sa iyo rin nanggaling
inihahandog namin sa iyong
kataas-taasang kamahalan
ang paghahaing ito na katangi-tangi at dalisay:
ang pagkaing nagbibigay-buhay kailan man
at ang inuming nagbibigay kagalingang
walang katapusan.

Masdan mo nang buong kasiyahan


ang aming mga alay na ito.
Ganapin mo sa mga ito ang ginawa mo
sa mga handog ni Abel,
ang lingkod na matapat sa iyo,
sa paghahain ni Abraham,
na ama namin sa pananampalatayang totoo,
at sa inihandang tinapay at alak ni Melkisedek,
na paring hirang mo.

14

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
Paunlakan mo ngayong tanggapin
ang banal at dalisay na paghahain.

Makapangyarihang Diyos,
hinihiling naming iyong ipaakyat
sa banal mong anghel ang mga alay na ito
sa dakilang dambanang nasa iyong harap
upang sa pagsasalo sa banal na Katawan at Dugo
ng iyong anak
sa pakikinabang namin ngayon
dito sa banal mong hapag
kami ay mapuspos ng iyong pagpapala
at tanang pagbabasbas.

NAKIKIPAGMISA #1

Ama namin, iyo ring alalahanin


ang mga anak mong naunang yumao sa amin
sa paghimlay sa iyong kapayapaan
yamang ang tatak ng pananampalataya
ay kanilang taglay
at sila ngayo’y aming ipinagdarasal.

Sila at ang tanang nahihimlay


sa kandungan ni Kristo
ay aming idinadalangin sa iyo
upang iyong pagbigyang makarating
sa pagsasalo, pagliliwanag at pamamahinga
sa iyong piling.

NAKIKIPAGMISA #2

Kahit kami ay mga makasalanan mong lingkod


kami rin ay nagtitiwala sa iyong

15

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
nag-uumapaw na pagkamapagbigay
sa aming pamumuhay araw-araw.
Kaya pagindapatin mo ring
kami ay makaugnay at makapiling
ng iyong mga banal na apostol at martir
at ng lahat ng iyong mga banal.
Kami nawa’y makapisan nila
hindi dahil sa aming ginagawang
kabutihang kulang na kulang
kundi pakundangan sa iyong pagpupuno
sa aming kakulangan.
Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.
Sa kanyang pamamagitan
ang tanang mabubuting kaloob mong ito
ay lagi mong pinaiiral, pinababanal,
binubuhay, binabasbasan
at sa amin ibinibigay.

OBISPO: Sa pamamagitan ni Kristo,


kasama niya, at sa kanya
ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

16

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
ANG PAKIKINABANG

OBISPO: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob.

AMA NAMIN

OBISPO: Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama,


pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Bayan: Sapagka’t iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman! Amen.

OBISPO: Panginoong Hesukristo,


sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

17

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
OBISPO: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

Bayan: At sumaiyo rin.

OBISPO: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t-isa.

KORDERO NG DIYOS

COMMENTATOR: Tayo’y magsiluhod.

OBISPO: Ito ang Kordero ng Diyos


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Bayan: Panginoon, hindi ako karapat-dapat


na magpatuloy sa Iyo
ngunit sa isang salita mo lamang
ay gagaling na ako.

AWIT SA PAKIKINABANG

PANALANGIN SA PAGKAPAKINABANG

OBISPO: Manalangin tayo.


Ama naming mapagmahal,
kaming pinapagsalo mo sa banal na pakikinabang
ay marapatin mong maging masarap langhapin
dahil sa halimuyak ng Anak mong sumasaamin
bilang Tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.
18

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
ANG PAGBABASBAS SA MGA LANGIS AT PAGTATALAGA NG
KRISMA SA DIYOS

COMMENTATOR: manatili pong nakatayo ngayon ay gaganapin ang


pagbabasbas sa mga langis at pagtatalaga ng
Krisma.
Ipinahihiwatig ng Krisma na ang mga kristiyanong binibinyagan
na nakikiisa sa misteryo ng Pasko ng pagtawid ni Kristo at namatay at
nalibing na kasama niya, ay katambal niya sa kanyang pagkahari,
pagkapari, at pagkapropeta. Sa kumpil, ang mga kristiyano ay
tumatanggap ng pagkalukob ng Espiritu Santo.
Ipinahihiwatig ng langis para sa inihanda sa pagbibinyag ang
bunga ng pagwawaksi sa demonyo. Bago pumaroon sa bukal ng buhay
upang muling isilang, ang mga bibinyagan ay pinalalakas para maitakwil
ang kasalanan at ang demonyo.
Ipinahihiwatig ng langis para sa mga may sakit ang sinasabi ni
Apostol Santiago tungkol sa kagalingan ng buong pagkatao para akuin
ang tiisin at daigin ang demonyo sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.

PAGBABASBAS SA LANGIS PARA SA MAYSAKIT

Ang Obispo ay maglalagay ng insenso sa insensaryo

OBISPO: Ama naming makapangyarihan,


ikaw ang nagbibigay ng tanang kaaliwan at kagalingan
na dulot ng iyong Anak sa mga may karamdaman.
Paunlakan mo ang pagdalangin naming nananampalataya
upang itong langis na katas ng halaman
para sa aming kagalingan
ay puspusin mo ng Espiritu Santo na aming Patnubay
at ang iyong pagbasbas † nawa’y makamtan

ng mga papahiran ng langis na nakalaan

19

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
sa ikagagaling at ikakalusog ng mga may karamdaman
kaya’t basbasan mo † ang langis na ito
sa ngalan ng aming Panginoong Hesukristo
(kasama mo at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.)

B. Amen.

Ang Obispo ay magiinsenso sa binasbasang langis.

PAGBABASBAS SA LANGIS PARA SA MGA INIHAHANDA SA


PAGBIBINYAG

OBISPO: Ama naming lumilingap sa mga may pananampalataya,


basbasan mo † ang langis na ito
at bigyan mo ng karunungan at lakas ang mga papahiran nito
bilang paghahanda sa pagbibinyag.
Tulungan mo silang makinig sa Mabuting Balita,
matugunan ito sa kanilang pamumuhay,
at makasapit sa ligaya ng bagong pagsilang
bilang mga kaanib ng sambayanang iyong angkan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

B. Amen.

PAGTATALAGA NG KRISMA SA DIYOS


Ibubuhos ng Obispo ang balsam o pabango sa langis at ihahalo ito sa krisma nang hindi umiimik.

20

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
OBISPO: Manalangin tayo
upang itong langis ay basbasan
ng Diyos Amang makapangyarihan
para makamtan ang pagbabago sa kaibuturan ng katauhan
ng mga papahiran nito sa ikapagkakamit ng buhay
at dangal ng Poong Maykapal.

Panalangin ng Pagtatalaga

Ama naming Lumikha,


ikaw ang pinanggagalingan ng lahat ng pagsulong sa
kabanalan.Kapuri-puri ka at dapat pasalamatan ng iyong
Sambayanan.

Sa pasimula pa, ang lupa ay iyong inutusang tubuan


ng mga namumungang bungang-kahoy at halaman.
Mula sa bunga ng punong olibo
ang banal na Krisma ay ipinagkakaloob mo.
Matagal pa bago naging tao ang iyong Anak.
si propeta David ay umawit tungkol sa kagalakang dulot ng
langis na gagamitin sa mga sakramento ng iyong pag-ibig.
Noong magunaw sa baha ang makasalanang daigdig,
kay Noe ay niloob mong kalapati’y makabalik
taglay sa kanyang tuka ang tangkay ng olibo
upang ipahiwatig ang kapayapaang kaloob mo.
Kinusa mong noon pa ma’y mabanaag na ng tao
ang darating na higit pang dakilang kaloob mo.
Ngayon nga, ang aming mga kasalanan
sa tubig ng binyag ay nahuhugasan
at ang sinag ng kaloob sa aming kaligayahan

ay lalong pinatitingkad na pagpapahid ng langis ng olibo.


Iniutos mo kay Moises

21

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
na ang kapatid niyang si Aaron ay hugasan sa tubig
at gawin siyang pari sa pagbubuhos ng langis.
Dito rin ay mababanaag
ang iyong inilalaan sa aming dakilang hinaharap.
Ito’y ang pagbaba na may anyong kalapati
ng iyong sinugong Espiritu Santo kay Hesus kalakip ang
pasabi na siya’y Bugtong mong Anak na nagtatamasa ng
iyong pagkasi.
Ito’y naganap noong siya’y binyagan sa Ilog-Jordan
alinsunod sa kanyang kahilingan kay Juan.
Ito nga ang malinaw na katuparan
ng sinabi ni David noon pa mang araw
na si Kristo ay bubuhusan ng langis ng kagalakan
upang tanghaling pinakadakila sa lahat ng kanyang kapwa.

Lahat ng pari na nakikipagmisa ay maglalahad ng nakataob nilang kanang kamay na nakaturo


sa lalagyan ng Krisma, ngunit sila’y di iimik hangang sa katapusang ng Panalangin.

Kaya nga kami ay nananawagan sa iyo, Ama namin,


basbasan mo itong langis na iyong nilikha.
Sa pamamagitan ng iyong Anak na si Hesukristo
puspusin mo ito ng iyong Espiritu Santo.
Mula sa taguring Kristo sa iyong Anak,
ang langis na ito ay Krismang tinatawag.
na siyang langis ng paghirang sa mga pari at hari,
sa mga propeta at mga martir na di magagapi.
Ang Krismang ito ay maghatid nawa ng buhay at pagliligtas
para sa mga muling isisilang sa tubig ng binyag.
Mahugasan nawa ang kasalanang minana sa pagsuway ni
Adan.
Ang mga papahiran ng langis na banal
ay maging tahanan nawa ng iyong kadakilaan

upang sila’y magningning sa buhay at kabutihan


ang iyong ibinibigay sa mga binibinyagan.

22

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
Ang mga papahiran ng Krisma nawa’y makasalo
sa pagkahari, pagkapari at pagkapropeta ni Kristo.
Mapasakanila nawa ang buhay niya’y mag-aakay sa piling
mo. Maghatid nawa ng kaligtasan ang langis ng Krisma na ito
sa mga muling isisilang sa tubig ng Espiritu Santo,
Sa iyong kaharian, kamtan nawa nila
sa pamamagitan ni Hesukristo
ang buhay na magpasawalang hanggan.
B: Amen.

Ang Obispo ay magiinsenso sa binasbasang langis.

COMMENTATOR: Magsiupo ang lahat para sa ilang pabatid na


ibibigay sa atin ni Rev. Fr. Salvador Saturnino.
Chancellor ng ating Bikaryato.

COMMENTATOR: Magsitayo ang lahat.

MARINGAL NA PAGBABASBAS

OBISPO: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumaiyo rin.

OBISPO: Yumuko kayo at hingin ang biyaya ng Diyos.

OBISPO: Pagpalain nawa kayo at ingatan ng Panginoon


ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

OBISPO: Nawa’y kahabagan niya kayo at subaybayan


ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

23

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
OBISPO: Lingapin nawa niya kayo at
bigyan ng kapayapaan ngayon at
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

OBISPO: Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos


Ama at Anak + at Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

OBISPO: Humayo kayong taglay ang kapayapaan


upang ang Diyos at ang ating kapwa
ay mahalin at paglingkuran.

Bayan: Salamat sa Diyos

PANGWAKAS NA AWIT.
PANALANGIN PARA SA MGA PARI
Hesus, Pari magpakailanman, ingatan mo ang lahat ng mga pari
sa kandungan ng Iyong kamahal-mahalang Puso upang walang makasaling sa
kanila. Panatilihin Mong walang bahid ang kanilang banal na mga kamay
na sa araw-araw ay humahawak sa iyong kamahal-mahalang katawan.
Panatilihin Mong walang dungis ang kanilang mga labi
na sa araw-araw ay nalilinis ng Iyong kamahal-mahalang dugo.
Panatilihing malinis at di makamundo ang kanilang puso na may dakilang tatak ng
pagkapari.

Panginoong Hesus, kami ay nagsusumamo para sa tapat at masigasig na pari


Para sa di tapat at nanlalamig na mga pari

24

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION
Sa mga paring naglilingkod dito sa Pilipinas o sa ibang bansa,
Para sa iyong nalulungkot at napapabayaang mga pari
Para sa mga batang pari
Para sa mga nag-aagaw buhay na mga pari
Para sa mga kaluluwa ng iyong mga pari sa purgatoryo.

Itinatagubilin namin sa Iyo na iligtas ang lahat ng mga paring malalapit sa amin,
Ang mga paring nag gawad ng kapatawaran sa aming mga kasalanan,
Ang mga paring dinaluhan naming sa pagmimisa,
At nagbigay sa amin ng Iyong Katawan at Dugo sa Banal na Komunyon,
Ang mga paring nagturo sa amin,
Ang lahat ng mga paring pinagkakautangan naming ng loob sa anumang bagay.

O Hesus, panatalihin Mong malapit sila sa puso Mo


At padaluyin Mo sa kanila ang biyayang umaapaw ngayon at magpakailanman.
Amen.

25

500 YOC AND YEAR OF SAINT JOSEPH 2021


MARCH 24
CHRISM MASS CELEBRATION

You might also like