Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang ating pag-uusapan ay ang mga panlaping.

Kung handa na kayo, simulan na natin!

Nakakita na ba kayo ng isang tren?


Kung hindi pa, ganito ang itsura ng tren kung saan binubuo ng mga pinagdugtong-
dugtong na mga kwarto na may upuan na tinatawag na bagon.
Ang isang bagon ay hindi maaaring maging isang tren.
Kailangan ito ay sama-sama at magkakadugtong upang makabuo ng isang tren na
patuloy sa pagtakbo. Mas maraming bagon, mas mahaba ang tren.
Kagaya ng tren. Maaari din nating pahabain ang mga salitang ito.
Tulad ng tren maaari din nating pahabain ang mga salitang ito.
Basa – basain
Awit – umawit
Isda – palaisdaan

Ngunit ano ba yung mga letra at mga salitang inuugnay at ikinakabit natin sa
unahan o sa hulihan ng isang salita.
Sila ang tinatawag nating mga panlapi.
Ang panlapi ay mga letra o salita na dinurugtong sa salitang-ugat.
Mayroong limang uri ng panlapi
Unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan at laguhan.
Ito ang panlaping kinakabit sa unahan ng salitang-ugat.
Inom – uminom, sama – kasama, kita – nakita.
Isa pang mga halimbawa:
Bigay – nagbigay
Akyat – umakyat.
Pangalawang uri naman ng panlapi ay ang GITLAPI
Ito naman ang mga panlaping ikinakabit sa gitna ng salitang-ugat.
Sayaw: sumayaw
Sipa: sinipa
kanta: kumanta.
Isa pang mga halimbawa.
Kaway – kumaway
Pisa – pinisa
Sunod namang uri ay ang HULAPI
Ito ang panlaping kinakabit sa hulihang ng salitang-ugat.
Agaw – agawan
Punas – punasan
Laba – labahan
Isa pang mga halimbawa:
Langoy- langoyin
Tanggap - tanggapan
Pang-apat na uri ay ang kabilaan.
Ito ang panlaping kinakabit sa unahan at hulihan ng salitang-ugat.
Sayaw – magsayawan, basa – nagbasaan at tanong-katanungan
Ang huling uri ng panlapi ay ang laguhan.
Ito ang panlaping ikinakabit sa unaha, gitna at hulihan ng salitang-ugat.
Sikap – pagsumikapan, sigaw – ipagsumigawan, sigaw – mapagsasabihan
Tawa – mapagtatawanan at hingi – mapaghihingian.
Tandaan lamang na ang ating tinalakay sa linggong ito ay ang kahulugan ng
panlapi at mga uri nito.
At diyan nagtatapos ang ating talakayan para sa araw na ito sana ay may natutunan
kayo para sa susunod na aralin ating tatalakayin ang pagbibigay kahulugan sa mga
graph at pang-uri.
Hanggang sa muli, paalam.

You might also like