Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Hele Ng Ina Sa Kanyang Panganay

Ang akdang ito ay mula sa tulang A Song of a Mother to Her Firstborn na isinalin ni Mary Grace
A. Tabora. Mababatid sa tulang ito ang magkakaibang damdami ng isang ina, kasabay ng
walang kapantay niyang kaligayahan, sa pagsilang ng kaniyang unang anak.
Ayon sa ina, nais niyang makita ang anak sa kaniyang paglaki na maging isang mandirigma
upang matuwa ang ama nito.
Ang anak niya raw ay magiging isang mahusay na pinuno sa hinaharap. Ngunit kahit ano pa
raw ang marating nito ay hindi pa rin niya malilimot ang mga panahong musmos pa ito.
Iniisip din ng ina ang magiging buhay ng kaniyang anak sa hinaharap. Kung ano ang magiging
pagtanggap ng mundo sa mga katangian nito na hindi pa niya batid sa kasalukuyan. Ayaw niya
raw na mayroong masamang masasabi sa anak.
Kaligayahan ng isang ina na magsilang ng anak. Ngunit inilahad sa tula na yumao na pala ang
asawa ng ina na tumutula sa kaniyang panganay.
Sabi nitong ina sa kaniyang anak, katulad ng pagmamahal na ibinigay ng kaniyang asawa
noong nabubuhay pa, ganitong pagmamahal din ang ibibigay niya sa kaniyang anak. Sinabi rin
nito na hindi nila malilimot ang ama at habambuhay na gugunitain ito kahit nahihimlay na.

You might also like