Isang uri ng [agsasalitan na nagmula sa salitang Latin na “lectura”na ang ibig sabihin ay pagbabasa.
Tumutukoy sa oral na presentasyon ng mga impormasyon o karunungan na kailangan ng
tao para sa isang particular na paksa o asignatura. Ang mga aralin ay ginagamit upang ihatid ang mga kritikal na impormasyon, kasaysayan, mga teorya at iba pa. ➢ Halimbawa, maihahanay sa lecture o panayam ang sermon na ibinibigay ng mga pari sa kanilang homiliya o kaya ang pagbebenta ng produkto ng mga negosyante sa mga target na mamimili. Karaniwan na nakatayo ang mga lektyurer sa harap ng maraming tao sa loob ng silid o isang tiyak na lugar upang magsagawa ng pagtalakay sa paksa ng kanyang lektyur o lecture. ➢ Si Bligh (1972) ay naniniwala na ang lektyur o lecture ay isang paraan ng pagtalakay na ginagawa sa pamamagitan ng walang tigil na pagsasalita ng dalubguro. Higit na naging detalyado ang depinisyon nina Percival at Ellington (1988) sa konseptong ito na nagsabi na ito raw ay isang pamamaraan ng pagtuturo (didactic instructional method) na kinasasangkutan ng linyar na komunikasyon mula sa aktibong tagapag-salita tungo sa mga pasibong tagatanggap ng impormasyon