Professional Documents
Culture Documents
Kabanata 6 Pagtuturo NG Filipino Sa Elementarya I
Kabanata 6 Pagtuturo NG Filipino Sa Elementarya I
Kabanata 6
Pagpaplano sa Pagtuturo ng
Filipino
1|Pahina
Kabanata 6
2|Pahina
Talakayan
Ang Pagpaplano….Paano?
Ang mga pagpaplano o paghahanda sa pagtuturo ay ekstensyon ng katauhan at ng
isang guro.
Mahalaga ang pagpaplano at dapat na isinasagawa ito ng lahat ng guro. Bago pumasok
sa klasrum ang isang guro, taglay na niya ang ideya kung paano turuan ang kanyang klase.
Kaya lang, ang proseso ng pagpaplano at pagbabalak ng mga gawain sa pagtuturo ay
nagkakaiba-iba ayon sa oryentasyon at paniniwala ng isang guro. Bawat guro ay may sariling
paniniwala kung papaano maging isang mabisa at epektibong pagbabahagi ng pagkatuto.
Mayroong ginagawang komprehensibo dahil nakatala ang mga gawain dito mula pinakamalaki
hanggang sa pinakamaliit na detalye. Mayroon naming balangkas lamang ang gawain ang
nakalahad. Ang iba naming mga pagpaplano ay nasa isipan lamang ng guro at malamang na
ito’y hindi maisasagawa dahil maraming pangyayaring maaring maganap sa klase.
Makatutulong ng Malaki para sa isang epektibong pagkaklase ang mahusay na
pagpaplano. Maaring kontrahin ang katotohanan na ito lalo na ang mga guro na matagal na sa
pagtuturo. Ang isyu ay hindi tungkol sa kung kailangan baa ng pagpaplano kundi kung
paano ang pagpaplano. Walang isang tiyak na sagot sa tanong na ito. Sa mga bago pa lamang
sa pagtuturo, maaring ang masusing pagpaplano ay makatututlong ng malaki sa kanilang
pagtuturo. Samantala, sasabihin naman ng mga bihasang guro na kahit sila ay nakapikit ay
magagawa nilang makapagturo nang mahusay.
Maraming teknik para sa isang mabisang pagpaplano. Sa malawakang
pagpapakahulugan, ang pagpaplano ay tumutukoy sa mga gawain na nagbibigay direksyon
sa pagbuo ng ugnayan ng mga gawaing pang mag-aaral at gawain ng guro (Clark at Yinger,
1980). Ang ganitong depinisyon ay kumikilala sa pagkakaiba-iba ng personalidad at estilo ng
mga guro; pormal at masusing pagpaplano para sa mga gurong sensitibo sa pangangailangan
ng mga mag-aaral at impormal na proseso para sa iba.
Sa anumang pagpaplanong isinasagawa, kailangang bigyang-pansin ang mga
sumusunod: 1) ang mga layunin ng liksyon, 2) ang mga pamamaraan at pagkakasunos-sunod
ng mga teknik o estratehiya, 3) pag-alam sa kasaklawan ng pagtatamo o hindi pagtatamo ng
mga lilinanging mga layunin. Ang tatlong aspektong ito ay mahalagang bahagi ng mga layunin.
Ang tatlong aspektong ito ay mahalagang bahagi ng mga pagpaplanong isinasagawa ng guro
para sa isang pagtuturo bagama’t maaring hindi nabibigyan ng magkatulad na atensyon o
importansya ng bawat isa. Ang pang-araw-araw na banghay aralin na ginagawa ng guro bilang
paghahanda sa pagtuturo ay naayon sa kanyang intwisyon at mga desisyong rational tungkol
sa mga mag-aaral, sa nilalaman at mga kasanayanng lilinangin, at mga paraan at mga
etratehiyang gagamitin ng guro.
3|Pahina
Mga Isinasaalang-alang sa Pagpaplano ng Aralin
Ang isang guro ay nagpaplano upang makontrol niya ang maaring kalalabasan ng
pagkatuto. Magagawa niya ito sa pamamagitan ng pag-alam sa mga salik na
nakakaimpluwensya sa pagkatuto sa mga tiyak na sitwasyon. Sa pagpaplano kailangan ng isang
guro na-
Gamitin ang kanyang kaalaman sa:
• Kalikasan ng wika
• Pagkatuto ng wika;
• Paano natutuhan ang wika
• Mga salik sa epektibong pagkatuto;
• Mga sagabal sa pagkatuto;
• Mga kagamitan sa pagtuturo at
• Mga dulog, teknik pamamaraan at iba pa.
Pagtiyak o Pagbuo ng Desisyon tungkol sa:
• Ano ang dapat matutuhan;
• Gaano ang maaring matutuhan sa isang tiyak na panahon;
• Pag-aayaw-ayaw ng mga espisodo sa pagtuturo;
• Anog gawain at materyales ang gagamitin at kung saang episode;
• Paano masusubaybayan ang pagkatuto at paano makapagbigay ng pidbak;
at
4|Pahina
Bakit Mahalaga ang Pagpaplano ng Aralin (Banghay Aralin)
Ilang mga kadahilanan ang ilalahad dito kaugnay ng pagpaplano ng aralin:
1. Sa pagpaplano ng aralin, nabibigyan ng ppagkakataon ang guro na pagtimbang-
timbangin ang mga bagay na kaugnay ng aralin upang makapamili siyang mabuti ng
mga gawaing angkop ilapat sa bawat episodong pagkatuto bago ito ilahad sa klase.
2. May dalawang dimension ang mga gawain ng guro sa pagbabanghay ng aralin;
a. Mga gawain na isinasagawa bago pa man simulant ang pagtuturo.
b. Mga gawain ng isinasagawa sa loob lamang ng klasrum maisasagawa.
3. Nagagawang maihanda ng guro ang kakailanganing software at hardware sa pagtuturop
kung mas maagang mabubuo ang banghay aralin.
4. Ang banghay aralin ay magsisilbing isang talaan ng natapos na gawain. ito’y maaring
sangguniin ng guro sa mga darating na araw upamg makakuha siya ng mga
impormasyon hinggil sa kung anong mga gawain ang mabisa o di mabisa sa pagkatuto
ng mga batang kanyang tuturuan.
5. Ang pagbuo ng isang malinaw na desisyon ay isang mahalagang batayan sa pagpaplano.
Kailangan sa pagpaplano ang pinakamataas na lebel na pagbuo ng desisyon. Kung ang
pagpaplano ay hindi naging epektibo, malamang na hindi ito binigyang ng seyosong
atensyon.
Mga Salik na Isinasaalang-alang sa Pagbabanghay-Aralin
1. Ang mga panlahat na layunin at mga tiyak na layunin ay inaasahang matamo.
2. Katangian ng mga mag-aaral
3. Dating kaalaman ng mga mag-aaral
4. Mga gawain sa pagkatuto
5. Mga kagamitan sa panturo
6. Wikang kailangan sa pagsasagawa ng mga gawain
7. Oras o takdang panahon
8. Partisipasyon ng guro-mag-aaral
9. Pagbabalanse sa pagtatakda ng oras para sa mga gawain
10. Pagsusunod-sunod at pag-antas ng mga gawain.
Ang Banghay-Aralin
Ang banghay-aralin ay maaring tanawin bilang isang iskrip na sinusunod ng guro sa
pagtuturo ng isang tapik para sa isang tiyak na oras o panahon.
Ang banghay-aralin ay isang balangkas na layunin, paksang-aralin, pamamaraan,
pagtataya at mga hakbang na sunod-sunod na isinasagawa sa pagsasakatuparan ng mga layunin
at ikakatamo ng mga inaasahang bunga. Ito ay kalimitang may 4-5 bahagi.
I. Layunin (binubuo ng 3 pangunahing domeyn; ang kognitibo, apektib at
saykomotor)
II. Paksang-Aralin (binubuo ng Paksa/Pamagat ng paksa, sanggunian, kagamitan)
III. Pamamaraan (ito ay maaring binubuo ng motibasyon/pagganyak, pagtalakay sa
paksa, pangkatang gawain, paglalahat)
IV. Pagtataya (ito ay nakaugnay sa ginawang layunin)
V. Takdang-Aralin
5|Pahina
Tatlong Uri ng Banghay-Aralin
1. Masusing Banghay-Aralin
➢ Ito’y ginagamit ng mga bagong guroat mga gurong mag-aaral. Ginagamit din
ito ng mga datihan nang guro nang kapag naatasang magpakitang-turo. Sa
ganitong anyo ng ng banghay, nakatala pati mga tanong ng guro at ang
inaasahang dapat isagot ng mga mag-aaral.
2. Mala-masusing Banghay-Aralin
➢ Ito’y higit na maikli kaysa sa masusing banghay ng pagtuturo. Sa halip na
mayroon pang bahagi ang gawain ng guro at gawain ng mag-aaral binabanggit
na lamang nang sunod-sunod ang gagawin ng guro sa klase.
3. Maikling Banghay-Aralin
➢ Ito’y talagang maikli lamang sa banghay na ito, sapat nang banggitin kung
anong pamamaraan ang gagamitin ng guro o di kaya’y banggitin ang sunod-
sunod na hakbang sa maikling pangungusap.
6|Pahina
(Pinaghanguan:https://depedteacher.com/filipino-daily-lesson-log-dll-for-grade-7-12-1st-4th-
quarter/)
7|Pahina
8|Pahina
Ang mga Layuning Pampagtuturo
Ang mga layuning pampagtuturo (instructional objectives) ay pagpapahayag sa tiyak
na pananalita ng mga pagkatuto o gawain na inaasahang maipakita ng mga mag-aaral
9|Pahina
paagkatapos ng isang pagtuturo. Ang mga ito ay nararapat na isaad sa isang paraang tiyak, ang
pagganap dito ay nakikita ang bunga o kinalabasan ay nasususkat.
Dalawang Hakbang sa Pagbuo ng mga Layuning Pampagtuturo
a. Kailangang tukuyin ang mga inaasahang bunga ng pagkatuto.
b. Ang inaasahang bunga ng pagkatuto ay kailangang ipahayag na ang pagganap
ay namamasdan, alalaong baga, iyong pagganap o pagsasagawa ay makikita.
(Gronlond, 1991)
Ang ABCD Pormat sa Pagbuo ng mga Layuning Pampagtuturo
Ang ABCD pormat sa pagbuo ng mga layunn sa pagtuturo ay isang praktikal na lagom
ng mga talakay hinggil sa mga katangian ng isang mahusay na layuing pampagtuturo
(tinatawag din itong layuning pangkagawian o pupil performance objective).
1. A o Audience- ito’y tumutukoy kung kanino nakatuon ang pagtuturo atkung sino ang
gagawa ng mga task o gawain.
2. B o Behavior- ito’y paglalarawan ng mga nakikita o namamasid na gawi okilos na
inaasahang maipakita ng mga mag-aaral bilang bunga o resulta ng kanilang
pagkakahantad sa isang pagtuturo.
3. C o Condition- ito’y paglalarawa ng uri ng pagtataya o ebalwasyong gagamitin upang
makatiyak kung mayroong masteri sa itinakdang kilos o gawi sa pagkatuto.
4. D o Degree- ito’y paglilinaw hinggil sa painakamababang sukat o antas ng pagganap
sa gawain bilang ebidensya ng masteri.
B A
D
Pansinin na ang mga component na Audience, Behavior, Condition at
Degree ay maaring matagpuan sa unahan, gitna o hulihan ng isang layuning
pampagtuturo. Ang mga pagkakasunod-sunod ng mga component ay hindi
kritikal; ang mahalaga ay ang pagtiyak na nakapaloob ang apat na component
sa isang layunin.
10 | P a h i n a
Ang mga Domeyn ng Layuning Pampagtuturo
May tatlong batayang uri ng ng mga layunin sa pagtuturo. Ang mga ito’y napapangkat
sa tatlong domeyn (domain). Ang bawat domeyn ay kumakatawan sa isang particular na set ng
mga palagay at paniniwala tungkol sa kung paano natututo, kumilos at gumalaw ang mga mag-
aaral sa isang pagtuturong pangklasrum.
Kognitib Domeyn-
o Mga layunin na lumilinang ng mga kakayahan at kasanayang pangkaisipan ng
mga mag-aaral. Nakatuon sa paglilipat o transmisyon ng kabatiran at kasanayan.
o Pagkatuto ng batayang kabatiran, konsepto, paglalahat at mga teorya bago ang
manipulasyon at proseso sa paggamit ng kabatiran sa mga sitwasyong
lumulunas ng suliranin.
11 | P a h i n a
LEVEL 1: Pag-alala
✓ Ang lebel na ito ng pag-iisp ay tumutukoy sa sipleng paggunita o pag-alaala sa mga
natutuhang impormasyon. Ang mga salitang pangkagawian na ginagamit sa lebel na ito
ay: bigyang kahulugan, tukuyin, pangalnan, alalahanin, piliin, ulitin.
o Halimbawa: Natutukoy ang mga lalawigang bumubuo sa
Rehiyon IV.
Nabibigyang kahulugang ang mga salitang
ginamit sa kuwentong tinalakay.
12 | P a h i n a
Level 5: Sintesis
✓ Sa lebel na ito, kailangan na mapag-ugnay ang iba’t ibang impormasyon upang
makalikha ng bagong kaalaman. Ang mga salitang pangkagawiang ginamit sa ilalin na
ito ay: lumikha, bumuo, bumalangkas, pag-ugnayin, idesenyo, iplano at sumulat.
o Halimbawa: Nakasusulat ng ng dalawang talatang
sanaysay na kumikiling sa isang isyu at panindigan ang
sariling posisyon sa tulong ng mga paktwal na pahayag.
Apektib Domeyn
o Mga layunin na lumilinang ng mga saloobin, emosyon, kawilihan at
pagpapahalaga ng mga mag-aaral.
o Nauukol ang mga layuning pandamdamin sa paglinang ng mga saloobin,
emosyon, kawilihan at pagpapahayaga ng mga mag- aaral.
o Ito ay may limang kategorya, Pagtanggap (Receiving), Pagtugon (Responding),
Pagpapahayaga (Valuing), Pag-oorganisa (Organization), at Karakteresasyon
(Characterization).
Saykomotor Domeyn-
o Mga layunin na ang tinutungo ay ang paglinang ng mga kasanayang motor at
kasanayang manipulatib.
o Psycho o mag-iisip at Motor ay galaw.
o Napapaloob dito ang mga layuning makalilinang sa kasayang motor at
manipulatibo ng bawat mag-aaral.
13 | P a h i n a
TALAAN NG MGA LAYUNING PANGKAUGALIAN
(LIST OF BEHAVIORAL OBJECTIVES)
I. COGNITIVE (PANGKABATIRAN)
At the end of the lesson, the students are expected to:
(Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
14 | P a h i n a
23. Select materials relevant to... (Nakapipili ng mga kiagamitang may kaugnayan sa....)
24. Classify... (Nakapag-uuri nang....)
25. Analyze.... (Nakapagsusuri....)
26. Differentiate.... from.... (Nakikita ang pagkakaiba ng.... sa...)
27. Define.... clearly... (Nabibigyang kahulugan ang... nang naliliwanagan...)
28. Infer or deduce.... (Nahihinuha o napaghuhulo....)
29. Correlate..... (Nakapag-uugnay....)\
30. Arrange... (Nakapagsasaayos o naisasaayos....)
31. Discuss.... intelligently.... (Natatalakay ng buong talino...)
32. Establish... (Nkapagpapatunay/Napananatili....)
33. Emphasize that.... (Nabibigyang-diin na....)
34. Predict that..... (Nahuhulaan na...)
35. Specify...... (Natutukoy/Natitiyak....)
36. Observe carefully.... (Nakapagmamasid nang masusi....)
37. Record accurately.... (Nakapagtatalang tumpak....)
38. Attain... (Naaabot/Natatamo...)
39. Examine carefully... (Nasisiyasat na mabuti....)
40. Disseminate.... (Nakapagpapalaganap/Napalalaganap.....)
15 | P a h i n a
19. Value.... (Pahalagahan...../Napahahalagahan...)
20. Satisfy.... (Nasisiyahan.../Nabibigyang kasiyahan....)
21. Maintain.... (Napapanatili....)
22. Visit.... (Nadadalaw....)
23. Conserve... (Nakapangangalaga....../Napangangalagaan...)
24. Show respect for.... (Nakapagpapamalas ng paggalang sa...)
25. Initiate worthwhile projects..... (Nakapagsisimula ng mga proyektong kapaki-
pakinabang....)
26. Commemmorate.... (Alalahanin..../Gunitain.....)
27. Strengthen..... (Napalalakas..../Napatitibay.....)
28. Intensify.... (Napasisidhi...../Napatitindi.....)
29. Sharpen (Napatatalas..../Napatatalim....)
30. Exert more effort in.... (Nakapagsisikap nang higit sa.....)
31. Generate.... (Nakalilikha..../Nakapagbibigay.....)
III.PSYCHOMOTOR/ MANIPULATIVE
(PANGKASANAYAN/SAYKOMOTOR O PAGKAKAUGNAY NG KAISIPAN AT
KILOS)
1. Construct.... (Nakayayari..../Nakabubuo....)
2. Build..... (Nakagagawa..../Nakapagtatayo....)
3. Manipulate.... (Nakakahawak....../Nakagagawa....)
4. Make use of.... (Nakagagamit nang....)
5. Perform..... (Nakagagawa..../ Nakagaganap.....)
6. Measure..... (Nakasusukat.....)
7. Handle..... (Nakahahawak....)
8. Execute..... ( Naisasakatuparan..../Naisasagawa.....)
9. Install........ (Nakapagkakabit...../Nakapaglalagay....)
10. Copy..... (Nakasisipi..../Nakakukopya....)
11. Operate.... (Nakapagpapaandar..../Nakapagpapalakad....)
12. Connect... (Nakapagdudugtong..../Nakapag-uugnay-ugnay....)
13. Experiment on.... (Nakagagawa ng pagsubok sa...../ Nakapag-eeksperimento......)
16 | P a h i n a
IMBENTARYO NG LAPIT O DULOG AT ESTRATEHIYA O PAMAMARAAN
SA PAGTUTURO NG WIKA AT PANITIKAN
17 | P a h i n a
paglikom ng sapat na mga ideya o Bigyan ang mga mag-aaral ng
konsepto. sapat na pagkakataon para
magbasa, making at magsulat.
Ang dulog na ito ay Isinasagawa ito sa
sumasangkot sa prosesong pamamagitan ng pagtukoy sa
kognitibo gaya ng pagkukompara, pangunahing ideya o konsepto ng
pag-uugnay-ugnay, pagtukoy sa isang paksang aralin, pagbibigay
sanhi at bunga, paghula sa ng halimbawa, pagbabalik-tanaw
3. Unified Approach posibleng resulta at maging sa nakaraang pagtatalakay at
sinstesis ng isang paksa. Nilalayon pagbibigay-diin sa mahahalagang
nito na malinang ang mga mag- konsepto ng paksang tatalakayin.
aaral na suriin at busisiin ang
pangkalahatan o kabuuan ng mga
bagay-bagay.
Naniniwala and dulog na ito na Naisasagawa ito sa
ang pagkatuto ng wika ay may pamamagitan ng pagtatalakay sa
kinalaman sa paglinang ng ugali o mga tuntunin, pagbibigay-
gawi. Samakatwid, inaalam ang halimbawa, pagsasaulo at
4. Dulog Istruktural
istruktura ng wika at batay ditto ay panggagaya.
sinasanay ang mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pag-uulit at
pagsasaulo.
Ang lapit na ito ay gumagamit ng Nagagamit sa pamamagitan ng
5. Dulog Audio- teyp rekorder, larawan, pelikula, pagpaparinig ng mga tula, kanta at
Lingual slides upang mapadali ang iba pang gawaing kasasangkutan
pagkatuto ng wika. ng pandinig.
Panitikan
Binibigyang-diin ng dulog na ito Isinasagawa ang dulog na ito sa
ang mga elementong bumubuo sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga
katha. Tinatalakay elemento ng katha. Sa pagsusuri
1. Dulog Pormalistiko
angpagkakaugnay ng mga bahagi maaaring gumamit ng iba’t ibang
ng katha. grapikong pantulong sa pag-
oorganisa ng mga elemento.
Pinagtutuonan ng dulog na ito Nagagamit ang dulog na ito sa
ang pamantayang moral na pagsusuri sabisang taglay ng
nakapaloob sa akda. Pinag-aaralan panitikan, kaisipang moral, halaga
sa lapit na ito ang panitikan na may ng tao, karangalan at kadakilaan.
2. Dulog Moralistiko
pagtatangkang hubugin ang tao at Ang pagsasadula sa moral na
lipunan. nakapaloob sa akda ay maaring
isagawa upang maisabuhay ang
mga ito.
Pinagtutuonan ng pansin ng Nagagamit ang dulog na ito sa
dulog na ito ang mga elemento ng pagsusuri sa damdamin, aral at
panitikan kabilang na ang gawi ng tao batay sa kapaligirang
3. Dulog Sosyolohikal ugnayang sosyo-kultural, political sosyo-kultural. Pabuuin ang mga
at pamumuhay, damdamin,asal mag-aaral ng balita, pagtatalo o di
kilos at reaksyon ng tao. kaya’y reaksyong papel.
Tinatalakay sa dulog na ito ang Naisasagawa ito sa
nakakubling layunin ng mga pamamagitan ng pagsusuri sa
4. Dulog Sikolohikal
manlilikha at mga motibo ng mga emosyon, damdamin, kilos at
tauhan sa isang akda. gawing ng tauhan sa akda.
18 | P a h i n a
Nakatuon ang dulog na ito sa Naisasagawa sa pamamagitan
pagsusuri sa istilo at devices na ng pagpapasulat ng mga
ginamit ng mga awtor tulad ng komposisyon ayon sa pansariling
5. Dulog Istaylistiko
wikang ginamit, pananaw, estilo ng mga mag-aaral at iba
paglalarawan sa tauhan at mga pang gawaing susukat sa
tayutay. pagkamalikhain.
19 | P a h i n a
paksa para sa isasagawa halimbawa), pagsasanay (pasalita
pagpapalitran ng tanong-sagot. o pasulat) at pagsubok.
Ang pamamaraang ito ay ang Nagagamit ito kung ang
pagsasanib ng iba-ibang paksa at panitikan ay ginagamit bilang
2. Integrated Method paglalahad sa mga ito bilang iisang lunsaran ng pagtuturo ng wika o di
konsepto. kaya’y ibang larangan.
Ang pamamaraang ito ay ang Ginagawa ito sa pamamagitan
pag-aatas sa mga mag-aaral ng mga ng isahan o pangkatang talakayan,
3. Pamamarang Paulat paksang kanilang tata;akayin symposium o di kaya’y sa
isahan man o pangkatan. pamamagitan ng pagbabasa at
pagkukwento.
Ito ang pamamaraang Binibigyan ang mga mag-aaral
4. Pagtuturong nakapokus sa mga mag-aaral. ng kalayaang makisangkot sa
Isinaalang-alang ang input ng mga pansariling pagkatuto. Ang mga
Nakapokus sa Mag-
mag-aaral at hindi itinatakda patakaran ay iniaayon sa
aaral kaagad ang mga layunin. pangangailangan ng mga mag-
aaral.
Ang pamamaraang ito ay Nagagamit ito sa dalawahan o
5. Pagkatutong nagbibigay-diin sa interaksyon ng pangkatan kung saan nagkakaroon
Interaktibo mga mag-aaral at pag-unawa sa ng pagpapalitan ng mga ideya ang
konsepto ng iba. pangkat tungo sa ibang pangkat.
V. Mga Sanggunian
Mga Aklat:
Acero, Victorina O. et. al., Principles and Strategies of Teaching, Quezon City: Rex
Bookstore Inc. 2000.
Badayos, Paquibot B. Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Mga Teorya, Simulain
at Istratehiya, Makati City: Grandwater Publications and Research Corporation, 1999.
Electronic Sources
https://pr`ezi.com/z2kykr5bqzwz/mga-lapit-pagdulog-at-istratehiya/?webgl=0
MGA LAPIT, PAGDULOG AT ISTRATEHIYA, Abril 21, 2018.
https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=496386743776796&id=47647
2942434843. Abril 21, 2018.
Strategies in Teaching Literature:... (PDF Download Available). Available from:
https://www.researchgate.net/publication/317688529_Strategies_in_Teaching_Literature_Stu
dents_in_Focus [accessed Apr 20 2018].
20 | P a h i n a
KASUNDUAN SA PAGITAN NG MAG-AARAL AT GURO SA ASIGNATURA
Ako si , __________________________________________________________
nakatira sa ___________________________________________________ay opisyal
na nagpatala sa President Ramon Magsaysay State University-Santa Cruz Campus
ngayong _______ Taong Panuruan ________________, pumayag, nanumpa at
sumunod sa mga akademikong patakaran na nakapaloob sa silabus at masigasig na
sumunod sa lahat ng pangangailangan.
_______________________________________
(Pangalan at Lagda ng Mag-aaral)
Saksi (Witness):
_______________________________________
(Magulang o Tagapag-alaga at Lagda)
________________________________________
(Guro at Lagda)
Tandaan : Marapat na ibalik ang form na ito sa guro ng asignatura isang linggo
pagkatapos ng talakayan.
21 | P a h i n a