Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang nasyonal na eleksyon ay nalalapit na at ang marami sa mamamayan ay binibigyan ng pansin

ang darating na eleksyon na karamihan ay naghahangad ng pagbabago at ang mas ikabubuti ng


ating bansa. Marami ay nagpapahayag ng kani-kanilang mga presidente na pinapaburan, ngunit
kaakibat ng president ay mayroon rin tayong bise-presidente. Dapat tayong pumili ng lider na
may kakayahan upang mag serbisyo ng maayos at malinis sa ating bayan at nakakasiguro na
epektibo. Sa aking sariling pananaw, sa mga tumatakbo bilang sunod na ikalawang pangulo ng
Pilipinas, si Senator Kiko Pangilinan ang pinaka karapat dapat sa posisyon.

Mayroong siyam na kumakandidato sa posisyon ng pagiging bise-presidente. May sari-sarili


itong mga hangarin at plataporma na gusto magawa para sa bansa. May iba’t ibang persepsyon
ang bawat tao sa pagpili at kinukumpara ang mga ito sa bawat isa. Si Kiko Pangilinan ay nakapag
kamit ng iba’t ibang karangalan at nagtapos ng kanyang kolehiyo. Siya ay nag kumuha ng Bacher
of Arts in English Major in Comparative Literature at Bachelor of Laws sa Unibersidad ng
Pilipinas, Diliman. Karagdagan pa dito ay kumha siya ng Masters in Publis Administration Area
of Concentration: Strategic Management sa Harvard University – John F. Kennedy Scool of
Government. Si Kiko Pangilinan ay matagal nang nagseserbisyo sa publiko, noong 1988
hanggang 1992 ay nagging miyembro ng Quezon City Council, naging senator noong 2001
hanggang 2013 at 2016 hanggang kasalukuyan, senate majority leader noong 2004 hanggang
2008, senate minority leader sa taong 2017 hanggang 2020, at Presidential Assistant for food
security and agricultural modernizationat sekretarya ng kabite noong 2014 hanggang 2015. Sa
aking pananaliksik, si Sen. Kiko Pangilinan ay may adbokasiya para sa mga magsasaka at
mahihirap, siya ay nakapag-awtor ng 79 na mga batas at sa gitna ng pandemya ay patuloy parin
kumikilos para makatulong sa mamamayan ng ating bansa. Ilan sa kanyang mga nagawa bilang
katawan ng senado sa judicial at bar council ay; ang pag doble ng sweldo at benepisyo ng mga
kasapi ng hudikatura, dinagdagan ng P3 bilyon ang badyet ng hudikutura at ang sistemang
pang-hustisya ng Pilipinas, at hiniwalay ang mga batang nagkasala sa ,ga malalaking criminal.
Bilang chairman ng senate committees ng pabahay at eduksayon ay nakapagpatayo ng 1,000
gawad kalinga sites sa labas ng Metro Manila, 200 paaralan o classroom na naipatayo sa 45 na
probinsya sa 12 rehiyon.

You might also like