Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Khutbah Para sa Eidul Adha

Isinulat ni: Muhammad Macaraya Bani


#AbuShaykhani_Khutbah02

[UNANG KHUTBAH. HAMDALAH. AMMA BA’D]


Mga alipin ni Allah, dakilain natin si Allah sa napakadakilang araw na ito. Damihan natin ang pagpupuri at
pasasalamat sa Kanya hindi lamang sa pamamagitan ng ating mga dila kundi pati sa ating mga gawa. Ang araw na ito ng
Eidul Adha ay kabilang sa pinakamainam na mga araw sa buong taon. At ang paggawa rito ng kabutihan ay higit pa sa
gantimpala ng yaong tinahak ang landas ni Allah kung saan kanyang dinala ang lahat ng kanyang kayamanan at hindi na
bumalik sa kanyang bahay. Mayroon ba sa atin ang makakagawa niyon sa panahon ngayon? Na buong kayamanan niya
ay iaalay kay Allah. Subalit hindi yaon ang hinihingi sa atin ngayon ni Allah bagkus napakagaan na paggawa ng mga
kabutihang kayang-kayang isagawa ninuman lalo na ang pagtataguyod ng salah limang beses araw-araw at pagiging
mabuti sa mga magulang. Kumustahin natin sila sa araw na ito at sabihin natin sa kanila at ating ipadama sa kanila kung
gaano natin sila kamahal.

Mga kapatid sa Islam, napakaraming pagpipiliang mga kabutihan ang magagawa natin na may gantimpalang
napakalaki. Huwag po nating sasayangin ang pagkakataong ito.

Marahil lahat tayong narito ay kabisado natin ang pinakamaiksing surah sa Quran, na binubuo lamang ng tatlong
maiiksing ayah, ang Suratul Kawthar. Sa ikalawang ayah nito, na napakaraming beses nating narinig at nabasa:

ِ َ‫﴿ف‬
3-2 ‫سورة الكوثر آية‬ ﴾‫َألبَت ُر‬ َ ‫ك َواحْنَْر * ِإ َّن َشانَِئ‬
ْ ْ‫ك ُه َو ا‬ َ ِّ‫ص ِّل لَرب‬
َ
Na ang ibig-sabihin ay, “Magdasal ka (ng Salatu Eidil Adha) para sa iyong Panginoon at magkatay (ng qurban).
Katotohanang ang sumasalungat sa iyo (O Muhammad) ang siyang talunan.”

Hindi sa atin kaila, na maraming mga Muslim, kung saan kanilang pinag-iipunan ang pambili ng mamahaling
sasakyan, makabili ng bagong cellphone, sapatos, bag, at kung anu-ano pang luho samantalang hindi naman talaga
kailangan. Subalit hindi magawang mag-ipon para mag-alay kay Allah ng kambing na ang halaga kung ikukumpara sa
ating mga luho ay napakaliit na halaga!

Tanungin natin ang ating mga sarili, sa buong buhay ko, ilang beses na ba akong nakapag-qurban para kay Allah?
Pinaghahandaan ko ba ito? Inaalala ko ba ito? O mas inaalala ko pa, mas pinaghahandaan, at mas pinag-iipunan ang
koleksyon ko ng aking mga sapatos, bag, alahas, make-up, at mga damit? Na kahit maayos pa ang aking cellphone ay
nag-aalala ako at aking inaabangan ang paparating na bagong cellphone?

Mga kapatid sa Islam, isa po ito sa mga aral na itinuturo sa atin ng napakadakilang araw na ito ng Eidul Adha. Na
tayo ay gumastos mula sa mga biyayang ipinagkatiwala lamang din sa atin ni Allah.

Anumang nasa sa atin ngayon ay mga biyayang ipinagkatiwala lamang sa atin ni Allah at sa Araw ng Paghuhukom
ay tatanungin Niya tayo tungkol dito. Ang mga biyayang ito ay ipinagkatiwala sa atin ni Allah upang magamit natin sa
tama.

Hindi buhay ng ating mga anak ang hinihingi sa atin ni Allah na siyang isinubok Niya ating ama na si Propeta
Ibrahim alayhis salam. Nang siya’y utusan ni Allah na kanyang ialay ang kanyang kaibig-ibig na anak na si Ismail alayhis
salam. Ang ating ama na si Propeta Ibrahim alayhis salam ay hindi kailanman nagdalawang-isip maging ang kanyang anak
na si Ismail alayhis salam, na isa ring sugo ni Allah.

ِ َّ ‫ت ا ْف َعل ما ُتْؤ مر ستَ ِج ُديِن ِإن َشاء اهلل ِمن‬


ِ ‫ال يا َأب‬
102 ‫سورة الصافات آية‬ َ ‫الصاب ِر‬
﴾‫ين‬ َ ُ َ َ َُ َ ْ َ َ َ َ‫﴿ق‬
1
((Ang sabi ni Ismail sa kanyang ama, “O aking ama, isagawa mo ang anumang ipinag-utos sa iyo ni Allah. Sa
kapahintulutan ni Allah, ako ay matatapuan mong magiging kabilang sa mga matiisin.))

Napalaki ni Ibrahim ang kanyang anak na si Ismail sa napakainam na paraan at nahubog niya ito ng napakabuti.
Ikumpara natin sa pagpapalaki natin sa ating mga anak. Ang ating mga anak ay isa sa mga napalaking biyaya sa atin ni
Allah. Subalit kasama ng pagiging biyaya ay pagsubok din ito sa atin ni Allah. Naituro ba natin sa ating mga anak ang
pagiging masunurin kay Allah, ang pagbabasa ng Quran at pagsaulo rito, pagdarasal ng limang beses sa isang araw,
pagpasok sa madrasah, pag-aaral ng mga hadith ng Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam? O hinayaan lang natin ang
ating mga anak na manatiling mangmang sa Islam? Na ang ating mga anak na babae ay manatiling nakabuyangyang ang
kanilang mga buhok at nakatiwangwang ang hubog ng kanilang mga katawan? Na ang ating mga anak na mga lalake ay
pinabayaan nating naaadik at gumagastos ng pagkalaki-laki sa mga electronic games? Ang lahat ng ito ay pananagutan
natin. Kung inobligahan ni Allah ang mga magulang na tustusan ang kanilang mga anak sa mga pangangailangan nilang
pagkain ay mas lalong inobliga ni Allah na tugunin ang kanilang pangangailangang matutunan ang Islam. Dahil ito ay
tagumpay hindi lamang dito sa mundo kundi higit sa kabilang buhay.

Mga kapatid sa Islam, magbalik-loob tayo kay Allah. Ang araw na ito ng Eidul Adha ay araw ng pagsasaya at
pagsasalu-salo. Araw ng pagbabatian at pagpapatawaran upang higit nating makamit ang kapatawaran at habag ni Allah.
Araw na susupilin natin ang tukso ni Shaytan katulad ng pagsupil ni Ibrahim alayhis salam kay Shaytan kung saan
pinigilan siya nito na tuparin ang ipinag-utos sa kanya ni Allah. Ilang beses na hinarangan ni Shaytan at pinigilan si
Ibrahim na tuparin ang pag-aalay niya kay Ismail para kay Allah. Habang papunta si Ibrahim at Ismail alayhimas salam sa
lugar na kung saan kanilang isasagawa ang pag-aalay ay lumilitaw ang Shaytan upang pigilan at tuksuin si Ibrahim na
huwag ituloy ang ipinag-utos sa kanya ni Allah. Subalit sa awa ni Allah, si Ibrahim alayhis salam ay buo ang
pananampalataya at kanyang binabato si Shaytan upang iwanan sila nito.

Ilang beses din tayong pinipigilan ni Shaytan na huwag magpatawad sa mga nagkasala sa atin lalo na sa ating
mga kamag-anak kaya’t huwag nating hayaang si Shaytan ay manaig. Batiin natin ang ating mga kamag-anak, mga
kaibigan, mga kapitbahay lalo’t ang ating mga magulang, mga anak, at mga kapatid. Kahit malayo sila ay nariyan ang text
at messenger. Pinadali sa atin ni Allah ang lahat at wala na tayong mairarason pa.

Sa araw ding ito, yaong may pambili ng kambing ay mag-alay. Kung wala kang pera sa ngayon subalit may
parating ka ring pera ay maaari mo itong ipangutang. Kung nangungutang tayo nang dahil sa ating mga luho kahit na ito
ay bawal ay mas dapat na mangutang tayo para sa pang-alay natin kay Allah. Maaari tayong magqurban ngayong araw
ng Eidul Adha, ikasampu ng Dhul Hijjah hanggang sa ikalabintatlong araw ng Dhul Hijjah na siyang pinakahuling araw ng
Ayyamut Tashriq. May apat na araw pa po tayo para sa mga hindi nakapaghanda ngayong araw ng kanilang kakatayin.

Ang Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam ay nagsabi,

‫صالَّنَا‬
َ ‫ض ِّح فَالَ يُ َقِّربَ َّن ُم‬
َ ُ‫َم ْن َكا َن لَهُ َس َعةٌ َومَلْ ي‬
“Sinuman ang may kakayahan subalit hindi nag-qurban ay huwag na huwag lalapit sa aming mga masjid.”

Totoong hindi wajib ang pagku-qurban subalit ang Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam ay nagpahatid sa atin ng
babala ng pagkamuhi sa mga taong isinasawalang bahala ang pag-aalay ng tupa, kambing, baka, o kamelyo sa araw ng
Eidul Adha samantalang mayroon siyang pambili para maisakatuparan ito.

Mga alipin ni Allah, ito ay hindi kapistahan lamang ng mga Muslim kundi pati si Allah ay kabilang sa kapistahang
ito. Eidul Adha na ang kahulugan ay Piyesta ng Pag-aalay para sa Kanya. Nakapanlulumo na ang iba sa ating mga kapatid
na Muslim ay gumagastos ng pagkalaki-laki sa eleksyon, graduation, pati sa mga haram na wedding anniversary at
birthday celebration pero hindi magawa-gawang gumastos sa Eidul Adha.

2
Hindi lang isandaang beses (100) na nabanggit sa Quran at Hadith na tayo hinihikayat ni Allah na tayo ay
gumastos at magsadaqah na mula rin mismo sa Kanya ang gagastusin natin. At hindi lang din isandaang beses na patong
at doble ang gantimpalang ibabalik sa atin ni Allah kung tayo ay mag-alay para sa Kanya.

Ang tunay na Muslim ay tumutugon agad-agad sa panawagan ni Allah. Ang tunay na Muslim ay nagbibigay at
tumutulong sa kanyang kapwa Muslim na nangangailangan. Lalo na sa araw na ito. Huwag nating ipahiya si Allah at
huwag natin Siyang ikahiya! Ipagmalaki natin ang ating pagiging Muslim! Bago pa man dumating ang araw na tayo ang
mapahiya at maging kahiya-hiya.

‫سورة‬ ﴾‫صاحِلًا ِإنَّا ُم ْوقِنُو َن‬ ِ ِ


َ ‫ص ْرنَا َومَس ْعنَا فَ ْارج ْعنَا َن ْع َم ْل‬
ِ َ ‫وس ِهم ِع‬
َ ْ‫ند َرهِّب ْم َربَّنَا ّأب‬
ِ ِ ِ ‫ِإ‬
ْ ‫﴿ولَ ْو َتَرى ذ الْ ُم ْج ِر ُمو َن نَاك ُس ْوا ُرُؤ‬
َ
12 ‫السجدة آية‬
“At kung iyong makikita (sa araw na yaon), ang mga suwail ay nakayuko ang kanilang mga ulo sa kanilang Panginoon
(dahil sa pagsisisi, pagkahiya, at pagkapahiya at sila’y nagsasabing) ‘Panginoon namin, aming nakita at narinig (ang Iyong
mga kautusan at mga babala). Ibalik Mo po kami (sa mundo) at tunay na kami ay gagawa ng kabutihan. Kami ay ganap
nang naniniwala.”

Subalit sa araw na yaon, mga kapatid sa Islam, ay huli na ang pagsisisi at wala ng pagkakataon na makablik pa
rito sa mundo upang makabawi. Kaya’t ngayon pa lamang ay sunggaban na natin ang pagkakataon at panahon na narito
tayo sa mundong ito. Na gumawa ng napakaraming mga kabutihan at iwanan ang mga masasama, puksain ang luho ng
ating mga sarili, at lumayo mula sa mga tukso.

Hingiin natin kay Allah na ang mga narinig natin sa khutbang ito ay hindi lamang pumasok sa ating kabilang tenga
at lumabas agad-agad sa kabila bagkus ay tumatak sa ating mga puso at ating maisagawa. Idalangin natin kay Allah na
dekorasyonan Niya sa ating mga puso ang iman at paggawa ng kabutihan kaninuman. Hingiin natin kay Allah na gawin
Niyang kamuhi-muhi sa ating mga puso, mata, taynga, kamay, paa, at dila ang kufr, shirk, nifaq, at paggawa ng anumang
kasalanan at kasamaan.

ْ ٍ ‫اِئر ْالمُسْ لِ ِمي َْن مِنْ ُك ِّل َذ ْن‬


ِ ‫ب َفاسْ َت ْغفِرُوهُ ِإ َّن ُه َه َو ال َغفُو ُر الرَّ ح‬
.‫ِيم‬ َ ‫َأقُو ُل َق ْولِي َه َذا َوَأسْ َت ْغفِ ُر‬
"ِ ‫هللا لِي َولَ ُك ْم َول َِس‬

[IKALAWANG KHUTBAH. HAMDALAH. AMMA BA’D]


Mga alipin ni Allah, eksaktong isang buwan mula sa araw na ito ay darating ang isa pang dakilang araw nating
mga Muslim. Ang Yawmu Ashura’ na nagaganap tuwing ika-10 ng Muharram. Ang pag-aayuno sa araw na ito ay
kapatawaran mula sa nakaraang taon nating mga kasalanan. Iyon ang sunnah na ginagawa sa araw ng Ashura. Kung saan
ang araw ng Ashura ay ang araw na iniligtas ni Allah ang nasyon ni Musa alayhis salam mula sa mapang-aping si Fir’awn.
Kaya’t purihin natin si Allah at dakilain nang madalas.

Binanggit natin ito sa ating khutbah dahil hindi kaila sa atin na marami sa kapatirang Muslim ang mas higit nilang
kabisado ang mga petsa ng pagdiriwang ng mga Kuffar. Alam na alam nila kung kailan ang Valentine’s Day, New Year,
Christmas, Araw ng mga Patay at iba pa. At ang mas masama pa ay mas pinapahalagahan ito at mayroong mga Muslim
na nakikisali rito! At kung itatanong mo sa kanila kung kailan ang Eidul Fitr, ang Eidul Adha, ang Yawmu Ashura at iba
pang mahahalagang petsa sa Islam ay hindi nila alam. Hasbunallahu wa ni’mal wakil.

Kahapon naman, ikasiyam ng Dhul Hijjah ay ang Yawmu Arafah, ang araw na nagtitipon-tipon ang mga nag-hajj
sa Arafah at sila’y ipinagmamalaki ni Allah sa Kanyang mga anghel. Ang araw na pinakadakila sa buong taon. Ang araw na
pinakamainam na sinikatan ng araw. Ang araw na bumababa si Allah sa unang baitang ng langit. Itong langit na bughaw
na ating nakikita sa itaas. Ang araw na mas marami ang pinapatawad at pinapalaya ni Allah mula sa Apoy. Ang araw na

3
siyang pinakamainam na manalangin at humiling kay Allah. Sinumang nag-ayuno sa araw ng Arafah ay kapatawaran ng
kanyang mga kasalanan sa nakaraang taon at darating na isang taon ang matatanggap niyang gantimpala. Masha Allah!
Ito rin ang araw na kinumpleto ni Allah ang Islam para sa atin.

Sa huling taon ng buhay ng ating mahal na Propeta Muhammad sallallahu alayhi wa sallam, kung saan siya ay
nag-hajj at siya’y nasa Arafah kasama ng kanyang mga Sahabah radiyallahu anhum, ay ibinaba ni Allah ang ayah na,

3 ‫سورة املائدة آية‬ ﴾‫يت لَ ُك ُم اِْإل ْسالَ َم ِد ْينًا‬ ِ ِ


ُ ‫ت َعلَْي ُك ْم ن ْع َميِت َو َرض‬
ِ
ُ ‫ت لَ ُك ْم د ْينَ ُك ْم َوَأمْتَ ْم‬
ُ ‫﴿اَلَْي ْو َم َأ ْك َم ْل‬
“Sa araw na ito ay Aking kinumpleto ko para sa inyo ang inyong relihiyon. At aking ginanap para sa inyo ang Aking biyaya.
At pinili Ko ang Islam bilang inyong relihiyon.”

Ito po ang dahilan, mga kapatid sa Islam, kung bakit tayo ay nagdiriwang ngayong ikasampu ng Dhul Hijjah, ang
Eidul Adha, kung bakit tayo ay dapat na mag-alay. Ito ay pasasalamat kay Allah sa gabay ng Islam at hindi niya tayo
hinayaang maligaw. Nilikha niya tayo dito sa mundo bilang pagsubok. Nilikha niya tayo dito sa mundo at hindi Niya tayo
pinabayaan. Hindi lamang sa pangangailangan nating pisikal, pinansiyal, eomosyonal, intelektuwal kundi pati pang-
ispritwal nating pangangailangan ay Kanyang pinunan.

Kaya’t sa mga may kakayahan at sobrang pera, maghanda po tayo at mag-imbita lalo na ng mga mahihirap
subalit iwasan naman ang labis na pagsasayang. Magsaya po tayo at ipasyal ang ating mga pamilya subalit huwag sa mga
haram na gawain. Sa mga lider naman ng bawat pamayanang Muslim ay mag-organisa po tayo ng palaro para sa mga
bata, o kaya’y mamigay ng pagkain kahit simple o magsagawa ng mga patimpalak Islamiko kasabay ng pamimigay ng
mga papremyo. Ito ay upang maengganyo ang mga Muslim at magalak tuwing dumarating ang dakilang araw na ito ng
Eidul Adha lalo na sa mga kabataang Muslim at ito’y kanilang mabitbit hanggang sa kanilang paglaki. Hindi kaila sa
panahon natin ngayon ang kabi-kabilaang fitnah, pagsubok, at tukso na nagliligaw at naglalayo sa atin sa gabay ni Allah.

Ito pong Eidul Adha ay piyesta nating mga Muslim. Hindi sasayangin ni Allah ang pagsusumikap ng sinumang
nagsumikap sa mga dakilang araw na ito kaya’t huwag nating panghinayangan at hayaang makawala. At nawa’y
maipagpatuloy natin ang paggawa ng mga kabutihan kahit hindi Eidul Adha.

Nawa’y maging masaya at makabuluhan ang pagdiriwang natin at nawa’y makamit natin ang pagkalugod ni Allah
sa araw na ito.

[DUA]

You might also like