Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

FILIPINO 101

BAYBAYIN,
hindi ALIBATA
PAHAPYAW NA KASAYSAYAN NG SANAYSAY

Sa Panitikang Filipino, ang kaibahan ng


makata at ng mananaysay ay nasa
antas ng kanilang komunikasyon. Ang
makata ay nakikipag-usap sa
pamamagitan ng talinhaga. Samantala
ang mananaysay ay nakikipagtalastasan
sa pinakamaayos na anyo ng prosa.
( Salanga, 1990,1)
PAHAPYAW NA KASAYSAYAN NG SANAYSAY

Lumitaw lamang noong 1938 sa


bokabularyong Tagalog ang terminong
“Sanaysay”. Ang salitang ito ay nilikha ni
Alejandro G. Abadilla. Ayon sa kanya, ito
ay ang pagsasalaysay ng nakasulat na
karanasan ng isang pagsasalaysay.

Sanaysay: pagsasanib ng salitang “Sanay”


at “Salaysay”
PAHAPYAW NA KASAYSAYAN NG SANAYSAY

Naging pamantayan ni Abadilla sa


pagsasanaysay ang mga kanluraning
modelo. Nagsimula ito kay Michael
Eyguem de Montaigne noong 1580 sa
kanyang Essais na “naglalaman ng
kanyang mga pagpapalagay at
damdamin, at noo’y nangangahulugan
ng mga pagtatangka, mga pagsubok at
pagsisikap.” (Matute, 1984,1)
KATANGIAN NG SANAYSAY

- May estruktura
- Organisado ang mga ideya
- Makatotohanan at kapani-paniwala
- May estilo o paraan
DALAWANG URI NG SANAYSAY BATAY SA ANYO

1. Pormal o Maanyo – masining ang pag-


oorganisa ng datos, malinaw, lohikal, at
kapani-paniwala ang mga pagpapaliwanag.
2. Impormal o malikhain – nagpapaliwanag sa
mga gawi, kostumbre at estilo ng
pamumuhay ng mga katutubo (Quindosa-
Santiago,2006)
BAHAGI NG SANAYSAY

Panimula
Katawan
Pangwakas
LAKBAY-SANAYSAY (TRAVEL ESSAY, TRAVEL
LITERATURE O TRAVELOGUE)

- Isa sa pinakapopular na anyo ng sanaysay.


- Isang sanaysay na hindi lamang tungkol sa isang lugar
o paglalakbay. Ito rin ay tungkol sa kung ano ang
madidiskubre ng isang manunulat tungkol sa
pamumuhay ng mga taong naninirahan sa lugar na
iyon.
LAKBAY-SANAYSAY (TRAVEL ESSAY, TRAVEL
LITERATURE O TRAVELOGUE)

Iba’t ibang Pokus ng Lakbay-Sanaysay:


Pilgrimage, Heritage, Shopping, Kulturang Popular,
Ancestry, Masining, hobby, literary, whale watching,
culinary, ecotourism, volunteer, walking tour, at
marami pang iba.
LAKBAY-SANAYSAY (TRAVEL ESSAY, TRAVEL
LITERATURE O TRAVELOGUE)

BAGUIO TRIP
Bilang isang kabataan, nais kong pumunta
sa iba’t ibang lugar na may iba’t ibang
tanawin. Lalong lalo na ang mga lugar na
talaga namang tinatangkilik ng mga turista,
mapadayuhan man na galing ibang bansa o
yung mga taong doon na mismo sa lugar na
yon lumaki at nagkaisip. Hindi ko ginagawa ito
upang magbakasyon lamang at magmuni –
muni kundi para malaman ko kung saan at
paano nga ba ganoon ang tawag sa lugar na
iyon.
LAKBAY-SANAYSAY (TRAVEL ESSAY, TRAVEL
LITERATURE O TRAVELOGUE)

At ang huli naming pinuntahan sa Baguio, at


ang huling araw na rin namin doon ay
ang Strawberry Farm. Dito mo
matitikman ang masasarap na strawberry
na tinatawag din na Preyas. Sa loob ng
tatlong araw namin sa Baguio ay marami
akong nalaman sa lugar na iyonat dito ko
rin nalaman kung bakit nga ito
tinatangkilik ng mga turista.
MGA DAHILAN SA PAGSULAT NG LAKBAY-
SANAYSAY

1. Itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsulat


2. Makalikha ng patnubay para sa mga posibleng
manlalakbay
3. Itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay
tulad ng pag-unlad ng ispiritwalidad, pagpapahilom, o
kaya’t pagtuklas sa sarili
4. Isadokumento ang kasaysayan, kultura, at
heograpiya ng lugar sa malikhaing paraan.
PICTORIAL ESSAY

Ang pictorial essay ay isang koleksyon ng mga


imahe na inilagay sa isang partikular na
pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang
mga pangyayari, damdamin at mga konsepto
sa pinakapayak na paraan.
PICTORIAL ESSAY
PICTORIAL ESSAY
PARAAN PAGBUO NG PICTORIAL ESSAY

1. Siguraduhing pamilyar sa paksa


2. Kilalanin kung sino ang mambabasa
3. Malinaw ang layunin
4. May kaisahan ang mga larawan
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGGAWA NG
PICTORIAL ESSAY
✓ Maghanap ng paksa ayon sa interes
✓ Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa
ang pictorial essay
✓ Hanapin ang tunay na kwento
✓ Ang kwento ay binuo upang gisingin ang
damdamin ng mambabasa
✓ Pagpasyahan ang mga kukunang larawan
✓ Bigyang-diin ang iba’t ibang konsepto o
emosyon maaring pinagtagpo kasama ang
iba pang mga larawan
REPLEKTIBONG SANAYSAY
• Isang sanaysay na hindi lamang upang
matalakay ang natutunan,bagkus iparating
ang pansariling karanasan at natuklasang
resulta sa espisipikong paksa.
• Naglalayon din ito na maipabatid ang mga
nakalap na impormasyon at mailalahad ang
mga pilosopiya at karanasan
• Isang akademikong sanaysay
• Natutuklasan ang sariling pag-iisip tungkol
sa isang paksa
• Hindi kailangan ng sanggunian
• Personal at subhektibo

You might also like